ChaCha Story: Floppy Feet

529 Words
Floppy Feet (Bed Spacer Real Story) Written by: Arllane Austria Ako si ChaCha taga Victoria, Tarlac. 30 taong gulang na. Matagal na ako rito sa aming boarding house. Bed Spacer ang aming inuupahan. Matagal nakami rito, mga 5 taon na kami nangungupahan dito sa may Orchids St, Tarlac City. May kasama pala ako na isang call center agent si, Ai. Dalawa lang kami dito sa room number 5. At sa kabilang room sina Joan at Weng ay magkapatid sa room number 6 sila at marami pa kami rito. Matagal nakami rito, at bed spacer tong inuupahan namin. Sa labas ang c.r tatlo ang c.r dito. Pagkakatanda ko, gabi noon, bago bago palang kmi noon dito. Wala pa kami masyadong gamit. Di kami nakabili ng arinola upang pag ihian, kaya't wala akong choice kung hindi ang lumabas. Nasa taas kasi ako ng bed at bababa na, binuksan ko ang pinto. Hindi ko alam kung nagmamalik mata ako ngunit may nakita akong paa sa labas ng pinto at wala itong katawan, dali dali akong pumasok sa aking kwarto at sa sobrang takot ay napaihi ako sa aking kama. Habang kami ay tulog nang lahat sa pangatlong araw na paninirahan namin sa bording house ay may naririnig akong yapak ng paang nakatakong at tinignan ko, wala namang tao dahil madilim na at iilan pa lamang kaming nangungupahan sa boarding house. Nang magtagal nakami rito, kada hating gabi ay may naglalakad na paa rito. Akala ko ako lang ang nakakarinig. Hindi pala, pati na rin ang mga kasama ko may naririnig daw silang paang nakatakot na tila ba ay patakbong lumakad ito. Kaya't ang tinawag namin sa aming naririnig na yapak ng paa ay "Floppy Feet". Di nagtagal ay may nakaroom kami dito sa room namin, trabaho daw niya ay Teacher. Kaya tawg namin sa kanya ay teacher. Nang araw ng lunes pagkakatanda ko 2018 yun, wala kaming lahat sa boarding house siya lang ang mag isa. Ang room kasi dto sa boarding house namin ay dalwa sa labas at apat sa loob. Sa labas nandun ang mga tao, at kaming nasa loob ay umuwi muna sa aming tahanan. Ang akala ni teacher nang hating gabi ay dumating nakami sapagkat may narinig daw siyang takong na naglalakad. Kinaumagahan ay dumating na kami nina weng, ai, ako at si joan. Ang sabi ni teacher ay Teacher: "Te, akala ko ba umuwi nakau kagabi" Ako: "Huh? Eto oh kadarating palang namin" Teacher: "Oh sino yung narinig ko kagabi na naglalakad? Na nakatakong?" Weng at Joan: "Hahahaha narinig mo rin pala si Floppy Feet teacher." Teacher: "Sino un?" Kinwento namin sa kanya ang lahat dahil bago lamang siya dito. At ang sabi ko ay "Masasanay ka rin sa mga yapak ni Floppy Feet." Sa ngayon ay marami na kami rito, madami na rin nakarinig sa yapak ni Floppy feet at unti unting nasanay nakami sa ingay niya. Magmula ding nakita ko ang paang iyon ay kanya kanya kaming bumili ng arinola. Dahil baka tulad ko makita namin ang paa ni Floppy feet na walang katawan. At nang kinagabihan ay nanaginip si Teacher na isang batang lalake, at ang batang lalaking iyon ang aking ikekwento. The End
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD