Claire's Story: Chat Mate

889 Words
Ako si Claire, taga Misamis Oriental. Ako ay 23 taong gulang na. Sa ngayon ay nag aaral ako dito sa mataas na paaralan ng Misamis. Nursing student ako at single mom ako. Dahil hindi ako pinanagutan ng kasintahan ko noon. Ngunit kahit na may anak na ako patuloy pa rin ako nag aaral ng kursong Nursing. Mahilig ako sa Social Media like f*******:, Twitter at iba pa. Sumasali rin ako sa mga dating sites. Dahil gusto ko na ring magka love life ulit. May kaibigan rin ako, sina Mylyn, Miles, Genelyn, at Mardylyn. Silang lahat ay may boyfriend na ako lang ang wala, naiinggit ako sa kanila kapag may sumusundo sa kanilang mga kasintahan nila. Sabi nila sa akin, maghanap daw ako sa f*******: ngunit nahihiya naman akong magfriend request lalo na ako ang babae. Dahil ang mga boyfriend daw nila ay nakilala lang nila sa Social Media. Minsan ay kumakain kami sa kantina Mylyn: Naku girl, kung pakipot ka pa tatanda kang dalaga niyan. Miles: Tama si Friendship, kung ayaw mong tumandang dalaga add ka na! Genelyn: Naku.. talagang mga sulsol kayo no, darating din yan friend. Mardylyn: Tama ... Wag madiliin. Naguguluhan ako. Ngunit nang pagtingin ko sa phone ko at binuksan ko ang sss ko may nakapukaw sa aking attention. Inadd ko ito. Pangalan niya ay MJ. Nasabi ko sa sarili ko na gwapo ito. Agad ko itong chinat at nagreply siya agad. Naging mabuting magkaibigan kami ni MJ. Hanggang sa naging kami sa social media. Lagi ko siyang kachat at kinikilig ako. Siya ay taga dito rin sa Misamis, ngunit never ko siyang nagka videocall. Isang araw ay sinubukan kong pina ring ang call, sinagot niya nito. Ang pag uusap namin Ako: Bat ang dilim Yum? MJ: wala kasing kuryente dito sa amin. Gusto mo kita tayo bukas? Ako: Sige yum? Saan? Ngunit hindi natuloy ang pakikipagmeet ko sa kanya. At sinabi na naman niya ay bukas daw at Sinabi niya ang address.. Isang gabi habang nag sscroll ako ay nakita ko ang mga pamamaalam kanyang mga kaibigan. Nanlumo ako, baka prank lang kc kausap ko siya ngayon. Baka wrong tag lang. Pero ang pagtataka ko ay bakit ang picture niya ang nakalagay sa pamamaalam. Tinanong ko siya, Ako: yum, bakit sa post at tag ng mga kaibigan mo ay patay kana.? Mj: Yum, kung wala na ako dimo sana ako kausap ngayon. Kinabukasan ay pumunta ako sa sinasabi niyang address. Nakita ko na napakaraming tao, mukhang may patay. Nagbless ako sa matanda at mama niya pala yun. Hindi ako makapaniwala ang kameet ko ngayon ay limang araw na palang patay. Nakita ko ang picture ni Mj na nakatarpaulin baka prank lang to. Nakasulat ksi sa tarpaulin ay March 6, 2004- March 6, 2021. It means baka birthday niya ngayon. Tinanong ko kay mama niya ano ang kinamatay niya. Naakisidente daw ng motor. Eh 5 days ago nung sanang magkikita kami. Ngunit ang pagtataka ko, sino ang ka chat ko? Biglang nag vibrate cp ko at ang sabi niya sa messenger ay "Nice to meet you yum!". Muntik ko ng mabitawan mag isa ang cellphone ko. Hindi ako makareply. "Yum? Lapitan mo ako!" Takot na takot ako, ayaw ko namang magulat ang kanyang ina. Tinanong ako ng kanyang ina ngunit hindi ako makasagot. "Yum, nakikita kita! Lapitan mo ako nandito ako sa likod mo!" Ang nasa likod ko ay kabaong ng patay. "Yum, bat di ka nagrereply? Diba magkasintahan naman tayo? Napapangitan ka ba sa akin?" Hindi ako makakilos sa takot. Nagriring ang messenger, umalis ang nanay ni Mj saglit. At sinagot ko ito, baka poiser niya siguro ang kachat ko. Ngunit sa video call ang salamin ng kabaong niya. Ang mukha niyang nakahiga sa loob. Gusto kong sumigaw! Ngunit tinapangan ko. At pinatay niya ang video call at nagmessage siya "Yum bat gulat ka? Napapangitan ka sa akin no? Halika ka kasi nakikita na kita ngunit ayaw mo naman lumapit sa akin, halika yakapin mo ako first meet natin to eh" Nilapitan ko ang kabaong niya. Tiningnan ko ang mukha niya at nakita ko ang cellphone niya na nakapatong sa dibdib niya. Kusa itong nagtatype mag isa. "Yum ano na hug mo na ako, kaharap na kita!" ........... "Yum" Kada message, nagvavibrate ang cp ko. Napatakbo ako sa takot at agad agad ko itong binlock. Ngunit ayaw mablock. Natataranta na ako. "Yum bat umalis ka?" Nagriring ang messenger ko, pinapatay ko ito. Nireplyan ko siya. "Tama na! Patay kana!" Kachat mo pa ako ngayon? Patay nq ako? Bigla kong pinatay ang aking cellphone. At nang umuwi ako ng bahay ay nakatulog ako at sinindi ko ang cellphone ko. Kadaming mensahe ni MJ. "Yum nakauwi kana ba? Andito ako sa harap ng bahay niyo! Sinundan kita kanina hbang nakamotor ako!" Natakot ako, at nakita ko sa harap ng bahay namin ang sirang motor na sinakyan ni MJ noong naaksidente siya. Sumigaw ako ng sumigaw. At binasag ko ang aking cellphone at magmula noon ay hindi ko na binuksan ang aking sss account. At gumawa ako ng bago dahil sa traumang naranasan ko sa aking kachat mate. Nang buksan ko ang message request ko sa bago kong sss ay (MJ Felipe send a message request) "Hi, yum. Bat ka umiwas sa akin? " Napasigaw ako sa takot at tila hindi ako patatahimikin ni MJ. THE END

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD