CHAPTER

2011 Words
“Ano bang nangyari ron?" naitanong ko pa sa sarili ko, habang nakatingin na lang sa saradong pintuan. Bigla nalang siya umalis, matapos na mabitawan at mababa ang plato na hawak niya at kutsara na may laman pa ng pagkain na dapat ay isusubo niya sa akin. Naiilang lang naman kasi ako. Hindi na ako bata para subuan niya. Wala naman din ako sakit, kaya kong kumain ng mag-isa. Hindi ako disabled na parang batang kailangan niya pang subuan. Lalo na't kaya ko naman kumain ng hindi niya susubuan. Nakakabawas ba ng pride ang sabihin kung kaya kong kumain ng mag-isa at hindi na niya kailangan pang subuan? Bigla na lang itong tumayo, walang salita ay umalis at lumabas ng kwarto. Napabuga ako, habang tulala na nakatingin pa rin sa saradong pinto. “Manang anong nangyari ron?" tanong ko kay Manang na kumakain rin. “Wag mo na lang din pansinin. Hayaan mo muna siya, malalim ang kanyang pinagdaanan. Kaya sana ay pagpasensyahan mo at unawain na lang siya, kung may mga bagay siyang ginagawa sayo na naiilang o kinaiinisan mo." “Ano po bang nangyari?" tanong ko pang muli kay Manang. “Mahabang storya, pero sana wag mo na lang pansinin kung ano ang ginagawa niya. Nasanay kasi siya, nasanay tapos ay bigla nalang kinuha sa kanya at parang bula na nawala." Saad na naman ni Manang habang nasubo ng kinakain niya. “Hindi ba at masakit kung sakali na ganun ang nangyari?" turan pa nito na naging dahilan para napaisip ako. “Kay ako naman ay sinasabayan ko nalang din siya, kasi nga nasa linya pa siya ng pag-aadjust." aniya muli niya na seryoso na napatingin rin sa pinto. “Mahirap ang lumimot at bitawan ang mga bagay na matagal mo nang kasama, ginagawa at buong akala ay panghabang buhay na ang saya, tapos isang iglap. Nawala nalang." Ginagagad niyang sinabi sa akin at nagkukwento pa ng ilan sa mga pahapyaw pero hindi masyadong kongkreto ang mga kanyang kwento. Bahagya kong naunawaan na mayroon nga itong pinagdaanan. Subalit bakit parang hindi naman kasi sa kanya halata? “Manang, bakit parang okay naman siya, kung may malalim at malawak ang kanyang pinagdaanan?" “Akala mo lang yon, wala dahil sa nakikita mo siyang tumatawa, nakakapag biro o nakikita mong okay naman siya sa kilos at pananalita." Saad na naman nitong sabi, tapos na rin siyang kumain. “Pero sa kabila nuon, mabigat pa rin sa kanya at nasasaktan siya sa pagkawala ng kanyang minamahal." aniya na sambit saka pinansin ang pagkain sa aking harapan na wala pang bawas. Hindi pa ako kumakain simula ng umalis siya. Simula ng iwan niya sa akin itong mga pagkain sa harapan ko, hindi ko na ito nagalaw pa sa pag-iisip kung anong nangyayari sa taong yon. Iniisip ko ang mga pinagdaanan nito, ang nasabi ni Manang na nawalang minamahal. Girlfriend niya kaya? Baka naman hindi kasintahan, kundi kanyang asawa? Pwede, mukhang may asawa na nga ata yon. Pero ang hindi ko alam kung paano niya talaga ako nakuha sa lugar kung saan ay maraming nagkalat na rebelde. Parang wala naman siyang nabanggit sa akin? Pilit kong iniisip ngayon kung nabanggit nga ba niya kung paano nila ako natagpuan sa gubat? Parang wala nga siyang nabanggit maliban sa sinabi niyang sa gubat nila ako nakita. “Kumain ka muna, wag mo na isipin pa ang problema o nangyari dun kay Rafael. Malamig na yang pagkain. Kainin mo na habang kahit paano ay may kaunting init pa naman siguro." Saad na naman ni Manang, saka ko lang binalikan, ang pagkain sa aking harapan. Malamig na nga, mukhang kakain ako na parang malamig na yelo sa lamig nitong pagkain na nasa harapan ko. Kumain ako nagsimula na sumubo, habang nginunguya ko ang aking pagkain na isinubo. May kumatok sa pinto. Bumukas ang pinto ng mapalingon ako. Akala ko ay bumalik na si Rafael matapos na tila ba nagtampo matapos ko siyang hindi sinasadya na mapagsabihan ko. Isang nakaputing lalaki ang nakita ko na pumasok sa pintuan. ”Dok, ikaw pala." sinalubong ito ni Manang habang lumalakad papalapit sa akin. “Kumakain pala kayo?" naitanong nito ng makita ang mga ilan sa kinainan ni Manang. “Oo ng dumating ka ay katatapos ko lang din kumain. Kaya lang itong si Sabrina, hanggang ngayon ayaw kumain." Saad na naman na naikwento niya ilan pa sa mga nangyari kangina at kung bakit biglang lumabas si Rafael. Natatawa si Dok, habang nagkukwento si Manang. Nakatingin din ito sa gawi ko at nginitian ako. “Sabi ko nga dito kay Sabrina. Wag na niya pansinin si Rafael at malalim, mabigat pa rin ang pinagdaanan nung bata na yon." Napalingon si Dok, sa kanya. Habang nagsasalita si Manang, napapangiti naman ito. Habang nakikinig ay napabaling muli siya ng tingin sa akin. “Tama si Manang, pagpasensyahan mo nalang muna yong si Rafael. Masyado masakit ang kanyang pinagdaanan sa kabila ng lahat na pinag-tiisan niya, makaligtas lang si Sabby." “Sabby?" naiusal ko na pinapagalitan pa ni Manang si Dok. “Bakit mo binanggit?" may pagtatanong na sabi ni Manang at napalingon pa sa gawi ko. “Hindi pa ba nasasabi sa kanya ni Rafael?" Umiling si Manang na para bang may ibubulong pa kay Dok. “Naku, sorry." naitakip niya pa ang kanyang isang kamay sa kanyang bibig. “Hindi ko sinasadya na mabanggit." nagtataka ako na nakatingin lang sa kanilang dalawa habang mga pabulong na mga nag-uusap. “Ang daldal mo talaga!" aniya ni Manang na bulalas niya pa kay Dok. Sa huli ay mga nagtatawanan pa sila. “Sino ba si Sabby?" nagkasabay pa sila ng tingin sa akin. “Siya ba yung nababanggit sa naikwento mo sa akin, Manang?" tanong ko pa. “Wag mo nalang sana mabanggit muna kay Sir ang tungkol sa pagkadulas namin kay Sabby. Hindi pa kasi tapos ang kanyang pagluluksa mula sa pagkawala ni Sabby." pakiusap pa ni Manang na kanyang sinabi. “Nawala?" naibulalas ko muli sa gulat. “K-kasi…" nang bigla nalang bumukas yung pinto habangga seryoso kami mga nag-uusap. Nagulat kami, napatigil si Manang sa kanyang pagpapaliwanag. Napalingon kami sabay-sabay sa inilabas ng bumukas na pintuan. “L-leo…" nang masambit nito, nanghihina ito na pumasok sa loob ng kwarto. “R-raf…?" naibulalas na bigkas rin ni Dok sa pilit tumatayong si Rafael. Napakapit siya sa pinto habang makikita sa kanya na nahihirapan ito at parang babagsak. “Rafael, ano bang nangyari sayo?" Si Manang, mabilis na tumakbo ng makita si Rafael, kasunod nito sa likuran si Dok na inaalalayan at nasalo si Rafael bago pa bumagsak sa sahig. Subalit napaluhod na ito ng maabutan ni Dok at masalo. Si Manang bago pa tuluyan na mabuwal si Rafael at masalo ni Dok ay nakahawak na rin Kay Rafael. “A-ano bang nangyari?" Hindi na nakasagot si Rafael dahil sa tuluyan na itong nawalan ng malay. Kapansin-pansin agad sa mga mata ko ang dugo sa katawan nito. Nababalot ng dugo ang damit na suot ni Rafael. Mas nakapansin sa mga mata ko ang dugo na umaagos mula sa braso nito. Nakasuot din siya ng safety vest pero ang natamaan sa kanya ay braso. Mukhang galing ito sa isang bakbakan at natamaan siya sa braso. Agad naman siya binuhat ni Dok, nakaalalay naman sa dalawa ang nakasunod na si Manang. Inihiga muna siya ni Dok sa sofa. Pagkatapos ay inilabas agad nito at hinugot ang kanyang cellphone sa bulsa. Halata ang pagkataranta kay Dok, habang nagdial sa kanyang cellphone. “Hello, nasaan ka?" gagad na sabi nito mula sa kausap. “Magdala ka dito ng stretchers. May patient dito sa room ni Sabrina Dominguez, bilisan mo." utos na sabi nito mula sa kausap pa rin. Nagmamadali na ibinaba nito ang kanyang cellphone at isinuksok sa kanyang bulsa. “Okay naman siya Dok?" “Oo naman, malayo sa bituka yung tama niya, malaman ay malayo rin ang pinanggalingan niyan at pagod lang dahil sa siya ang nag drive papunta rito." Saad na sagot pa rin ni Dok. Hindi na ako nakakain. Nakatingin lang ako at nanunuod sa kanila. Sinuri naman ni Dok ang tama ng baril mula sa braso ni Rafael. “Ano kaya ang trabaho nito? Mukhang sa army siya nagtatrabaho dahil sa itsura ng suot nito." naisaad ko pa habang nakatitig sa kanya. “Pero ano kayang nangyari? Bakit may tama siya ng baril? Kakaalis niya lang dito kangina ng magtampo at sumama ang loob mula sa nasabi ko sa kanya." gagad ko na naman habang nakatitig pa rin Kay Rafael. Hindi maalis ang aking tingin mula sa walang malay na si Rafael. Ang pinag-uusapan namin kangina nila Manang at Dok ay hindi na natuloy at natigil sa pagdating ni Rafael. “Malamig na yang pagkain mo!" gagad na sabi Manang habang natapos sa kanilang mga pag-uusap. Ilang sandali pa ay dumating na ang ilang nakasuot ng uniporme na puti ang pumasok sa kwarto. May dala ng mga ito na stretcher, habang ang ilang mga nagmamadali na kinuha at binuhat si Rafael. “Dito muna kayo, ooperahan ko muna si Rafael. Masyado malalim ang pagka baon ng bala sa braso niya. Kailangan siyang maoperahan." sabi ni Dok, naghabilin pa ito habang nagmamadaling lumabas ng kwarto ang mga nurse na sumundo sa kanya. Dali-dali rin na sumunod si Dok, si Manang nag-aalala na rin mula sa nangyari. “Yung bata na yon, sabi na mag-ingat sa mga gagawing misyon." usal ng paulit-ulit ni Manang habang naiiyak pa ito sa kakasambit ng makailang ulit. Hindi ito mapakali, napa sabunot pa nga siya sa kanyang mukha at makaraan, nag ikot-ikot siya sa buong kabuuan ng kwarto. “Manang okay naman raw si Rafael. Huwag na po kayo mag-alala pa!" sabi ko saad sa kanyang pagbulong. “Ano po bang nangyari?" naitanong ko, nagtataka rin kasi ako. “Napaaway po ba siya." muli kong sinaad. Maang na kunwari ay wala akong alam mula sa nangyayari sa nakita ko kangina. Unang naisip ko na baka sa army nga ito nagtatrabaho. Pangalawa, baka naman sa isang illegal na trabaho siya nasasangkot. Dahil sa lugar kung saan nila ako natagpuan ay lugar ng mga rebelde at sindikato. Pangatlo, hindi naman siya mukhang pulis. Pang apat, hindi kaya sinusundan ako nito? Minamatyagan tulad ng nangyari kay Ate Samantha? Bigla na ako napaisip habang si Manang napaupo. Hindi niya sinagot ang aking tanong sa kanya. Tahimik lang siya walang kibo at napapaiyak. Lumipas ang ilang oras, bumalik si Dok. “Kamusta si Rafael?" tanong agad ni Manang ng makapasok na si Dok. Napatingin lang din ako nakikinig. “Maayos naman siya, okay na siya after na makapag pahinga." “Extend ka muna, hindi ko muna palalabasin si Rafael. Maliban sa balikat niya, hindi niya siguro napansin ang tama ng bala sa tagiliran siya." sabi ni Dok na nagulat si Manang. Bumuhos ang luha sa kanya sa pagkasabi, ni Dok na maging ang tagiliran nito ay tinamaan ng bala. “Ano ba kasi kaya ang nangyari?" nagtatanong ang isip ko, subalit hindi naman din masagot dahil sa wala rin akong alam pa sa pagkatao ng lalaking yon. “Okay lang!" sagot ko. “Mabuti naman, para makapag pahinga rin ang isang yon. Masyado matigas ang ulo kung hindi ko pipigilan. Tiyak na ipipilit na naman niya ang lumabas at pumasok sa trabaho." anito na sabi at napabuga. “Kaya ikaw!" baling nito. Shock naman ako sa pagtuturo nito sa akin. Wala naman ako ginagawang masaya o may nasabing masama. “Magpahinga ka!" bulas niyang pautos na kinasinghap ko. “Yun lang!" sabi na natatawa, nagpaalam na rin siya. “Sige na, aalis na ako." Tumalikod na nga ito, lumabas ng pinto at kami na naman ni Manang ang naiwan mula sa loob ng kwarto na toh! Pasulyap ako kay Manang. Talagang nag-aalala siya sa nangyari kay Rafael. Halata sa namumugto nitong mata ang labis na pag-aalala sa kanyang alaga. Naisip ko lang, hindi ko pa naman naitanong. Pero ramdam ko na may malalim na sila na pinagsamahan maliban sa pagiging taga alaga ko. Baka, siguro ay tama ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD