KABANATA TWO

2047 Words
Kabanata 2   HINDI lubos maisip ni Angel na makita si Douglas na mayroong ibang kasamang babae. At mas lalo na siguro kung mayroon ng ibang mag-aalaga sa kanyang mga anak. Ngunit kailangan niyang gawin ang lahat kahit papaano  ay maibsan ang pangungulila ng kanyang maiiwang pamilya. “Ayos ka lang ba?” tanong ni Douglas sa kanya. “Oo naman… huwag mo akong isipin, Douglas.” “Ang lalim ng iniisip mo.” “Hindi ka na nasanay. Okay lang ako.” “Ikaw ang bahala basta kung may kakaiba kang naramdaman ay sabihin mo kaagad sa akin.” “Sige,” tipid niyang sagot. “By the way, may board meeting kasi sa ospital, e. Ihahabilin na muna kita kay Sofie para siya na muna ang magbabantay saiyo habang wala ako. It takes 3 hours ang meeting kaya medyo matagal.” “Wala iyong problema, Douglas.”  Sa isip-isip ni Angel ay isa iyong pagkakataon para makausap ang babae. Si Sofie ang mas nakakakilala kay Douglas dahil sekretarya niya ito. Maganda si Sofie kung kaya madali nitong mapapaibig si Douglas. Pagdating nila ng ospital ay kaagad silang sinalubong ni Sofie. Makikita sa mga mata ng babae ang kakaibang titig nito kay Douglas. Lihim na natuwa si Angel, kahit papaano ay hindi siya mahihirapan na kumbinsihin ang babae. “Bye, maiwan na muna kita… Sofie, ikaw na muna ang bahala kay Angel, ha.” “Yes, Doc.” Humalik sa kanya si Douglas at tumalikod na ito. “Tulungan na kita Miss Angel,” inilalayan siya nitong maglakad. “Maraming salamat, Sofie.” Ngumiti lang ang babae bilang sagot. Pagdating nila sa clinic ni Douglas ay humugot na muna siya ng malalim hininga. Kinakabahan si Angel sa kanyang binabalak. Sobrang sakit na ipamigay ang lalaking mahal mo. Kung may pamimilian lang sana siya ay hindi niya ito gagawin. Kahit papaano’y may malaki siyang respeto kay Douglas. Ngunit ito lang ang paraan para maibsan ang pangungulila ni Douglas sa kanya at lalo na kapag patay na siya. “Sofie,” tipid niyang sambit. “Ano po ‘yon, Miss Angel?” “Sobrang nakikita ko ang kabaitan mo, maganda ka at marunong magdala sa sarili.” Kumunot ang noo ng babae. Mukhang hindi nito naiintindihan ang kanyang sinasabi. “Ano po ang inyong ibig sabihin, Miss Angel?” “Nakikita ko sa mga mata mo kung paano mo titigan at tingnan si Douglas.” “Po?” Nanlaki ang mata ng babae sa gulat. Mabilis itong pinamulahan ng mukha. “Huwag kang mag-aalala, Sofie. Hindi naman ako galit, e. At sa katunuyan niyan ay natutuwa ako sa ginawa mo.” “Miss Angel,” may takot sa boses ni Sofie. “Sofie, mamamatay na ako… ngayon, gusto ko sana na paibigin mo si Douglas at maging ina ka ng aking mga anak.” “Miss Angel.” Gulantang ang mga mata ni Sofie at halos hindi ito makapaniwala. “Hindi ko po magagawa iyan… hindi ko kayang mang-agaw ng lalaki sa iba at lalo pa’t may mga anak na kayo.” “Hindi mo naman siya aagawin, e. Binibigyan kita ng permiso, Sofie. Alam kong may gusto ka kay Douglas at gusto kong gawin mo ang lahat para mapaibig mo siya.” “Bakit po kayo ganyan?” Natigilan si Angel sa tanong na iyon ni Sofie. Bigla siyang na-guilty sa sinabi nito. Bumilis ang t***k ng kanyang puso ngunit nagawa niya itong kontrolin. “Kung alam mo lang Sofie kung gaano ito kasakit para sa akin. Ngunit wala na akong pamimilian pa. Bilang na ang araw ko rito sa mundo. At habang hindi pa ako kinukuha ng Diyos ay gagawin ko ang lahat para maging masaya sila.” “Sa tingin niyo po ba ay magiging masaya si Doc Douglas kapag nalaman niya ito?” “No… of course magagalit siya. Kaya kailangan ko ng iyong kooperasyon. Huwag mong sabihin sa kanya itong aking plano. Simple lang naman ang hinihingi ko, e. Alam ko diyan sa puso mo na mayroong kang nararamdaman sa kanya.” “Miss Angel, kung may nararamdaman man ako para kay Doc Douglas ay sa akin na po iyon. Simpleng paghanga lang poi yon dahil sa kabaitan niya.” “Simpleng paghanga nga lang ba?” “Ano po ang ibig ninyong sabihin?” “Isa rin akong babae, Sofie. Alam ko kung ano ang nararamdaman ng isang babae kapag tinitigan na nito ang isang lalaki. Lust, attraction at attachment… isa sa mga ‘yan ang nararamdaman ko kay Douglas. Ngayon, isa itong privilege para saiyo.” “Miss Angel,” natamimi si Sofie. “Tama ako hindi ba? Huwag ka nang magkaila, Sofie. Sa mga suot mo palang ay alam ko na.” Mas lalo pang hindi makapagsalita ang babae. Hindi alam ni Angel kung ano ang iniisip nito ngunit alam niyang natamaan niya ang babae. “Nawa’y pumayag ka sa aking hiling, Sofie.” “Pa-pag-iisipan ko po ‘yan, Miss Angel,” garalgal nitong wika. Ngumiti si Angel. “Maraming salamat, Sofie. Ngayon palang ay umpisahan mo nang akitin si Douglas. Paibigin mo siya. Kung kailangang gawin mo ang lahat ay… ay  gawin mo.” Halos pumutok na ang puso ni Angel. Hindi siya nakapagtiis. Mabilis siyang tumayo at nagtungo sa banyo ng clinic.  Doon ay ibinuhos niya ang lahat ng sakit. Pinigilan niyang humagulhol ng iyak. Sobrang sakit. Hindi siya makapaniwalang sinabi niya iyon. At mas lalong hindi siya makapaniwalang nagawa niyang ipamigay ng ganoon nalang si Douglas. “Patawarin mo ako Douglas. Ito lang ang tamang paraan upang hindi kayo masaktan kapag nawala na ako.” Nanginginig siyang inayos niya ang kanyang mukha. Hinintay niya munang pumuti at mawala ang pula-pula sa kanyang mga mata. Nagpapasalamat si Angel dahil hindi namumugto ang kanyang mga mata. Nang maayos na ang sarili ay saka palang siya lumabas. Naabutan niya si Sofie na may ginagawa. Ngunit minsan ay napapahinto ito. Alam niyang hindi pa rin makapaniwala ang babae at nag-iisip ng kung anong tamang gawin. Minabuti niyang hindi na muna magsalita. Pagkalipas ng mahigit tatlong oras ay dumating si Douglas. Mayroon itong sandaling inaasikaso at maya-maya pa’y lumabas na sila sa clinic. “Babalik ako rito mamaya Sofie para sa mga pasyente. Kumain ka muna, ihahatid ko lang si Angel sa mansyon,” ani Douglas. “Si-sige po, Doc,” balisa ang babae. Tiningnan ni Angel si Sofie at nang tumingin ito sa kanya ay ngumiti siya. Isang ngiti na may kahulugan ang kanyang ibinigay. Pagkaalis na pagkaalis nila sa clinic ay sumakay sila ng elevator. Nakahawak ang kamay ni Douglas sa kanya. “Anong nangyari kay Sofie? Bakit balisa siya?” tanong ni Douglas. Napansin pala iyon ng lalaki. “Hindi ko alam, e. Maybe gutom na siya. Nasabi niya sa akin na wala pa siyang kain,” pagsisinungaling ni Angel. “Kawawa nama… teka, magpapa-deliver nalang ako ng pagkain para  sa kanya. Hindi na naman iyon nag-agahan.” “Iyon ang sabi niya sa akin,” ngumiti si Angel. Dinukot ni Douglas ang cellphone nito at mabilis na nagpa-deliver ng pagkain para kay Sofie. Pagkalabas na pagkalabas nila sa ospital ay iniwan na muna siya ni Douglas para kunin ang kotse nito sa parking lot.  Habang naghihintay ay may nakita siyang pamilya. Masaya ang mga ito. May sakit ang lalaki, namumutla ito at hinang-hina. Tulak-tulak ito ng babae na may batang nakasunod sa kanila. Sobrang liit pa ng bata. Hindi maiwasang mapaisip ni Angel. Kung si Douglas kaya ang nasa kalagayan niya ay magagawa kaya ng lalaking ipamigay siya sa iba?  Naipikit niya ang kanyang mga mata. Hindi niya alam ang sagot. Basta ang alam niya ay mahal na mahal siya ng lalaki at ganoon din si Angel rito. Maya-maya pa’y nasa harap na niya ang kotse. Nagmamadaling lumabas si Douglas at pinagbuksan siya ng pinto. Tumayo si Angel at lumapit. “Thank you,” ngumiti siya. “Your welcome my love,” ngumiti ng ubod ng tamis si Douglas. Parang kinurot ang kanyang puso  nang makita ang mukha na iyon ni Douglas. Mas lalo siyang pinapatay ng konsensya niya. Kaya nang iwan na nila ang ospital ay sobrang tahimik si Angel. Hindi niya alam kung tama ba iyong ginawa niyang pagkausap kay Sofie. Pagdating nila ng mansyon ay kaagad siyang  sinalubong ni Veronica.  Nakikita niya ang labis na saya ng babae. “Kumusta ang first night?” pilya niyang tanong. “Anong first night ba ang pinagsasabi mo… second night na namin iyon,” napahagikhik ng tawa si Veronica. Ginawa nila ang pag-uusap habang patungo sila ng komedor. “Hindi ba kahapon pa kayo ikinasal. Don’t tell me may nangyari sainyo sa isla?” nanlaki ang mga mata ni Angel sa tuwa. “Iyon nga ang ibig kong sabihin,” kinikilig si Veronica. “Alam mo, ngayon lang kitang nakita na ganyan kasaya. Akalain mo ‘yon, hindi maganda ang una  niyong pagkikita ni Steffan pero nauwi pala kayo sa kasalanan. At sobrang saya mo pa,” aniya. “Hep, hep, hep… koreksyon ka diyan Madam,” biro ni Veronica. “May sasabihin ako saiyo.” “Ano ‘yon?” “Umupo na muna tayo.” Inilalayan siya ni Veronica na umupo sa harap ng malaking mesa at sumunod ito sa kanya. Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito at kung sinuman ang titingin sa babae ay aakalain nilang sinapian ito ng baliw na espiritu. Na overdose yata ito sa punla ni Steffan. “I’m sure mas kikiligin ka pa,” ani Veronica at may kinuha itong larawan sa bulsa ng suot na damit.  “Tingnan mo.” Mabilis niyang inabot ang larawan at tiningnan niya iyon. May kalumaan na ito ngunit klarong-klaro pa rin kung sino ang nasa picture. Dalawang bata na magkahawak ang kamay. “Ikaw itong batang babae… hindi ako maaaring magkamali kasi kamukha mo ngayon si Stanley kapag mataas ang buhok.” “Tama ka diyan, napapansin ko rin iyon simula nong nakita ko ang larawan na iyan kagabi.” “At itong lalaki, sino naman ito? Nakasimangot ang mukha, parang bitbit ang buong mundo.” “Sira, ganyan talaga raw siya noong bata pa siya.” “Sino ba ‘yan? Impossible namang si Homer.” Hindi ganyan ang mukha ni Homer. “Titigan mo ang mga mata para makilala mo.” “Teka,” iyon nga ang ginawa ni Angel. Noong una ay hirap itong kilalanin dahil nakasimangot. Ngunit nang magtagal ay napahalakhak si Angel ng tawa nang makilala ang batang lalaki. “Seryoso? Si Steffan to?” “Oo, sa wakas nakilala mo rin.” “Ano ba si Steffan rito oy, parang natalo sa sabong ng manok.” “Sira… sa Masbate iyan.” “Oh?” “Oo, bata pa ako niyan kaya hindi ko pa matandaan. Nang ibigay iyon ni Mommy sa akin ay nagulat ako. Kaya ipinakita ko iyon kay Steffan at confirm. Siya daw ang nasa larawan. And take note ha, tinulungan niya that time dahil may nangyari sa akin.” “Oy, totoo?” hindi makapaniwala si Angel. “Oo nga… evidence oh?” itinaas ni Veronica ang larawan. “Therefore, ang unang kita namin ni Steffan ay hindi ganoon kasama.” “Sa tingin ko ay kayo talaga ang tinadhana dalawa. Akalain mo ‘yon, sino mag-aakalang magkikita kayong muli.” “Kaya nga, e. Kaya pala magaling sa pangangabayo ang hinayupak dahil pala may hascienda ang mga ito. At noong nagpunta sila sa Masbate ay sasali ng rodeo ang kanyang Papa.” “Alam mo Veronica, hindi ko masiyadong  alam ang drama ninyo sa Manila noon, pero sobrang saya ako dahil sa wakas nahanap mo na ang lalaking magmamahal saiyo ng tunay.” “Hindi ko rin iyon inisip, Angel, e. All I want ay maging artista pero nang makasal kami ni Steffan kahapon ay parang nawawala ang gana ko sa pag-akting. Alam mo ‘yon, parang gusto ko nalang alagaan si Steffan.” “Maganda iyan, Veronica,” ngumiti si Angel. Sa loob niya ay may naramdaman siyang lungkot. Naiisip niya si Douglas, sayang at hindi na niya maaalalagan ng mas matagal ang lalaki. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD