CHAPTER #21

1207 Words
“Salamat po!" aniya na sinabi ni Sabrina kay Manang habang kumakain pa rin ng kanilang himagas. “Masarap po." Ngumiti naman ito sa kanya. Habang ang isa pa nila kasama ay wala na kibo at nawalan ng kibo ng tuluyan. “Oo nga po pala, Manang. Pwede niyo po ako samahan na maglibot bukas sa bayan? Kahit sasama nalang po ako sa inyo, kung mamimili po kayo." “Hindi pwede." sumabat bigla si Rafael na hindi agad nagustuhan ang nais ni Sabrina na pagpunta ng bayan ng kalalabas pa lang nito mula sa kanyang pagka-hospital. Naibaba nito ang kubyertos na hawak at nainis talaga siya ng umangal si Sabrina mula sa pagtanggi niya at hindi pagpayag sa iniisip nito. Napabalikwas na siya ng tayo, mula sa kanyang pagkakaupo. Nawalan na siya ng gana. Naiinis siya at alam na niya na hindi na normal ang mga ikinikilos niya. Hindi na ipinag-taka, ni Rafael. Dahil sa mukhang alam na rin naman niya ang ibig sabihin ng mga kinikilos niyang kakaiba. Mukhang tuluyan na nga siya nahuhulog kay Sabrina. Inaasahan na niya ito, dahil tama naman din si Leo, hindi maiiwasan na hindi siya mahulog kay Sabrina nang dahil ang puso ni Sabby ang gamit niya sa ngayon. Ang puso ng pinakamamahal niya ang gamit ni Sabrina kaya nga ito nabuhay ay dahil sa kambal niya. “Baka pwede naman ako sumama. Sasama lang ako sa pag-iikot ni Manang." “Hindi, ang sabi ko ay hindi pwede." turan niya na may galit. “Pero mag-iikot nga lang kami ni Manang sa bayan." panggigiit ni Sabrina sa ayaw na pagpayag ni Rafael. Nakita niya sa mukha ni Rafael ang inis nito mula sa pagpapaalam niyang magpapasama sana siya kay Manang upang makalibot, at upang makapag-masid siya sa lugar. Nais niyang mag-baka-sakali na may makuha siya na lead mula sa Ate niya na kanyang hinahanap. Pero ayaw talaga siyang payagan. Masyado itong matigas at ayaw siyang payagan kahit saglit lang na makalabas ng bahay. “Dito ka lang, Sabrina. Magpahinga ka hanggang gusto mo. Pero ang lumabas hindi maaari, hindi ka pa nga lubusan na magaling ang nais mo na agad ay lumabas ng bahay ko. Gusto mo ba talaga na makalanghap ng maruming hangin mula sa labas?" Saad na inis nitong bulyaw agad sa malakas na tono. “Gusto mong ma-infection ang sugat mo? Gusto mong bumalik sa ospital?" dagdag pa niya, sa kanyang pabulyaw na tono. “Ingatan mo ang sarili mo. Lalo na at pangalawang buhay na yan para sayo. Ingatan mo ang buhay na ipinagkaloob sayo. mo, dahil sa binigyan ka ng pagkakataon. Isang pagkakataon na ipinagkait sa iba. Pero ikaw, ganun lang kadali nakuha." may kirot sa puso niya habang sinasabi ito. “Alam mo ba? Ikaw na maswerte na pinagaling nung nasa taas. Pero yung panay ang dasal na mabigyan pa ng kahit kaunting panahon na mabuhay pa, ay hindi na nabigyan ng pagkakataon, at kinuha na niya." Hala at tumulo na ang luha sa mata nito. Na-sight ni Sabrina ang luha sa mata ni Rafael na pumatak ng mabilis. Nagtaka siya, ano ang nangyayari rito at parang may bigat sa pananalita nito at may pinaghuhugutan ang bawat kataga na kanyang binibigkas. Napapaisip si Sabrina, alam niya na may pinagdadaanan si Rafael pero hindi pa ganun kalinaw sa kanya kung ano ito. Dahil sa ayaw pa naman sabihin sa kanya o kahit sana ay banggitin kahit hindi eksakto ay ayos lang sa kanya. Subalit mariin itong tumatanggi. Saka na raw, pero ang Kay Sabby ay nais niya sana maging malinaw. Sobrang na curious talaga siya sa kwento ni Sabby na palagay niya ay ang pinaghuhugutan rin ni Rafael ay about kay Sabby. Ito ang madalas niyang iniisip mula ng marinig ang pangalan ng babaeng palagay niya ay kasintahan ni Rafael. Batay nga sa mga naririnig niya nuon sa tuwing mag-uusap si Manang at Leo. “Bakit?" ani niya. “Bakit ba ayaw mo akong payagan? Ayos na ako, wala na nga ako sakit." sabi pang muli, subalit habang siya na ang nagsasalita ay bigla nalang din tumalikod si Rafael. May kabastusan na tinalikuran siya ni Rafael habang hindi pa natatapos ang kanyang pagsasalita Subalit ang kanya naman ginawa ay sumunod siya rito. Sinundan niya si Rafael. “Bakit ba ang hilig mong talikuran ako sa tuwing nag-uusap pa tayo?" turan niya sa may malakas na rin na tono. Habang nakatayo at salikop ang magkabila niyang kamao. Naiinis na siya at iba na ang kanyang nararamdaman. Pero ang nasa isip niya pa rin. Kailangan niya muna pagtiisan hanggang sa makakuha na siya ng sapat na impormasyon tungkol sa Ate Samantha niya. Pigil na pigil si Sabrina sa galit na nais na bumuhos sa kanya. Mukhang pangatlo na ito sa mga unang paghaharap nila na hindi nagkasundo. Maging ang kanyang paghinga ay sumisikip na rin. Hinahabol na rin niya at nakaramdam na rin siya ng pananakit na may paninikip ng kanyang dibdib. “Sabrina, ano nangyayari?" aniya ni Manang na ngayon ay napatakbo ng makita siya. Hawak niya ang kanyang kumikirot niyang dibdib habang umalalay si Manang sa kanya. Nakatalikod pa rin itong si Rafael pero napahinto na sa kanyang paglakad. Nang napalingon at mapabaling na siya sa dalawa. Nagulat din siya at inakyatan na agad ng kanyang pag-aalala. Agad siyang napatakbo sa dalawa at umalalay rin Kay Sabrina. “Ayos ka lang?" tanong niya rito. “Ang kulit mo kasi!" inis na sabi niya habang pinagsasabihan so Sabrina, pero maging ganun man ay talagang nag-aalala siya sa nangyayari ngayon sa dalaga. “Halika, dun ka sa sofa. Makalakad ka ba?" “Bakit tinatanong mo pa kung makalalakad ba siya?" bulalas ni Manang ng sitahin si Rafael. “Bakit hindi mo na lang agad buhatin. Tinanong mo pa." giit ni Manang sa kanya. “Sorry na po." anito na sabi, at kanyang sinagot sa matandang kasama. Hinawakan niya si Sabrina sa katawan. Nanginginig pa nga ang kanyang kamay. Habang dahan-dahan niyang naihawak sa katawan ni Sabrina. Napapitlag si Sabrina ng maramdaman ang mainit na palad ni Rafael na humaplos sa kanyang balat. “Huwag na!" may pag-angal niya. “Nahihirapan ka na nga, wag ka diyan." si Manang ang sumagot at sininghalan si Sabrina. Sinabihan niya rin ito at umangal sa pag-angal din ni Sabrina sa pagbuhat sa kanya ni Rafael. “Buhatin mo na!" utos ni Manang kay Rafael. “Okay!" sagot niya itinuran at binuhat na nga niya si Sabrina. Iniangat niya ang katawan ni Sabrina, bahagya niya pa ito inayos mula sa pagkakapangko sa mga braso niya. Si Sabrina ay napakapit naman sa batok ni Rafael at nagkat-tama ang kanila mga mukha. Sa lakas ng pwersa ay nauntog ang ulo ni Sabrina sa mukha ni Rafael dahilan upang sila ay nagkatinginan. Mabilis na bumitaw sa seryoso na mga tingin si Sabrina, hindi niya kinaya ang hatid ng mga tingin ni Rafael sa kanya. Agad rin siyang umiwas ng tingin. Ayaw niya iyon pagmulan pa ng kanilang pagkailang sa isa't-isa. Kaya siya na mismo ang unang umiwas, ayaw rin niya sana mahalata ni Rafael na naiilang siya sa ginawa nitong pagbuhat sa kanya. Tumingin siya sa ibang direksyon pero pakiramdam niya ay nakatingin pa rin sa kanya si Rafael. Pero hindi na niya pinansin yon.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD