CHAPTER #10

2029 Words
Nagising ako wala na siya sa tabi ko. Naalimpungatan ako, wala na rin siya sa harapan ko. Tuluyan na pala talaga ako nakatulog kangina ng kanya akong utusan na matulog na muna at magpahinga dahil nga sa bigla nalang din ako naliyo, at nanakit ang aking puso. Yung ulo ko, bigla rin sumakit. Sumabay pa sa pagsakit ng akin puso. Yung mata ko, papikit-pikit. Halos ayaw pang dumilat. Halos ayaw pang gumising at namimigat. Inaantok pa ako, para bang nais ko pang matulog. Napahikab pa nga ako, pagka-luwang pa nga ng pagkaka-buka, nang aking bibig. Inaantok pa nga ako. Muli ko ipinikit ang mga mata ko. Isa, dalawa, tatlo ng muli ko maimulat. Naglalakbay na naman ang isip ko, at siya na naman ang pumapasok sa utak ko. “Teka nga lang?" nag-isip pa ako. Yung isip ko, nagugulo. Para bang hina-halugad, ang pakiramdam ko. Nang hindi malaman ang hinahanap, mukhang gulong-gulo. “Arayyy!" daing ko ng mapahawak ako sa ulo ko. “Ang sakit!" nang nabulalas ko habang hawak ang aking sintido. Papabangon na sana ako mula sa pagkakahiga. Nang napabalik ako, at mahiga muli sa kama. Bigla rin nagdilim ang paningin ko. Bigla rin na naman ako nahilo. Biglang napabalikwas ako at humiga nalang muna. Buntong hininga ako, nakatulala nalang sa taas ng kisame. Nag-iisip ng mga bagay na kinagulo ng isip ko. “Bakit ba ganito?" nasambit sa hangin habang nagsasalita. “Bakit naiisip ko siya?" na naman ay aking nausal. “Bakit siya ang lumalabas sa tuwing magpipikit ako ng aking mata?" bukod tanging nakapagtataka. Iki napag-isip ko pa nga ng husto. Subalit wala pa akong makuha na sagot. Ang lalim ng bawat hininga na nahuhugot ko. Ang bilis ng bawat paghugot ko ng hininga at naibuga. “Bakit ba kasi?" labis na nakapagtataka dahil sa parang may kumukontrol sa isip ko, sa puso ko maging sarili ko parang nais nga umayon sa sinasabi ng dalawa. Puso, isip, at maging ang utak ko na siyang nangunguna pa sa pagdidikta. Huminga muli ako, hindi naman inaalis ang tingin sa kisame. Tulala pa rin, habang ang utak at isip ang nagtutulungan sa pagkontrol sa sinasabi ng aking puso. “Isa, dalawa, tatlo." nang bigla nalang bumukas ang pinto matapos ko magbilang. Dahan-dahan pa sa pagbubukas yon, narinig ko lang ang lagutok ng pihitin, yung seradura ng pintuan. Maya-maya pa ay lumitaw si Manang. Siya pala ang taong papasok sa aking kwarto. Nakita niya agad ako. Napalingon kasi ako sa kanya. “Gising ka na pala!" Ang agad na sinambit ni Manang, nang makita niya ako, na naka-mulat ang aking dalawang mga mata. “Nagugutom ka na ba?" agad niya rin naman ako tinanong, habang sinusubukan niyang maisara ang pintuan. “Oo nga po, nakaramdam na rin po ako ng gutom. Kaya siguro ako naalimpungatan, at tuluyan na magising." Sumagot ako sa kanya, habang kasinungalingan naman ang aking nasambit. Hindi pa naman ako nagugutom. Pero ng naamoy ko yung dala niya. Kung bakit bigla nalang kumalam ang aking sikmura. “Gutom na ako!" natatawa na nasambit ko habang dahan-dahan na bumabangon. Sinubukan kong bumangon, at nagtaka na naman ako. Bigla kasi nawala yung hilo ko. Bago pa ako tuluyan na makabangon. Bumukas na naman ang pintuan. Dahan-dahan lang muli na bumukas yung pinto. At ang inilabas nuon ay ang lalaking nagkukulong sa akin, dito sa ospital. Napalingon agad ito sa gawi ko. Nagkatinginan pa rin. Mukhang nabigla pa nga ng makita ako na dilat na ang aking dalawang mata. “Gising ka na pala?" anito na itunuran ng magawa niya akong tanungin. Nagtaka rin yata siya, agad din lumapit para alalayan na naman ako sa aking pagbangon. “Dahan-dahan lang!" Saad niyang sinabi. Habang si Manang, titig na titig ang mata na nanunuod habang inaalalayan ako nitong lalaking na nagawa pang humawak, sa aking katawan. Nakakarami na siya, umaangal na nga yung isip ko, pero pinipigilan naman ng utak ko, isama pa ang nagrereklamo kong puso. Kung hindi lang ako ganito, nakatikim na siya sa akin. Sa maraming beses niyang nagawa hawakan ang aking katawan ng walang paalam. Hindi ko magawang umalma, dahil sa parang may kumokontrol sa aking sarili, at umalma sa mga iniisip ko. May ilang beses na rin niyang nasilip ang katawan ko. Nung pinalitan niya at nililinis ang sugat ko. Duon ko nakita ang malaking hiwa sa aking dibdib. Isang malaking sugat, na naging malaking marka mula sa naging operasyon ko raw ng kanila akong matagpuan nuon sa kagubatan. Nung araw din na nakipag sagupaan ako sa mga rebelde na nakipag barilan sa akin ng mga sandaling napadpad ako rito. Umayos ako ng pagkakaupo, na pagkakasandal ko sa head board ng kama. Inayos niya pa ako, matapos na maalalayan. “Gutom ka na?" Siya rin nagtanong, gaya ni Manang ng tanungin ako pagdating nito. “Hindi pa 'yan kumakain!" si Manang ang sumagot, dagdag niya pa. “Paka-kainin ko na nga sana, dumating ka lang." “Ganun po ba?" Tumango si Manang. “Oo, halika, kumain ka na rin. May binili ako na pagkain sa labas." “Ano pong binili niyo?" tanong naman nito at nilingon ang inigagayak, habang hinahain ni Manang ang mga nabili niyang lutong pagkain mula sa labas. “Lutong pagkain lang!" sagot naman ni Manang habang bitbit na nito ang tray ng pagkain na inihain niya. “Mukhang masarap!" ngumiti siya, saka niya inusal at inaabot ang tray. Kinuha niya kay Manang ang dala nito, siya na ang naglapag sa harapan ko. “Magsalo na kayo diyan, dito nalang ako sa mesa kakain. Kayo na ang magsabay." sabi pa ni Manang at bumalik na nga kung saan ay naiwan ang natira sa kanyang biniling pagkain. Napangiti si Manang habang napapalinga sa aming gawi. Nakikita ko ang bawat mapagtanong nitong mga tingin. Hindi niya madalas ilinga ang mata sa gawi namin. Pero nahuhuli ko yon sa tuwing mag-angat siya ng kanyang mukha at lihim na mapapa-ngiti. “Kain na tayo!" alok na sambit habang inayos niya ang pagkain na nasa styro. Inilagay niya sa pinggan. Ipinag-lagay niya ako sa pinggan at saka niya pa ako tinanong. “Gusto mo nito?" Tumango naman ako. “Okay!" usal niyang winika. “Kain na, buka mo bibig mo." “Kaya kong kumain!" singhal ko. “Hindi mo ako kailangan subuan ng parang bata!" bulalas ko. “Hindi mo kailangan gawin yan, na parang hindi ako makakain sa sarili ko." turan kong sinabi. “Sorry, nalimutan ko." parang nalungkot niya pang sambit. Malungkot nga, dahil bigla siyang nakasimangot. “Sige na, kumain ka na!" sabi nito, tumayo sa silya. Napansin ko ng nangingilid na luha sa kanyang mata. “Anong nangyari?" nausal ko ng maibulong. “Iwan ko muna kayo ni Manang!" sabi nito, tumayo ng tuluyan, tumalikod. Pagkatapos nga ay lumakad papalabas ng pinto. Nagtaka naman din ako sa kanyang inasal. “May nasabi ba akong masama?" aniya ko usal habang nakasunod ang mga mata ko sa kanyang paglabas “Napikon ba siya sa sinabi ko?" Parang bata na humaba ang aking nguso at sumimangot. “Grabe, bakit siya umiyak?" nabulong ko na naman. Saka ko lang nabalingan si Mamang na nakasunod din pala ang mata sa lumabas na lalake. ********* “Bro, nasaan ka?" “Bakit?" naitanong ko agad. Nagtataka rin ako, nang bigla akong tawagan ng isa sa mga kasama ko sa grupo. Kalalabas ko lang mula sa kwarto ni Sabrina. Hindi ko alam, napikon ba ako, nasaktan, o, baka naman dahil lang sa talagang tama lahat ng kanyang inusal. “Nasa hospital! Bakit?" “Pumunta ka dito, I need you." mabilis na pagkakasabi, tapos ay bigla nalang naputol ang tawag nito. Napalingon pa ako sa pinto ng kwarto ni Sabrina. Iniwan ko siya, nang dapat ay kakain kaming dalawa ng sabay, mula sa pagkain na binili ni Manang. Kaya lang, dahil sa sinabi ni Sabrina. Parang sobra na nga ata ako sa aking ginagawa na pag-aalala sa kanya. Maging sa pag-alalay, pag-aalaga at pagbibigay ng importansya sa kanya. Mukhang maling-mali nga ako, halos ituring ko na rin siyang sanggol sa ginagawa ko. Ang pagsubo sa kanya ng pagkain na kinasanayan ko kasi kay Sabby. Mukhang nakalimutan ko, hindi nga pala siya si Sabby, para gawin ko pa yon. Si Sabby kasi, parang baby na dapat subuan pa maging sa pagkain. Gustong-gusto niya yon, at nakukuha pa nito magalit o magtampo. Sa tuwing nakikita niya na kumakain ako at hindi ko siya pinapansin, at hindi siya kasalo, maging sa pagsubo ng kakainin niya ay dapat ako. “Sabby, hanggang ngayon iniisip pa rin kita." nasambit ko ng mai-pikit ang aking mata. Nakasandal ako sa may gilid ng pintuan ng kway ni Sabrina. “Masakit pa rin, Sabby!" usal ko, habang nakatingala. “Masakit pa rin!" ang luha ng kangina ay biglang nangilid. Bigla nalang din pumatak ng hindi ko na rin napigilan. Napasinghap ako, napa hilamos sa aking mukha.. Huminga ng malalim. Napabuga rin ng mabilis. Huminga muli ako, isang pag kalalim. “Anong ginagawa mo?" nagulat pa ako. Nang maimulat ako ng aking mata. Si Leo ang aking agad nakita. “Bakit nandito ka sa labas?" bulalas niyang naitanong. Nagtataka siya, kahit ako naman din nagtataka. Bakit ko nagawa talaga lumabas kangina. Kung dahil lang sa sinabi ni Sabby, dapat lang naman na bali-walain ko, nalang yon. Pero bigla nalang ako tumayo at lumabas. Nakakainis, nahiya tuloy ako bigla. Nakaramdam ako ng pagkapahiya habang itong si Leo, nakatingin sa mukha ko. Titig na titig habang nag-aantay ng aking isasagot. “Ewan ko ba!" nakatawa kong naisagot. Napahawak sa ulo, sabay tumawa. “Ano nga?" bulalas niya. Nagtataka na naitanong pa din nito. “Ewan ko nga, kung bakit ako lumabas." natatawa pa rin kong saad. Natatawa na kina-tawa din nito, ang aking malabong pagkaka sagot, sa kanyang tanong. “Raf, nasisiraan ka na ba? O, baka naman kulang ka lang sa pagkakatulog?" gilalas nitong turan. “Hindi ko rin alam, pero nakakatawa di ba?" bulas kong napa bungisngis sa tawa sa kanyang harapan. “Ewan ko sayo. Ang labo mo kausap." sabi niya. “Ano bang nangyari?" muli niyang usal habang tinanong na naman ako. “Ewan, sabi kasi ni Sabrina, wag ko raw siyang ituring na bata para subuan pa siya sa pagkain niya." anito kong turan sinagot sa mga pinagtatakang gawi ko, nang hindi ko rin alam, kung bakit ko nga ba nagawa. Tumawa si Leo, napa hagalpak pa siya sa kanyang pagtawa. Habang kanya akong naituro ng isang daliri ng kanyang maiangat ang isang kamay at itinuro ako habang tumatawa. Parang hindi doctor ang kausap ko. Dahil sa ginawaga niyang pagtawa. Pinagtatawanan ako ni Leo, dahil sa sinabi na yon ni Sabrina. “Bakit? Dahil na sa naaalala mo sa kanya si Sabby?" anito niyang tumawa pa rin. “Raf, kay Sabby mo lang nagagawa yon!" usal niya na pagkasabi. “Si Sabby, gusto niya ang pag-aalaga mo na ganun. Pero so Sabrina, iba na siya. Hindi siya si Sabby na magagawa mo ang nais mong pag-aalala, pag-aalaga, at higit sa lahat…" Napahinto pa siya sa kanyang pagsasalita, habang kina buntong hininga ko. “Nasa sayo, kung magagawa mong buksan muli ang puso mo para sa kanya. O, baka naman naibukas mo na, ayaw mo lang aminin." Saad niya. Tumawa pa rin itong si Leo, ayaw niya tumigil sa pagtawa niya. Para ata sa kanya, nakakatawa ngayon ang nangyari sa akin. Mula ng pumasok ako sa loob, at lumabas matapos na pinagsabihan ni Sabrina. “Raf, madalas kong sabihin 'yan sayo." dagdag na naman niyang sinabi. “Dadating ang oras, may nararamdaman ka rin na kakaiba, baka naman meron na talaga, pero ayaw mo lang lumawak ng dahil sa hindi siya si Sabby, o, dahil sa ayaw mo lang talaga muna mangyari. Dahil sa sobrang gulo pa ng sitwasyon." Idinagdag na naman niya na kanyang sinabi. Si Leo, talagang ginigiit niyang tama siya sa kanyang conclusions sa mga napansin niya at pinaniwalaan na ganun ang mangyayari, at hindi impossibly na mangyari. Tama na nga ata siya, si Leo. Tama na siya sa kanyang pagkakahula. Kahit haka-haka lang niya, possible nga siguro na mangyayari yon lahat. “Possible nga bang mangyari?" naitanong ko pa sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD