KABANATA FIVE

1720 Words
Kabanata 5 NAGDAAN ang mga araw at mas lalo pang naramdaman ni Angel kung gaano siya kamahal ng mga taong nakapaligid sa kanya. Lalong-lalo na si Douglas. Sobrang saya lang isipin na kahit wala pa silang nakikitang donor ay nanatili silang positibo. “Mama, sabi ni Tito Steffan punta raw po kayo sa ibaba,” wika ni Cedrix. Nagmamadali pa itong pumasok sa loob ng kuwarto. “Bakit raw?” “Hindi ko alam, Mama.” “Sige… pahawak sa balikat mo,” aniya at tumayo. Sabay silang bumaba ng anak. Hindi paman sila tuluyang nakababa ay sumalubong si Stanley para umagapay rin ito. Sobrang suwerte ni Angel sa kanyang mga anak. Sobrang bait ng dalawa. At nakuha ng dalawa ang kabaitan na iyon sa mga Montecilio. Nakita ni Angel si Steffan at Veronica na abala sa panonood ng cellphone. Nang mapansin siya ng dalawa ay nagliwanag ang mukha ng mga ito. Biglang kinabahan si Angel dahil pakiramdam ay ay isang iyong magandang balita. “Angel, halika ka may sasabihin kami saiyo.” Tumayo si Veronica at lumapit sa kanya. Kinuha nito ang kanyang kamay at inilalayan siyang maupo sa tabi ni Steffan. “Ano ang sasabihin ninyo?” kinakabahan niyang tanong. “May nag-respond sa aming mga post ni Veronica. And take note from Bohol lang din siya.” “Ano raw ang sabi?” “Handa raw siyang maging heart donor mo, Angel. Basta raw siguraduhing magiging maayos ang kanyang pamilyang iiwanan kapag patay na siya.” “Sigurado ka ba, Steffan?” nanlaki ang mga mata ni Angel sa tuwa. Ayaw niyang mag-celebrate na muna ngunit hindi niya maiwasan. “Hindi pa ito sigurado, Angel ngunit huwag na muna tayong one hundred per cent na umasa dahil alam naman nating nakakatakot ang ganito. Emotional at spiritual ang kailang isaalang-alang ng taong magbibigay ng puso,” ani Veronica. “Ang sabi niya sa amin ay makipagkita raw siya mamaya sa atin. Pero mas maganda kung huwag ka na munang sumama at kami nalang ang makikipag-usap,” ani Steffan. “Mas mabuti na iyon Angel para malayo ka sa mga possibilities. And we will be doing our best. Kung kailangang isang bilyon ang ibigay natin ay ibibigay natin sa donor na ‘yon. Just to make you save. Hindi matutumbasan ng pera ang buhay mo, Angel lalo pa’t maliit pa ang inyong mga anak ni Kuya Douglas,” mangiyak-ngiyak na wika ni Veronica. “Maraming salamat sainyo. Kahit gusto ko nang sumuko ay nandiyan pa rin kayo sa aking tabi just to make feel I’m not alone in this battle,” maluha-luha na rin si Angel. “Angel, it’s because we are family. At ang lahat ng pamilya ay nagtutulungan. Walang susuko at lahat tayo sabay-sabay na lalaban. Natandaan mo pa ba noong college ka. Sobrang tapang na dumapo ang kamay mo sa mukha ko. At nagbebenta ka pa no’n ng kakanin. Iyon ang Angel na kailangan mo ngayon,” nakangiting wika ni Steffan. Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ni Angel sa sinabing iyong ni Steffan. Tumagos iyon sa kanyang puso. “Lalaban ako,” ngumiti siya sa dalawa. Pumayag si Angel na hindi nalang sumama. Gusto niya sanang makita ang donor ngunit ayaw pang sabihin ng mag-asawa. At hindi pa rin puwedeng sabihin sa lahat na nakakita na sila ng heart donor it’s because hindi pa final. Ayaw magbigay nila Steffan at Veronica ng falls hope. Abot-abot ang panalangin ni Angel na sana ay iyon na talaga ang maging susi ng kanyang pagaling. Maagang umalis si Steffan at Veronica upang kitain ang possible heart donor. Hindi mapakali si Angel sa kakaisip ng mga magandang bagay. Hindi niya rin hiniwalay ang kanyang cellphone kung baka sakaling tumawag sina Veronica sa kanya. Nangako ang kaibigan na tatawag ang mga ito kapag natapos na nilang kausapin ang tao. “Hello, Ate Angel,” biglang dumating si Cyrous at may mga kasama itong mga estudyante. Naka-uniporme pa ang apat na kasama ng binatilyo at mukhang kagagaling lang sa eskwela. “Hi… wala na kayong pasok?” “Wala na po ate. Half day lang po kami,” nakipagbeso si Cyrous at sandali itong yumakap. “Mabuti naman… kumain na ba kayong lahat? Mga kaklase mo ba sila, Cyrous?” “Yes po, Ate. Kumain na rin po kami. Pumunta lang kami dito kasi may gagawin kaming thesis proposal. Nandoon kasi mga kaklase rin ni Alleyah sa kabilang mansyon dahil sa projects. Ang iingay.” “Ganoon ba… wala namang problem kung dito kayo. Pakainin mo muna ang mga kaklase mo maraming pagkain roon kitchen,” aniya at binalingan ang mga kaklase ni Cyrous. “Gentlemen, huwag kayong mahiya pumasok kayo.” Nanatili lang malapit sa pinto ang apat at mukhang nahihiya talaga. “Hoy mga gago, pumasok na kayo rito,” tawag ni Cyrous. Nagtutulukan pa ang apat bago tuluyang makapasok. Napangiti si Angel habang pinagmamasdan ang mga ito. Tila bigla niyang na-miss ang maging estudyante. “Good noon po, Ma’am,” naunang bati ng isa at sumunod ring bumati ang iba. “Good noon din… huwag kayong mahiya.” “Kumusta na po ang pakiramdam mo, Ate Angel?” biglang tanong ni Cyrous. “Okay lang naman ako. Heto lumalaban pa rin,” matamis siyang ngumiti. “Maganda po ‘yan. Dapat fighting lang po tayo palagi.” “Thank you, Cyrous.” “Your welcome po,” ngumiti ang binatilyo. “Nandiyan po ba sina Lolo at Lola?” “Umalis sila ng maaga kanina. Sinundo ni Tito Elthon dahil bibisitahin nila ang poultry farm.” “Ganoon po ba? Sayang… ipapakilala ko sana sila, e.” “Hintayin niyo nalang sila. Mukhang babalik rin sila maya-maya.” “Sige po, ate.” “Kuya Cyrous!” sabay na sigaw ni Cedrix at Stanley at tumakbo ito palapit sa kanila. Lumuhod ang binatilyo at tumakbo ang dalawang bata. Sobrang dumi ng mga bibig dahil sa cake na kinain. Ngunit baliwala lang iyon kay Cyrous. Niyakap nito Cedrix at Stanley. “Tuturuan niyo na po kaming sumakay ng kabayo, Kuya?” tanong ni Cedrix sabay kumiwala sa pagkakayakap sa binatilyo. Dumikit ang dumi ng dalawa sa uniporme ni Cyrous. “Naku… hindi pa kayo puwedeng sumakay ng kabayo. Papagalitan ako ng Daddy ninyo, e. Si Tito Eskel niyo ba ay hindi kayo tinuruan?” Sabay na umiling ang dalawa. “He’s always busy,” sagot ni Stanley. “Patay tayo diyan,” napakamot si Cyrous sa batok sabay tingin kay Angel. “Bawal pa naman turuan itong dalawa ate, right?” Tumango si Angel. “Hindi pa puwedeng turuan ang mga ‘yan. Baka maaksidente, e. Kapag nasa twelve na sila ay puwede na.” “But Mama, that’s too long,” sumimnagot si Stanley. “Oo nga po, Mama.” “Ganito kasi ‘yon,” wika ni Cyrous. “All of us were thought at age of twelve. Lahat kami, ha. Kaya dapat rin kayong turuan kapag nag-twelve na kayo,” paliwanag ng binatilyo. “Wala bang mas advance, Kuya? Sa tingin ko naman po ay kaya na namin ngayon o kapag nag-eight years old na kami.” “Naku… mapapatay nina Lolo at Lola ang magtuturo sainyo.” Napangiti si Angel. Lahat ng pinsan ni Douglas ay sobrang malapit ang loob sa dalawang bata. Kahit papaano kung wala na siya ay mayroon pa rin sina Cyrous at iba na magiging gabay ng dalawang bata kapag lumaki na ang mga ito. “Ganoon po ba?” tanong ni Cedrix. “Sige po, sa kapag na-twelve nalang kami.” “Oo, kami mismo ang magtuturo sainyo.” Tumayo si Cyrous at ginulo ang buhok ng dalawa. “Dinumihan niyo pa ang uniform ko, ha.” “Sorry, Kuya.” Napabungisngis si Stanley at tumakbo na naman ang dalawa para bumalik sa komedor. Tumingin si Cyrous kay Angel at nagpaalam na itong pumunta sa komedor. Kaagad namang sumunod ang mga kaklase nitong nahihiya pa rin. Naiwan sa sala ng mansyon si Angel na mag-isa. Naghihintay pa rin siya sa tawag ni Veronica. Kaya nang mag-vibrate ito ay mabilis niyang tiningnan ang screen. Medyo kinabahan si Angel dahil si Sofie ang nag-text sa kanya. Nanginginig ang kanyang kamay na binasa ang text ng babae. “Ma’am, every lunch na po kami magkasabay na kumakain ni Douglas. Ang sabi niya sa akin ay huwag ko na raw siyang tawaging Doc.” Biglang uminit ang buong katawan ni Angel. Mabilis siyang pinawisan dahil sobrang sakit na na kanyang nabasa. Muli na namang nag-vibrate ang kanyang cellphone. Si Sofie na naman ulit ang nag-text. Sa pagkakataong iyon ay isang picture na ang pinasa ng babae. Doon na tuluyang tumulo ang luha ni Angel nang makitang sobrang saya ng dalawa habang naka-selfie. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso. Dahan-dahan siyang tumayo sa couch at umakyat patungong kuwarto upang uminom ng gamot. Nasa pintuan palang si Angel nang bumigay na ang kanyang mga paa. Umiiyak siyang gumapang papasok. Kailangang makainom siya ng gamot upang pakalmahin ang t***k ng kanyang puso. Pinilit niyang makatayo at laking pasasalamat niya nang magawa niya iyon. Mabilis siyang uminom ng gamot at pinakalma ang sarili. Pagkatapos ng ilang minuto ay guminhawa na ulit ang kanyang pakiramdam. Unti-unti nang nagkakalakas ang kanyang mga paa. Bumalik si Angel sa sala ng mansyon upang kunin ang kanyang cellphone. Gusto niyang kumpirmahin ang si Douglas kung totoo nga bang sabay na kumain sina Sofie. Titingnan niya lang kung magsasabi ng totoo sa kanya ang lalaki. Iti-next niya ito. Naghintay sandali si Angel ng ilang minuto at nag-vibrate ang kanyang cellphone. Nagreply si Douglas. Nanginginig ang kanyang buong kanang kamay na pinindot ang read botton. “Nasa clinic ako now. Sobrang busy at hindi pa ako kumakain. Kumain na ba kayo? Ang gamot mo?" Naipikit ni Angel ang kanyang mga mata at muli na namang naghahabolan ang kanyang mga luha. Sobrang sakit isipin na unang beses na nagsinungaling si Douglas sa kanya. “Mama, bakit ka umiiyak?” Mabilis na pinunasan ni Angel ang kanyang mga luha nang dumating si Cedrix. Hindi niya namalayan ang bata na lumapit dahil nanlalabo at nandidilim ang kanyang mga mata dahil sa pagsisinungaling sa kanya ni Douglas. “Wala ito… masaya lang ako, Cedrix.” Hinila ni Angel ang bata at mahigpit itong niyakap. Hindi na niya nakayanan ang sobrang lungkot at sakit kaya napahagulhol na siya ng iyak habang yakap-yakap ang isang anak. “Mahal na mahal ko kayo. Cedrix. Kayo ni Stanley.” “Si Daddy po, mahal niyo po rin hindi ba?” “O-oo… mahal na mahal ko ang Daddy Douglas ninyo. Huwag ninyo siyang pabayaan, okay? Alagaan ninyo ang inyong Daddy. Always kayong sumunod sa utos ng Daddy Douglas.” “Yes, Mama.” Mahigpit ring yumakap ang bata sa kanya at umiyak na rin ito. “I love you, Mama.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD