WARD 3

1135 Words
Dahil sa takot ko na mamatay ang katabi kong pasyente ay pinindot ko ang red button sa aking higaan at matulungan na rin siya. Hindi naman nagtagal ay maraming doktor at nurse ang humahangos na nagsipasukan sa aming kwarto at agaran siyang inasikaso. Kinabitan siya ng oxygen sa kanyang ilong para matulungan siya nito na makahinga. May tinurok din sila sa kanya na isang kakaibang kulay na likido kaya unti unti siya na kumalma at unti unti kumalna ang kanyang paghinga. Pagkatapos ay maraming test silang ginawa sa kanya katulad ng pagkuha ng body temperature, blood pressure, blood test, at kung anu ano pa. "Dok, pahina ng pahina ang t***k ng puso ng pasyente," natatarantang sambit ng isang nurse pagkatapos na mapansin ang pagliit ng takbo ng linya niya sa monitor, "Dok, mas mabilis din ang paglabas ng sintomas sa kanya mula sa ibang tinamaan ng virus. Kapag nagpatuloy ito ay baka hindi na natin ito maagapan at ikamatay niya." "Sssh!" galit na saway sa kanya ng kasamang doktor habang abala nire-record sa kanyang clipboard ang kalagayan ng lalaki, "Huwag mo sasabihin iyan sa harapan ng mga pasyente! Hanggang maaari ay isipin mo na mabubuhay sila! They are depending their lives in our hands! We need them to think they will survive and we can help them! Ang tanging makakapitan nila ngayon para magpatuloy sila mabuhay ay tayo na nangangalaga sa kanila." Napayuko ng ulo ang napagalitang nurse. "Sorry po sa aking sinabi, dok," paumanhin niya sa doktor. "Enough talking," suway naman sa kanya ng kasamang nurse, "Tulungan mo ko rito! May pasyente tayo kailangan iligtas ngayon." May kung anu ano muli silang ginawa sa lalaki para isalba ang buhay niya. Tulad nila ipinalalangin ko rin na makaligtas siya kahit hindi ko siya kilala o kaano ano. Dahil siguro natatakot ako na makakita ng taong mamamatay na katulad ng aking sakit. Ano na lang di ba iisipin ko di ba kapag namatay siya habang nanatili ako rito? Na matutulad din ako sa kanya? Maya maya ay may nas malalaki pa silang aparatong ipinasok sa aming kwarto at kinabit sa lalaking tila naghihingalo na ngayon. Hanggang sa marinig ko ang ingay na pagtuwid ng linya sa kanyang monitor. Lalong nagkagulo ang mga doktor at nurse na nag-aasikaso sa kanya. Paglingon ko sa lalaki, ang kaninang buhok niya na may bahid pang itim ay halos naging kulay pula na. Hanggang sa mapapikit ako ng mata nang makita kung paano siya kinukuryente para i-revive ng mga doktor. Ilang beses nila iyon ginawa ng paulit ulit kaya lalong mas idiniin ko ang pagpikit ng aking mga mata. "He is stable now," nakahingang sambit ng isang doktor nang makita na kumalma ang tunog ng mga aparato nakakabit sa lalaki, "But still monitor him for another attacks." "Yes dok," sagot naman sa kanya ng mga nurse na kausap niya. Unti unti na nagsilabasan ang mga doktor at nurse dala ang ibang aparatong ginamit nila. Ngunit napansin ko na nagpaiwan ang isa sa mga doktor at nagsimulang maglakad ito sa aking gawi. Tinignan ko ang mukha ng doktor at kitang kita sa mukha niya ang pag-aalalang sa aking kalagayan ngayon. "D-Doktora Andrea," gulat kong sambit nang makilala siya. Umupo siya sa upuan sa aking tabi at malungkot siyang napabuga ng hininga. "Vana, hija," pagtawag niya sa aking pangalan, "I am not really expecting to meet you here." "Same here, Dok," sang-ayon ko sa sinabi at pilit na nginitian siya, "Feeling ko sa sobrang pagka-miss ko sa inyo. Sinundan ko pa kayo rito," pagbibiro ko pa sa kanya. Natatawang napailing ng kanyang ulo si Doktora Andrea mula sa sinabi ko. May kinuha siya sa malaking bulsa ng kanyang roba at may nilabas na maliit na notebook doon bago ito pinatungan ng isang panulat na dala niya. "I know you, Vana," Slsambit niya at inabot sa akin ang hawak niya, "Mahilig ka mag-document ng mga ginagawa mo at nangyayari sa iyong paligid sa isang diary. Ito lamang notebook ang maibibigay ko sa iyo ngayon. I hope this will help you." "Salamat Dok," napangiting pasasalamat ko at tinanggap ang ibinibigay niya, "Kilalang kilala niyo talaga ako, " dagdag ko pa saka niyakap ang notebook na iyon. Inipit niya ang ilang hibla ng buhok ko sa aking tenga at halata sa kanyang mga mata na marami pa siyang gustong sabihin pero may kung ano na tila pumipigil sa kanya. Gusto ko man tanungin siya ay mas pinili ko na lang itikom ang aking bibig at hindi na nag-usisa pa. "How is that guy?" pag-iiba ko ng aming usapan at tinuro ang lalaki kasama ko sa kwarto, "Is he going to survive?" Saglit na nilingon ni Doktora Andrea ang lalaki at napansin ko ang halo halong emosyon sa kanyang mga mata. Matagal ko na kilala si Doktora Andrea. Dahil sampung taon siya naging aking personal na doktor kaya tinuturing ko na rin siyang pangalawang ina. Kinukwentuhan niya rin ako ng mga problema at nangyayari sa kanya sa buhay kaya alam ko kung kailan may bumabagabag sa kanya. "Doktora?" pagtawag pansin ko muli sa kanya kaya agad niya binalik sa akin ang kanyang paningin, "Is there something wrong?" Seryosong tinignan ako ni Doktora Andrea sa aking mga mata. "Mas maganda na hindi mo na malaman, Vana," makahulugang sambit niya, "Huwag mo na alamin ang tungkol sa ibang pasyente ng ospital na ito. Ang ikagagaling mo na lamang ang iyong pag-ukulan ng atensyon." Napakunot ako ng noo sa kanyang ibig iparating. "Naiitindihan ko po, Doktora," pagpayag ko saka pilit na nginitian siya muli. "Doktora Andrea," pagtawag sa kanya ng isang nurse na sumisilip mula sa pintuan, "Pinapatawag po kayo ni Doktor Mark dahil may pasyente po na namatay sa room B105. Kailangan po ng signature niyo sa ilang dokumento ng pasyente." Napabuga nang malalim na hininga si Doktora Andrea bago tumayo sa kanyang kinauupuan. "I'll visit you again, Vana," pagpapaalam niya bago lumabas ng kwarto. Saglit ako natulala sa kawalan dahil sa kakaibang inaakto ni Doktora Andrea. Pagkatapos, napatingin ako sa notebook na ibinigay niya sa akin at bigla ko naisipan na sinimulan ang pagsusulat dito tungkol sa mga nangyari sa akin mula sa bahay, pagdating ni Doktora Celeste, pagkumpirma na infected ako ng EVOL virus, pagkuha sa akin sa bahay, pagkagising ko sa ospital, pag-aagaw buhay ng lalaki na aking kasama sa kwarto at kakaibang akto ni Doktora Andrea. Nang mapuno ko ang ilang pahina ng notebook ay napatigil ako sa pagsusulat. Sa maikling panahon ay tila ang dami dami nangyari sa akin. Iba ito mula sa dating mga araw na wala man lang ako maisulat kundi ang uri ng panahon sa labas at pagkain na inihain sa akin ni mama. Sinarado ko ang notebook at inilagay iyon sa ilalim ng aking unan. Pakatapos ay pinagmasdan ko ang puting kisame ng kwarto na akala mo may mababago roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD