KABANATA FOUR

1650 Words
Kabanata 4 HALOS hindi mapakali si Angel habang hinihintay si Douglas na dumating sa mansyon. Madaling araw na ngunit hindi pa rin ito bumabalik. Kahit anong tawag niya sa cellphone ng lalaki ay hindi nito sinasagot. Bumalik siya sa kama na sobrang kabado. Sobrang maraming iniisip si Angel. Una ay baka napahamak na ito sa daan ngunit wala namang tumatawag. At pangalawa ay baka may nangyari na sa kanila ni Sofie. Iyon ang gusto niya ngunit sobrang sakit na isipin. Biglang nag-ring ang vibrate ang cellphone ni Angel. Mabilis siyang bumangon at tiningnan kung sino ang nag-texr. Unknown number ngunit binasa niya pa rin. “Ma’am, magkasama kami ni Doc Douglas sa clinic niya. Bukas pa ang kanyang uwi. Hehe. Si Sofie po ito.” Basa ni Angel sa text ng babae. Halos kilabutan siya nang mabasa niya iyon. Uminit ang kanyang buong katawan at bumigat ang kanyang pakiramdam. Tumulo bigla ang kanyang mga luha. Mas hindi pa siya mapakali ngayon. Mas madami pang isipin ang pumapasok sa kanyang isipan. Gustong niyang humagulhol ng iyak ngunit pinipigilan niya ang sarili dahil tulog na ang dalawang bata. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso kaya minabuti niyang uminom ng gamot. Naghintay siya ng ilang sandali. Nang umipekto ang ininom ay kaagad siyang nakaramdam ng gamot. Gaya ng kanyang nakagawian. Nagising siya ng tangahli na. This time ay malapit nang maghapon. Wala na sa loob ng kuwarto ang mga bata. Dahan-dahan siyang bumangon at uminon siya ng gamot. Tatayo na sana siya para lumabas nang biglang bumukas ang pinto ng shower room. Lumabas doon si Douglas na na noo'y nakabihis lang ng puting t-shirt at walking short. “How’s your sleep?” tanong nito na hindi siya tinitingnan. “Hindi ka man lang nag-text sa akin o tumawag. Hinahanap ka ng mga bata bago paman ang mga ito makatulog.” “I’m sorry… may inayos lang ako sa clinic.” Nag-iwas na naman ng tingin si Douglas. Sa pagkakataong iyon ay tila galit ang mga mata nito. “May problema ba?” nanlulumo niyang tanong. “Sa tingin ko… ako dapat ang magtanong niyan saiyo, Angel.” “Bakit?” bumilis na naman ang t***k ng kanyang puso. “Tinatanong mo kung bakit? Inamin sa akin lahat ni Sofie ang sinabi mo. Paano mo iyon nagawa sa akin?” “Douglas.” Kaagad na namuo ang mga luha sa gilagid ng mga mata ni Angel. Sumikip ang kanyang puso at nahihirapan siyang huminga. May usapan sila ni Sofie na huwag sabihin kay Douglas ang kanyang plano. “Ginawa ko lang iyon dahil alam kong mamamatay na ako. Ayokong lumaki ang mga anak ko na walang kinikilalang ina. At ayokong magluksa ka kapag ibuburol na ako. Gusto ko na handa ang lahat kahit hindi pa ako patay. Kahit na pilit akong pinapatay ng desisyon kong iyon.” “That’s bullshit!” tumaas ang boses ni Douglas. Napaatras si Angel dahil unang beses niyang marinig ang pagmumura ng lalaki. Medyo natakot siya roon. “Bakit ba ang hilig mong mag-isip ng problema, Angel? Bakit mo pinapangunahan ang lahat ng ito?” “Dahil iyon ang pinakapraktikal na gagawin, Douglas. Hindi mo matanggap na sooner or later ay mamamatay na ako. Hindi matanggap ang lahat dahil in denial ka. Hindi mo matanggap dahil alam mong doktor ka ngunit wala kang magawa. Hindi mo matanggap dahil ayaw mong tanggapin. Hanggang kailan ka mabubulag, Douglas?” “You’re giving me no choice!” Sobrang basang-basa na ang mukha ni Angel ng kanyang mga luha. Umawang ang pinto at nagmamadaling pumasok roon si Cedrix at Stanley. Halos madurog ang puso ni Angel nang makitang umiiyak ang dalawa. Tumakbo ang mga ito at lumapit sa kanya para yumakap. Mabilis na tumalikod si Douglas at nagmamadali itong lumbas ng kuwarto. “Mama, bakit kayo nag-aaway ni Daddy?” tanong ni Cedrix. “Hindi… akting lang iyon.” Lumuhod si Angel at pinunasan ang mga luha ng dalawa. “It’s not an acting, Mama. We know that you have problem,” humihikbing wika ni Stanley. “Mama, kahit na maliit pa kami ay alam na naman namin, e. Hindi niyo na po kailangang magsinungaling. Narinig namin sa labas na sinabi mong hindi matanggap ni Daddy ang lahat nang nangyari saiyo.” “Oh.” Humagulhol ng iyak si Angel at muling niyakap ang mga bata. Halos trenta minutos din silang nag-iiyakan. Natigil lang iyon nang pumasok si Veronica sa kanyang kuwarto. Nag-aalala ang mukha ng babae lumapit sa kanila, “puwede ba tayong mag-usap?” tanong nito. “Si-sige,” tiningnan niya ang bata. “Lumabas na muna kayo, ha. Mag-uusap lang kami ni Tita ninyo.” “Sige po,” sabay na wika ng dalawang bata. Nagmamadaling lumabas ang mga ito isinara ang pinto. “Umupo na muna tayo, Angel.” Inilalayan siya ni Veronica patayo mula sa pagkakaluhod sa sahig. Sabay silang umupo sa kamaya dalawa. “Rinig na rinig namin ang sigawan ninyo sa labas. Mabuti na lamang at kami lang nandoon ni Steffan at ang mga bata.” “Patawarin ninyo ako kung kailangan niyo pang marinig ang lahat.” “Hindi naman lahat, Angel. Intindihin mo nalang si Kuya Douglas, Angel. Maging siya ay nahihirapan din sa sitwasyon ninyong dalawa. Pilit niyang tinatanggap ang lahat pero hindi niya maiwasang sisihin din ang kanyang sarili.” “Masama ba akong tao, Veronica?” “Walang masamang tao, Angel kung kabutihan lang naman ang iyong hangad. Ngunit napapasama ito kung hindi maintindihan ng mga taong nakapaligid saiyo. Ano ba kasing pinag-awayan ninyong dalawa?” “Wala, kaunting bagay lang naman. Tungkol sa sakit ko.” Mas mabuti ng ganoon. Ayaw niya na may makakaalam pa sa kanyang desiyon. Sapat nang malaman iyon ni Douglas. “Kayo talaga. Dapat ay iniiwasan ninyo ang ganyang bagay dahil hindi makabubuti saiyo ang ganyang mga bagay.” “Maraming salamat, Veronica.” “Nandito lang ako para sainyo, Angel.” Yumakap ang babae sa kanya ng mahigpit. “May ipapakiusap sana ako saiyo, Veronica.” “Ano iyon?” “Gusto ko sanang huwag mong pabayaan ang aking mga anak at si Douglas kapag wala na ako.” “Shhh, huwag mo iyang sabihin. Pero huwag kang mag-aalala. Ako ang bahala sa kanila.” Mas lalo pa siyang niyakap ng mahigpit ni Veronica. Medyo bumalik na sa normal ang pakiramdam ni Angel. Sabay na silang lumabas sa kuwarto ni Veronica at inilalayan siya nito pababa. Maging papuntang komedor at nakaalalay ang babae. “Umalis ba si Douglas?” tanong niya sa babae. “Oo, huwag kang mag-aalala. Kasama ni Kuya Douglas si Steffan.” Medyo nakahinga ng maluwag si Angel. Mabuti kung ganoon. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kapag may mangyaring masama ang lalaki. Maging sa pagkain ni Angel ay sinamahan siya ni Veronica. Pumasyal pa silang dalawa sa labas ng mansyon para ma-exercise ang kanyang katawan at makalanghap ng sariwang hangin. Halos tatlong oras silang namalagi roon. Nang makaramdam ng pagod si Angel ay bumalik na sila. Malapit ng magdilim ngunit wala pa si Douglas at Steffan. Minabuti niyang kumain na muna kasabay ang lahat. “Nasaan si Douglas at Steffan?” tanong ng abuela. Nagpalipat-lipat ito ng tingin sa kanilang dalawa ni Veronica. “Sa labas sila kakain, Lola. Bonding ng mga doktor,” si Veronica ang sumagot. “Okay,” ani nito at muling tumingin kay Angel. “Kumusta ang pakiramdam mo, Angel? Iniinom mo pa ba ang iyong mga gamot?” “Yes po, Lola Veron.” Ngumiti si Angel rito sabay tango. “Ang lungkot tingnan ang mesa na ito na hindi manlang puno. Hindi masarap kumain,” malungkot na wika ng abuela. Sila lang kumakain. Ang dalawang bata, si Veronica at ang abuelo at abuela. Sobrang lungkot nga dahil noon madalas puno itong mesa. “Hayaan mo na. Hindi ka na nasanay. Simula nong nag-asawa ang mga anak natin ay hindi na ito napupuno. At isa pa, nandito naman sila tuwing weekend, e” Inabot ng abuelo ang kamay ni Lola Veron at ngumiti ito. “Ano pa nga ba ang magagawa ko? Okay lang na wala sila palagi sa hapag ngunit hindi okay kung wala ka sa aking pagkain, John.” “Ako rin naman, e. Hindi buo ang aking pagkain kapag hindi ka kasalo.” Napangiti si Angel habang pinagmamasdan ang abuelo at abuela. Hanggang ngayon ay napapanatili ng mga ito ang pagmamahalan. Isa ang mga ito sa kanyang inpirasyon. Habang tumatanda ay mas lalo pang minamahal ang isa’t-isa. Sayang lang dahil hindi na iyon mararamdaman ni Angel. Nagpatuloy silang kumain. Pagkatapos ay dumiritso na sila sa kuwarto kasama ang dalawang bata. “Maligo na muna kayo. Make sure nilinis ninyo ang inyong mga ngipin dahil magtatampo sainyong dalawa ang Daddy ninyo,” aniya sa dalawang bata. “Yes, Mama,” sagot ni Stanley. “Dito ba matutulog si Daddy, Mama?” tanong ni Cedrix. “Oo naman,” ngumiti siya sa dalawa. “Uuwi siya kasama ang Tito Steffan ninyo.” Nagliwanag ang mukha ng mga ito at nagmamadali nang pumasok sa shower room ang dalawa. Sobrang ingay ng mga itong naliligo. Habang hinahanda ni Angel ang mga pantulog ng dalawang anak ay bumukas ang pinto. Pumasok roon si Douglas. Kinabahan si Angel ngunit ngumiti siya rito. Ang buong akala niya ay iiwasan siya nito ngunit lumapit ang lalaki at humalik sa kanyang labi. “I’m sorry kanina, hindi ko sinasadyang sigawan ka. I just can’t believe na gagawin mo iyon.” “Patawarin mo rin ako Douglas. Ni hindi ko man lang binigyang konsiderasyon ang iyong mararamdaman.” “Naintindihan ko ang iyong point. Masakit man sa akin ito, Angel ngunit hayaan nalang natin ang tadhana na magdesisyon. If your fate ay mamatay ng maaga ay tatanggapin ko iyon. Kung ang tadhana ko naman ay may ibang babaeng makatuluyan ay open ako roon. For now, ay focus muna tayo sa isa’t-isa. Mas mahalaga kung ano ang mayroon tayo ngayon kaysa sa bukas na malabong mangyari na tayo pa rin dalawa ang magkakatuluyan.” Ramdam na ramdam ni Angel ang sakit at kirot sa boses na iyon ni Douglas. Ngunit nagawa nitong ngumiti. “Maraming salamat, Douglas. Mahal na mahal kita.” “I love you more. Ikaw lang at wala ng iba.” Yumakap siya sa lalaki. Kahit papaano ay maayos na ang kalagayan nila ngayon ni Douglas. Susubukan niyang maging matatag at maging optimistic. Sa ngayon ay ipapasa-Diyos nalang nila ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD