Ibinigay sa kanya ni Manang ang damit na yon. Ipinasuot sa kanya ng dumating sila sa bahay ni Rafael.
Hindi siya talaga mahilig magsuot ng bestida. Subalit sa pagkakataon na yon ay ngayon niya lang napansin na bagay pala sa kanya.
Lumaki kasi siya na ang hilig ay maong at shirts lang ang suot. Wala siyang hilig sa mga palda o kaya naman ay dress na nauuso sa mga kababaihan na madalas niyang makita sa kalye sa tuwing maroronda sila.
Pero kung minsan ay nagagandahan naman din siya, lalo kung maganda sa kanyang mata ang kanyang nakikita. Pero ang ayaw niya lang ay damit na kita na maging boobs ng dahil sa pagkaka-tapyas ng damit na suot.
“Ayos talaga mamili rin si Manang ng babagay sa akin ahh!" nasambit niya pa habang hindi maalis ang kanyang mata sa salamin.
Bago pa siya umalis sa salamin ay kanya na naman naalala ang kanyang Ate Samantha. “Ate Sam, nasaan ka ba ba?" naluluha na sambit niya, nakaramdam na naman siya ng lungkot ng kanya ito maalala.
Napahikbi siya habang tinapos na niya ang pagharap sa salamin at naupo na muna sa kama.
“Paano ko ba sisimulan ang paghahanap ko sayo? Ate Samantha, hindi ko alam kung paano ba ako mag-umpisa na ngayon ay wala akong maisip kung saang lugar ka ba nila dinala." napahikbi na naman si Sabrina habang may kumatok sa kanyang pintuan.
Si Manang na naman ang nakita niyang nagbukas sa pinto.
“Matutulog ka ba?" Umiling si Sabrina ng tanungin siya ni Manang na pumasok na rin sa bumukas na pintuan.
“Hindi po!" napabuga pa siya ng sumagot kay Manang.
“Kala ko matutulog ka na, wala pa rin si Rafael. Mamaya na ako magluto nang hindi lumamig. Kung magluto na kasi ako tiyak na malamig na pagdating ni Rafael, pero if nagugutom ka. I-pagluto na muna kita ng may makain ka."
“Hindi na po, busog pa nga po ako sa pagkain na kinain natin. Masarap po yung merienda na niluto niyo kanina, salamat po." aniya na sabi kay Manang.
Sagot niya ng magtanong ito at tumayo na sa kanyang harapan.
“Maupo muna po kayo." alok niya rito.
Naupo naman si Manang at nagkwento na naman ito sa kanya.
*********
“Pre, dagdagan ko pa yung mga nalalaman ko pag may report na bago sa akin nung impormant ko na inuupahan. Sa ngayon yun pa lang naman ang report niya. Pinapatanong ko naman saan ang bahay ni Sabrina, mabuti pang maihatid mo na siya don di ba?"
Huminga siya, nang malalim. “Bakit?" takang tanong nito sa kanya.
“Wag mong sabihin na ayaw mo na siyang ibalik sa kanyang pamilya?" ulit nito sa kanya.
“Hindi naman sa ganun." napasinghap pa siya bago sumagot.
“Pre, may pamilya siya. At dapat na nga rin siguro na sabihin mo sa kanya ang tungkol kay Sabby di ba?" muli ay napa-buntong hininga si Rafael.
Nag-isip siya, muli ay kanyang inisa-isa ang mga gumugulo sa utak niya. Subalit blangko at ayaw makipag-kooperasyon ng utak niya sa isipan niya. Ang isa pa sa nag-papagulo sa kanya sa mga nasa utak niya.
“Saka na tayo mag-usap. Uuwi na muna ako at baka mas gabihin pa ako sa daan." anito na sagot niya sa kasama.
“Okay sige, mag-ingat ka." sabi nito at tumayo na rin si Rafael matapos niyang iayos ang mga kalat sa kanyang desk.
Nilingon pa niya ang kasama bago siya tuluyan umalis na tumango lang sa kanya.
“Uuwi ka na?" nang mapalingon siya sa biglang nagsalita.
“Oo, boss." sagot niya ng makita ang sa ngayon na lead nila sa mga lakad.
Pangalawa ito kay Robert, pero dahil wala na ito sa grupo nila ay ito muna ang pansamantala na itinalaga na mamuno sa mga lakad nila.
“Sige at mag-ingat ka nalang."
“Salamat!" tugon niya at umalis na siya sa kanilang camp.
Secret place lang yon na ginawa nilang opisina. Isang lugar na kung titingnan ay parang isang bahay bakasyunan lang.
Lumingap pa siya sa paligid. Malamig na, naramdaman na niya ang lamig ng manuot sa balat ang lamig na dala ng hangin.
Nilalamig na si Rafael kaya naman ay mabilis na siyang lumulan sa kanyang sasakyan.
********
“Sabrina, ako'y bababa na muna ahh. Gusto mo bang bumaba?"
“Sige po, susunod ako." sagot niya rito.
“Okay sige at mauna na ako muna sayo. Para makapag-handa na ako ng hapunan." turan din ni Manang na i-sinagot sa kanya.
Huminga rin si Sabrina, nang makalabas na si Manang sa kwarto na ibinigay sa kanya ay panandalian muna siyang napatulala.
“Sino ba si Sabby?" nabulong niya habang napabuga ng kanyang hininga, napapaisip talaga siya at hindi siya mapalagay.
“Sino ba siya?" muli ay kanyang naitanong, sa naguguluhan niyang isipan.
“Sino nga ba siya?" nang bumukas na naman ang pinto ng kwarto niya.
Kumatok naman iyon na ikinagulat niya habang busy siya sa pag-iisip.
“Kakain na raw." sabi ni Rafael.
Si Rafael pala ang inilabas ng bumukas na pinto.
“Bumaba ka na para makapag-hapunan." utos muli nito.
After nun ay isinarado na nito ang pinto na parang wala lang. Hindi nga siya pinansin nito eh at pagdaka ay umalis na after sabihin na kakain na sila. Hindi naman na din siya nagtaka dahil sa konting tampuhan ng huli sila mga mag-usap na dalawa.
Ayaw lang talaga ni Rafael ang pangungulit ni Sabrina na kinainis nito.
Hindi nga rin inantay na makasagot si Sabrina. Kaya naman hindi na rin niya nagawa ang tumugon sa pagkakasabi nito sa kanya na kakain na sila.
Napa-smirked si Sabrina ng maiwan na naman siyang mag-isa.
“Ang yabang." napapabulong pa siya mag-isa sa kwarto habang hindi pa rin siya gumagalaw mula sa kanyang pagkakaupo.
Nagmumuni-muni pa muna si Sabrina, habang panay pa rin ang bulong ng dahil sa pagkainis.
Muli siya napabuga at naisip na tumayo na.
Naghanda na siya upang tumayo at bumaba sa baba upang maghapunan.
Isang malalim na hininga muna at saka siya lumakad papalabas ng kanyang pintuan.