CHAPTER #15

2027 Words
Napatingin nalang si Sabrina habang nakatingin kay Rafael. Hindi na siya, nakasagot ng siya naman ang napabaligtad, ng sitwasyon. Kung siya ang parang nangungulit sa pagtatanong rito. Ngayon ay si Rafael ang siyang nagtanong. “Ano bang ginagawa mo dito sa aming lugar?" bulas na tanong ni Rafael ng ilapit niya ang mukha sa dalagang kambal ng yumaong kasintahan. “Hindi ka naman taga rito, taga saan ka ba?" anito ni Rafael. “Manila di ba?" gagad niya pang tinanong. “Pero paano na isang taga Maynila ay nagawi sa lugar namin na malayong-malayo sa lugar niyo?" iginalaw pa niya ang mukha ibinaling sa kabilang side. Humaba pa ang nguso na ngumiti ng manipis habang nakatingin pa rin sa walang reaksyon na mukha ni Sabrina. Tumikhim si Rafael, habang walang kibo pa rin ang natahimik na si Sabrina. “Sabihin mo sa akin, bakit ka napadpad sa lugar namin?" Saad pa ring itinanong nito, kay Sabrina na napapaisip na, kung paano sasagutin ang tanong ni Rafael. “Bakit ang isang tulad mong Pulis Manila, dinayo kami sa malayong lugar na toh?" muli ay inulit ni Rafael pa rin ang pagtatanong. “Sabrina, alam kong maliban sa pagiging pulis, may dahilan ka kung bakit ka napadpad rito. Ano nga ba yon?" ani muli ni Rafael. “May hinahanap? O, baka may pinagtataguan?" “O, kaya naman may tinatakasan?" dagdag pang sabi niya at mas nagbago ang mukha ni Sabrina. “Pero wag kang mag-alala, kung may pinagtataguan ka man o tinatakasan. Alin man sa dalawa, tiyak na ligtas ang sikreto mo sa mga kamay ko. Pangako, mananatili na tikom ang bibig ko oras na may maghanap o magtanong ng about sayo." “Wag ka na kabahan, nagtanong lang naman ako. Kung ayaw mong ipaalam o sabihin kung ano man ang iyong dahilan sa kung bakit andito ka. Okay lang, wala akong pagsasabihan na iba." muli ay turan nitong si Rafael na napangiti na lang ng kanya ng bawiin ang pagkakalapit ng kanyang mukha kay Sabrina. Sinusubukan niya lang talaga si Sabrina kung aamin ito sa tunay na dahilan bakit napadpad ito sa bayan nila. Subalit hindi talaga ito nagsalita. Hindi sinabi ang katotohanan sa tunay na nangyari kung bakit siya napa-sugod sa lugar na kinaroroonan niya ngayon. “Oo nga pala, isang tanong pa. Bakit ka pala napadpad sa gubat kung saan ka namin natagpuan?" Opps! napahawak na naman siya sa bibig ng biglang mag-angat, nang mukha si Sabrina. Nabigla na naman ito, napasinghap at naisip na tama nga, ang iniisip niya una pa lang. Hindi mag-isa si Rafael ng matagpuan siya nito sa gubat na sa pagkakaalam niya at naaalala ay halos agaw buhay na siya ng tuluyan siyang mawalan ng malay ay nakita niya pa ang mabilis na pagtagas ng dugo sa kanyang katawan. Muli na naman nagulo ang isip ni Sabrina. Inisip niya ang mga puzzle sa kanyang isipan na unti-unti nang pinag tali-tali. Isa-isa niyang binubuo, isang malaking katanungan sa kanya ang pagkakataon na naroroon din si Rafael sa lugar kung saan siya nito sinasabi na natagpuan. Mga nakatakip ang mukha ng mga nakasagupa niya sa lugar na yon. May Ilan naman siyang nakita ang mga mukha. Ang mga pinaghihinalaan niyang dumukot sa kanyang Ate Samantha. Mula kasi ng mangyari ang insidente ay minanmanan na niya ang grupo at dito sa lugar nila Rafael siya dinala at napadpad. “Sino ba talaga siya?" gagad, niyang naibulong, habang nakipag titigan na naman siya sa lalaking nasa harapan. “Sino ka ba talaga?" sambit na niyang naibulong sa mahinang salita. “Ako si Rafael!" nakangiti na sagot nito “Hindi yon ang ibig kong sabihin. Sino ka ba talaga? Paano ka napunta sa lugar kung saan ay muntik na ako mamatay. At paano mo nalaman na pulis ako?" maraming tanong niya, si Sabrina, seryoso na nagtanong kay Rafael. “Sino ka ba?" napakalakas ng kaba niya, malakas halos ang kalabog nito ay parang, kinakabog, ang kanyang dibdib. Sunod-sunod rin ang kanyang paghinga. Iniisip niya kung isa ba si Rafael sa mga taong sumalakay sa kanya na mga nakatakip ng mga mukha. Malabo naman na isa ito, sa mga sinusundan niyang mga tao. Dahil sa kabisado na niya lahat ang mga itsura ng lahat ng yon. Kaya ngayon, nais niyang marinig kay Rafael kung sino ba talaga ito. Kung sino siya, at bakit siya tinulungan nito. Bakit siya binuhay kung isa ito sa mga nakasagupa niyang kalaban. Huminga si Rafael, matapos ay napahugot ulit ng isang malalim habang nag-iisip, at nagbuka ng bibig upang sumagot. “Sabrina, kung okay lang, susunod ay sasabihin ko sayo ang lahat. But sa ngayon ay ang importante ay gumaling ka. Magpalakas, at tuluyan maghilom ang sugat na galing sa pinagdadaanan mong operation." “Sabihin mo na sa akin ngayon. Gusto ko malaman, marinig kung sino ka ba talaga? At kung bakit mo ako hinayaan pang mabuhay at tinulungan?" sambit na sabi nitong si Sabrina. “Gusto ko marinig, malaman para mabura na lahat ng mga gumugulo sa isip ko." gagad niya muli ay sinubukan sabihin at ipaunawa kay Rafael na ngayon ay magulo ang isip niya sa pag-iisip kung sino ba talaga ito at bakit hindi umaalis sa kanyang tabi, matapos na tulungan siya, at hayaan pang mabuhay. “Sabrina!" nang naiusal ay biglang bumukas ang pinto. “P-preeee!" sigaw agad ng mga napamulat ang mata ng malapad. Nanlaki ang mga mata ng mga ito at nabigla sa kanilang mga nakita. Nagulat sila ng sobra, at hindi na nila napigilan ang masambit ng mga ito. “S-sabby?" agad nila nasambit na lumapit agad kay Sabrina. Nagulat rin si Sabrina, naikurap pa nga niya ang kanyang mata habang nakakunot ang noo, matapos ay napaatras ng bigla nalang siya ambahan ng yakap na hindi na rin niya naiwasan. Nayakap na siya nito. Tuwang-tuwa na makita siya. “Sabby!" Nagkatinginan nalang si Rafael at ang isa niyang kasama na nakakakilala kay Sabrina. At nakakaalam na patay na si Sabrina at kambal na lang ito ng namayapa niyang kasintahan. “Kamusta ka?" nakangiti pa rin na usal at niyakap muli siya ng mahigpit. Hindi na nila napigilan, nagsenyasan lang sila Rafael at kasama niya. Habang si Sabrina ay gulat pa rin at hindi makakibo kahit nahihirapan na nga siya sa posisyo niya habang akap siya ng mahigpit nitong lalake na kasamahan ni Rafael. Sa higpit ng pagka-kayakap nito sa kanya, halos na mapisa na siya, iyon ang pakiramdam niya ng hindi rin naman niya masita. Inunahan agad siya ng kanyang pagkahiya habang akap siya nito at mahigpit, ayaw pa nga bumitiw ng dahil sa tuwa. “Ayos ka na ba?" tanong muli nito, nag-angat na ito ng mukha at inilayo na ang katawan ni Sabrina sa katawan ng lalakeng yumakap sa kanya. Lumingap pa siya sa mga kasama nito na gulat rin at hindi mga nagsasalita. Mga nakatingin lang ito sa kanya at sa lalaking biglang sinalubong siya ng yakap. Habang nilingon niya rin si Rafael, wala, dahil nginitian lang siya nito, walang sagot mula sa mga nangyari. Napasinghap si Sabrina, napapatanong siya sa utak niya kung bakit siya nito tinawag na Sabby. Nagtataka talaga siya, bakit ang tawag nito agad ng makita siya ay Sabby. “Magaling ka na ba?" nang bigla na itong akayin ng kasama nito na ngumiti sa kanya. Namumukhaan niya ang lalakeng yon. Minsan na niya nakita ito, nang bigla na lang ito nakasama, ni Rafael, nung one time at aksidente raw na nakasalubong ito ni Rafael sa loob ng hospital na naglalakad. Kaya ngayon si Sabrina, lubusan na nagtataka. Ngumiti lang si Rafael, walang sinasabi. “Pasensya ka na, Miss, nabigla lang siguro siya ng makita ka. Kamukha mo kasi talaga ang babaeng kaibigan niya." “Oo, tama siya, kamukha mo talaga si Sabby. Malaki ang pagkakahawig mo sa kanya. Kaya pagpasensyahan mo na yun, malapit na magkabarkada kasi sila ni Sabby." anito na agad isinagot ng mga ito sa kanya. Kay Sabrina na nagugulat at naguguluhan pa rin sa mga paliwanag ng mga ito sa kanya. “Sino ba si Sabby?" naibulalas niya sa mahina na salita at mas nabigla pa siya ng sumagot yung kangina na yumakap sa kanya. “Hindi mo kilala sarili mo? Sabby, wag mong sabihin maging alaala mo nawala na rin?" subalit tinakpan ng katabi nito ang bibig ng lalakeng kasama rin nila. “Sorry talaga, wag mo na itanong. Sa susunod, mabuti na si Rafael ang sumagot niyan sayo." sabi nung lalaki na nag takip sa bibig ng kasama. “Sino kaya si Sabby? Bakit ayaw nila sabihin sa akin? Siya kaya ang parang nabanggit ni Manang? Ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang kanyang pinagdadaanan sa hindi ko rin talaga lubos na maunawaan." Saad ni Sabrina, habang pabulong lang sa isip niya. “May dala kayong pagkain?" gilalas ni Rafael sa mga kasama niya. “Meron, syempre." gilalas din na sagot ng kasamahan ni Rafael. Inilapit na nila kay Rafael ang mga dala-dala nilang makakain. Inilabas na rin nito ang mga ilang binili na nakasilid sa plastic. “Halika, sumama ka. Sabayan mo kaming kumain." “Salamat po, pero babalik na po ako sa aking kwarto. Mauna na po ako." nang biglang mamaalam ni Sabrina. “Kumain ka muna bago lumabas." Saad muli ng isa sa mga ito. “Oo nga, halika at kumain ka. Saluhan mo kami sa pagkain. Madami naman itong dala-dala namin. Kasya ito, baka sobra pa nga." gagad naman muli ng isa pa. “Sabrina, pagbigyan mo na sila, hindi ka nila titigilan ng mga yan ng hindi mo sila mapagbibigyan." dagdag naman ito ni Rafael. “Oo nga, halika na, oh, hawakan mo. Kumuha ka nalang ng mga nais mo kainin sa mga iyan " turo sa mga pagkain na nakalatag sa harapan ni Rafael, na inilatag ng mga kasama niya. “Masarap talaga kumain pag ganito na sabay-sabay tayo. Minsan lang mangyari ito, kaya susulitin ko na, kain!" alok ng isa pa sa mga kasama ng grupo na magana na sumubo agad. Napasinghap nalang si Sabrina, kumain na lang din siya gaya ng utos, sinabi at makulit na pang-aalok sa kanya. Ang kangina na tumawag sa kanyang Sabby ay tahimik na lang na kung paminsan-minsan ay napapa sulyap sa kanya. Nagtatama tuloy kung minsan ang mga mata nila. Hindi na siya nakapag tanong sa mga ito tulad sana ng nais niya itanong. Kung sino si Sabby? “Masarap itong dala niyo. The best talaga, kangina wala man lang ako maramdaman na gutom. Pero ngayon, grabe ahh, talagang nagugutom ako. Kaya pasensya na, mapapadami ang kain ko." bulalas ni Rafael habang puno pa rin ang bibig at panay rin ang walang tigil na pagsubo ng mga kasama niya. “Masarap nga, okay pala dun kay Mang isko bumili. Sa susunod sa kanya na ako mag-papaluto ng mga pagkain." ani ng isa. “Dun ba kayo bumili at nagpaluto?" “Oo, wala at sarado si Aling Iska eh, si Mang Isko lang ang bukas at meron tinda." ani pa ng isa na sumagot habang puno ang bibig. Sarap na sarap sila sa pagkain. Si Sabrina naman ay naiwan mag-isa sa pag-iisip niya. “Sabrina, pasensya ka na kangina. Medyo namalikmata lang pala ako. Namiss ko kasi si Sabby.." naiyak pa ito sa pagbanggit at pag-kaalala kay Sabby. “Nakakamiss talaga ni Sabby!" hayun at umiyak na nga ang lalakeng yumakap kay Sabrina kangina. Nang maalala ang kaibigang si Sabby na kasintahan ni Rafael ay umatungal na ng kanyang iyak. “P-pre, nakakahiya 'yan ginagawa mo. Bakit ka umiiyak? Sa harapan pa talaga ni Sabrina?" napapangiti na naibiro sa kasamahan nila. “Oo nga, wag ka nga parang bata. Parang hindi ka naman lalake niyan. Kung nandito lang si Boss Robert, baka pinagtatawanan ka na at natukso pa." sa nasambit ng isang kasama. Napalingon si Rafael sa nagsalita. “Bakit?" nang makita si Rafael na nakatingin sa kanya. Naalala ni Rafael ang pagkikita nila ni Robert na nabanggit nitong kasama niya. Hindi na sila nakapag usap pa, gawa ng bigla nalang ito nawala ng sana ay babalikan niya matapos niyang makita na may kausap na babae at nagtatalo, may kalayuan, nuon sa kanyang pwesto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD