KABANATA SIX

1962 Words
Kabanata 6  PILIT na pinakalma ni Angel ang kanyang sarili dahil naaawa siya kay Cedrix na panay na rin ang iyak. Dumating si Stanley at kaagad itong nagtaka. “You’re both crying?”  “No… hindi kami umiiyak,” aniya sa bata kahit alam nitong umiiyak talaga sila. “Halika ka Stanley,” inabot niya ang kamay ng anak at marahan itong hinila payakap sa kanya. Nasa ganoon silang ayos nang mag-ring ang kanyang cellphone. Mabilis na tiningnan ni Angel kung sino ang tumatawag. Si Veronica. Nag-init bigla ang kanyang dibdib at dumagan pa iyon sa kanyang buong katawan. Kinakahaban siyang sinagot ang tawag ng kaibigan. “Hello Veronica, ku-kumusta ang lakad ninyo ni Steffan?” kinakabahan niyang tanong. “Hmm… Angel, huwag kang malulungkot, ha. Hindi kami sinipot nong nag-response. Baka natakot ito kaya hindi tumuloy. Nag-deactivate na rin ng account kani-kanilang.” Mabilis na nanlumo si Angel. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi dahil ayaw niyang umiyak. “O-okay lang. Maraming sa-salamat.” “Ayos ka lang ba ngayon, Angel?” “O-oo… huwag ninyo akong isipin.” Pagkababa ng tawag ay humugot ng malalim na hininga si Angel at ibinuga ang hangin. Kahit papaano ay napigilan niyang umiwak sa harap ng dalawang bata na noo’y nakikinig lang sa usapan. “Mama, puwede ko po bang ibigay ang heart ko sa’yo? Ibibigay ko nalang po para hindi na kayo malungkot at para hindi na kayo mag-aaway ni Daddy,” inosenting wika ni Cedrix. “Me too, Mommy… I can give my heart if you want. I don’t want you to see crying.” “Naku… kayo talaga, ingatan ninyo ang inyong heart dahil mahalaga ‘yan. At isa pa, kung ibibigay ninyo ang heart sa akin, e. Hindi na tayo magkakasama because someone will die and another one lived.” “Ganoon po pala ‘yon, Mama?” “Oo Cedrix… hindi ba you're Dad keep on telling the two of you na once mawawala ang heart ay mamatay kayo. Kaya it is not easy to find a new heart.” “Can we just make a heart, Mama?” Natawa si Angel kay Stanley. “Hindi puwede, e. Because a heart must be natural. At hindi dapat ginagawa artificially.” “Kaya pala mahirap ang maghanap ng heart donor, Mama. Hayaan niyo po, habang wala pa pong magbibigay ng heart sainyo ay aalagaan namin kayo ni Stanley. Hindi ba, Stanley?” “Yes of course.” Nagyakapan ang dalawa.  Gumuhit ang matamis na ngiti ni Angel sa dalawang bata. Sa tuwing malungkot siya ay nandiya si Cedrix at Stanley na nagpapasaya sa kanya. Kahit papaano ay naiibsan ang sakit ng kanyang puso at kirot niyon. NAGDAAN  pa ang mga araw ay panay lang ang text ni Sofie kay Angel. Wala itong ibang ginawa kundi ipaalam sa kanya kung ano ang gingawa ni Douglas at lalong-lalo na kapag magkasama ang mga ito. “Ate Angel… hindi ka pa ba matutulog?” tanong sa kanya ni Shasmael. “Hindi pa ako inaantok, e. Hinintay ko rin si Douglas. Gabi na hindi pa umuuwi.” “Hindi ba siya nagpaalam saiyo ngayon, Ate? Baka may operaton si Kuya tonight,” tumabi na muna ng upo si Shasmael. “Hindi ko alam pero never pa siyang nagkaroon ng operation kapag gabi. Umaga at hapon ang schedule ng kanyang operation.” “Bakit kaya ganoon, ate? Hindi naman ganito si Kuya umuuwi, e. Minsan pa nga nakakasabay natin siyang kumain, will kapag dito ako kumakain ng dinner ay nandito siya.” “Hayaan mo, Shas… itatanong ko kapag umuwi na siya. Teka… dito ka ba matutulog?” tanong niya. “Oo ate, mamayang madaling araw ang alis ni Ate Veronica at Kuya Steffan papuntang isla para sa kanilang honeymoon. Sasama ako mamaya sa paghatid. Ang daya nga, e. Hindi ko alam na umalis kaagad sina Kuya Homer at Kuya Peter nong hapon pagkatapos ng kasal ni Ate Veronica.” “Hayaan mo na ang dalawang iyon. Si Peter sobrang busy pa sa Manila kasi ‘iyong manager ay nag-retire. Habang si Homer, luluwas kaagad pabalik ng States dahil may photoshoot pa siya roon.” “Naku ate… I can’t imagine seeing myself working after my studies.” “Bakit naman? Kaya nga tayo nag-aaral hindi ba? Para in the nearer future ay may maganda tayong trabaho. Isipin mo nalang na itong pag-aaral mo ay investment ng sarili mo. Ikaw lang din naman ang makikinabang, e.” “Alam ko naman ‘yon, ate. Pero ang kaso walang challenge na nangyari sa buhay ko. I mean, may mga kaklase ako na sobrang wala-wala. Minsan hindi nakakapagbayad ng tuition. Naisip ko ate gusto ko makaranas ng ganoon minsan.” “Alam mo… pinagdaanan ko yan noon. Alam mo na naman siguro ‘yon hindi ba?” “Opo, ate. Bilib na bilib nga kami saiyo, e.” “Ganito ang gawin mo… kung may maitutulong ka saiyong mga kaklase ay tumulong ka. Nakakaluwag-luwag ka at hindi ka nahihirapang maghanap ng pambayad ng iyong tuition. Why not ibahagi mo rin kung ano ang mayroon ka?” “Naisip ko na rin ‘yon, ate. Ang kaso nahihiya kaya kasi baka sabihin ng mga kaklase ko na masiyado akong pabibo.” “Ha?” kumunot ang kanyang noo. “Lage mong iisipin Shasmael na mas mabuti na ang puso ang nagpasya kaysa ang iyong isipan. Hindi isang pabibo kung bukal sa puso mo ang tumulong. Hindi ba iyan palagi ang sinasabi ni Lola Veron at Lolo John?” “Sige po. Susubukan ko pong tumulong sa abot ng aking makakaya.” “Maganda ‘yan para dagdag points ka sa langit,” biro niya na nagpatawa kay Shasmael. “Si Ate Angel, talaga.” “Sige na… matulog ka na Shas baka hindi ka magigising mamaya. Naku… baka maiwan ka ng van.” “Ikaw ba ate ay sasama ka?” “Hindi na siguro… malabong magiging ako mamaya dahil sa gamit na aking iniinom,” ngumiti siya sa binatilyo. “Sabagay… paano ate, mattulog na ako. Goodnight po,” nakipagbeso si Shasmael. “Goodnight… sweetdreams.” Pagkaalis ni Shasmael ay napangiti si Angel. Sobrang bait ng pamilya na kanyang tinitirhan ngayon. Sino ang mag-aakalang nasa poder siya ng mga Montecilio? Kahit na sobrang yaman ng pamilya ay nanatiling nakatapak ang mga paa sa lupa ng bawat isa. Bukod pa roon ay pinagkalooban ng kagwapuhan at kagandahan ang mga ito. May bumosena na kotse sa labas at mabilis na napatayo si Angel. Si Douglas na iyon. Kilala niya ang tunog ng kotse nito. Binuksan niya ang malaking pinto at naghintay na pumasok ang lalaki. Nag-park pa ito ng kotse at maya-maya pa’y patakbo na itong lumapit. “Bakit gising ka pa?” nagtatakang tanong ni Douglas.  “Hinintay kita. Nag-aalala ako sa’yo.” Lumapit si Douglas sa kanya at humalik. “Hinatid ko lang si Sofie sa kanila tapos niyaya ako ng kanyang Mama na doon maghapunan kaya matagal akong nakabalik.” “Ganoon ba? Pumasok ka na… isasara ko ang pinto,” nanginginig ang kamay ni Angel  nang ini-lock niya ang tarangkahan. Hinintay siya ni Douglas at sabay na silang umakyat. Walang namagitang usapan sa kanila. Dahan-dahan silang pumasok sa kuwarto dahil tulog na ang dalawang bata. Kaagad siyang dumiritso sa pag-inom ng kanyang gamot at humiga na sa kama. “Good night…. inaantok na ako,” aniya. “Sige… maliligo pa ako.” Pagkapasok ni Douglas sa shower room at doon bumuhos ang mga luha ni Angel. Hindi niya alam kung ano ang iri-react nang sabihin iyon ni Douglas. Sobrang nagsisisi siya sa kanyang pagkausap kay Sofie. Ngayon ay bumabalik na sa kanya ang karma at kawalang isip paged-desisyon.  Nasa kalagitnaan siya ng kanyang pag-iyak nang biglang nag-vibrate ang cellphone. Pinusan ni Angel ang kanyang luha at bumangon. Ang buong akala niya ay kanya iyon ngunit nasa damit ni Douglas nangagaling ang tunog. Nagmamadali siyang tumayo at tiningnan iyon. Pagkabasa niya sa screen ay kaagad niyang nabasa ang pangalan ni Sofie. May text ang babae. Kinakabahan siyang pinindot ang read botton. Mabilis na tumambad sa mga mata ni Angel ang malanding text ng babae. “Goodnight Douglas. Nag-enjoy si Mama saiyo. Sana raw ay mas dalasan mo pa ang pagbisita at paghatid sa akin. Hehe.” Biglang naipikit ni Angel ang kanyang mga mata. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang ibinabalik ang cellphone sa bulsa ng damit Bumalik siya sa kama at doon muling bumuhos ang sobrang sakit at sama ng pakiramdam. Buhay paman siya ay unti-unti na siyang pinapatay ng sakit at selos! Hindi na tama itong nararamdaman ni Angel. Bukas na bukas ay tatawagan niya si Sofie na itigil na ang ginagawang plano.  Mabilis na ipinikit ni Angel ang kanyang luhaang mata nang bumukas ang pinto ng shower room. Hindi niya namamalayang hinila na pala siya ng kanyang gamot sa pagtulog. Nakatulugan niya ang masamang pakiramdam. Kinabuksan ay nahirapan siyang idilat ang mga mata dahil sa nanunuyong mga luha. Mabilis na lumapit si Cedrix at Stanley sa kanya upang alalayan siyang bumangon. “Mama, tapos na ang aming half day school,” masayang wika ni     Cedrix. “Si Daddy ang nag-hatid going to school, Mama.”  Napangiti si Angel nang marinig si Stanley nang nagsalita ito gamit ang wikang Filipino. “Marunong ka nang magsalita ng Filipino?” “Yes, Mama. Cedrix teaches me.” “Kasi Mama… minsan hindi siya naiintindihan ng mga kaklase namin. Kaya ako nalang ang nagturo sa kanya.” “Naku… maganda ang ginawa mo, Cedrix. At ikaw naman Stanely, maganda rin ang ginawa mo kasi sinubukan mong matuto.” Natutuwa si Angel sa dalawa.  Kahit na medyo matagal na sa kanila si Stanely ay hindi pa rin ito tahasang magsalita ng Filipino. Pero ang maganda roon ay talagang nakakaintindi ang bata.  Bago paman bumasa sa parakumain ng tanghalian ay tinulungan si Angel ng dalawang anak na mag-ayos  ng kanyang hinigaan.  Nang nasa ibaba na sila ay saglit na muna siyang nagpaalam sa dalawa at pinauna niyas ang mga itong magtungo sa komedor. Mabilis na hinanap ni Angel ang number ni Sofie at tinawagan ang babae. Noong una ay hindi nito sinagot. At sa kanyang pangalawang tawag ay sinagot na iyon ng babae. “Ano ba Ma’am… busy ako ngayon,” inis nitong wika. “Itigil na natin ang kalokohan na ito Sofie. Ayoko na sa ganitong set up.” “Pero Ma’am… nasimulan ko na. At baka mahihirapan akong itigil.” “Ano ang ibig mong sabihin?”  “Simula noong sinabi ko sa kanya ang plano mo ay mas lalo pa siyang napapalapit sa akin. And who knows baka tuluyan na siyang bumigay sa akin dahil sa matinding tukso.” “Pakiusap, Sofie. Itigil mo na ang mga kahibangan na ito.” “Kasalanan mo ito, Angel. Kung hindi mo ako kinausap ay hindi ako naglakas loob na akitin pa lalo si Douglas. Tapos ngayon na ayaw mo na ay kusa mo nalang akong didiktahan na ititigil? Mamamatay ka na kaya itutuloy koi tong plano. At huwag kang magkakamaling kalabanin ako dahil may alas ako laban saiyo.” Nasindak si Angel sa huling sinabi ni Sofie. “Ano ang ibig mong sabihin?” “Simple lang… sasabihin ko sa pamilya ni Douglas ang plano na iyong ginawa. Tingnan lang natin ngayon kung sino ang kawawa. Mamamatay kang masama ang loob at may mga taong galit na galit sa’yo.” “Hayop ka, Sofie.” “Sorry Angel… happy condolence.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD