CHAPTER #17

1021 Words
“Bukas, pwede na kayo umuwi na dalawa. Dun na kayo sa bahay magpahinga ng hindi ko na kayo makita rito sa ospital. Mabuti na sa bahay nalang kayo at makapag-pahinga pa kayo ng maayos, kesa rito." Saad ni Leo, habang isinasaad ang mga ilan pang habilin niya habang magpapagaling ang dalawa sa bahay ni Rafael. “Ikaw, Rafael, pakiusap. Magpahinga ka sa bahay mo. Wag ka muna pumasok at baka bumuka pa yung tahi sayo." bulas na pakiusap ni Leo, sa nakangiting si Rafael. “At ikaw naman, Sabrina. Pakiusap ko din sayo, wag mong balakin na pagurin ang sarili mo at baka, mapaano, ang puso mo. Iwasan mo ring magpastress at mag-isip." bilin rin ni Leo, habang sinesermunan ang dalawa niyang pasyente. “At ikaw naman, Manang. Bantayan mo 'yang dalawa at baka mamaya ay magkaroon na naman ng sabong sa bahay niyo. Mahirap na, hindi mo kakayanin ng mag-isa, Ikaw ang kawawa." anito na pabiro niyang kinangiti habang kausap niya si Manang. “Yes, Dok Leo, ako na bahala sa kanila. Basta, resetahan mo ako ng mga pampakalma para sa dalawa at pampatulog oras na mag-ingay sila sa bahay once na mag-start na naman sila mga magsabong na dalawa." pabiro na naman na wika ni Manang habang ang dalawa ay tahimik lang. Hindi sila mga nag-kikibuan na dalawa mula ng magtalo sila kagabi sa isang tanong lang ni Sabrina na hindi naman pinagbigyan na sagutin ni Rafael. “Ayy, oo, sige at dadamihan ko. Ilang banig ba ang gusto mo, Manang?" anito ng biniro pa nitong si Leo, si Manang habang ang mga mata ay nakasulyap pa rin sa dalawang walang kibo. Lumalim kasi ang pag-uusap na dalawa na nauwi sa pagtatalo. “Rafael, ikaw na ang bahala muna rito kay Sabrina ahh, wag na ganyan. Magpansinan naman kayo, wag ganyang simpleng away at pagtatalo pinalalaki niyo na agad." muli ay may pagkajoker na sambit nitong si Leo. Napapangiti at nakukuha pa rin niyang asarin ang dalawa habang nagpaparinig. “Oh, siya. Matulog na kayo at bukas ng umaga ay babalik ako rito. Ako na mag-aayos ng clearance niyong dalawa para makalabas rito. Yung bill niyo, aabonohan ko na muna, bayaran mo ako ahh." muli niyang sinabi kay Rafael subalit kahit isang salita ay wala siyang nakuhang tugon. “Ano ba 'yan. Wag naman kayong ganyan na dalawa. Magpansinan naman kayo, hindi sa simpleng tampuhan ay para na kayo mga bata kung magsi-arte na dalawa." “Hayaan mo na at wag mong pansinin 'yang dalawa na yan, sige na Dok Leo, magpahinga ka na o baka nakakaistorbo na kami sayo at baka mamaya ay marami pang pasyente ang nag-iintay sayo." Si Manang pa rin ang nagsalita. Ayaw kasi mga magsalita o kahit tumugon ay ayaw nung dalawa. “Sige na Manang, aalis na ako. Ikaw na bahala dyan sa dalawa. Habaan mo nalang ang pasensya mo, sumasakit ulo ko, ako ang nauubusan ng pasensya at umi-ikli ang pag-unawa ko sa kanila." tugon ni Leo. “Oh, siya, sige na kasi at umalis ka na, lalo ka lang tatagal sa kapansin-pansin sa mga iyan." “Okay, goodnight na, sa inyo Manang." “Goodnight na rin sayo, magpahinga ka." sabi ni Manang bilin kay Leo. “Salamat po!" sabay umalis na rin si Leo, lumabas na ito ng pinto. Nawala na sa kanilang mga paningin. Nagtakikuran pa ang dalawa na parang mga walang kasama. Si Manang napailing nalang sa kanyang nakikita sa dalawa at pinipigilan na matawa. Dumaan ang magdamag ay ganun pa rin ang dalawa, kahit mga natutulog na at sa kanilang pag-gising ay ganun pa rin sila. “Good Morning sa inyo, bumili na rin ako ng breakfast niyong dalawa. Gusto niyo na ba kumain?" aniya ni Manang at inalok yung dalawa. “Manang, sige po. Kakain na ako." aniya ni Sabrina at bumangon na rin ito, nagtungo lang muna sa banyo upang maghilamos at makapag-hugas ng kanyang kamay. “Oh sige, maupo ka na at ihahain ko na sayo ang pagkain mo." “Salamat, Manang." tugon ni Sabrina ng balingan ni Manang si Rafael. “Ikaw, Rafael? Ayaw mo bang kumain muna? Anong oras na, si Leo, dumaan na rito kangina, subalit tulog ka pa, kaya babalik na lang daw siya mamaya." Saad na sabi ni Manang habang ibinababa ang mga pagkain ni Sabrina sa harapan nito. “Masarap yan, kumain na ako kangina . Tikman mo." nakangiti si Manang na inialok kay Sabrina ang binili nitong bibingka na panghimagas raw after niya kainin yung sopas na binili nito. May puto pa siyang binili, at kutsinta. “Mamaya nalang, Manang. Hindi pa naman ako nagugutom. Late nalang ako kakain." “Pero lalamig!" bulas ni Manang ng pilitin na kumain si Rafael. Si Sabrina, sumusubo na siya ng kanyang sopas, habang nakagat din ng puto na inabot sa kanya ni Manang. “Sige na nga po, konti lang." sagot niya mula sa sinabi at may panenermon ni Manang. “Oh sige!" sabi nito at inilabas na niya ang isang lagayan na may sopas na kanyang binili. “Mainit pa yan, tikman mo at tiyak na magugustuhan mo." sabi pa nito ng may ngiti. Masarap naman yung sopas, nakakain na nga sila ni Leo kangina. Nauna na silang dalawa na kumain, dahil sa tulog pa naman inyong dalawa. “Oh diba masarap?" aniya ni Manang ng magtanong sa dalawa na sabay pa nga nagsubo ng sopas sa bibig nila. “Masarap po." sagot niya kay Manang, sabi ni Sabrina na napasarap ang kain at humingi pa ng karagdagan mula sa isinalin ni Manang sa kanyang kakanan. Tahimik na sila kumain na dalawa, nang matapos ay nagpaalam na muna saglit si Manang upang may bilin lang mula sa labas ng ospital. Naiwan na silang dalawa na wala pa rin mga kinuan. Pero hindi na rin nakatiis si Rafael, unang humingi ng pasensya at kumibo mula sa kanilang dalawa. “Sabrina, pasensya ka na sa akin kagabi." sabi nito, si Rafael na napa-hugot pa ng pagka-lalim mula ng hingin ang patawad mula kay Sabrina. Hindi pa muna nakibo si Sabrina, hindi pa rin siya kumibo at sumagot sa sinabi ni Rafael.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD