CHAPTER #14

2004 Words
Nagpapahinga pa rin si Rafael. Kasalukuyang nakahiga siya sa kama, habang nakalutang ang isip niya. Kung saan na napunta ang kanyang pag-iisip matapos nila makapag-usap ni Leo, kangina. Hindi niya agad namalayan ang kumatok sa kanyang pintuan. Isang katok, nasundan pa ng isa at may sumunod pang isa. Subalit dahil sa hindi siya sumagot. Kusa na bumukas ang pinto at inilabas nuon si Sabrina. Kangina pa sa labas si Sabrina, subalit nag-iisip pa siya kung kakatok ba siya o aalis na lang at babalik sa kanyang kwarto. Pero dahil sa nasa labas na siya ng kwarto ni Rafael, kumatok nalang siya subalit walang sumasagot. Kaya naman, kanya nalang binuksan ang pinto at sumilip mula sa maliit nitong pagkakabukas. Nakita niya agad si Rafael na nakatulala, nakatingin sa itaas ng kisame. Naisip niya agad na baka malalim ang iniisip nito, kaya hindi narinig ang kanyang tatlong pagkatok sa pinto. Binuksan na niya ang pintuan ng mas maluwag na magkasya ang kanyang katawan. Kahit maging ang kanyang paglalakad ng marahan ay hindi napansin agad ni Rafael. Napabuntong hininga si Sabrina. Subalit hindi pa rin siya nililingon, ni Rafael. Hindi pa rin siya naramdaman nito, kahit nasa malapit na siya ay hindi pa rin siya nakita, o kahit ang maramdaman ang kanyang pagpasok ay hindi napansin ni Rafael. “Excuse!" bulas na sabi ni Sabrina. Nabigla pa si Rafael, nagulat ng makita niya si Sabrina. Isa kasi sa mga gumugulo sa isip ni Rafael at kangina pa niya iniisip ay si Sabrina. Ang babaeng ngayon ay nasa kanyang harapan. “Sorry, pumasok na ako." Saad pa rin ni Sabrina ng makita siya ni Rafael sa gulat nitong mukha. Nanlaki kasi ang mata nito sa pagkagulat ng marinig at maramdaman niya na may tao sa kanyang harapan. Hindi nga siya nagkamali. Dahil si Sabrina, nasa harapan na nga niya. Ang patuloy na bumabagabag sa kanya. Naiisip rin kasi ni Rafael ang lahat ng mga madalas sabihin sa kanya ni Leo. Ang mga madalas nito ipaalala sa kanya at ipayo, tungkol sa ngayon. Tungkol sa naging operasyon at pag donate ng kanyang kasintahan sa kakambal nito, si Sabrina na ninais ni Sabby na mailigtas kahit kapalit nuon, ay panandalian pa sana nila na pagsasama ni Rafael. Subalit mas pinili ni Sabby ang kaligtasan ng kanyang kambal na hanggang ngayon, pinag-iisipan pa rin niya. Hindi niya naman masyado dini-dibdib ang nangyari, naunawaan naman niya ang nais ni Sabby para sa kakambal. Pero ang mabigat lang sa kanya, ninais at pinakiusapan siya ni Sabby na bantayan at alagaan ang kanyang kambal. Kaya naman ngayon hindi pa rin niya masabi at maamin kay Sabrina ang tungkol sa kambal nito na nag donate ng puso, para lang manatili siyang buhay. Para maligtas lang siya sa kapahamakan. Kahit sariling buhay ay inalay mabuhay lang ang kanyang kambal na matagal na niyang hinahanap. “Nagalit ka ba? Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ni Sabrina na nagtataka mula sa mga tingin sa kanya ni Rafael. “Wala naman, nagulat lang ako. Hindi ba obvious?" nakuha pa niya magbiro sa kabila ng itsura ni Sabrina mula sa bigla niya na lang itong titigan. Si Rafael na hindi maalis ang tingin niya kay Sabrina. “Sorry, nabigla rin, ba kita?" gagad na naitanong ni Rafael kay Sabrina. “Medyo!" sagot ni Sabrina. “Bakit ka nga pala naparito? Dapat duon ka lang sa kwarto mo." Saad nito, si Rafael, naitanong pa nito. “Nasaan pala si Manang?" “Lumabas eh, bibili raw ng makakain." sagot ni Sabrina, tugon niya kay Rafael. “Ganun ba?" Tumango naman siya, si Sabrina bahagya niya pang nginitian si Rafael. “Oo!" bulas niyang tugon. “Bakit ka pala nagpunta rito?" naibulalas na kanya rin naitanong kay Sabrina. Sabi pa ni Rafael, “Eh bakit ka nga nandito?" mapilit pa ring tanong ni Rafael. Dahil sa hindi agad na pagsagot ni Sabrina sa kanya. “Wala naman, ihahatid ko lang sana kasi ito. Ang sabi ni Manang sa akin kangina, ako na raw ang magdala sayo at may hinahabol kasi siya na kanyang dadaanan bago bumili ng makakain sa labas." Ipinakita niya ang cellphone na kanyang hawak. Nakita naman din ni Rafay iyon ng mailabas ni Sabrina. “Dahil diyan kaya ka nagpunta rito?" Tumango si Sabrina, inaabot ang cellphone kay Rafael. “Salamat!" anito ni Rafael habang kanya rin kinuha agad ng maabot sa kanya. “Yun lang ba?" tanong ni Rafael, kay Sabrina. “A-ahh!" nag-iisip pa siya. Si Sabrina na parang naurong ang dila sa pagtatanong sana kung kamusta si Rafael. Nag-alala rin siya dito matapos na mawalan ng malay kagabi. Subalit dahil sa hindi pa ito naililipat sa kanyang magiging, kwarto. Hindi niya agad napuntahan at nasilip man lang si Rafael kung ayos lang ba ito matapos ang operasyon. Subalit dahil sa nagtungo naman si Dok, si Leo sa kanyang kwarto para ipaabot ang balita na ayos lang si Rafael, ligtas naman ito at wala silang dapat isipin o alalahanin dahil sa safe naman ang naging operasyon matapos alisin ang bala na bumaon sa katawan nito. Natawa si Rafael dahil sa pamumutla ni Sabrina ng kanyang matanong ito. “Sorry!" anito na sambit niya kay Sabrina. “M-may tumawag pala sayo." sabi ng mabilis ni Sabrina. “H-hindi ko na itanong yung pangalan. Pasensya na, nasagot ko ng hindi sinasadya." sagot muli ni Sabrina, at sinabi kay Rafael. Sa totoo lang ay sinubukan niyang pakialaman ang cellphone ni Rafael. Magpapadala sana siya ng message sa kanyang mga kapatid. Naisip niya kasi na baka mga nag-aalala na ang mga ito sa kanya. Subalit, hindi niya nabuksan ang cellphone ni Rafael, bigo siyang makapag text. Pero ng may tumawag, sakto na napindot niya at nasagot iyon na kinagulat pa niya. No choice na siya at sinagot na nga niya at kinausap ang tumawag. Subalit ay galit ito sa kanya. Nagalit at ilang beses siya na tinanong kung bakit nasa kanya at siya ang sumagot sa cellphone na pagmamay-ari ni Rafael. Gusto sana umuwi ni Sabrina sa kanyang mga kapatid na naiwan. Subalit, kailangan niya muna magstay sa lugar kung saan ay namataan na dinala ang kanyang Ate Samantha. Binuksan ni Rafael ang pagkakalock ng cellphone niya. Nakita nga niya ang ilang tawag, marami siyang miss kol na hindi nasagot mula sa kanilang opisina. Maging sa mga kasama niya na tiyak ay pinaghahanap na siya dahil sa hindi niya pagpapaalam na hindi siya makakapasok ngayon dahil sa nangyari sa kanya. Dahil sa biglaan niyang pagsulpot sa misyon na hindi naman talaga siya kasama pero nagawa niyang pumunta sa pag-aalala niya sa mga kasama. “Kamusta ka pala?" nabigla na naman si Rafael at napa angat ng mukha, tumingin kay Sabrina. “Ayos lang ako, buhay pa naman. Malayo sa puso ito, yakang-yaka ko." Nalimutan niya at kung bakit idinaan niya sa biro ng ginawa niyang pagsagot. Nawala sa isip niya, bakit nasambit niya ang salitang puso. “Dapat nag-iingat ka!" sabi ni Sabrina na muli ay napaangat ang kanyang mukha, at mag-tama ang mata nila ni Sabrina. “Kahit anong pag-iingat kung oras mo na talaga, malabo ng makaligtas ka sa mga panganib na darating." sagot niya, si Rafael na nginitian niya pa si Sabrina. Hindi niya malaman kung bakit ba bigla na lang ay nakaramdam siya ng pagkailang habang kaharap at kausap si Sabrina. Pakiramdam niya ay nahihiya siya na kausap ito at lalo ng banggitin nito na mag-ingat na siya sa susunod. “Pero kaya pa rin iwasan, kung i-iwas ka, kaya pa rin talaga umiwas. Hindi mo kailangan na sumalo nalang ng sumalo, tapos ang iba ay mga masasayang makita ka sa ganyang sitwasyon." Sa sinabi na yon ni Sabrina ay labis na kinatawa, ng husto ni Rafael. “Kaya ba?" bulas ng nakatawa ni Rafael. “Oo naman!" gilas na sagot ni Sabrina. “Ikaw lang naman atang bobo na sumalo ng bala ng may vest na suot." sabay na nagbiro nalang si Sabrina, simple na tumawa. “Ayy! Sorry ahh!" bulas naman nu Rafael sa sinabi ni Sabrina sa kanya. “Ako kasi yung tipo ng tao na kahit anong iwas ko. Kung biglaan mahirap madetect. Mahirap makita, mahirap na umiwas, lalo na at konting oras na lang maiiwasan mo pa ba? Kung hindi mo naman nakita at tumama na sayo ang bala. Kung sa maliit na distance, sa saglit na lang ang oras ay maiiwasan mo pa ba kung patama na sayo at hindi na kaya pang umiwas?" Anito ni Rafael na naisambit habang napasinghap pa ito ng nakatingin na lang din kay Sabrina. Natatawa siya habang nakikipag diskusyon kay Sabrina at seryoso na rin itong nakatingin sa kanya. “Bahala ka, kung sa yon ang gusto mo." aniya ni Sabrina na may pagsuko na sinabi niya. “Pero, thanks for the concern. Nawala kahit paano ang bigat, nang napatawa mo ako." Napabuntong hininga pa siya, si Rafael na nakatitig kay Sabrina. Napalunok pa nga siya, habang hindi maalis ang mga tingin. Naalala na naman niya si Sabby, sa tuwing titingnan niya ng ganito si Sabrina. Naaalala niya na tama nga si Leo, may malaking pagkakahawig ang dalawa ng hindi ko pa nakikita, kasi nga'y isinasara niya sa tuwing susubukin niyang tingnan si Sabrina, ang kambal nito ang unang pumapasok sa utak niya “Bakit ganyan ka tumingin?" singhal ni Sabrina sa malagkit na pagkatitig sa kanya ni Rafael. “Wala lang, ngayon ko lang narealize na malaki nga pala ang pagkakatulad niyong dalawa." hindi sinasadya na nasambit ni Rafael na bigla ring kinatigil niya sa pagsasalita. “What do you mean by that?" “Nothing! Wag mo na lang pansinin ang sinabi ko sayo." bigla siyang umiwas sa kanyang nasabi at sinabi nalang na wag siyang pansinin ni Sabrina sa kung ano man ang nasambit ng hindi sinasadya. “Ano nga yon?" pamimilit na tanong ni Sabrina. “Ano nga yung nabanggit mo? Sino ang malaki ang pagkakaparehas naming dalawa?" muli ay inuulit niya sa pagka-tanong kay Rafael. “Wala nga, wag mo ng pansinin kung ano man ang nasabi ko. Nagkamali lang ako, wag mo na pansinin." agad na muli ay sinabi niya kay Sabrina. Naisip ni Rafael, kung bakit ba niya hindi napigilan ang masambit ang bagay na ayaw niya muna sana buksan kay Sabrina. Pero dahil sa bigla nalang itong lumabas sa kanyang bibig, nagulat rin siya. “Maybe next time!" anito niya sa seryoso at pagbasa na itsura ni Sabrina. Alam niya, ramdam niyang binabasa siya nito, inaalam kung nagsasabi ba siya ng totoo. Normal na kasi sa kanilang mga nanunungkulan sa gobyerno na tulad niyang secret agent sa isang samahan ng mga AFP. At si Sabrina ay isang pulis. Normal na sa kanila, pagdating sa panghuhuli sa mga suspect na madalas nilang dakpin o sundan, ay ganito ang madalas nilang gawin. Tulad ng ginagawa ni Sabrina na pagtitig nito sa kanya. Pero mapagbiro din itong si Rafael. Nang kanyang biglang ilapit ng mas malapitan ang kanyang mukha sa dalagang kambal ng yumaong kasintahan. “Yes!" anito na sambit at ngiting-ngiti na tumitig kay Sabrina na nagulat, lumayo agad at iniiwasan ang kanyang mukha. “Pulis ka nga!" sambit, nang tumatawang si Rafael. “P-paano nalaman?" gulat na gulat ring naitanong ni Sabrina. “Paano mo nalaman, pulis ako?" nangangatog ang kanyang katawan, hindi sa takot. Kundi sa kabang biglang naramdaman. Biglang kinabahan si Sabrina ng mabanggit ni Rafael ang kanyang pagiging isang pulis na kanyang itinatago at hindi sinasabi. Umiwas si Sabrina, umayos, tuwid na tumayo ng diretso sa harapan ni Rafael. Napa-tiklop ang dila, hindi na nagawa pang ibuka ang bibig upang siya ay makapag-tanong sa naidulas ni Rafael kangina. “Simple lang!" nang tumawa si Rafael. “W-what?" bulas ni Sabrina. “Wag kang mag-alala. Dahil wala naman ibang nakakaalam mula kay Manang at kay Leo." turan na pag-amin nito, si Rafael. Sinabi na rin niya kay Sabrina na maliban sa kanya ay may dalawa pang nakakaalam ng kanyang tunay na pagkatao. Hindi na siya nagsinungaling sa bagay na yon at kanya ng inamin sa namumutlang si Sabrina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD