"B-Bagong sistema?" naguguluhang tanong ko kay Doktora Andrea, "A-Anong klaseng sistema ang tinutukoy niyo?" Hindi ko akalain na magkakaroon ng pagbabago sa labas habang wala ako malay dito. Kung anuman ang pagbabago na ito ay tila hindi magandang balita para sa akin. Dahil base pa lang sa ekspresyon ni Doktora Andrea ay hindi ko magugustuhan ang anuman na pagbabago na ito. Dahan dahan na itinango ni Doktora Andrea ang kanyang ulo at seryosong hinawakan ako sa aking mga kamay. "Aware ka naman siguro sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mga tinatamaan ng virus... Hindi nagtagal ay hindi na ito makontrol ng gobyerno..." pagpapaalala sa akin niya ng problema nila, "Kaya para mabigyan ng proteksyon mula sa virus ang maraming mamamayan ay nag-isip sila ng magandang solusyon para rito." "S-Solu