“Kamusta ka na?" Saad agad ni Leo, mula ng maimulat ko ang mga mata ko.
“Pasensya ka na, naabala ba kita kangina." Saad kong sagot din sa kanya.
Tumawa si Leo, “Anong kangina? Baka kagabi kamo."
“What?" naibulalas ko agad.
“Kagabi, napasarap ata ang tulog mo mula sa mga gamot na binigay ko sayo. At sa anesthesia na nai-turok sayo ng maoperahan kita kagabi, matapos kang mabuwal at mawalan ng malay sa aming harapan."
Ibig sabihin pala, nawalan pala talaga ako ng malay matapos kong dumating at makapasok sa kwarto ni Sabrina.
Kala ko ay panaginip lang yon, nang mabuwal ako at mawalan ng panimbang at tuluyan na napakapit sa matigas na nahawakan ko bago pa ako napaluhod, at tuluyang bumagsak.
“Nasalo kita kagabi, kaya hindi ka na tuluyang bumagsak sa sahig. Buti nalang, maliligsi pa itong magkabila kong binti. Kundi ay tuluyan kang nabuwal matapos mong mawalan ng malay." sagot muli ni Leo, at i-sinagot niya sa naisambit ko.
Naalala ko lang ay tinamaan ako ng baril ng may magpaputok sa amin kagabi habang sumunod ako sa misyon ng mga kasamahan ko.
Hindi ko expected na tatamaan ako. At may natira pa pala mula sa mga taong nahuli nila.
Nakaligtas nga ako sa unang sumalakay sa akin at pinaputukan agad ako ng baril. Kaya lang, sa muli na may nagpaputok. Hindi na ako nakailag pa, tinamaan agad ako ng shotgun na hawak nito.
Mahusay bumaril ang isang yon. Sukat agad ako napuntirya at tinamaan ako.
“Mag-ingat ka nga, o, baka naman nais mo na sumunod agad kay Sabby?" pabiro pang sambit ng makiusap siya, at pabiro rin na sinabi muli. “Buti nalang mahaba ang buhay ng mga kagaya mo."
“Puro ka kalokohan." Saad ko
“Si Manang labis na nag-alala sayo." muli nitong saad at nabulalas. “Si Sabrina, hindi nakakain ng makita kang duguan at hinimatay."
“Bakit napaisip ka? Natulala ka naman agad." ani na may ngiti dahil sa mga biro rin nito.
Napaisip ako, nang maisip kung nakita pala ako ni Sabrina na ganun ang itsura ko. Tiyak na mag-isip na siya kung anong trabaho ang meron ako.
Hindi ko pa naman nabanggit sa kanya kung saan ako nagsisilbi at nagtatrabaho.
Wala pa akong nasabi sa kanya sa mga impormasyon tungkol sa pagkatao ko.
Limitado lang ang aking sinasabi sa kanya at sinasagot mula sa mga tanong niya.
Maliban sa naitanong nga niya kung saan ko siya natagpuan. Wala pa naman ako nabanggit mula sa kanyang naging operasyon.
Kahit ang tungkol sa pagkamatay ni Sabby ay hindi ko pa nababanggit.
Wala akong nasabi sa lahat ng ilan pa niyang mga tanong.
“Hoy, Rafael!" bulalas ni Leo.
“Bakit ba?" gilalas ko naman.
“Wala, tahimik ka lang kasi. Kung bakit hindi ka na nakasagot at nawalan ka pa ng kibo."
“Sorry!" matamlay na sagot ko.
“Ano ba kasing gumugulo sa isipan mo? Kanina ka pa malabo kausap. Tapos bigla ka naman nawawala at hindi sasagot? Iba na yan ahh." singhal niya na ibinulalas habang seryoso na titig na titig sa akin.
“Rafael, bakit hindi mo sinabi kay Sabrina pa ang tungkol kay Sabby?" nabigla ako. Seryosong napatingin sa kanya.
“Hindi pa sa ngayon. Pag okay na lahat at tuluyan na siyang gumaling. Ayaw ko na dumating sa punto na sisihin niya ang kanyang sarili sa pagkamatay ni Sabby, mailigtas lang siya sa kamatayan."
“Sabagay tama ka naman din sa bagay na sinabi mo. Pero, dapat mo rin talaga sabihin sa kanya, nagtatanong na rin kasi siya at nagtataka." usal na saad muli nito.
Napasinghap ako, nag-iisip mula sa sinabi nitong si Leo.
Sa isang banda. Paulit-ulit ko rin sasabihin. Iisipin na tama nga siya, sa madalas nitong sabihin sa akin.
Tama siya, sa lahat ng mga sinasabi niya. Sa bawat ituran nito ay may laman katotohanan
“Bakit kaya hindi mo siya ligawan?"
“What?' bulalas ko sa bigla sa kanyang sinabi.
“Ligawan!" Saad nito bulalas.
“Raf, puso naman ni Sabby ang ngayon ay bumubuhay sa kanya. Kaya siya nananatili na buhay ay dahil sa pagsasakripisyo ni Sabby upang maisalba siya at mabuhay. So, walang mali kung sakali na ligawan mo siya."
“Ayos yang sinabi mo." tinapik-tapik ko pa ang balikat niya.
“Ayos, napakaganda ng suhestiyon mo. Mahusay ka talaga kung mag-isip. Leo, sana ay marami ka pang mailigtas na pasyente." biro ko, na kanyang kinatatawa,q muka sa sibin nito
ay sumambulat pa ang kanyang napakalakas na tawa.
Parang hindi siya doctor sa kanyang itsura. Kasi naman ay ngayon lang ako nakilala ng doctor na walang kasing kulit na tulad ni Leo.
Masarap makabonding si Leo, may kakulitan siyang taglay.
Subalit sa pagiging magkaibigan namin hindi nabawasan o nawala sa ilang taon na nakalipas. Mabait na kaibigan si Leo, maging ang pagiging maalalahanin nito. Tulad ng ginagawa niya ngayon, maliban sa mga panunukso niya.
“Joke lang! Ikaw naman hindi ka mabiro." aniya niya at pagdaka ay naupo sa tabi ko.
Lumundo yung kama. Kumirot naman ang sugat ko na kanyang inoperahan.
“Yung sugat mo, ingatan mo. May tama ka rin sa may tagiliran. Bakit ba kasi hindi ka nag-iingat?"
“Malay ko bang may kalaban pa palang natira. Napatay ko na yung unang bumaril sa akin, sukat ba naman may bigla nalang lumitaw at pinaulanan kami ng bala habang may kausap ako." niliwanag ko lang sa kanya mula sa sinabi niyang hindi ako nag-iingat.
“Bakit hindi ka umiwas?"
“Wow, makaiwas pa ba ako? Nagulat na nga lang kami. Sa may tagiliran ang naging pwesto niya, kaya sa balikat ako nasapol." sabi ko ulit. “Pero yung daplis sa tagiliran ko. Hindi ko talaga naramdaman. Yung sa balikat ko lang ang aking napansin ng umaagos na yung dugo at maramdaman ang hapdi mula sa sugat nung tinamaan ng bala." ipinaliwanag ko muli sa kanya.
“Ahh!" para bang nang-aasar at ayaw ako paniwalaan.
“Okay!" usal niya pa na biniro at ako ay tinawanan.
Dinadaan nalang ako nito sa kanyang mga pagbibiro. “Masakit?" anito na sinundot ang may daplis ng bala sa may tagiliran ko.
“Ano ka ba!" gilalas kong sinabi sa kanya.
“Masakit ahh!" muli ay sambit ko.
“Pasaway!" gilalas kong muli
“Leo, tigilan mo na ako." sabi ko pa, nang pinipigilan ko siya sa mga pang-aasar niya sa akin na hindi ko na kinatuwa.
*Okay! Tama na, sige at magpahinga ka na lang muna. Pero, sa susunod mag-ingat ka na ahh! Wag mong, mapangarapin na sundan si Sabby sa kung saan siya ngayon nagpunta. Bata ka pa, maaari ka pang magmahal muli." gagad na sabi niya.
“Hindi lang siya ang babaeng pwede mo mahalin. Marami pa, buksan mo lang ang iyong mata at hayaan mong may pumasok diyan sa bato mong puso." nagbiro na naman siya at hindi na ako natatawa dahil sa mga madalas niyang paulit-ulit lang naman na wika.
Inaantok na ako, mula sa mga pangungulit ni Leo.
“Tulog ka na! Mag-usap nalang tayo ulit pagbalik ko." Saad niya na may ngiti at tumayo na rin mula sa pagkakaupo niya sa gilid ko.
“Pag-isipan mo lahat ang madalas kong sinasabi sayo." malapad na ngiti, saka siya lumakad na papalabas ng pintuan.
Nawala na nga ng tuluyan si Leo. Naiwan na naman ako mag-isa sa kwarto ko.
Napabuga ako, makaraan, ay napansin kong gabi na pala. Akala ko talaga ay kangina lang nangyari ng mawalan ako ng malay.
Kagabi pa pala, at ngayon ay kakagising ko lang pero wala man lang ako maramdaman na gutom mula sa sarili ko.
Medyo mabigat lang ang aking pakiramdam. Para bang pagod na pagod ang feel ko sa ilang mga bahagi ng katawan ko.
Nang mabanggit ni Leo na may tama din raw ako sa may tagiliran ko. Hindi ko talaga naramdaman yon. Nagulat nalang ako mula ng sambitin ni Leo.
“Yung phone ko?" saka ko lang naalala ng wala akong makapa mula sa bulsa ko.
Ayy! wala pala akong bulsa. Dahil hospital gown ang nakasuot sa akin ngayon.
*********
”Raf, saan ka? Kahapon ka pa namin kinokontak, bakit hindi ka matawagan?"
“Raf?"
“Sumagot ka naman! Ano ba't ayaw mong sumagot?"
“Raf?"
Kangina pa napasigaw itong tumawag kay Rafael.
Hindi ko rin sinasadya na masagot ito. Nagulat na nga lang ako at nabigla ng napindot ko yung answer button at magsalita ang katrabaho, siguro ni Rafael.
Kangina pa ito na sigaw at tawag ng tawag mula sa pangalan nitong si Rafael.
Ayy, wala nga pala siya rito. Duon siya sa kabilang kwarto nilagay ni Leo. Matapos na maoperahan sa kanyang sugat mula sa tama ng baril.
“I am sorry!" nausal ko, hindi ko na rin matiis na hindi ito sagutin sa mga nakakabingi nitong pagsigaw.
“Sino ka?" agad nitong sinabi at tinanong ako.
“Bakit nasa iyo ang cellphone ni Raf?" gagad na sabi muli at patanong na may paninita niyang winika.
”Sumagot ka, sino ka?" bulalas niyang muli ay tinanong.
“Sino 'yan?" narinig ko pa na may nagtanong.
“Hindi ko nga alam, babae. Biglang sinagot ang tawag ko kay Raf."
“Babae? Baka si Sabby?"
“Imposible!" gilalas nito.
“Paanong imposible? Si Sabby lang naman ang malaman na sumagot sa mga tawag sa cellphone ni Raf."
“Imposible nga!" bulalas muli ng tumawag kay Raf.
“Pre, hindi kita maintindihan. Paano naging imposible? Bakit may bago na ba si Raf? Wag mong sabihin na nagkahiwalay na sila ni Sabby at may mahal na siyang iba ngayon?"
“Hindi mo ako maintindihan. Wala na si Sabby, oo, pero kahit minsan ay hindi magagawa ni Raf ang ipagpalit niya sa ibang babae si Sabby." gagad, na usal at mukhang may pag seryoso ang mga pinag-uusapan nila.
Hindi ko marinig ang kanilang mga bulong bulungan na mga salita na sila lang dalawa ang mga nagkakaintindihan at nagkakarinigan.
“W-what? Bakit hindi nakarating sa akin?" gulat na gulat na pagtatanong, na naibulalas sa kausap.
“Bakit wala man lang siya sinabi na ganun?" muli ay sambit at gulat pa rin na kanyang tanong.
“Hayaan nalang muna natin siya. Hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin kasi siya. Pero ang hindi ko malaman kung sino ang babaeng sumagot sa phone niya?"
“Hoy! Sino ka ba?" galit na ito na bumulalas at tinanong ako.
“Sumagot ka! Sino ka ba? At asan si Rafael?"
“S-sorry! Puntahan niyo nalang siya rito sa hospiy if gusto niyo siyang makausap. P-pasensya na, ibababa ko na ito." usal ko at nagpaalam na rin sa kanila.
Ibinaba ko na ang tawag nito. Naputol na rin ang pakikipag usap ko sa kanila.
Pero bakit mas lumakas ang kaba ko ng marinig kong nagluluksa pa rin si Rafael?
Totoo bang namatay nga ang tinutukoy nila na si Sabby?
Minsan ko na narinig kay Manang at Dok ng magkaharap kami. Pero naputol yon ng dumating na si Rafael.
Sino ba ang tinutukoy nila?
Kasintahan niya nga kaya?
Wala pa man malinaw na pagkakasabi si Manang at Dok. Pero yuon ng rin ang aking pagkakaintindi sa mga sinambit nila sa akin kagabi.
“Bakit, nakatulala ka?" tanong ni Manang ng mapansin niya pala.
“May tumawag po kay Rafael, hindi ko sinasadya na masagot." naipapaliwanag ko pa habang napapaisip pa nga ako.
“Paki bigay nyo nalang po Kay Rafael. Mukhang important yung tawag. Kaya bigla ko nasagot."
“Ganun ba? Oh, siya aalis muna ako. Magbili lang ako ng makakain sa labas. Ikaw nalang ang magbigay sa kanya." utos na sinabi ni Mamang.
“H-ho?"
“Naku, ikaw na magdala. Kung dadaan pa kasi ako. Baka hindi ko na maabutan pa ang pagsasara ng Lottery Outlet sa may kabilang kanto."
“K-kasi p-po!"
“Wala na kasi-kasi. Sige, tumayo ka riyan at paki bigay mo nalang yan sa kanya."
Inutos ko, pero ako rin pala ang kanyang mauutusan na magdala nito.
Napasinghap nalang ako, wala ako magagawa kundi ang sumunod sa kagustuhan niya.
Kaya naman bumangon na rin ako at inayos ang sarili upang puntahan si Rafael sa kwarto niya.