“Pre, dito ka sa address na toh! Tumungo. Blk 45, lot 16 Kamyas st. Brgy. Santo. Tomas, Rodriguez Ave. Sa may basketball court malapit." sabi sa text message na nareceive ko.
“Maghihintay kami!" sabi muli sa sumunod na pagtunog ng cellphone ko.
Buong akala ko ay hindi ako kasama sa lakad ngayon. Pero, at heto, may mensahe na ipinadala ang aking kasama at pine susunod ako sa kanila mga lakad at misyon.
“Ano kayang nangyari?" nausal ko, habang nagsasalita pa pala itong si Leo.
“Abat kanina pa ako nagsasalita. Bakit ba tumahimik ka?" tanong nito, nagtataka sa akin sa hindi ko na pagsagot sa mga idinadaldal niya.
“Sorry, kailangan ko umalis. Bukas nalang tayo mag-usap, pagdating ko. Ikaw muna bahala kay Sabrina ahh. Kailangan kong umalis." sabi ko nagmamadali na rin.
“Teka, saan ka pupunta?"
“Pina Susunod ako sa misyon ng mga kasama ko. Basta, later nalang tayo mag-usap. Babalikan kita, babalik ako." sigaw ko sa kanya at tumama na papalayo, palabas ng hospital.
Nagmamadali na ako, hindi ko alam ano ang mga nangyari. Pero, kailangan kong makarating duon ng mabilis.
Lakad, takbo ang ginawa ko.
Nagmamadali akong tinunton ang papunta sa parking area. Nag-iikot pa ang mata ko sa paligid, mukhang nalito na ako at mali ang daan na napuntahan ko.
“Ano ba toh! Kung kailan pa ako nagmamadali." Saad ko habang napabalikwas at bumalik.
Bumalik ako kung saan ako unang nanggaling.
Hindi ko napansin ang kotse ko na nakaparada sa may gitnang bahagi.
Napunta kasi ako sa may kanang bahagi ng parking area.
Dali-dali ako na tumakbo ng makita ang sasakyan ko.
Binuksan ko agad, sumakay at saka ito ini-start.
Magmaneho agad ako, lumiko, puma-kanan, puma-kaliwa, hanggang sa natunton ko na ang labasan.
Nag dire-diretso lang ako, hanggang kumaliwa, kanan na naman, hanggang sa tuloy-tuloy na ang naging pagmamaneho ko.
Walang ka bagal-bagal. Mabilis ang aking pagmamaneho ng aking sasakyan..
May isang oras ko rin tinakbo at nakarating na rin ako sa lugar na sinabi ng kasama kong nagpadala ng mensahe.
Nagkaka putukan na, malayo pa man ako sa area ay dinig ko na agad ang mga pagputok mula sa may lugar sa harapan ng aking na hinintuan na pwesto.
Nagpark muna ako ng aking sasakyan.
May kaunting kalayuan, pero halos ang kaguluhan, maging ang palitan ng mga pagputok. At sunod-sunod na putok ay dinig ko rin dito sa aking pwesto.
Bago pa ako bumaba, naghanda na ako. Inilabas ko na ang baril ko na nilagay ko pa at isinuksok sa tagiliran ko na kinuha ko sa maliit na compartment ng sasakyan ko kung saan ay itinatago ko ang baril, kutsilyo at mga gamit ko pagdating sa mga ganitong sitwasyon.
Kailangan kong maging ready sa mga bagay na ganito. Hindi man ako madalas na may dalang mga gamit na pang proteksyon.
Subalit sa mga ganitong sitwasyon, dapat ay ready.
Naiipit ko na rin ang ilang patalim sa aking mga sapatos. May inipit rin akong dalawang caliber 45 sa aking magkabilang tagiliran ko.
Kinuha ko din sa likod ng aking sasakyan ang isang M16 at M4 Carbine na itinatago ko sa likod ng compartment ng aking sasakyan.
Isinukbit ko pa sa aking katawan ang isa habang ang isa ay ibinaba ko muna at inilapag habang nagready ako.
Subalit ng maalala ko, hinubad ko ulit ito. Naisip ko ang vest ko, dapat ko palang isuot.
Kaya hinagilap ko muna sa loob ng compartment ang vest ko. Buti nalang at nandito pala.
Kung minsan kasi ay naiwan ko ito sa bahay.
Isinuot ko na ang isang bulletproof vest na nakita ko sa compartment.
Kailangan bago pa man ako, maghanda, para sumugod sa area, upang hanapin ang mga kasama ko.
Dapat ready at safety bago pa man sumabak sa labanan.
“Okay na!" na pahinga pa ako habang naisambit.
Kinuha ko na ulit at sinukbit sa aking katawan ang baril na kangina ay hinubad ko muli matapos ko maalala na wala pa pala akong vest.
Isinabit ko muli ang aking baril sa aking katawan.
Huminga pa muna ulit ako, nagdasal panandalian bago pa man magtuloy sa pagsugod sa laban.
Nang matapos sa paghahanda ko, matapos na makapag dasal. Isang malalim na hininga ang hinugot ko at napatingin sa area kung saan ay naririnig ko ang ingay ng mga palitan ng putok.
Naghanda na ako, nagsimula na akong lumakad.
Dahan-dahan, walang ingay.
Maingat akong nag dahan-dahan sa paglapit habang naglalakad sa area kung saan ay maingay ang mga palitan ng putok.
Nilibot ko pa ang aking mga mata sa area, naging malikot ang mata ko para masiguro na walang kalaban ang makikita ako habang lumalakad papalapit.
Ginalugad ko ang lugar, inisa-isa ang area na madaanan ko.
Isang putok sa pwesto ko ang nakapagbigay sa akin ng alert.
Nagulat pa ako, dahil hindi lang isa. Pinaulanan pa ako ng bala ang bumabaril sa akin.
Buti na lang at nakapag-tago agad ako sa hindi ako makikita, nung bumabaril sa akin.
Mabilis akong na paikot at napabagsak na napasalampak, nakasandal sa isang drum.
Gumapang pa ako, mas sumiksik sa mas safe na hindi ako makikita ng nagpapaulan ng bala sa akin.
Nang makapagpahinga ang magpapaputok. Sumilip ako kung saan nagmula ang bala, ang putok ng baril at yung may-ari nuon.
Agad ko naman nakita, kinasa ang baril na hawak, habang katatapos lang nagkarga ng bala sa baril na hawak.
Inulan ko rin siya ng putok.
Subalit sa isang putok pa lang ay tinamaan na agad ito at bumagsak sa kanyang kinatatayuan.
Tinamaan siya agad sa kanyang ulo. Kaya agad ay bumagsak ito na napasalampak sa sahig.
Kumalat agad ang mapula-pulang dugo nito sa sahig.
Isa pang kalaban ang nakapansin sa akin at pinaulanan din ako ng bala.
Sumilip muli ako, isang putok ay tinamaan naman ito sa balikat.
Bumagsak ito, matapos na mabitiwan ang baril niyang hawak.
Mabilis ko naman itong nilapitan, sinipa ko ang baril niya palayo sa kanya.
Napaatras ito habang nakita ang baril kong hawak na nakatutok sa kanya.
“Patayin mo na ako." sigaw nito.
“Bakit hindi mo pa iputok?" utos ng bulalas na sinabi nito.
Habang halata naman ang pagkatakot sa mukha nito habang nakatutok pa rin ang baril ko sa kanya.
“Iputok mo na!" bulalas na naman nito na iniuutos at hinahamon ako.
Ibinaba ko yung baril ko sa lapag upang sana ay maitali siya.
Subalit ay nakapalag ito. Pagdaka ay umangat ang isang kamao nito na tumama sa mukha ko.
Naramdaman ko ang pagdugo ng aking labi.
Pinahid ko ang dugo na tumulo at tumingin ng masama sa kanya.
Isa pa sana ang tatama sana sa mukha ko. Subalit sa inis ko ay hinampas ko siya ng baril na nakasabit sa katawan ko.
“Tanga, hindi mo ito nakita?" gilalas kong sinabi.
Sininghalan ko siya habang isang malakas na hampas pa ang ginawa ko sa kanya ng akmang lalaban na naman ito.
Sa lakas ng impact ay bumuwal ito.
Tumumba ang sira ulo sa sakit siguro ng pagkakahampas ko sa huling pag-angat nitong baril ko.
Natawa ako.
“Kala mo ba, uubra ka sa akin?" aniya ko, turan na sinabi ko sa natutulog na baliw.
Baliw, dahil sa akala niya ata ay uubra siya sa isang tulad ko.
Itinali ko muna siya, pero hindi ako nakuntento. Sa inis ko sa kanya ay binuhat ko yung drum na pinagtataguan ko kangina.
Pinagulong ko yon habang papalapit sa kanya.
At nang malapit na ako sa kanya. Binuhat ko naman ang lalakeng bumaril sa akin kangina. Isinilid ko sa loob ng drum ng hindi siya makatakas.
Para sure, sa drum ko siya inilagay, matapos na maipasok sa loob.
Hindi siya basta makatakas kung dito ko siya ilalagay. Napabuntong hininga ako habang nakikita siya mula sa loob.
Natawa pa ako, napangiti, mula sa taong nakapasok sa drum.
“Raf, dumating ka!" sigaw na sabi ng isa sa mga kasama ko sa grupo.
“Kamusta sa loob?" tanong ko, habang ako nasa labas pa nga ay napaulanan na agad ng bala.
“Ayos na, nasupol na namin sila." proud na sabi na sobrang saya niya pa.
“Kaya niyo naman pala, bakit pinapunta mo pa ako?" tanong ko dito, na kinangiti niya na napakamot sa ulo niya.
“Sorry, kangina kasi…" aniya na hindi pa matuloy-tuloy ang kanyang sasabihin.
“Kangina ano?" natatawa siya sa akin dahil sa itsura ko ng pagtatanong sa kanya.
“Sorry na, kala ko talaga hindi namin masusupil sila. Buti na nga lang, naging maayos. Pero Ilan sa grupo, nasaktan." kamot na naman ito sa ulo niya.
“Okay lang may masugatan, wag lang may mamatay sa grupo at may malagas, ikaw talaga ang maya-yari sa akin, oras na nangyari yon." pabiro ko na sinasabi sa kanya na tumatawa lang din ito.
“Sorry, namiss lang kita makasama sa team. Sa lakad, madalas ka kasing wala at hindi kasama sa grupo. Wala tuloy kaming kasama na kasing husay mo, pagdating sa labanan."
Nakuha pang manukso, purihin, ang ilan sa mga naging achievement ko sa pagiging miyembro ng samahan namin.
“Oo na, sorry na nga. Pero salamat talaga at dumating ka." masayang nakangiti pa ang inabot niya sa akin.
Mababakas ang ngiti sa mukha nito, at nakikita ko sa kanya.
“Buhay pa ang isang iyan. Bahala ka na, ikaw na bahala kung anong gagawin diyan." sabi ko sa kasama ko.
“Okay sige, aalis ka na ba?" tanong agad nito
“Oo naman, ikaw ang may kasalanan. Kung bakit bigla mo nalang ako pinapatakbo ng mabasa ang text mo." bulas ko.
“Kala ko naman, ano na nangyari dito sa lakad niyo, pinakaba mo pa ako, muntik na akong mamatay ng wala sa oras." singhal ko napabulalas na kinatawa niya ng malakas
“Kaya naman pala, sinilin mo pa talaga, sa drum?"
“No choice, baka makatakas pa." sagot ko naman sa kanya.
“Bakit yung isa?" sabay pa kami napalingon mula sa nagkalat na dugo sa sahig mula sa nabaril ko kangina.
“Siya naman may kasalanan. Pinaulanan niya ako kangina, kaya ayan. Minalas, patay, naunahan pa niya ako. Pasalamat pa nga siya, hindi na siya mahihirapan sa nangyari." pabiro ko pang sambit sa gulat ng may bumaril.
Sabay kami naalarma nitong kausap ko.
Buong akala ko naman tapos na, tulad ng sinabi nito.
Pero ngayon, may humahabol pa, may nagpaulan ng bala mula sa likuran ko at sa minamalas nga naman, tinamaan ako sa balikat.
“Asar, magaling umasinta ang isang yon." nausal ko habang hawak ang balikat kong nadugo.
Kumikirot ito ng mapa sapo ako, sa sugat na tinamaan ng bala.
Nagpaputok na naman ito, pero di na siya nakaligtas ng ako na ang umasinta sa kanya.
Sapol din siya sa ulo, tulad ng isa kangina na nagpaulan sa akin ng bala.
Nalaglag ito mula sa taas, pabagsak bumagsak sa semento ng nakadilat ang magkabila niyang mata.
“Ayos ka talaga tumira!" Saad na may masayang pag kakasabi dahil sa pagpatay ko sa kalaban na nagpaputok sa amin habang nag-uusap.
“Mamaya nalang tayo mag-usap. Ikaw na bahala sa mga iyan." sabi ko, nang magpaalam muna at umalis sa area.
Hinahanap ko si Leo, mabilis ako nakabalik ng hospital. Nang magtanong ako sa isang nurse, itinuro nito na nasa kwarto raw ni Sabrina ito.
Kaya naman nagmamadali ako na tumungo duon, habang hawak ko pa ang braso ko na may tama ng bala ng baril.
Ilang hakbang nalang ang layo ko sa kwarto ni Sabrina.
Kumatok muna ako, binuksan ang pintuan.
Sabay-sabay pa sila mga napalingon sa akin ng makapasok ako.
Nagulat rin sila, namangha sa nakita, habang hawak ang braso ko na dumudugo pa rin.
Napabuga ako, napahugot ng malalim habang lumalakad papasok sa pintuan.
“Anong nangyari?" tanong ni Leo, lumalakad na papalapit sa akin.
Nanghihina na rin ako, marami na rin ang dugo na nawala sa akin dahil sa tama ng baril sa aking braso.
Napa kurap na rin ang mata ko, para bang nais na nito pumikit at tuluyan na bumagsak.
Hindi ko na nga narinig pa ang mga sinabi ni Leo, dahil tuluyan na rin ako bumagsak sa sahig. Bago pa man ako malapitan nito.