CHAPTER #20

1605 Words
Nakalabas na siya sa kanyang kwarto. Tahimik na nailakad niya ang mga paa niya at napasinghap saglit. Sumulyap rin muna siya sa paligid at nakaagaw ng pansin sa kanya ang pinto sa tapat lang ng kwarto niya. Panandalian pa siyang napahinto sa kanyang paglakad, at nakatitig sa kwarto sa kanyang harapan. “Kwarto niya kaya yon?" agad niyang naiusal habang nakatitig lang sa pintuan. Nagkibit siya ng kanyang balikat. Pero hindi niya lubos pa ring maisip na titira siya sa isang bahay kasama ang lalaking nagdala sa kanya sa bahay nito. “Hindi rin naman ako maaari pang bumalik. Hanggang Hindi ko nakikita pa si Ate Samantha." naibulalas niya pabulong habang nakahinto pa rin at hindi pa muli nakausad ang kanyang paa sa paglakad pababa sa hagdan. “Kailangan ko muna makakuha ng balita kung nasaan siya saka ako babalik." nasasabi niya habang pababa ng hagdan, ang mata niya na nakatingin sa dalawang tao na nakaupo na rin sa mesa. Napatingin pa siya sa mga niyayapakan niya habang siya ay bumababa, nang hagdan. Bawat baitang ay kanyang tiningnan at pinagmamasdan. Napa-sulyap na naman siya sa dalawang nakaupo sa mesa. Kasalukuyang na inabutan na ni Manang ng makakain si Rafael. Kanya iyon nakita at napasinghap siya dahil sa nakikita niyang saya sa mukha ni Manang. Muli niya naalala ang kanyang naiwang mga kapatid. Napaluha si Sabrina, naaalala niya ang masayang araw na kasama niya ang mga kapatid. FLASH BACK “Ma, si Ate Samantha po. Inaaway na naman ako. Inaasar niya po ako." naiiyak niyang sumbong sa kanyang Ina. Punas niya ang luha may kasama pang natulo na uhog sa kanyang ilong. Umiiyak at ayaw tumigil sa kakasumbong sa kanyang Mama. “Mama, si Ate Samantha po ohh!" agad ay tumakbo siya at kumapit sa kanyang Ina. “Samantha, tama na 'yan. Wag mo na asarin itong si Sabrina at baka maihi na naman sa kanyang pundya." “Mama?" singhal niya sa ibiniro ng kanyang Mama. “Isa pa po kayo eh, bakit maging po kayo ay niloloko ako?" bulas niyang sinita at tinanong ng diretso ang kanyang Mama. Nakamot naman sa ulo ang kanilang Mama, sabay na tumawa naman ang isang boses na nagmula sa kanilang likuran. “Papa?" bulalas ng malakas ni Sabrina. “Isa pa po kayo eh!" aniya na siyang sinita rin ang kanyang tumatawang Papa. “Bakit naman po kayo, sumasali pa sa panunukso nila Mama at Ate Samantha?" ani na tinanong ni Sabrina ang kanyang Papa. “Joke lang naman. Ikaw naman, tampo agad kay Papa." sabay na binuhat siya. “Pa, dalaga na ako. Hindi mo na dapat ako binubuhat di ba?" ani niya sa ama. “Oo nga pala. Dalaga na itong si Sabrina namin ng Mama mo. Ma, dalaga na nga naman itong si Sabrina. Bakit mo ba inaasar pa?" turan na pabiro ay sinita ang kanyang Mama. “Pa, alam ko naman na dalaga na iyang si Sabrina. Kaya nga lang, kung bakit parang mas lalaki pa sa mga batang lalaki diyan sa kanto. Kung, magsungit talo pa niya at napatakbo ang mga kalaro niyang lalaki." ani ng kanyang Ina na may ngiti habang nausal ang lahat ng mga pamumuna sa mga kinikilos niya bilang isang batang babae. “Ma, inis mo na naman po ako." naluluha niyang sita sa Ina. Napa-singhot pa siya ng dumating pa ang dalawa niyang kapatid galing sa school. Umaatungal na si Sabrina na ikinatuwa naman ng kanyang mga magulang. “Si Mama, inaasar ako. Huhuhu!" ani ni Sabrina nauutal dahil sa kanyang pag-iyak. “Kala ko ba ay dalaga ka na?" pabiro na usal ni Papa niya. “Kasi naman si Mama po. Inaasar ako, tinutukso." sabi ng ngumu-nguwa sa kanyang pag-iyak. “Tahan na, nakita mo pinagtawanan ka na ng dalawa mo pang kapatid." gilas na sinabi ng papa niya na kasalukuyang na sinalubong ang dalawa pa niyang anak. “Kamusta sa school?" “Ayos lang po." tugon ng bunso niyang kapatid. “Buti naman, hindi na ba napapaaway ang dalawa kong anak?" nakangisi na sambit habang tinatanong ang dalawa pa niyang anak. “Hindi na po. Good boy na po ako. Itong si Ate Kristina po bakit hindi niyo tanungin?" nakangisi na nakangiti habang naka-sulyap sa kanyang Ate Kristina. “Bakit sa akin ang naging baling?" agad nitong giit at umangal sa sinabi ng kanyang bunsong kapatid. “Harriet, ikaw ang madalas na mapaaway sa school. Bakit sa akin mo ibabaling ang tanong ni Papa." Saad ni Kristina sa kanyang kapatid na ngayon ay nakangiti habang kanyang inuusal at pagbubuko sa kanyang bunsong kapatid. “Hoy! Ate ahh! Bakit ang tsismosa mo?" tawa ng tawa pero kanyang biro sa Ate niya. “Ikaw ang nauna." ani ng isagot ni Kristina kay Harriet. “Ikaw naman talaga kasi ang madalas mapaaway, at masabak sa gulo. Ang gwapo mo kasi." sabi nito pa at ginulo ang buhok ng nakababata nilang kapatid. “Joke lang! Sumimangot ka na agad." nang mapahinto siya dahil sa paghugot ng kanyang hininga. “Itong si Sabrina ohh! Umiiyak pa." saba't ng kanilang Mama. Tumatawa ito habang niyakap ang kanilang mas nakatatandang Ate. “Sab, tahan na. Binibiro ka lang naman namin ng Papa mo eh, at ni Ate Samantha mo. Huwag ka na umiyak, ang dalaga talaga namin. Dalaga na nga, umiiyak pa." “Mama!" may inis na sinamaan niya ng tingin ang Mama niya. Lagi nalang kasi siya ang inaasar ng kanilang magulang. Siya kasi ang pinakaiyakin sa kanilang apat na magkakapatid. Kaya naman ganun na lang kung siya ay tuksuhin ng mga magulang nila. “Sorry na." “Kiss na yan." sigaw ni Harriet na panunukso sa kanyang Mama. “Ma, kumain na po tayo. Si Papa, nakahain na agad ohh!" turo sa amang katatapos lang ilapag ang huling bitbit ng nanggaling sa kanilang kusina. “Kain na!" Yaya ng kanilang Papa. Agad naman sila mga nag-tatakbo. Si Harriet ang nauna maupo sa mesa at sinundan ng mga ate niya habang si Sabrina ay akap na inaakay ng kanilang Mama. “Wow." namamangha na sigaw ni Harriet. “Mukhang masarap ito pa?" tanong sa ama ng lingunin. “Tikman mo." alok ng kanyang papa at inaabot ang mangkok na may laman na ulam. “Mukhang masarap nga, amoy pa lang." si Samantha naman ang siyang sumagot sa sambit ng ama sa bunso nila. “Tama, mukhang masarap nga po ito." si Katrina naman ang siyang nagsasabi at kumuha na rin ng kanin, at iniangat ang mangkok na ibinaba ng kanyang Ate Samantha. Nawala ang pag-iyak ni Samantha ng siya naman ang alukin ng ama. “Halika na rito, dalaga namin. Dito ka sa tabi ng Papa." Sumunod naman si Sabrina. Lumapit siya sa kanyang ama. “Kumain ka na." sabi pa ng papa niya ng lagyan ang pinggan niya ng kanin at ulam. Habang ang mga kapatid niya ay mga masarap na mga kumakain. “Pa, bakit si Ate Sabrina lang?" umya ni Harriet habang puno ng laman ang bibig. “Wag ka na magselos. Ikaw na bunso, mabait ka naman at ayos lang na si Ate Sabrina mo nalang ang asikasuhin ng papa. Baka umiyak kasi siya muli at hindi na mapigilan ay…" ang masulyak si Sabrina ay napahinto naman ang ama na nanunukso sa kanya. “Pa, kumain ka nalang. Tigilan mo na si Sabrina." sinuway ni Samantha ang kanilang papa. “Sabagay ay may tama ka naman. Sige, kumain na kayo. Ikaw rin Sabrina." nang bumalik sa pagkain si Sabrina, Samantha at maging ang Papa nila. Patuloy lang din sa pagkain ang kanyang buong pamilya. Isang malaking pamilya na may mga kakulitan silang mga taglay. Pero kahit ganun man ay masaya sila, mga magkakasama-sama. “Kumain ka na rin po, Mama." alok ni Samantha rin sa Ina. Kumain sila ng masaya at tumahan na rin sa pag-iyak si Samantha. END OF FLASHBACK Napaluha si Sabrina ng maalala ang kanyang pamilya. Tumulo ang ilang sunod na luha sa kanyang mata. Pinunasan niya agad iyon ng mapahinto siya sa paghakbang niya papalapit sa dalawa na masayang nag-aabot ng mga pinggan. Naalala niya kung paano pa siya nung mga bata pa sila. Sa kanilang magkakapatid, mas close niya ang Ate Samantha niya kahit madalas pa siyang asarin nito at tuksuhin ay ito pa rin ang kanyang idolo. “Oi, andyan ka na pala. Halika na at lumapit dito." sigaw ni Manang ng mapansin siya ng mapahinto ito sa pagtawa ng mag-angat ng mukha at magawi sa kanyang kinatatayuan ang mata nito. “Lumakad ka na rito at lumapit." muli nitong sambit at naupo sa silya. Pinunasan niya muna mabuti ang mga luhang tumulo sa mata. Ayaw niyang mapansin ng mga ito ang kanyang pag-iyak dahil sa naalala niya ang kanyang pamilya. Singhot pa siya mula sa sipon na tumulo na rin pala dahil sa naging pagluha. Huminga si Sabrina habang inihakbang na niya ang kanyang mga paa papunta sa hapag. Isang napakahaba na lamesa na dalawa lang naman ang nakaupo at kung kasama siya ay tatlo lang sila. “Maupo ka na." Aya ni Manang sa kanya at inabot ang pinggan na may lamang kanin, kasunod ang ulam na inabot rin nito sa kanya. “Salamat po." sabi niya sa matandang babae na nakalimutan pa pala ang himagas at dali-dali na tumayo at kinuha sa kusina. Naiwan na sila ni Rafael na magkasama lang sa harap ng mesa. Tahimik lang sila, nakikiramdam sa bawat isa. Nahihiya si Sabrina dahil sa pangalawang pagkakataon ay nagkaroon sila ng kanilang pagtatalo. Kaya naman ay tahimik pa rin sila at wala pang nais sa kanila na kumibo. Basta, tahimik ang hapag habang sila lang ang mga nakaupo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD