WARD 7

2890 Words
Natapos ang buong araw na walang sintomas ako nararamdaman. Hindi ko alam kung magandang senyales iyon o baka mas malala lang ang mangyayari sa akin. Sinabi naman din noon ni Doktora Andrea na ako ang tanging pasyente nila na may pinakamabagal na pagkalat ng virus sa buong katawan. Marahil na rin dahil sa sanay ako magkasakit kaya tila ang virus pa ang nag-aadjust sa akin. Sinubukan kong maupo mula sa higaan para pahingahin ng kaunti ang aking likuran mula sa matagal na pagkakahiga. Medyo bawas na rin kasi ang aparatong nakakabit sa akin kaya medyo nagagawa ko na makagalaw nang kaunti. "Congratulations on surviving then," biglang sambit ni Flare out of nowhere, "Na-clear mo ang third day without any problem." Napangiti ako sa kanya. "Inaasahan mo talaga na mamamatay na ako ngayon?" natatawang sambit ko, "Sorry, maybe I am look weak but I'm a tough one." Natatawang napailing siya ng kanyang ulo. "Yeah, yeah," umaayong bulalas niya para suportahan ang sinambit ko, "You're tough." "Infairness, kinakausap mo na muli ako," pagpuna ko pa sa kanya, "Kahit sinabi mo na hindi mo na ako kakausapin." Napakamot siya ng batok nang tila ngayon niyo lang napansin iyon. Nahihiyang napaiwas pa siya ng tingin sa aking gawi at mukhang binabalak na naman yata na hindi ako kausapin. "Tss... Ngayon lang ulit tapos hindi na muli," singhal niya saka nahiga muli sa kanyang higaan. Mapang-asar na nginitian ko siya. "Sigurado ka ba diyan? Paano kung kausapin mo muli ako bukas?" taas kilay na sambit ko, "Ano magiging kapalit kung ganoon?" Sinamaan niya ako ng tingin para tumigil ngunit mas lumawak lang ang aking ngiti sa kanyang inaasta. "Fine. You win," pagsuko niya, "Hindi ko kayang hindi ka kausapin since tayo lang naman ang nandito sa kwartong ito. Makakatulong din naman sa akin na kausapin ka para malibang libang sa pagkaburo sa higaang ito." Napasuntok ako sa ere para ipakita na nanalo ako sa aming argumento na ikinasimangot naman niya. "Wala naman kasi masama kung kausapin mo ko," sambit ko sa kanya, "It's a win-win situation dahil pareho lamang tayo pasyente rito. Kaya sino pa ba ang magtutulungan sa oras ng krisis kundi tayo lang din dalawa di ba?" "But please don't write it on your notebook," nakasimangot niyang sambit. "Oh I can't do that," pagtanggi ko roon sa kanyang hinihiling, "Hanggang nandito ang notebook na ito ay isusulat ko roon ang mga ginagawa ko. It is my way of living kaya huwag mo na masyado pagtuunan pa ito ng pansin." "As if! Sa oras na makaalis ako sa higaang ito. Aagawin ko ang notebook na iyan. Malay ko ba kung ano ang sinusulat mo riyan tungkol sa akin," nakasimangot na banta niya sa akin, "Tandaan mo! Hinding hindi ko na ibabalik sa iyo iyan kapag nakuha ko." "Oh sure," paghamon ko pa sa kanya, "Take it if you can," dagdag ko na ikinasimangot pa niya lalo. "I will really do that," pagbabanta niya muli, "Susunugin ko pa kung kinakailangan." "Okay," pagbibigay ko pa sa kanya ng awtoridad na gawin iyon kung kaya niya. Kaso bigla siya natahimik habang nakatitig siya sa puting kisame at tila may malalim na iniisip. Narinig ko pa ang pagbuga niya ng malalim na hininga. Nagtataka naman ako napataas ng kilay sa biglang pananahimik niya. "Vana, sa totoo lang ay talagang masaya ako na buhay ka pa ngayon," bigla niyang sabi na punung puno ng kaseryosohan, "Masakit para sa akin na makakakita ng taong namamatay sa aking harapan. Within this room napanuod ko iyon ng apat na beses. Ilang beses ko iyon napapaginipan. Ilang beses din ako nawalan ng pag-asa na mabuhay pa." Unti unti nawala ang ngiti sa aking labi. "Don't worry sisirain ko ang record na iyon," kompiyansang sambit ko, "Wala ka na muli makikitang mamamatay sa kwartong ito." Nilingon niya ako at kita sa mga mata niya na umaasa rin siya na mangyayari iyon. "Sana nga lalo na ngayon na umaasa ako na pareho tayo gagaling at makakalabas ng ospital na ito," sambit niya at nakangiti ngayon sa akin kaya napangiti muli ako. "Of course!" sang-ayon ko na punung puno ng kompiyansa na mangyayari iyon sa hinaharap, "Makakalabas tayo at ligtas na makakabalik sa ating mga pamilya na nag-aabang sa ating pagbabalik." *** Nagpatuloy pa ang aking mga araw sa ospital. Kakain at matutulog. May darating na mga nurse para i-check ang status ng mga aparato na nakakabit sa amin at mga doktor para i-update ang mga medical diagnosis nila sa kani-kanilang clipboard. Ngunit hindi ko pa rin maiwasang mag-alinlangan sa mga klase ng gamot na tinuturok nila sa amin ni Flare. Habang tumatagal kasi ay padami ng padami ang dosage nito. Minsan pa ay nakakaramdam ako ng panghihina pagkatapos ma-injection-an. Minsan ay nakakaranas din ako ng pamamanhid ng katawan. Ganoon din ang nararamdaman ni Flare nang minsan ay tanungin ko siya. Nang tinanong ko ang panibagong nurse na nag-aasikaso sa akin sa kung anong gamot ang tinuturok nila sa amin. Ang sinagot niya sa akin ay pain reliever ang mga iyon kaya nagkakaroon kami ng pamamanhid ng katawan. Iba ang sagot na iyon sa unang sinagot sa akin ng nurse na antibiotic lang ang itinurok nila sa akin. Sa muli ay may namumuo na namang suspetya sa aking isipan. Pilit ko man ito binabalewal pero talagang iba ang kutob ko. Palagay ko ay ginagamit nila kami na test subject ng mga ginagawa nilang gamot nang wala man lang pahintulot namin. Nagiging pabago bago kasi ang gamot ang tinuturok nila at nagkakaroon din ng iba't ibang side effects. Hindi maganda iyon para sa aking katawan na mahina na mula sa aking kapanganakan. "Five injections for Flare at three injections ang nakukuha ko this day," sambit ko habang sinusulat iyon sa aking notebook kasama ang kulay ng gamot at dosage na itinurok nila sa akin pati na rin ang mga nagiging side effects ng bawat kulay ng gamot, "Dalawang beses nila ginagawa iyon. Sa umaga at bago matulog." Sinamaan naman ako ng tingin ni Flare. "Pati naman iyon sinusulat mo diyan?" hindi niya nasisiyahang sambit, "Wala ka talaga magawa, ano? Baka sa susunod pati oras ng pagdating ng mga nurse at doktor ay isulat mo na rin diyan. Mag-gwardiya ka na lang sa pinto kung ganoon." Napahinto ako sa pagsusulat at tinignan ng matalim si Flare. Hindi ko alam kung magkasundo ba kami o magkaaway. May oras kasi na mabait siya at malambing, minsan naman ay parang may dalaw at naghahanap ng away. Katulad na lang ngayon, naghahanap na naman siya ng away. "May dalaw ka na naman," singhal ko sa kanya at nilabas pa ang dila sa direksyon niya para lalo siyang asarin. Isang linggo na rin ang nakalipas magmula sa last na attack niya. Kaya any moment ay maaaring maramdaman niya ang huling at pinakamalalang sintomas ng virus. Iyon ang dahilan kaya naging maya't maya ang pagtingin sa kanya ng mga nurse. Pinayuhan din nila ako na tawagin sila agad kapag napansin ko na paglabas ng sintomas kay Flare. Kaya ayaw ko man ay nagsisilbi niya rin akong bantay. Nitong nakaraan din ay napapansin ko ang palaging pagkausap niya sa akin sa walang ka-kwentang-kwenta na bagay. Marahil natatakot siya sa maaari niyang kahantungan pagkatapos ng huling sintomas kaya naghahanap ng makakausap at humuhugot doon ng lakas na loob. "Ah! Nababagot na ko rito!" malakas na pagrereklamo niya at tinaas baba ang kanyang higaan, "Wala bang ibang pwedeng gawin bukod sa buong araw na mahiga sa kamang ito?" "E di magsulat ka rin sa isang notebook. Nakakalibang ito promise," mabilis na suggest ko sa kanya, "Kung gusto po ay ipanghihingi kita kay Doktora Andrea ng susulatan pagdating niya mamaya." Napasimangot siya at sinamaan muli ako ng tingin. "Nah! No thanks," pagtanggi niya, "Wala akong hilig sa pagsusulat. It's a girly thing to do." Napataas ako ng kilay sa mabilisan niyang pagtanggi sa aking suggestion. Nababagot siya pero ayaw naman gawin ang sinasabi ko. Ang hirap niyang kausap. "Ano ba kasi mahilig mong gawin?" pagtatanong ko sa kanya. Napahawak siya sa kanyang baba at tila napaisip ng gustong gawin. "Hmmm. Gustung gusto ko na pinapakilig ang girlfriend ko sa mga corny jokes ko. Ang cute cute niya kapag namumula ang pisngi niya kapag ginagawa ko iyon. Damn! I really miss her," nangungulilang pag-amin niya na ikinairap ng aking mga mata. Hindi naman kasi masyadong niyang ipinahahalata kung gaano siya ka-head over heels sa kanyang girlfriend. Lagi na lang ito ang bukam bibig niya at atat na atat na makaalis ng ospital para mabalikan ito. Minsan tuloy ay napapaisip ako na totoo ang sinasabi niya o nag-iilusyon na lang siya. "Ano ba ang pangalan ng girlfriend mo?" bigla kong pagtatanong sa kanya at para ibaling na rin ang aming usapan, "Never mo pa nabanggit sa akin." "Tss. Balak mo isulat diyan sa notebook mo 'no?" nakasimangot na sambit niya saka naghalukipkip ng braso, "Ayoko ngang sabihin." Nagkibit na lang ako ng balikat at hindi na siya pinilit na sabihin ang pangalan ng kanyang girlfriend. Nagmamagandang loob lang naman ako na magkasaysay paminsan minsan ang takbo ng aming usapan. Minsan kasi itananong niya sa akin kung bakit puti ang uniporme ng mga nurse at doktor. Minsan din ay tinanong niya sa akin kung bakit nagyeyelo ang hinahain sa akin na pagkain at kung bakit tila enjoy na enjoy pa ako na kainin iyon. Inalok ko nga siya minsan ng pagkain ko at diring diri niyang iniluwa iyon at tinawag pa ako na isang 'weirdo'. Nagpatuloy na lang muli ako sa pagsusulat at isinulat doon ang mga kakaibang napansin ko pa sa mga asta ng mga nurse. Nitong nakaraan kasi ay paiba iba ang mga nagiging nurse na dumadating sa kwarto namin. Isa pa sa ipinagtataka ko na mula ng mag-away si Doktora Andrea at Doktor Mark ay hindi ko na muli nakita o narinig ang lalaking doktor. Bigla na lang siya naglaho na parang bula. Napag-alaman ko rin ang tungkol sa classification na ginagawa nila sa mga pasyente. Fire type para sa mga infected na nagiging pula ang buhok. Ice type para sa tulad ko na nagiging light blue ang kulay ng buhok. Earth type para sa mga pasyenteng nagiging kulay berde ang buhok at ang huli ay ang air type na nagiging kulay silver ang buhok ng pasyenteng infected. Kung iisipin nakapa-weird ng naisip nilang paraan para i-classify ang mga pasyente base sa kulay lamang ng kanilang buhok. "Hazel," bigla sambit ni Flare sa kalagitnaan ng aking muling pagsusulat kaya tinaasan ko siya ng kanang kilay, "Hazel Marie Valdez ang pangalan ng girlfriend ko," proud na proud pa niyang hayag. "Oh... Kay..." Napaikot na lang ako ng mata dahil sasabihin din pala niya at dami pang inarte. "She is my childhood friend and first love. Luckily, after many years of courting her, she become my first girlfriend," napangiting dugtong niya at tila nagliliwanag pa ang mga mata habang inaalala ang kanilang nakaraan, "Our love story is like a fairytale. Marami ang nagsasabi na pinagtagpo talaga kami ng tadhana at para sa isa't isa. Kinaiinggitan at hinahangaan din ng mga nakakakilala sa amin. Halos magkadikit na kami sa aming bewang dahil hindi kami magpahiwalay. Ngunit mukhang sinubok ang pag-iibigan na iyon ng mapositibo ako sa EVOL virus. The last time I saw her, she was crying while desperately trying to grasp my hand nang sampilitang kunin ako ng gobyerno para dalhin rito. But I promise her na babalik ako ng buhay at ipagpapatuloy ang aming magkasamang pangarap." Hindi ko maiwasang malungkot para sa kalagayan ngayon ni Hazel na nag-aabang sa kanyang pagbabalik. Naiitindihan ko na rin kung bakit desperadong desperado siya na mabuhay. Talagang may pinaghuhugutan siya ng lakas. I will pray na dumating ang araw na makabalik nga si Flare sa kanya. "You really love her huh," natatawang sambit ko at hindi maiwasang mainggit kay Hazel dahil may Flare siyang mahal na mahal siya. I hope na makakita rin ako ng taong mamahalin ako katulad niya. "Yes," sang-ayon niya at umaasang tumingin sa kisame, "At sa oras na makabalik ako, plano ko na rin mag-propose ng kasal sa kanya." Napangiti muli ako at inimagine si Flare na nasa harapan ng simbahan. "Imbitahan mo ko riyan huh," pag-bo-boluntaryo ko, "Gawin mo ko isa sa mga abay niyo man lang." Napahalakhak na si Flare at halatang iniimagine niya ang magiging kasal nila ni Hazel. Kitang kita sa kanyang mga mata kung gaano niya kamahal ang nobya niya. Lunod na lunod siya sa pagmamahal niya rito. "Sure... basta walang mamamatay sa ating dalawa." *** Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay nakatulog muli si Flare. Umupo muna ako sa aking higaan para iunat ng aking katawan na nangangawit na rin sa mahabang pagkakahiga. Napabuga ako ng malalim na hininga habang napatingin sa ilang hibla ng aking buhok. Walang pagbabago rito at nasa isang centimeter pa lang ang kulay na light blue mula sa tip nito. "Nakakapagtataka na binabago ng virus ang kulay ng buhok naming mga infected," bulong ko, "Kakaiba talaga ang virus na ito mula sa karaniwan." Napatingin ako sa notebook at napansin ang nakausli roon na medical report na itinago ko. Hindi ko malimutan ang naging usapan ng ilang nurse na nag-asikaso sa akin. Namatay ang pasyente nila sa room 309 sa eksaktong araw at oras na nakalahad sa medical report na hawak ko. Tamang tama pa na sa room na iyon din naka-assign ang nangangalan sa medical report na ito. Ayoko talaga magsuspetya ng masama ngunit habang tumatagal ay marami pa ako nalalaman na siya lalong nagpapatunay na tama lang ang hinala ko. "Devon huh," banggit ko sa pangalan ng lalaking namatay sa room 309, "Ano kaya ang nangyari o ginawa sa kanya?" Napaisip ako ng iba't ibang scenario na maaaring nangyari sa kanya. Lahat iyon ay nahantong sa hindi maganda at madugong eksena katulad sa mga pinalalabas na nakakatakot sa telebisyon. Pinukpok ko ang aking ulo para itigil ang naglalaro ko na namang imahinasyon. "This is not good," nakasimangot kong sambit, "Hanggang hindi ko nalalaman ang nangyari sa kanya ay uusigin ako ng aking konsensiya dahil sa wala ako nagawa para tulungan man lang siya." Napakagat ako ng aking kuko habang nakatingin sa medical report na iyon. Sa huli ay napagdesisyunan ko na punitin iyon sa paraan na wala ng makakabasa pa. Iyon na lang ang naisip kong gawin para mawala sa akin ang hawak na ebidensiya. Ebidensya sa kakaibang ginagawa ng ospital. Akmang hihiga na ako sa aking higaan na bigla ako marindi sa kakaibang ingay ng mga aparato. Nagmumula ang ingay na iyon sa aparatong nakakabit kay Flare. "AAAAAAAAHHHH!" nasasaktan at malakas na pagdaing ni Flare habang hawak hawak ang kanyang ulunan, "AANGG SAAAAKIIIT!" "Oh my gosh! FLARE!" tili ko na makita ito at ilang beses na pinagpipindot ang aking red button para tumawag ng mga doktor, "Come on! Nasaan na ba sila?!" Agaran naman nagsidatingan sila at pinaikutan si Flare na dumadaing sa sakit at halos sabunutan ang kanyang sarili. "This is the last symptom," pagkumpirma nila. Nakita ko kung paano nila pagtulungan na hawakan si Flare na nagwawala sa sobrang sakit na nararamdaman. Pilit nila itinali ang parehong kamay at paa niya sa higaan na tila normal lang na mangyari ito. "AAAAAAARGHHHHH!" malakas na paghiyaw ni Flare habang pabaling baling ang ulo at inaarko ang katawan para tiisin ang sakit. Nagkatinginan ang mga doktor sa isa't isa. May kung anong gamot sila na tinurok sa braso ni Flare para pakalmahin ito. "Tanging pagpapakalma lang ang magagawa natin sa kanya. Ito ang pinaka-kritikal na stage para sa mga pasyente. It's either he live or die in pain," naiiling iling na sambit ni Doktora Andrea habang unti unti humihina ang pagdaing ni Flare. Napatakip ako ng bibig nang makita ang malunos na itsura ni Flare. Pulang pula ang mukha niya at halos pumutok ang lintid sa kanyang mukha. Tumutulo rin sa kanyang bibig ang madaming laway. Nagsusugat na rin ang pagkatali sa kanyang kamay at paa dahil sa ginagawa niyang pagwawala. Para siyang taong nauulol mula sa rabies sa itsura niya Maisip ko pa lang na ganito ang mangyayari sa akin sa oras na maramdaman ko ang huling sintomas ay tila nahihirapan na ko. Ito ba ang laging eksena na nakikita ni Flare noon tuwing may namamatay siyang kasama sa kwarto? Nanginginig ang aking mga kamay na napahawak sa gilid ng aking higaan para kumuha ng lakas. May pag-asa ba talaga kami na mabuhay? Lumingon sa akin si Doktora Andrea na may puno ng pag-aalala. Nagulat ako nang may lumapit sa akin na isang nurse na may hawak na injection na balak iturok sa akin. "W-What are you doing?" pagpalag ko sa balak niyang gawin. "Miss Vana, utos po ito ni Doktora Andrea," sagot ng nurse, "Ayaw lang namin na ma-stress kayo na makita ang nangyayari kay Sir Flare kaya gusto niya na turukan ka namin ng pampatulog," paliwanag niya. "Vana..." seryosong sambit ni Doktora Andrea, "Just sleep please. Hindi nakakabuti sa iyo na makita ito, okay?" "Pero paano si Flare? What will happen to him?" naiiyak kong sambit, "Magiging okay ba siya? Will he able to survive?" Nagulat na lang ako nang biglang itinurok sa aking braso ang isang injection na may lamang gamot na pampatulog. Kaya pagkalipas lang ng ilang segundo ay unti unti nanlabo ang aking paningin habang nakatingin kay Doktora Andrea. Hindi niya pa kasi sinasagot ang tinanong ko sa kanya. 'No... Flare!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD