CHAPTER #9

2056 Words
“Oh!" anito ni Leo na parang napaungol. Napangiti naman din siya ng makita ako mula sa kanyang bumukas na pintuan. Kumatok muna ako bago pa man ako nagbukas ng kanyang pinto. Nabasa ko kasi ang message niya sa akin. Pinapu-punta niya ako dito sa kanyang opisina. “Nakabalik ka na pala?" Ngumiti naman ako. “Oo, kani-kanina lang." “Ahh, so nakarating ka na pala sa kwarto ni Sabrina? Nadaanan mo na siya bago ka pa pala nagtungo rito?" “Oo, nauna ako duon." sagot ko. “Late na rin kasi ang message mo." sabi ko muli sa kanya. “Late ko na nabasa. Nandoon na ako ng mabasa ko, nang mag ring yung cellphone ko." turan ko pang sinabi habang naupo naman ito sa may mesa niya. “Oo, nakalimutan ko rin agad ang magtext sayo. Busy kasi!" sagot nito. Lumakad din ako papalapit sa kanya. Naupo sa tabi nito pero magkaharap kami ng aming pagkakaupo. “Bakit mo ba ako pinapu-punta dito?" nagtataka pa rin na aking naitanong kay Leo. “Hindi ba sinabi sayo ni Sabrina?" anito na kanyang itinugon. Umiling ako, “Hindi, wala naman siyang nabanggit ng dumating ako ruon." sagot ko pa at napalingon. Nakita ko ang isang bagong palamuti sa kanyang lamesa. “Mukhang maganda 'toh?" anito ko na tahasang pagkatanong. “Wag mong pag-intrisan." bulalas agad nito. “Regalo yan sa akin. Kaya wag mong mahawak-hawakan." may pagpa-paalala na kanyang tinuran. “Bakit? Masama bang hawakan? Sinabi ko lang din naman na mukhang maganda?" nakakatawa na aking sinabi. “Baliw ka!" bulalas niyang pagkakasambit. “Ikaw na hindi mabiro." sabi ko. “Wala naman ako sinabi na hihingin ko ito." aniya kong bigkas, na ako rin ay nakatawa, nang makita ang kanyang itsura. “Ikaw na madalas kunin ang bawat makita sa mesa ko?" gilalas niyang pagpapaalala. Natawa ako, kinatawa ko ang bawat sinabi niya. Ang bawat pagpa-paalala nito. Kinabulalas ko ng tawa. Naalala niya talaga ang bawat nahingi ko sa kanya sa tuwing mapapasyal ako rito. Ang bawat nagandahan ako at magustuhan ko. Hinihingi ko, ibinibigay ko kya Sabby at pang regalo ko. “Matagal na 'yon!" bulas ko ng nakatawa. “Matagal na nga, pero baka mamaya hingin mo pa yan." “Depende kung ibibigay mo." natatawa ako ng niloko ko pa si Leo. “Nope, hindi pwede." agad nitong sinabi ng may pag angal niyang winika. “Oo na, mukhang mahalaga nga sayo ang isang 'yan!" aniya ko, nang maalala ang ipinunta ko. “Bakit mo pala ako pinapunta?" Nang balingan ko ang nauna naming pinag-uusapan. “Ahh, sasabihin ko lang, maaari mo na mailabas si Sabby bukas ng umaga." Sagot ni Leo, napatikhim pa ito. “Galing ka ba dun?" Tumango pa si Leo. “Oo, kinamusta ko siya." “Sure ka bang okay na siya?" Tumango na naman ito. “Oo, pwede na sa bahay na lang siya tuluyan magpagaling. Ayos naman lahat ng test sa kanya. Wala na rin naman ako nakikita na maaari na maging problema. Mukhang tinanggap ng kanyang katawan ang puso ni Sabby." “Wag kang mag-alala. May mga follow up check up pa rin naman siya sa akin. Dito sa ospital, mas madalas pa rin ko kayo makikita." idinagdag pa nito. “Hindi naman yon, kangina kasi. Sumakit ata yung puso niya habang binibiro ko siya." Pagkukwento ko sa mga nadatnan ko kangina. “Bigla nalang siya nawalang ng panimbang, muntik na siya nabuwal kung hindi ko pa siya nasalo. Baka siguro bumagsak siya ng diretso sa sahig." Nadagdag ko rin sa mga naisambit ko kay Leo. “Pero okay naman siya ng puntahan ko kangina." sagot ni Leo. “Bakit ganun?" “Baka naman dahil sa ginawa mong pagbibiro sa kanya?" gilalas ni ang pagkaka sambit, na akin rin, kinabilis ng kabog sa aking dibdib. Napabuntong hininga ako habang si Leo nakangiti sa akin. “Tulad ng nasabi ko na sayo nung nakaraan." nang mag-umpisa na muli si Leo sa mga patutsada niya na para sa akin. Walang tamang basehan. Pinalalaki lang nito ang mga isipin ko na muli pa siyang magpatuloy. “Maaari na magkaroon ng konting problema sa puso niya, sinabi ko na yan sayo. Umpisa pa lang, pero hindi dahil sa naging operasyon niya. Kundi maaari na ikaw pa rin ang hanapin nito o maaari na ikaw pa rin ang tibok." gagad niyang diretso na pagkakaturan. “Kung sakali na darating ang araw na maalala ka rin ng puso ni Sabby. Hindi mo maiiwasan yon, dahil alam naman nating dalawa na ikaw ang talaga minahal ng sobra ni Sabby, kahit hanggang sa huli niya dito sa mundo, ikaw pa rin ang inaalala nito, ang kaisa-isang minahal." Muli na naman niya nabanggit ang mga nabanggit na niya nuon. Ang mga possibility na pwede mangyari. Ang possibility na darating ang araw na makikita ko si Sabby sa pagkatao ni Sabrina. “Rafael, alam kong isa lang conclusions ang lahat ng mga sinasabi ko sayo. Pero may malaking possibility talaga na mangyari." gagad niyang muli na sinabi. “Wag mong kakalimutan, puso ni Sabby, ang puso na nakakabit na sa kanya ngayon. Ang ngayon na ginamit ni Sabrina para makapag patuloy pa siyang huminga." seryoso na rin si Leo habang kanyang winiwika, pina alala sa akin lahat. “Basta, yung sa akin lang. Nagpapaalala lang, pero kung sakali man mangyari. Tiyak na, hindi mo maiiwasan. Pero, ikaw ang tiyak na malamang. Dahil puso ni Sabby ang nasa kanya. Pwede din na nakikita mo ang katauhan ni Sabby sa kanya ngayon." Dagdag niya na naman ng sabihin sa akin, walang tigil na naman itong dumadaldal. “Malamang, dahil sa isang dugo, iisang itsura pa mga kung pagkakatingnan mo. Parang si Sabby talaga ang makikita mo sa kanya." Buntong hininga ako habang nakikinig lang, habang siya nag tuloy-tuloy lang sa mga kanyang iniwiwika. “Leo, malabo ata mangyari!" na sagot ko, bulalas ko mula sa bibig ko. “Wag kang magsalita ng tapos sa ngayon." gilalas na naman. “Hindi pa man nag-umpisa, wag mong tuldukan agad. Dahil baka sa huli, masabi mo nalang. Tama pala lahat ng sinabi ni Leo sa akin." madaldal niyang turan sa akin. “Maaga pa, alam mong kamamatay pa lang ni Sabby." aniya na ikinalulungkot ko. Sa tuwing mabanggit nga, at mapag-usapan si Sabby. Nasasaktan pa rin ang puso ko. “Masakit pa rin, Leo." sagot ko agad din sa sinabi niya. “Masakit pa rin, Leo. Mukhang hindi ko pa kakayanin ang magmahal muli." aniya ko malungkot pa ring pagkakasabi sa kanya. “Pero ang pagmamahal, hindi yan maiiwasan kung sakali na darating nalang." tugon niya sa akin. “Masakit pa nga siguro sa ngayon. Pero kung sakali man na may pumasok muli diyan sa puso mo. Hindi mo naman maaaring sabihin sa kanya na masakit pa rin. Hindi pa ako ready na magmahal muli." Tumulo na nga ang luha ko na mabilis ko na pinahid, gamit ang isa kong palad. Isang luha na sinundan pa ng ilan. Muli ko pinahid ang luha na bumabagsak sa aking mata. Napa Singhot pa akong maramdaman ang palabas na sipon. “Rafael, wag mong alisin sa isip mo na pwede ka pa ring maging masaya, sa kabila ng pagkawala ni Sabby. Oo, andun na tayo. Sobrang minahal mo si Sabby, masakit, nakakatakot din na muling mag papasok." Huminto pa sa pagkakadaldal si Leo. Buntong hininga siya habang nag patuloy na naman sa kanyang pag daldal. “Pero, wag mo naman hayaan na malamon ka ng sakit at kalungkutan dahil nawalan ka. Nawala sayo ang babaeng pinakamamahal at nag-iisang babae na andiyan sa puso mo." Saad na pagkakasabi na naman ni Leo. Hindi na nga siya ngumiti. Nakasimangot, mali, dahil seryoso lang siyang nakikipag-usap sa akin. Seryoso na nakatitig habang nagsasalita. ********* Pauwi na ako bukas? Pero saan naman ako uuwi? Hindi pa ako maaari na makabalik, hanggang hindi ko matatagpuan si Ate Samantha. Kaya lang, kailangan ko rin muna balikan ang mga naiwan ko ng umalis ako. Kailangan ko muna ayusin ang mga dapat ko ayusin. Lalo na pagdating sa aking trabaho, kailangan ko rin na makapag report, magpakita. Dahil tiyak na nag-aalala na rin sila sa biglaan kong pag-alis ng hindi ko man lang nai-paalam sa kanila. Kanilang kong makakuha rin ng mga bagong impormasyon tungkol sa sindikato na aking hinahabol. Bahala na, pero susubukan ko muna muli na lumibot rito sa lugar. Ang huli kong dinig sa kanya, kay Ate Samantha. Dito ko matatagpuan si Ate Samantha na kinuha ng mga halang ang bituka na mga tao na siya ring mga gumawa sa akin nito. Kung bakit ako napunta rito sa ospital. “aahh!" nang mapasabunot ako sa aking buhok. Masakit, sumasakit ang ulo ko. “Okay ka lang?" nagulat pa ako na napa-angat ng maingat ang ulo ko. Para bang mabibiyak yon. Napakurap pa ang mata ko na may malalim na paghinga. “Okay lang!" sagot ko. Nakabalik na pala ito. Hindi ko napansin ang kanyang pagbalik “May masakit ba?" “Sumakit lang bigla yung ulo ko." “Halika, mahiga ka muna." utos niyang sinasabi habang inalalayan niya ako sa aking pagbabalik sa pagkaka-higa. “Gusto mo ng tubig?" tanong niya sa akin. “S-sige, please.." sagot ko naman. May pag-aalala na mabilis siyang umabot ng tubig sa lagayan. Kung saan ay nagmamadali din akong bumalik sa aking pag-idlip. Mabilis lang ay nakakuha ng tubig ito. Inabot niya sa akin yung tubing. Uminom ako, habang hawak ko yung bago na may lamang pera. “Ayos ka na?" Tumango ako. Ayos naman na ako, kung bakit may mga timer na bigla nalang ako nahihilo. Tulad na naman ng nangyari sa ngayon ng bigla sumakit ng todo ang aking ulo. “Buti naman, nag-alala na naman ako sayo." Tama nga siya, dahil bakas sa mukha nito ang pag-aalala habang siya ay nakaharap sa akin at nagsasalita. “Hindi ka ba nagugutom?" Umiling na naman ako, habang nagtanong siya ng nakatingin lang sa aking mukha. “Kung hindi ka man nagugutom. Mahiga ka lang diyan muna para makapag pahinga ka." anito na kanyang bulalas habang ako naman napaka tahimik habang nagsasalita siya. “Sige, magpahinga ka lang muna ahh!" utos niya na naman inutos sa akin. Napabuga pa siya ng malalim niyang pagkaka hinga. Ako naman napapansin ko ang pag sakit na nagmula sa aking puso. Kumirot na naman, pakiramdam ko ay masakit ang aking puso, para ba siya na kinukurot. Ipinikit ko ang aking mata. Tulad ng kanyang sinabi. Sinunod ko lang ang kanyang sinabi. Pinilit kong ipikit ang mga ko. Unti-unti din naman yon namigat. Subalit para bang lutang ang isip ko. May mga iniisip ako na hindi naman talaga importante para isipin ko. Habang nakapikit, ang mata ko, hindi ko alam. Kung bakit mukha niya ang napunta at nakikita ko. Nawawala na ata ako sa aking sarili. Dahil sa mukha nito ang lumalaro ngayon sa isip ko. Ang mukha niya ang ngayon ang nag-iisang tao na ngayon laman ng utak ko. Ang nag-iisang naiisip ko at hindi mawala-wala. “Bakit?" anito na sambit niya patanong ng magdilat ako ng mata. Nag tama pa, ang aming mga tingin, ang mga mata namin na halos walang kurap. “Hindi ka makatulog?" Napatango pa ako sa kanya ng pagkaka tanong. “Bakit?" Nagkibit ako ng balikat habang nasagot sa kanya “Hindi ko alam!" pagsisinungaling ko. Hindi ko alam, pero alam ko naman na kasalanan nito, bakit hindi ako makatulog. Siya kasi ang lumalaro sa utak ko kaya ang isipan ko ay gumugulo dahil sa kanya pagpasok. Humugot ako nang malalim na hininga. Papaalis na nga sana siya sa isipan ko. Nang bigla na naman siya pumasok. “Gusto ko kumain!" sabi ko sa kanya. “Sige, iku-kuha lang kita ng makakain mo!" sagot naman nito, hindi naman siya nangingiti. Seryoso ang mukha na nakabusangot. Halatang may iniisip ito. Ano kaya? “Salamat!" sagot ko na naman. Umalis na ito, naiwan ako. Si Manang naman, wala pa hanggang ngayon. Kaya wala akong makausap, maliban sa lalaking ito na nakapulot sa akin nuong mabaril ako sa kakahuyan. Huminga pa muli ako, habang hinihilot ko ang aking nuon. Ang kamay ko. Para bang nanigas. Bakit na naman? Kakaiba ang mga nangyayari sa akin. Hirap maipaliwanag. Hirap mabigkas kung ano nga ba talaga ang nangyayari. Nasinghap ako, malalim ang bawat hugot ko sa mga hininga ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD