CHAPTER #18

2009 Words
“Tol, yung Sabrina, kamukha talaga siya ni Sabby. Malaki ang pagkakahawig nilang dalawa. Kaya buong akala ko talaga ay siya si Sabby." anito na nai-bukas na usapan nilang magkakasama. Nasa opisina na sila. Matapos ang pagdalaw nila kagabi sa ospital. Malaking katanungan ang naiwan sa iba tungkol sa pagiging magkamukha at halos mag-katulad ni Sabrina sa namayapang si Sabby. Kasalukuyang rin sila ngayon mga nakaupo, habang naghihintay ng mga ipag-uutos sa kanila ng nakatataas. May Ilan sa kanila ang mga nakayuko at mga nagtatrabaho, habang ang ilan ay mga nagku-kwentuhan lang. Ang ilan sa mga nakapunta sa hospital ay hindi pa rin kumbinsido sa kanilang mga nasa-saisip. Sa may kalayuan ng bahagya ay natanawan nila ang isang lalaki na papalapit. Sabay-sabay sila mga napalingon sa lalaking yon at nagulat pa sila ng napagtanto ng kanila lang ay kanilang mga pinag-uusapan. Si Rafael ang kanilang mga natatanawan na halos konting distance nalang ay malapit na sa kanila. Napapalingon pa si Rafael sa bawat makasalubong niya na kanya naman mga binabati. “Kala ko ba, sick leave ka gawa ng insidente nung isang araw sa lakad ng grupo niyo? Bakit pumasok ka na? Okay ka na ba? Baka mamaya bumuka iyang mga sugat mo." may pag-aalala na nasabi ng kanyang kasama na nag-aalala na rin sa kanyang biglaan na pagdating. “Okay na ako, stress sa bahay. Dito muna ako." sagot niya ng maupo sa silya. Agad siyang nilapitan ng kanyang mga kasama. “Bakit?" tanong ng isa na pumaikot pa ng kanyang may gulong na silya at lumapit ng kanyang itulak ang sarili papalapit kay Rafael. “Ewan ko ba!" walang ka-gana-gana na sagot niya. Buntong hininga pa siya, habang yumuko nalang muna at parang nag-isip ng malalim. “Pre, mukhang may kakaiba nangyayari sayo?" usal na naitanong ng kanyang kasama na nagtataka na rin sa mga ikinikilos niya. “Wala!" sagot niya, pinag-didiinan sa kanyang kasama. Tumawa naman ito, hindi kumbinsido sa kanyang sagot. “Imposible, kita naman sa mukha at mga reaksyon ng mukha mo." “Oo nga, wag mong sabihin na In love ka na ulit?" gilas na itinanong sa kanya ng kanya pa ring kasama. “OMG!" bulalas ng tumawa niyang kasama. Habang isa ay napatakip sa bibig at pigil ang pagbulalas ng kanyang malakas na tawa. “Pre, in love ka nga sa kambal ni Sabby?" bulalas na naibulalas ng bibig ng kasama niya pa rin. “What?" sa gulat ay naisambit ng kanilang nakatatas. Yung team leader nila na kangina pa pala nasa kanyang harapan at nagulat sila. “Kambal ni Sabby yon?" naitanong din nito na maging mga kasama na nakarinig ay nag-silapit at mga nais mga mag-usisa. “Ano na? Totoo ba?" gagad ng isa “Hindi nga?" Saad naman ng isa pa. “Oh my ghost! Talaga bang kambal ni Sabby yon?" nagulat sa kamanghaan at hindi pa rin makapaniwala na totoo ang naririnig nito. “Kaya pala na kamukha ni Sabby sa kahit anong tingin. Iisang-iisa ang itsura, although mas cute naman si Sabby dahil sa lagi niyang pag-ngiti. Pero kakambal niya, nakasimangot at madalas ay serious." “Tama ka diyan, pansin ko rin yan, hindi man lang tumawa. Kahit ang makisali sa usapan ay hindi talaga." dagdag ng isa pa sa mga nakiki-tsismis niyang kasama. “Oo, mukhang mataray, suplada at mahirap pakisamahan ang isang yon. Para bang dinaig pa tayo sa kanyang pagmamasid habang nanduon tayo sa ospital." “Pansin mo rin?" Tumango yung isang unang nagsalita. “Oo, para bang nagmamatyag siya habang tayo mga busy mga nag-uusap." sagot at tugon nito mula sa kasamang kausap. “Hindi niyo siya masisisi. Dahil sa nangyari sa kanya. Tingin ko ay pinaghihinalaan niyang pangkat tayo ng mga rebelde at smuggler na tinutugis niya, maging yung minamanmanan niyang grupo na nakasagupa niya nung nakaraan." “Anong nakasagupa?" agad na naitanong nung kanyang team leader. “May nakasagupa siya sa gulat kaya siya napuruhan nuon." sagot nung isang nakakakilala kay Sabrina. “Balita ko ay may tinutugis siyang mga sindikato kaya siya nagpunta rito sa lugar natin. Ayon lang sa mga nakalap kong ulat." “Ano?" “Isang police si Sabrina, may hinahanap siyang nawawalang nakatatandang kapatid." nang mapahinto nang dahil sa pagtingin sa kanya ni Rafael. Napalingon agad bigla si Rafael, nagulat ng hindi niya alam na inumpisahan na pala niya imbestigahan si Sabrina, ayon sa mga inutos niya rito. “Taga saan ba siya?" “Police Manila!" sagot nito. Biglang napabuga at natawa ang team leader nila ng dahil sa kanyang marinig na may kalayuan na lugar pala nagmula ito. “Anlayo, paano nakarating ang isang gaya niya sa lugar natin?" “Hindi imposible kung talagang may hinahanap siya sa lugar natin." Saad ng isa ng biglang tumugon ito sa usapan. “Raf, alam mo ba ito?" Umiling siya. “Hindi kasi ang alam ko lang pulis siya, kaya pinasuyo ko nalang muna sa kanya lahat. At ngayon ko lang din narinig lahat ng details mula kay Sabrina." tugon muli ni Rafael. Napabuga rin si Rafael, napaisip na buong akala niya ay baka sakali na tinutugis nga lang niya ang mga iyon. Pero minsan na niya hinuhuli si Sabrina about sa kung meron ba siyang ibang pakay, o hinahanap sa lugar nila. Maliban sa pagtugis nito sa grupo na nakalaban nito sa kagubatan. Sa dami ng grupo, imposible na maipanalo niya ang laban. Gayon na iisa lang siya na pumasok sa teritoryo ng grupong nais niyang hulihin. Si Sabrina na naiisip niyang inakala niya na baka sakali may natatandaan ito about sa kanyang kambal. Pero mukhang wala nga ito natatandaan at tulad ng naikwento ni Sabby sa kanya ay talagang wala itong matatandaan gawa ng ginawa ng kumuha sa kanya ng ipagpalit ang anak nito sa kanya matapos na sabay manganak ang kinagisnang ina sa tunay niyang ina. “Pre, bakit nga ba badtrip ka?" “Medyo nagkatalo kasi kami ni Sabrina ng kulitin niya ako tungkol kay Sabby." “Kaya naman pala, nagtatanong na pala siya at nagtataka?" bulas nito sa gulat ng maisip na ganun kaaga ay matuto na rin magtanong ng kambal ni Sabby. “Oo, nagtataka na siya, mula pa ng magising siya." sagot ni Rafael, naiwika niya nga na ayaw pa niya talaga sana biglain si Sabrina tungkol sa naging operasyon nito at puso ng kambal ang nilagay sa kanya upang ma-iligtas siya sa kamatayan. “Yun pala mga nalalaman mo sa naging pag-iimbestiga mo sa kanya? Nais ko malaman ang buong details." nang kanyang buksan muli ang naging pagsisiyasat nito sa buhay ng kambal ng yumaong kasintahan. “Actually, tulad ng nasambit ni Sabby sayo nuon, may kapatid pa siya na mas nakababata sa kanila ng ngayon ay hinahanap ni Sabrina naman ay ang nakatatanda sa kanila. May isang lalaki, bunso sa magkakapatid at isa pang sumunod naman kila Sabby." “Lima pala sila?" bulalas ng kasama niya pa rin na mga nakaantabay lang sa mga pinag-uusapan nila. “Oo, panay sila mga pulis." tugon nito sa kasamang nagtanong. “Ohhh, kaya naman pala ganun ang asta niya, parang hindi babae. Parang lalaki at grabe, ang taray niya kung makatingin." anito ng isa pang tatawa-tawa nilang kasama. “Yap, tama ka run. Kala ko nga lalake, hahahaha!" sabay na tumawa pa ang isa. Puro sila mga biruan habang kanilang mga napag-usapan ang tungkol kay Sabrina at kay Sabby. “Normal yon, pulis nga di ba? Kaya siya ganun at lalo ay pinaghihinalaan ka palang rebelde." sabay biro na hindi naman tumawa ang biniro nito. “Siraulo!" anito ng bulyawan ang kasama na humahagalpak sa tawa. “You're so pikon naman." biro na naman at inakbayan niya rin ang kasama. “Tara na muna, at nang makapag-kape." gagad niyang sinabi ng hilahin papalayo ang kasama. ********** “Sabrina, nakita mo ba si Rafael?" Umiling siya kay Manang. Hindi niya kasi nakikita pa si Rafael buhat ng makauwi na sila sa bahay nito. “Umalis na naman ata. Kangina pa ako hanap ng hanap sa kanya." masakit ang ulo na napahawak sa noo, habang hinihilot. “Sumasakit ulo ko sa kanya, sinabi na nga wag muna lalabas o papasok sa trabaho niya. Ang tigas ng ulo. Umalis pa rin kahit sabi ko ay wag na muna." bulas ni Manang, nang magreklamo sa pag-alis ni Rafae, nang wala man lang paalam. Si Sabrina kasalukuyang nasa labas ng mga oras na yon. Nakatanaw siya mula sa malayo habang nanunuot sa kanyang balat ang lamig mula sa ihip ng hangin na siyang malakas ang bayo, at ang mga puno, nagsisi-galaw ang mga dahon. Ang mga tuyong dahon na lumilipad rin dahil sa lakas ng hampas ng hangin. “Maginaw na diyan sa labas. Halika na dito sa loob, magkape tayo. Nagluto ako ng meryenda, pumasok ka na dito." sabi ni Manang na inaaya siya pumasok mula sa loob. “Sige po, susunod na ako." sagot ni Sabrina, habang siya naman ay pumasok na rin mula sa labas papunta sa loob ng bahay. “Masanay ka na dito. Tayo lang dalawa ang maiiwan sa tuwing papasok ng trabaho iyang si Rafael." Saad nito habang nagtitimpla ng kape. Sumunod si Sabrina sa kusina, kay Manang na igina-gayak ang merienda na kanyang niluto. “Dito sa bahay ay madalas ako lang nuon. Sa totoo lang, bata pa yan si Rafael ako na ang nag-aalaga sa kanya. Hanggang sa nagbibinata na siya, at magkaroon ng kasintahan ay ako pa rin ang nasa tabi niya." aniya ni Manang. “Hindi ko na siya iniwan ng naaawa rin ako sa batang yon. Mabait 'yang si Rafael, kung bakit lang talaga ay minalas pagdating sa pag-ibig." aniya ni Manang pa rin at panay ang daldal niya sa katabing si Sabrina. Hanggang ngayon ay kinakabisa pa rin ni Sabrina, ang bahay ni Rafael. Maluwang ang bahay ni Rafael para sa kanilang dalawa lang ng kanyang kasama sa bahay, si Manang. Pinakikiramdaman rin ni Sabrina ang tahanan ni Rafael na pinag-iwanan sa kanya Sumubo siya ng ulam, sinundan niya ng kanin. Maging ang mga kagamitan sa bahay ay kanyang pinagmasdan isa-isa ay wala siyang pinalampas. Sa hindi sinasadya ay nabitiwan ni Bea ang kanyang kutsara at tumilapon yon ng bumagsak sa kanya. Maging ang damit niya ay natapunan at namantsahan. “Ikaw naman na bata ka, dalawa na nga lang tayo dito ay kabado ka pa rin sa tuwing magkaharap tayong dalawa." Saad ni Manang habang naupo na rin sa anahh “Sorry!" gagad ni Sabrina. “Wala yon, sige kain ka lang, Masarap pa naman sana 'yan kung mainit. Pero dahil sa tila ay dina-dasalan mo pa iyang pagkain sa harapan mo." Bulalas ni Manang sa kanya habang may laman pa ang kanyang bibig. “Manang naman, mabilaukan po kayo niyan." bulas niyang sinabi ng matawa sa pagsasalita ni Manang ng puno ang kanyang bibig Tinitingnan niya sa mukha si Manang na nakangiti habang kumakain at du-madaldal. Na-aaliw rin si Sabrina, sa kanyang pagsama muna kila Manang sa bahay ni Rafael. Hindi rin naman siya nagkamali. Dahil sa mabait naman ang mga ito sa kanya at dahil sa medyo pakiramdam ay nanghihina. Minabuti muna niya ang mag-stay muna hanggang tuluyan siyang lumakas. Matapos nila kumain, matapos na ma-iligpit ang kanilang mga pinagkainan. Lumakad na muli si Sabrina upang maglibot muli sa malaking bahay. Pero bago mag-ikot ay tumungo siya muna sa kwarto niya. Maaliwalas ang kwarto niya na ibinigay ni Manang sa kanya. Si Rafael ang nagsabi na iyon ang ipagamit sa kanya habang nasa pangangalaga pa rin siya nito. Tumungo siya sa cabinet, nagulat siya na maraming damit ang mga nakahanda para sa kanya. May underwear, blouse, dress at ilan pang uri ng damit na napansin niyang mukhang inihanda para sa kanya. Buntong hininga siya, habang napabuga na rin. Humarap sa salamin si Sabrina. Sinuklay niya ang buhok niya at pagkatapos ay hindi naman pala niya gagamitin ang mga ibinigay sa kanya. “Wow!" galas na nasambit at nang makita ang itsura sa salamin, gamit ang pulang bestida na nakasuot sa kanya. Napangiti si Sabrina, ilang minuto pa ang kanyang pagtitig sa kanyang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD