Lumipas muli ang isang buwan... Humahangos na nagsidatingan sa kinaroroonan kong kwarto ang mga nurse at doktor. Lahat sila ay nagmamadali na lumapit sa higaan ko dala ang ilang mga aparato. "H-Haaa! Haaa! Haaaa! Aaaaaaaaaah!" Malakas na pagdaing ko dahil sa biglaang naramdaman ko na paghirap sa paghinga at labis na pagsakit ng aking ulo. Namilipit din ako sa sakit habang mariing nakahawak sa aking ulunan. Kulang na lang ay bunutin ko ang aking mga buhok doon dahil sa nararandaman kong ito. Pakiramdam ko kasi ay mabibiyak na sa sobrang sakit ang aking ulo. "Aaaaaah!" malakas na hiyaw kong muli saka napabaling ng ilang beses sa pagkakahiga. Ramdam ko ang nagmamadaling mga kilos ng doktor na umaligid sa akin para tulungan ako na maibsan ang sintomas na ito. "Miss Vana, naririnig niyo p