Mukhang talagang pinagsabihan ni Doktora Andrea ang mga nurse na pumapasok sa aming kwarto. Dahil nang mga dumating sila ay naging limitado ang kanilang mga sinasabi. Hindi na kasi sila nag-uusap tungkol sa ibang bagay. Wala silang ibang initindi kundi ang maasikaso lang kami ni Yvona. Dahil dito ay wala tuloy ako makalap na ibang impormasyon tungkol sa facility. Napasimangot naman ako dahil sa pangyayaring ito. Marahil nakapansin na rin ni Doktora Andrea na may pagdududa ako sa ginagawa nila sa mga pasyente. "Aaaish!" asar kong bulalas. Gustung gusto ko na makawala sa mga aparatong ito para masilip man lang ang anumang nasa labas ng pintuan. "May problema po ba, Ate Vana?" pagtatanong ni Yvona na natigil sa pagkukulay ng coloring book na iniabot sa kanya ng mga nurse para malibang siy