KABANATA THREE

1695 Words
Kabanata 3 TANGHALI na nang magising si Angel. Kaagad niyang nabungaran ang dalawang bata na naglalaro pa sa foam na nakalatag sa sahig ng kuwarto. Dahan-dahan siyang bumangon at mabilis inayos ang kanyang sarili. “Mama, can we go downstairs?” lumapit sa kanya si Stanley. “Sure… kumain na ba kayo ng lunch?” tanong niya kay Stanley at humalik sa noo nito. “Hindi pa, Mama. Sabi ni Daddy ay sabay nalang daw tayo tatlo. Maaga siyang umalis for his operation,” lumapit na rin si Cedrix. “Ganoon ba,” humalik si Angel rito. “Okay, please ayusin niyo na muna ang mga gamit ninyo at pinaghigaan.” Mabilis na kumilos ang dalawa. Sa murang edad ni Cedrix at Stanley ay alam na nito kung paano magtupi. Sa kuwarto na nila natutulog ang dalawa. Since hindi sila kasya apat sa kama ay gumamit nalang ang mga ito ng foam ay sa sahig inilagay. Nakakatuwa lang isipin na alam na ng mga ito ang simpleng gawaing bahay. Sa tuwing oras na ng pagtulog. Ang mga ito rin ang naghahanda sa matutulugan. Hinintay ni Angel na matapos ang dalawang anak. Habang ginagawa niya iyon ay kanya nang inihanda ang mga gamot. Alas onse na ng umaga. “Cedrix, Stanley… did you eat your breakfast?” Hindi na nasubaybayan ni Angel ang dalawang bata kapag umaga dahil ganitong oras na talaga siya nagigising dahil sa epekto ng kanyang gamot na iniinom. Kaya si Douglas ang panay kasama ng mga ito tuwing umaga. “Yes, Mama… sabay kaming lahat na kumain kanina,” si Cedrix ang sumagot. “Good.” Natapos ang dalawa sa gingawa ng mga ito. Paglabas nila ng kuwarto ay todo supurta ang dalawang bata. Hindi paman sila nakababa sa hagdan ay tinawag sila ng abuela. “Puntahan na muna natin si Lola at Lolo, okay ba ‘yon?” “Yes, Mama,” sabay na sagot ng dalawa. “Huwag na kayong lumapit. Bababa rin naman ako. I want to bake a cake para ipakain sa inyong lahat,” nakangiting wika ng abuela at lumapit ito sa kanila. “I can’t wait, Lola… can you make some chocolate flavor, Lola Veron?” masayang wika ni Stanley. “Sa akin naman Lola ay pandan flavor,” si Cedrix. “Sure… your wish is my command.” “Naku Lola… baka mahirapan pa po kayo niyan?” “Don’t worry, Hija. Magpapatulong ako sa ating mga kasamahan sa bahay. Kakagising mo palang ba?” “Yes po,” ngumiti siya. “Sige, sabay-sabay na tayong bumaba at magtungo sa dining. Oras na rin pala para kumain ng lunch.” “Si Lolo po?” “Naku… ayon natulog. Pero hayaan na natin iyon. Kumain na siya ng snacks.” Sabay-sabay na nga silang bumaba. Kay Angel nakaalalay si Stanley habang si Cedrix naman ay nasa abuela. Nang mapansin sila ng kasambahay ay kaagad ang mga itong lumapit at siya nang pumalit sa dalawang bata. “Ano po ang gusto ninyong kainin, Señorita Angel?” tanong ni Toyang sa kanya. “Kahit nalang… may sinabi pa sainyo si Douglas kung ano ang dapat kung kainin?” “Ang sabi niya lang sa amin ay huwag kayong limitahan ng kain. Kung ano raw po ang gusto ninyong kainin ay kayo raw ang masusunod. Bast huwag lang daw sumobra.” “Kung ano ang nandoon ay iyon nalang ang aking kakainin, Toyang. Magmadali tayong maglakad dahil nandoon na sina Lola.” Sobrang kulit ng dalawang bata. At ang iingay ng mga itong naghahabolan. Pagdating nila sa komedor ay nandoon si Eskel at Shasmael. Kaagad na tumayo ang mga ito humalik. Naunang humalik ang dalawa sa abuela at sumunod ang mga ito sa kanya. “Wala ba kayong pasok dalawa?” tanong niya. “Umuwi lang kami ate para kumain,” si Shasmael ang sumagot. “Umupo kana, Ate Angel. Sabay-sabay na tayong kumain,” ani ni Eskel at hinila nito ang mga upuan. “Tamang-tama dahil nandito kayong dalawa. Kayo ang maghahatid nitong mga cake na aking gagawin.” “Ilang oras ‘yan, La? Babalik kami ng alas dos y medya sa campus ni Shas?” tanong ni Eskel. “Don’t worry… matatapos to by one pm. So hindi kayo mali-late. At huwag ninyong tangkaing lumiban dahil monitored ko ang mga galaw ninyo sa campus. At si Alleyah ay nagsusumbong din iyon sa akin,” seryosong wika ng abuela. “Sinabi ko naman sa’yo, hindi ba?” anas ni Eskel. “Ikaw kaya ang nagsbai na umuwi tayo ngayon,” si Shasmael. “Huwag na kayong magsisihan dalawa. Nakita na kayo ni Lola at nautusan na. Dalawang kotse nalang ang gamitin niya sa paghatid ng pagkain,” aniya sa dalawang magpinsan. “Nagrereklamo ba ang dalawang ‘yan, Angel?” tanong ng abuela. Nasa dulo ito ng mahabang mesa kayat hindi nito masiyadong marinig ang mahihinang usapan. Kasalukuyan nang naghahanda ng mga gamit ang abuela at kasama nito sina Toyang at Jelai. “Hindi naman, Lola. Iba po ang kanilang pinag-uusapan. Naku, mga crush na naman nila sa campus,” pagsisinungaling ni Angel. Kapag sinabi niya ang totoo ay baka ma-stress lang ang abuela. Si Eskel talaga at Shasmael ang medyo makulit sa mga Montecilio ngunit sobrang bait ng mga ito. “Mabuti naman. Kapag hindi nila hinatid itong cake na aking ginawa ay ipapaputol ko ang kanilang allowance for one week,” pagbabanta ang abuela. “Naku Lola, huwag niyo na pong isipin ang dalawang ito.” Nang maihanda ang mga pagkain nila at sa mga bata ay naging tahimik ang lahat. Maliban nlang kay Lola Veron na ang ingay sa pagbi-bake. “Kumusta ang pakiramdam mo ngayon, Ate Angel?” tanong ni Eskel. Tapos ang dalawang kumain. “Maayos naman ang aking pakiramdam. Basta avoid lang talaga ang ma-stress ako dahil nakakasama iyon sa kalusugan.” “Mabuti naman, Ate Angel. Tumutulong na rin po pala kami para makahanap tayo ng heart donor. Huwag po kayong mawalan ng pag-asa, Ate Angel,” ani Shasmael. “Maraming salamat sa mga tulong ninyo,” nagpalipat-lipat siya ng tingin sa dalawa. “Wala po kayong pasok ngayon Tito Eskel at Tito Jeremy?” tanong ni Cedrix. “Syempre maroon. Kayo ba ay may pasok ngayon?” tanong ni Eskel sa dalawang bata. “We don’t have class on Friday,” si Stanley ang sumagot. “Mabuti naman kung ganoon para mabuhos ninyo ang atensyon sa Mamma Angel ninyo,” ani Eskel. Ngumiti si Angel sa dalawa at nagpatuloy na sila ng kain. Naging maingat siya sa kanyang kinakain. Puro gulay na ang laman ng kanyang tiyan. Gustuhin kiuaman kumain ni ng manok, pork at iba pang karne ay kanya lalang itong iniiwasan. Natapos silang kumain ng lunch. Nagpaalam muna saglit ang dalawang binate at babalik ang mga ito mamaya. Habang si Cedrix naman at Stanley ay tuloy ang habolan ng dalawa. Medyo lumapit si Angel sa abuela at pinagmamasdan itong naghahalo ng ingredients para sa ibang flavor ng cake. “Hindi ba ngayon uuwi si Douglas, Angel?” tanong ng abuela. “Wala po siyang sinabi sa akin, Lola. Hindi niya rin kasi ako ginising.” “Señora, si Señorito Douglas po, oh.” Itinuro ni Jelai ang pasilyo. Napalingon sila. Umuwi si Douglas at kasa-kasama nito si Sofie. Kaagad na napansin ni Angel ang sexy na pananamit ng babae. Sa tingin niya ay hudyat iyon na pumapayag na ang babae sa kanyang gusto. “Hello Lola, Gising na pala ang pinakamamahal ko.” Lumapit si Douglas sa kanya at humalik sa labi. Kasunod niyon ay humalik ito sa pisngi ng abuela. “Kumain na ba kayo?” tanong niya. “Oo, sabay kaming kumain ni Sofie sa restaurant since ngayon pa natapos ang operation ko sa ibang ospital,” sagot ni Douglas. “Dumaan lang kami dito to check you.” “Naku, huwag mo akong isipin, Douglas. Iinom din naman ako ng gamot mamaya.” “That’s good. May kukunin lang ako sa taas at didiritso na rin kami ng ospital ni Sofie,” ani Douglas at tumalikod ito. Pupunta na sana ng sala si Sofie ngunit mabilis niyang napigilan ang babae. Tumayo si Angel at nilapitan ito. “Kumusta?” kunwari niyang tanong para hindi iyon mahalata ng abuela. “Okay lang po, Ma’am.” “Samahan na kita papuntang sala.” “Sige po,” ngumiti. Sabay na silang naglakad sa pasilyo. Nang masigurong walang makakarinig sa kanila ay hindi na nagpatumpik-tumpik si Angel. “Napag-isipan mo na ba ang sinabi ko saiyo?” tiningnan niya ng seryoso ang babae. Tumango si Sofie. “Pumapayag po ako sainyong gusto, Ma’am. Ngunit, paano kung hindi ako gusto ni Doc Douglas?” “Paibigin mo siya, Sofie. Gawin mo ang lahat para ibigin ka niya.” “Kinakabahan ako, Ma’am.” “Kaya mo iyan… may gusto ka sa kanya kaya paghirapan mo.” “Si-sige po.” Habang kau-kausap ni Angel ang babae ay may kirot nararamdaman siyang kirot sa puso. Ngunit wala na siyang magagawa. Pumayag na si Sofie sa kanyang kagustuhan. Pagdating nila sala ay eksaktong bumaba si Douglas. Hawak-hawak nito ang makapal na libro. “Aalis na kami, Angel. Nandoon sa itaas ang dalawang bata.” “Ako na ang bahala sa kanila. Mag-iingat kayo.” Lumapit si Douglas sa kanya at muling hinalikan ang kanyang labi. Nakatingin lang si Angel habang pinagmamasdan si Douglas at Sofie na papalabas ng mansyon. Bahagya siyang sumunod papuntang pinto. Nakita niyang pinagbuksan ni Douglas ng pinto ang babae at ito na rin ang kusang nagsara. Nagmamadali na ring sumakay ang lalaki at umalis na ang mga ito. Tumutulo ang mga luha ni Angel habang pinagmamasdan ang papalayong kotse ng kanyang pinakamamahal na lalaki. Aaminin niyang hindi pa siya handa na iwan ang lalaki. Hindi pa siya handa na ipaubaya ito. Ngunit dahil sa kanyang sakit sa puso ay kusa nalang siyang nagdi-desisyon na hindi tama. “Ayos ka lang ba, Angel?” biglang tanong ni Steffan. “Oy, hi.” Tinanggal niya ang kanyang mga luha sa mata. “Akala ko ay umalis kayo ni Veronica. Hindi ko kayo nakita kanina.” “Nasa hascienda kaming dalawa para mangabayo,” sagot ng lalaki. “Teka… bakit ka umiiyak?” “Wa-wala… medyo nadala lang ako sa aking sakit ngayon. Pero huwag mo akong isipin Steffan.” “Alam mo namang masama saiyo ang pag-iyak, right?” Tumango siya. “Ano ka ba… ngayon lang to.” “Sigurado ka?” “Oo,” ngumiti siya sa lalaki. “Sige… kukuha na muna ako ng tubig. Nagpapakuha kasi si Veronica, e.” “Sige lang,” muli siyang ngumiti. Pagkatalikod ni Steffan ay napabuntong hininga si Angel. Umupo na muna siya sa couch nang makaramdan ng pangangalay. Note: Guys sa Hot STALION. if you observe doon ay may dalang chapters na paulit2. Nai change ko na po. Nasa Chapter 35 ito. Please like our sss page for more information Name: ATHAPOS DREAME
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD