Matapos kong naalimpungatan.
Matapos ang halos ilang oras na pagtulog.
Muli na naman nagmulat ang aking mga mata at naigala sa buong kwarto.
Wala yung lalaki na kausap ko kangina.
Pero si Manang, lumapit agad ito ng mapansin ang pagmulat ng mata ko.
Maging ng gumalaw ako, nang tang 'kain kong bumangon.
Nakita niya rin yon, at nilapitan ako.
Tinanong niya ako kung ayos lang ba ako?
Kung may kailangan ba ako?
Kung may masakit ba sa akin?
Kung nagugutom ba ako?
Anong nararamdaman ko?
Lahat ng maaari niya na maitanong. Naitanong niya sa akin ng ilang ulit.
Nakita ko ang pag-aalala nito, nang napangiwi ako dahil sa sakit ng aking dibdib.
Kumikirot.
Naramdaman ko ang pagkirot, lalo na ng gumalaw na ako upang subukan na bumangon at tumayo.
Nahilo pa nga ako, muntik na ma-buwal, at buti nalang. Maagap si Manang, at naalalayan niya ako ng masalo nito.
“Dahan-dahan lang, mahina ka pa, at hindi mo pa kaya ng walang aalalay sayo." sabi nito nag-aalala na inalalayan ako ng masalo niya.
“Salamat po!" sagot ko sa kanya na inalalayan na naman niya ako na makabalik sa higaan, mai-ayos niya ako sa pagkaka 'upo.
“Kung may kailangan ka, magsabi ka. Nandyan lang naman ako. Hindi mo kailangan na pilitin ang sarili mo ng hindi mo pa kaya." sinabi nito muli na inayos pa niya ang pagkakagulo ng damit ko.
Maging ang nakasabit sa akin na kumot. Inayos niya, nang nagsasalita.
“Mahirap ang gumalaw ng sariwa pa ang sugat mo. Kaya naman, kung may gusto ka, magsabi ka. Tawagin mo lang ako, lalapit ako sayo." aniya na naman na sinabi niya ng maayos niya na ako sa pagkakasandal ko sa kama.
“Nagugutom ka?" tanong na naman nito.
Nahihiya man ako, nasabi ko rin ang nais ko kaya gusto kong tumayo kangina para tumungo sana sa banyo.
“Gusto ko po sana pumunta ng banyo." sabi ko.
“Ahh ganun ba, bakit hindi mo agad sinabi kangina?" natatawa niya na turan at inalalayan na naman niya ako makabangon sa pagkakasandal ko.
“Magpunta ka lang pala sa banyo, bakit, hindi mo pa sinabi kangina ng maalalayan kita bumalik sa pagkaka 'higa?" nagtatanong habang dumadaldal si Manang, habang nakangiti rin na hinawakan ako at inalalayan, maka-tayo.
Sinamahan niya pa ako, hanggang sa makapasok na ako sa loob ng banyo.
Huminga muna ako, pakiramdam ko kailangan kong magbawas. Subalit, parang ayaw naman lumabas ng nais na sana kangina pa gusto lumabas.
Nahiya na ata, nang ayaw ko sana sabihin na magba-banyo ako.
Nahihiya akong magbanggit.
Kasi, naiilang ako na ngayon ko lang naranasan na may mag-alaga sa akin. Maliban sa mga kapatid ko.
Nakaupo pa rin ako sa inidoro.
Nararamdaman ko na may mali sa katawan ko.
Sinubukan kong buklatin ang pagkaka-balot, nang katawan ko. Subalit napakahigpit nuon.
Masakit rin sa tuwing susubukan kong masilip kung ano, at may benda sa aking dibdib.
Balot na balot ng benda, ang katawan ko. Ipinagtataka ko kung bakit nagkaganito ako.
Kung anong nangyari sa akin?
Kung bakit ako naririto, bantay sarado sa babaeng umalalay sa akin. At sa lalaki kangina.
Sino siya?
Bakit niya ako dinala rito?
Kung isa siya sa mga rebelde na nakasagupa ko, sana pinatay na niya nalang ako. Hindi, tulad ngayon. Nagawa pa niya ako buhayin, sa kabila ng ginawa kong pagsunod sa kanila.
Sino nga kaya sila?
Sino ang lalaki na kangina nakausap ko?
Anong dahilan, at naririto pa ako?
Buhay, maliban sa mga sugat ko na ngayon halos gumaling na.
Pero, ano naman itong nakabalot sa katawan ko?
Anong nangyari nga ba sa akin? Matapos kong mabaril ng mga rebelde na nakasagupa ko.
Napaisip na naman ako, wala na ako maalala. Maliban sa tinamaan ako ng bala ng mga baril ng mga rebelde na naka 'palitan ko ng putok ng baril, habang nakikipag barilan ako.
Muli ko na naman iniisip, subalit nakaramdam na ako ng sobrang sakit sa isang bahagi sa ulo ko.
Napasigaw ako sa sakit.
Maya-maya pa mayroon na kumakatok sa pinto habang sumisigaw ito.
“Miss Sabrina, ayos ka lang ba?" sigaw mula sa labas ng pinto ng banyo.
Sumisigaw ang babae, tinatawag ako sa pangalan.
Napaisip na naman ako, paano, nito nalaman ang pangalan ko?
Paano at tinatawag niya ako sa mismo kong pangalan?
Ang labo, wala akong maisip na dahilan, sagot sa mga tanong na naiisip ko.
Sa mga tingin ko kababalaghan na pangyayari na wala akong maalala.
May mali, alam kong maraming mali na nangyari na ayaw naman sabihin sa akin ni Manang, maging yung lalaki kangina.
“Ouch!" nasambit ko ng kumikirot ang dibdib ko.
“Miss Sabrina? Ayos ka lang ba?" sigaw pa rin na nagtatanong si Manang na nasa labas.
“Miss Sabrina? Buksan mo itong pinto." sabi pa rin nito na sumisigaw pa rin at walang tigil sa pagtatanong.
Napakakirot, nasasaktan ako, masakit talaga, at hindi ko makontrol ang sarili ko na kahit saglit hindi ko maramdaman sana yung sakit.
Napasandal ako sa banyo ng mapa-upo ako sa maliit na kubeta kung saan ay ginagamit ko.
Hindi na ako nakapag bawas ng dahil sa kumikirot ang dibdib.
Tiyak kong may sugat iyon, baka mula sa bala ng baril na tumama sa akin at mawalan ng malay habang nakikipag sagupaan ako sa mga rebeldeng kumuha kay Ats Samantha.
“Aray!" sobrang kirot ng dibdib ko.
“Miss Sabrina, paki buksan mo itong pinto." sigaw pa rin na utos ni Manang sa akin.
Katok siya ng katok sa pintuan. Habang ako nasasaktan habang hawak ang dibdib ko ng dahil sa makirot na parte sa aking dibdib.
May ilang sandali ang pinalipas ko.
Sinubukan kong tumayo at abutin ang door knob upang buksan ang pintuan.
Pinilit ko, kahit masakit, nahihirapan ako pinilit kong mabuksan ang pintuan.
Sa pagkapihit ko sa door knob, nabuksan ang pinto.
Humarap sa harapan ko ang nag-aalala na si Manang.
Agad niya ako nilapitan.
Kinamusta, inalam ang nangyari, kung bakit ako bigla nalang napasigaw kangina.
Inalalayan na naman niya ako makatayo sa aking pagkakaupo.
Dahan-dahan niya ako iniangat mula sa pagkakaupo ko sa inidoro.
“Halika, bumalik na tayo sa kama mo." sabi nito na halos buhat ako.
“Napaka tigas ng ulo mo. Sinabi ko na sayo, mahina ka pa at malabong makaya mo na agad. Ang gumalaw ng nag-iisa." panenermon na sabi, habang walang tigil siya, na duma-daldal sa akin.
“Alin ang masakit?" naitanong nito habang ako ay inaalalayan na makaupo.
“Masakit ba?" aniya na naitanong na naman nito.
“Okay lang po ako, maayos na ang pakiramdam ko." sagot ko sa kanya pero parang ayaw niyang maniwala.
“May kumirot lang po sa katawan ko." sabi ko na naman.
“Pakiramdam ko po ay may masakit sa aking bandang dibdib." aniya na naman na sagot ko sa mga maraming tanong na ibinibigay niya sa akin.
“Ano po bang nangyari talaga sa akin?" tanong ko na nawala na naman ng kibo ito.
Tumiklop ang bibig nito at hindi na nagsalita pang muli habang naiayos ako sa pagkaka-balik ko sa higaan.
Nakabalik na ako sa kama.
Nakaupo na ulit ako tulad kangina na pagkakaupo ko habang nakasandal.
“Nagugutom ka ba?" kanya naman ako tinanong.
Tumango ako .
“Okay, sige, pagbabalat kita ng prutas." aniya na sabi din at lumakad papunta sa may mesa kung saan, naroroon ang mga ilang kumpol na prutas.
Habang naglalakad naman ito papalapit sa mga prutas na nais nitong makuha, may isang katok sa pinto na nasundan pa ng isa, dalawa hanggang maging tatlo bago pa man bumukas ang pintuan.
Nagulat ako, napalingon sa pinto na bigla nalang bumukas.
“Sino ka?" tanong ko, mula sa lalaking bigla nalang pumasok.
Nakangiti ito, pero seryoso siya nung una, nung oras na bumukas ang pinto at makita akong gising na, ngumiti ito, nginitian ako.
“Kumusta ka?" ang tanong nito habang naglalakad papalapit sa akin.
Sigurado akong isang doctor siya dahil sa kanyang suot na puting uniporme.
“Buti naman at nagising ka na, ang sabi sa akin kangina. Nakatulog ka raw, matapos na mabigyan ng pampakalma." malayang sinabi nito ng sunod-sunod.
Hindi na ito, nag paligoy-ligoy, diretso siyang nagtatanong. Batay sa mga nakikita niyang itsura ko.
Napangiwi pa ako sa sakit ng aking dibdib.
“Masakit ba?" anito na sabi ng lapitan ako, alalayan, maging ilang beses niya pa akong itinanong.
“Okay ka lang ba?"
Hindi ako okay, bakit naitatanong pa niya na nakikita naman na nasasaktan, nahihirapan ako habang hawak ko ang may benda kong katawan.
“Ano bang nangyari sa akin?" nahihirapan kong naitanong, pero magaling siya. Tulad ni Manang, para bang iniiwasan nilang masagot ang tanong ko na yon.
Kung ano ang nangyari sa akin, kung bakit ako nakakaramdam ng matinding kirot, sakit sa aking katawan.
“Masakit ba ang dibdib mo?" anito na naitanong niya habang sinubukan pa niyang mas lumapit.
Maging ang hawakan ako sa aking katawan, ikinai was ko.
“Huwag kang mag-alala. Titingnan ko lang 'yang sugat mo." nadulas na pagkakasabi niya, nang kanya 'ngang tiningnan ang sugat ko sa may dibdib.
Napahawak pa ako nung una, dahil sa biglang pagsilip nito.
Nailang ako, nahiya na makita niya ang hubad kong katawan.
“Huwag kang mag-alala, dahil nakuha ko na makita yan, habang akin, kitang ginagamot, nung nakaraan na madala ka rito." pabiro pa nitong sinabi.
“Marami ko ng beses na makita, kaya wag kang mag-alala.
Nabigla ako, kung tutuusin ay hindi na ako dapat mabigla. Dahil isa siyang doctor.
Kung siya nga ang tumitingin sa akin ng mabaril ako at mawalan ng malay, panigurado na nakita na nito ang kabuuan ng aking buong katawan.
“Ano ba talagang nangyari sa akin?" naitanong ko na naman siya.
“Sa pagkaka-alaala ko, sa pagkakaalam ko, bago pa ako nawalan ng malay, nang mabaril ako ng mga rebelde na kapalitan ko ng putok ng baril. Sa gubat ako nuon, hindi rito sa ospital?" sambit ko na inilahad sa kanya ang mga natatandaan ko na ilang alaala bago pa man ako nuon bumagsak at mawalan ng malay.
“Sino ang nagdala sa akin, rito? Yung 'bang lalaki kangina na nakausap ko ng magising ako?" muli ko siyang itinanong.
Pero umiiwas talaga siya ng sagot.
“Magpahinga ka na muna, makakasama sayo ang mag-isip sa ngayon. Hayaan mo muna ang gumaling ka ng tuluyan. Malalaman mo rin lahat, sa ngayon. Ang pinaka importante sa lahat, ganap kang gumaling buhat sa mga sugat mo."
Mahabang sabi nito, napa buga pa siya ng mapa singhap ng nagsasalita.
“Maiwanan muna kita! Marami pa akong pasyente na nag-hihintay." sabi niya na naman ng nakapag paalam.
Pero malakas ang kutob ko, dahil 'yun sa pagtatanong ko kaya naman mabilis siyang umalis. Matapos niya na makita ang itsura ng sugat ko.
Ang sabi niya lang, ayos naman na yung sugat ko. Konting panahon pa, sapat na araw na pagpapagaling ko, magpahinga ako mabuti, at pag maayos na ako, maaari na rin ako makauwi at sa bahay na tuluyan na magpagaling.
Umalis na nga siya, nakalabas na siya ng pintuan.
Subalit, makalipas lang ang ilang sandali habang kumakain ako ng mansanas na ipinagbalat ako ni Manang, at ibinigay sa akin.
Muli bumukas ang pintuan, isang bulto ang pumasok sa pinto.
Ang lalaki na kangina nakausap ko, bago pa man ako makatulog ulit ng nararamdaman ko ang pami 'migat, nang mga mata ko.
“Gising ka na pala?" anito na sambit nang makapasok sa loob ng kwarto.
“Nakatulog ka ba, nang maayos?" sabi na naman niya ng hindi ako kumikibo.
“Ano nararamdaman mo?" tanong na naman nito ng hindi ako sumasagot.
“May masakit ba sayo?"
Gusto ko sumagot, pero parang ayaw bumukas ng bibig ko.
Gusto ko magtanong, pero parang ayaw mag-umpisa ng bibig ko na magsalita.
Nakatingin lang ako sa kanya na para bang nawala ng boses at naputulan ng dila, dahil sa ayaw nitong magsalita.
Kahit ang isip ko, maraming mga tanong ang nais niyang sambitin. Pero ang bibig ko, nawalan ng lakas na makapag tanong rito sa lalaking kaharap ko, ngayon.
Kaya naman, ang bibig ko. Nanatili lang tikom, habang nakatingin sa kanya.