CHAPTER #16

2038 Words
Busy si Leo, ngayon pa lang siya bibisita kila Sabrina at sa kaibigan niyang si Rafael. Naghahanda na siya para sa kanyang pagbisita. Subalit bago pa siya tumungo sa kwarto ni Sabrina, siya ay dadaan muna kay Rafael. Sa kanyang paglalakad nakasalubong pa niya si Manang ang taga bantay ni Sabrina. “Manang saan ang tungo mo?" “Bibili lang ako ng makakain sa labas." sagot nito na kinatango niya. “May gusto ka bang ipabili?" naitanong pa nito sa kanya. Napaisip din si Leo, nang makaramdam ng gutom. “Manang, kahit ano nalang kung ano ang bibilhin niyo yun na lang din ang sa akin na bilhin niyo." Napag-isip siya, mamimili pa ba siya ngayon ng kakainin niya na magpapabili lang din naman siya kay Manang. Bakit nga naman mamimili pa siya makikisuyo lang din naman. “Kayo na po bahala sa bibilhin niyo para sa akin." anito na sabi niya at natikod na rin si Manang after niya sabihin. Tumalikod na rin siya, matapos sinagot ni Manang sa kanya. “Okay!" Siya naman ay tumungo na at muli na naglalakad papunta sa kwarto ni Rafael. Nagulat pa siya mula ng tumayo siya sa harap ng pinto. May maiingay naiyang narinig mula sa loob. “Sabi ko sayo, masarap nga!" at nagtatawanan pa iyon. “Naku pre, bakit kasi ikaw pa ay sumama sa amin dito? Nakakahiya ka rito kay Sabrina." sabay na nagtatawanan at hindi lang iisa o dalawa ang kanyang narinig mula sa loob. At ang mas kinagulat niya ay ang marinig ang pangalan ni Sabrina. Nasa loob si Sabrina? aniya na nasambit habang asa labas at kumatok. Nagulat pa siya ng bigla nalang bumukas yon matapos na kumatok. “Dok?" sumbat ng isang lalaki na nagbukas ng pinto. “Andito pala kayo?" nausal ni Leo sa mga kaibigan din niyang mga sundalo. “Oo, kangina pa may isang oras na siguro." “Tanga, isang oras ka diyan." singhal ng isa “Kain ka!" sabi ni Rafael na inaya siya. Inabutan rin siya ng platong gawa sa papel na dala ng mga kasamahan ni Rafael. Napabaling naman ang kanyang tingin kay Sabrina. “Andito ka pala?" Tumango naman ito. “Oo, ibinigay ko yung cellphone ni Rafael. May tumawag kasi." sagot ni Sabrina. “Ikaw pala yung babaeng sumagot kangina?" gilalas ng mabigla yung lalaki tumawag kay Rafael na siyang nakasagot ng hawak niya yung phone ni Rafael. Tumango si Sabrina, habang ang lalake naman ay tumawa. “Sinungitan ka pa naman nitong si Boss. Kala niya nanakaw na yung phone ni Boss Rafael." “Hindi naman nagtatanong lang naman ako kangina at nagulat nga ako bakit babae ang sumagot." paliwanag nito nung isang lalaki na nakausap rin ni Sabrina. Nagkakabiruan pa nga sila, habang mga nagka-tawanan ng dahil sa nangyari na pagsu-sungit ng mga ito kay Sabrina kangina. “Pasensya ka na dito kay Boss. Nag-aalala lang siya sa ilang tawag niya rito kay boss Rafael ay walang sumasagot. Tapos ay ng tawagan muli, babae na ang sumagot." anito na sinabi pa rin na paliwanag kay Sabrina. Pero si Leo, nakatingin lang din sa mga nagkakasiyahang mga kaibigan ni Rafael. “Dok, ano pala at nagawi ka rito?" “Bisitahin ko sana si Rafael, at Sabrina. Inuna ko lang dito kaya lang nagulat ako at maging pala si Sabrina ay naririto rin." “Napaka-sipag mo talagang doctor. Maalaga ka masyado sa mga pasyente mo. Kaya kami tuloy ay dito sa 'yo madalas magpunta. Sa bait, sipag at matulungin na rin. Ikaw na ang the best sa lahat ng doctor rito." pabiro na inusal ng isa. Nagtatawanan na naman ang mga kasamahan ni Rafael. Pero si Sabrina ay nakatingin lang sa kanila. “Ikaw, Sabrina. Swerte mo at may mabait kang doctor na gaya niyang si Dok Leo. Mabait na, bunata pa!" sabay tumawa ito ng malakas sa pagbulalas ng kanyang pabirong winika. “Pero, Dok. Wala na pong biro, bakit sa lahat ng doctor dito, ikaw lang ang binata at walang jowa?" “Nagsalita na naman ang may jowa." sabay binatukan ito ng kanyang mga kasama. “Huwag ka na magcomment kung sayo din naman tatama!" bulas na turan at gilalas na sabi pa, “mahal raw kasi ang magjowa, sagabal sa kanyang trabaho. Kung ikaw nga, ayaw mo di ba? Kasi ang sabi mo nga ay suma-sakit lang talaga ang ulo mo pagpinipigilan ka sa tuwing may lakad ang grupo." “Tama ka naman din don. Ang talino mo talaga!" sabay sila nagkasundo at nag-apir ng kanilang kamay. “But in fairness ahh, kahit walang jowa 'yan ay masaya at going aboard pa rin ang buhay kahit mag-isa." sabi nito sa kasama ang lalaking nakilala ni Sabrina nakaraan. “Oo nga pala, maiba tayo, Leo. Ano ba ang lagay nito si Rafael? Makakapasok na ba siya? Mukhang okay naman na, baka pwede mo na i-release at kailangan ko sa…" nang hindi na natuloy ang sasabihin ng mapansin si Sabrina at nakikinig. “Sorry, alam mo na 'yon, Leo." sabay iniba nalang niya at hindi nalang siya nagbanggit pa ng dapat ay siyang sasabihin sana. “Okay naman siya, pero kailangan pa din niya ng pahinga, may tama rin siya sa tagiliran na hindi niya nakita at naramdaman. Baka bumukas, kung papayagan ko siya na pumasok na sa trabaho." ani na i-sinagot ni Leo, sa team leader ng grupo na gumala kay Rafael. “Ganun ba? So, hindi pala namin siya maisasama pa?" Umiling si Leo, ngumiti ng manipis. “Hindi pa, hanggang hindi pa tuluyan na gagaling ang sugat niya. Baka kasi once na magalaw o mabigla siya ng galaw. Baka magdugo at ma-infection pa yung sugat niya. Alam mo naman sa trabaho niyo, hindi pwede na hindi 'yan gagalaw kahit pagsabihan at pagbawalan mo." tugon ni Leo. “Sabagay, sa mga tao ko. Iyang si Rafael may katigasan pa naman. Maliban sa mas maaasahan ko kesa sa mga kumag niyang kasama." kinalingon niya pa at pina-ikitan ng mga sulyap, ang mga nakakunot, noo na kasamahan ni Rafael. “Grabe itong si Boss, masakit ka masyado magsalita. Pinahiya mo naman kami kay Dok Leo, maging kay Sabrina. Baka mamaya ay isipin pa nila na tama nga ang mga inusal mong salita na tungkol sa aming lahat. “Hindi naman, bakit ko kayo ipapahiya? Sa totoo naman lahat ng mga inusal ko sa inyo." “Talaga itong si Boss, bakit hindi si Boss Rafael ang tanungin natin?" sabay binalingan ang nananahimik na si Rafael. “Bakit ako nasama?" bulas ni Rafael na kanyang kinangiti, nang magtawanan na naman ang makulit niyang mga kagrupo. “Kumain nalang kayo, Dok Leo. Walang mangyayari at gugutumin lang kayo sa pakikinig sa mga iyan." sambit na sabi ni Rafael. “Sabrina, ikaw din. Kumain ka lang, wag mo sila pansinin at nakulangan lang ang mga iyan kaya parang mga baliw at maiingay." turan na sinaad naman ni Rafael, kay Sabrina ng ito naman ang balingan at sa kanya ay siya'y tumingin. Kumain nga sila, gaya ng sinabi ni Rafael sa dalawa. Habang nakain sila Sabrina at Leo, madaldal na naman ang mga maiingay na kasama ni Rafael. Pero matapos ang isang oras ay mga nagpaalam na rin ang mga ito. “Aalis na muna kami. Baka hanapin na kami, baka malaman ng nagtungo kami dito." “Okay, sige. Magpahinga ka nalang muna. Huwag mo kami intindihin, importante ay gumaling iyang mga sugat mo." bilin, sinabi at hinabilinan rin nito si Rafael “Raf, sana ay tuluyan mo na pag-hilumin ang puso mo. Hayaan mo naman na may ibang pumasok." ang malalim at makahulugan na mensahe nito kay Rafael." “Salamat!" tugon na sambit ni Rafael. “Salamat sa mga pagdaan niyo." Saad pa niya “Salamat din sa masarap na food!" dagdag niya pa at nginitian at tumango nalang din siya sa mga sinabi pa ng kanilang team leader. Team leader na nangunguna sa mga lakad nila. Pero mas mataas pa rin ang rank ng kanyang matalik na kaibigan na umalis muna sa grupo ng dahil sa babae. Nasaan na nga kaya si Robert? nai-usal niya pa na nasambit ng maalala ang matalik niyang kaibigan na nabanggit kangina ng kanyang mga umalis na kasamahan. “Ayos talaga manupre-sa iyong mga grupo mo. Ayos talaga maging status ko nadamay sa mga kalokohan nila." natatawa na sambit ni Leo. “Ewan ko ba sa mga iyon." natatawa rin na na tugon ni Rafael. “Sabrina, kain ka lang. Sayang yung pagkain." anito na nai-wika ni Leo, nang kanyang makita ang paghinto sa pagkain ni Sabrina. “Oo nga pala, nakasalubong ko si Manang, bakit kaya ang tagal niya?" nasambit ni Leo, nang may kumatok. Pagbukas nuon ay si Manang ang pumasok mula sa labas. “Speaking of Manang, dumating na rin." pabiro na bulalas ni Leo. “Sorry! Nataya pa ako sa Lotto. Baka sakali na manalo. Alam niyo na, baka makapagt-travel outside pinas ang Lola niyo." biro na sinabi ni Manang, natawa nalang din sila upang wag mapahiya si Manang. “Si Manang talaga, nangangarap ka pa? Jowa nga rin ay wala." nang napakunot ang noo ni Manang, nang dahil sa sinabi ni Leo. “Sino bang may jowa? Wala ka nga, wala si Rafael, kundi si Sabrina lang ang taken sa ating apat." sabay na humagalpak sa tawa si Leo, natawa rin at napa-bungisngis si Rafael habang si Sabrina, bakit maging ang tungkol ata sa kanyang boyfriend na naiwan sa kanyang trabaho ay alam nito, nila ang dalawa pang busy sa pagtawa. “Manang talaga, magjowa na nga ako, nang hindi niyo na ako natutukso at nila-line-up sa mga single na gaya niyo." pabiro pang nai-sagot ni Leo, kay Manang. “Mabuti pa nga, tapos ay pakasalan mo na ng hindi lang jowa ang lagay. Kasal na agad, tapos ay mag-anak ng may makita ka man lang sa lahi mo ng hindi puro pasyente na lang ang nakikita mo araw-araw." aniya ni Manang na naisagot mula sa mga winika ni Leo sa kanya. “Tama na nga iyan, si Sabrina kangina pa nakatingin nalang sa inyo at nawawalan na ng kibo ng dahil sa ingay niyong dalawa." dagdag ni Rafael mula sa mga usapan ng dalawa. “Nagsalita ang hindi single." tukso na turan ni Leo, maliban duon sa sinabi niya ay tumahimik na rin ito. “Oo nga pala, ano bang dala mo?" tanong ni Leo, walang paggalang niyang wika ng tumawa. “Ikaw ba bata ka, kumain ka na nga, pati dala ko nais mo pang tingnan." bulalas ni Manang ng may biro lang naman. Kasi naman ay iniabot din niya ang kanyang dalawa sa tumatawang, si Leo. Binuksan agad ni Leo ang supot na dala ni Manang at namangha sa nakita. “Masarap ito!" napalunok pa siya na natakam sa nakitang pinausukang manok na nabili duon sa isang paluto na restaurant. Napalunok na naman siya ng may masulyapan ang mata na kare-kare. “Manang, diet ako eh! Bakit naman ganito ang binili mo?" may pagrereklamo na tugon kay Manang. “Kung ayaw mo wag kang kumain. Hindi ka naman pipilitin. Akin na nga, bitiwan mo." nang pabirong inagaw kay Leo ang plastic. “May diet-diet pang nalalaman. Kung ayaw kumain. Edi wag kumain. Kasalanan ko bang diet ka?" parang na-offend na nai-sambit mula ng mai-dagdag sa sinabi niya. Si Sabrina ay wala pa rin kibo. Kakaisip sa inusal ni Mamang kanina ng dumating ito. Ang tungkol sa pagkakaroon niya ng boyfriend na naiwan niya sa Manila. Nagulat siya ng mabanggit ni Manang kangina maging ang ilan sa mga personal na buhay niya mula sa Manila. Kaya itong si Sabrina ay kay lalim ng kanyang iniisip. “Tahimik, nga!" bulas ni Manang. “Sabrina, oyy anong nangyari sayo? natahimik ka naman diyan." ani ni Manang ng tumawa sila. “Grabe sa pagka-lalim naman niyan upang hindi ka na kumibo pa sa mga nasambit namin ni Manang!" gagad na sabi pang muli, nakatingin lang si Sabrina sa kanila. Habang si Rafael ay natawa nalang sa makulit na kaibigan, kasama si Manang na enjoy ang pakikipag-kulitan kay Leo. Napuno ng maraming tawanan ang kwarto ni Rafael, maging ang pagkain na dala ni Manang ay malamig na dahil sa pagiging busy nilang lahat sa mga pagtawa sa mga isa't-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD