CHAPTER #7

2013 Words
“Ang sabi sa akin ni Leo, once magtuloy-tuloy ang pagbuti ng katawan mo at paggaling. Maaari ka na raw makauwi, at sa bahay nalang ipagpatuloy ang pagpapalakas mo, kasama ang tuloy-tuloy na paggaling ng mga sugat mo." Sinabi ko, kay Sabrina na kumakain pa rin at nasubo ng mansanas na kinakain pa rin niya mula ng dumating ako rito. Hindi niya matapos-tapos ang pagkain ng mansanas na kanina ko pa nakikita, inabutan ko nga siya na kumakain na nun. Subalit hanggang ngayon ay kumakain pa rin siya ng mansanas na hiniwa ni Manang para sa kanya. “Siya nga pala, alam mo naman siguro kung saan ang pamilya mo sa ngayon?" tanong ko sa kanya. Hindi pa rin siya umiimik, hindi man lang nagsasalita, o, maging ang sagutin ang tinatanong ko. Wala siyang kahit isang salita na nagmula sa kanya. Tahimik pa din siya, at tikom sa mga katanungan ko. Alam kong magtatanong siya, maraming tanong tungkol sa mga nangyari sa kanya. Lalo na, maging sa pagkaka 'ospital niya, at kung bakit siya naririto. Tiyak na marami siyang tanong, na ayaw ko sana muna mapag-usapan. Pero kung magtatanong naman siya, sasagutin ko. Pero hindi lahat ng nais niyang malaman. Ayaw ko muna na ma-bigla nalang siya, lalo na pagdating sa namatay niyang kambal. Si Sabby! Isa pa siya sa naiisip ko, sa iniisip ko kung paano ko umpisahan ang pagkukwento sa kanya. Tungkol sa pagkakaroon niya ng pangalawang buhay, dahil sa kambal niyang hindi man lang niya nakita, kahit minsan. Tiyak na kung masakit sa akin ang pagkawala ni Sabby, mas higit na mas masakit sa kanya na hindi man lang niya nakilala. “Okay, kung ayaw mo akong kausapin sa ngayon. Okay lang!" sabi ko, sumuko na rin sa pagsasalita. Sa kakadaldal ko, nang hindi man lang ito sumasagot. Hindi ako inii-imik, maliban sa mga pag 'sulyap nito habang siya ay kumakain. ”Sige, mauna muna ako. Si Manang muna ang bahala sayo. May pupuntahan lang akong tao." sabi ko pa ng magpaalam ako. “Babalik rin ako, after namin magkita at mag-usap." anito ko na sinabi muli sa kanya. “Kung may kailangan ka, sabihan mo lang si Manang, o, ipa-sabi mo sa kanya kung anong gusto mo. Like, food, drinks, or maybe may mga gusto ka ipabili." bilin ko pa sa kanya, habang tumayo na ako sa aking pag naka 'upo. “Sige na, mauuna na ako. Dito ka muna kasama si Manang." sabi ko at tumalikod na rin papalabas sa pinto. Medyo nakaramdam ako ng aking pagkailang, kaya naman umalis muna ako. Para na rin makapag-isip siya, hindi natutulala. Nakalabas na ako ng pinto, sumilip pa kung saan ako gawi tutungo. Ang sabi ni Robert, magkita kaming muli dito. Hindi pa man kami tapos mag-usap na dalawa. Kaya naman nais ko rin makausap siya, malaman kung may plano na siya na bumalik sa grupo. O, kung may plano ba siyang magtagal dito sa lugar namin ngayon na nakabalik na siya ulit, matapos na lumuwas ng Maynila. Napahinto pa ako, may nakita akong babae, may kataasan, kagaya ni Sabrina. May pagkakahawig rin sa kanya, maging kay Sabby, malaki ang pagkakahawig kung titignan ng mabuti, at kung naka side-view ito. Napaisip ako, yung mata ko naging nagalaw habang nag-iisip, napapatingin sa babaeng yon. Mukha 'nga lang, may katarayan ang itsura. Malayo kay Sabby na sobrang lambing. Habang si Sabrina? Napaisip na naman ako Ano nga ba? Wala akong maisip. Wala pa akong masabi, kung about kay Sabrina. Para kasing, ang hirap niyang basahin. Hindi gaya ng kambal niyang si Sabby. Puro nalang si Sabby ang aking bukang bibig. Sa totoo lang, napakahirap para sa akin na kalimutan siya ng ganun nalang. Napakahirap na pinakawalan ko siya ng ganun nalang. Napaka hirap na ngayon, imbis na siya, kambal na niya ang kasama ko at inaalagaan. Dahil sa bilin ni Sabby, kailangan ko rin pangalagaan at protektahan si Sabrina, mula din sa iniwang habilin, pakiusap ni Sabby bago pa siya nawala at huling hiling niya sa mga huling sandali niya bago siya mamatay. “Teka!" sambit ko, nang makita ang tila isang pamilyar na mukha na kasama ng babaeng kangina ko pa pinagmamasdan. “Roger?" bulalas kong pagkakasabi. Si Roger nga, siya yung natatanaw kong kasama nung babaeng kausap niya. “Girlfriend niya ba?" napapangiti na napaisip rin ako. Pero bakit parang nagbabangayan sila? Muli na napangiti ako, para naman kasi si Robert na takot sa babaeng kasama nito. Hahaha, now ko lang nakita na napapatiklop so Robert sa babaeng yon. Buong akala ko naman kangina, nalulungkot siya sa pagkawala ng babaeng pakakasalan niya na nagmula sa grupo ng mga sindikato. Hindi naman pala, dahil ngayon may iba na siyang kasama. Napakipit balikat ako, napangiti habang nanonood lang sa kanilang dalawa. ********** “Manang, pwede po makahingi ako ng tubig?" tawag ko kay Manang, habang nakisuyo ako, nanghihingi ako ng tubig sa kanya. Tumayo naman ito, lumapit sa akin na may dala na siyang isang bottle water na inabot sa akin. “Salamat po!" sabi ko ng magpasalamat ako. Kangina ko pa siya napapansin sa kanyang ginagawa mula sa cellphone nito, natatawa pa nga siya kung minsan. Naiinip na ako, gusto ko sana mahanap si Ate Samantha. Pero paano ang gagawin ko? Paano ako mag-umpisa na ngayo'y naririto pa din ako? Paano ako aalis, na ganito ang kalagayan ko? Masakit pa rin ang mga sugat ko. Sugat na nagmumula sa dibdib ko. “Manang, anong pangalan po nung lalaki kangina?" tanong ko, hindi ko maalala kung nasabi ba niya, nabanggit ang kanyang pangalan kangina, nang una kami magkita ng magising ako. “Si Rafael ba?" tanong nito, tumango naman ako. Rafael pala ang pangalan ng lalakeng yon? Pero hindi ko siya kilala. Wala akong matandaan na nakilala ko siya. “Manang, matagal na ba ako dito sa ospital? Anong petsa na po ba?" naitanong ko pa, nang maalala ko, kung kelan ako umalis sa bahay noon ng hindi nagpapaalam sa mga kapatid ko. Tumakas lang ako, walang nakakaalam sa dalawa ko pang kapatid na umalis ako upang hanapin si Ate Samantha. Ayaw nila kasi akong payagan na umalis, upang hanapin ang nakatatandang kapatid namin. Si Ate Samantha, nawawala siya matapos ang isang malawakang responde nung nakaraan sa isang hotel. Matapos na magka-sagupa ang team ni Ate Samantha, bigla na lang itong nawala. Matapos may sumabog na pagkalakas. Mula nuon, hindi na namin siya nakita pa. Matapos yon, hindi na ako matahimik sa kakaisip sa kanya. Kaya nagdesisyon akong hanapin siya. Sundan ang ilang mga miyembro ng sindikato na kina-padpad ko naman dito. Hindi ko lubos na maisip na maiipit pala ako sa isang trap kung saan nacorner ako ng mga taong sinusundan ko, nadala sa kuta ng mga rebelde na siyang bumaril sa akin. “May isang buwan ka na rin ata, hindi lang siguro, pasensya na." aniya na sabi niya. “Wala din kasi akong alam, pinakiusapan lang ako ni Rafael na tingnan kkta, alagaan habang nagpapagaling ka pa, sa ibang impormasyon sa nangyari sayo, wala talaga akong alam." sagot ni Manang sa aking naitanong sa kajya. “Ganun po ba?" Tumango siya. “Malamang, si Rafael ang higit na nakakaalam sa kung anong nangyari sayo. Sa tunay na nangyari, kung bakit ka naririto." aniya na naman niya, sabi sa akin. Tumahimik si Manang, hindi na ito nagsalita pa, naupo nalang siya at bumalik sa mahabang sofa na kinalululanan nito. Maya-maya naman bumukas ang pintuan. Si Rafael ang inilabas nun. “Kamusta?" sabi nito, bungad ng lumalakad na siya papalapit. “Yung kausap ko, busy masyado. Kaya bumalik nalang ako." sabi niya pa, nagpapaliwanag kahit hindi naman ako nagtatanong. “May gusto ka bang kainin?" anito na bulalas at tinanong ako. Naupo na siya, hindi sa tabi ni Manang, kundi sa tabi ko. Huminga pa siya malalim. Ako man, napahinga rin sa lakas ng kaba ko sa tuwing magkaharap kami ng ganito. Hindi ko alam, pero yung puso ko. Ang lakas ng kaba, ang bilis pa, at higit sa lahat. Para bang tumitibok-t***k yon, at para sa kanya. Hindi ko maintindihan, pero parang siya nga ang dahilan, bakit ang lakas ng lukso ng aking dibdib. Siya ang tinatawag, sobrang bilis, para bang may nag-uunahan na parang nakakakiliti. “Okay lang, magsalita ka, magsabi ka kung may gusto ka! Ibibli kita." sabi pang muli nito na ayaw tumigil sa kakadaldal. “Kung magtatanong ka, sige magtanong ka na, sasagutin na kita." sabi nito, pautos pa na nakikiusap na makibuan ko naman siya. Hindi puro tahimik at halos ayaw ko raw siyang kausapin. Hindi naman sa ganun. Nahihiya lang din ako, naiilang. Tulad kangina, nagtanong ako, ayaw naman sagutin. Ngayon, sabi niya. Maaari na raw ako magtanong sa kanya. Huminga muna ako. Naipikit ko pa ang aking mga mata. Habang muli, buntong hininga. “Ano ba talaga nangyari sa akin?" aniya ko sa tanong ko dito. “Sa pagkakaalam ko, nasa kagubatan ako ng mawalan ako ng malay. Natatandaan ko pa, nang makipag palitan ako ng pagpapaputok sa mga grupo ng sindikato, hindi ko namalayan na isa palang trap lahat ng aking mga pinasukan." Aniya ko na inilalahad ang mga nangyari sa akin. Batay sa natatandaan ko. “Nakipagbarilan pa ako sa mga taong sinusundan ko, sa mga miyembro ng grupo. At duon, bumagsak ako. Tinamaan ako, sa gitna ng gubat, nawalan na ako ng malay matapos ako tamaan ng marami nilang, bala ng baril na pinaputok nila. Wala na ako matandaan." Sinabi ko muli, nang ipagpatuloy ang mga pag share sa kanya ng mga nangyari sa akin ng araw na mapadpad ako rito. Ewan, pero hanggang doon na lang talaga ang nilalaman ng utak ko, magulo pa lahat. Ang isip ko ayaw pang gumana ng maayos. Kaya naman gusto ko malaman kung may alam ba siya sa mga nangyari sa akin. “Paano nga ba nangyari? Paano ako nakarating dito sa ospital? At, sino ka?" napasinghap ako ng matapos na magtanong kung sino ba siya. Napansin ko rin ang kanyang paghugot. Malalalim na tulad ng mga hinugot kong hininga. Makailang ulit pa ako na napabuntong hininga. Habang nag-aantay na magsalita siya. “Actually, natagpuan kita sa kagubatan. Tulad ng sinabi mo, sa nai-kwento mo 'na natatandaan mo lang mula sa mga naaalala mo." Huminga pa siya. “Sabrina, wag mo sana pilitin kung hindi mo pa kaya." anito niya na sabi nito. “Huwag mo sana pagurin ang isip mo sa mga bagay na hindi pa naman important sa ngayon." anito muli na sinabi niya at isinagot mga natatandaan ko. “Magpahinga ka muna, unti-unti, sasabihin ko sayo lahat." anito muli na sinabi nito. Bigla kasi ako nakatambak ng pananakit ng ulo ko. Bigla na naman ako mabili na tulad ng naramdaman ko ng unang beses ko na maimulat ang aking mata. “Sa ngayon, Sabrina. Ang nais ko sana, magpagaling ka muna. At, pag ayos na ang lahat, saka natin pag-usapan." dagdag pa dito na kanyang sinabi. Nginitian niya ako, habang pilit dahil sa pagkaseryoso ng mukha nito. Nagsasalita siya, subalit napakaseryoso ng kanyang mukha. Halos pakiramdam ko, may itinatago siya na hindi niya masabi o ayaw niyang sabihin? Basta, yon ang nararamdaman ko habang kaharap ko siya ngayon. Pakiramdam ko ay hindi siya sinasabi, at may pilit siyang ayaw niya masambit. Pakialam ko, ingat na ingat siyang madulas, upang hindi ko agad na malaman, kung ano man ang kanyang ayaw sana sabihin. Huminga ako, nasundan ko siya ng tingin. Tumayo ito, kausap si Manang. Hindi ko maintindihan ang kanilang pinag-uusapan. Pakiramdam ko na sinubukan nitong wag ko talaga marinig ang mga kanilang pag-uusap. Iginaya ko ang aking mata, pero wala akong makuha na maaari na magpakilala sa tunay niyang pagkatao. Kung bakit niya pa ako hinayaan na mabuhay kung isa pala siyang miyembro ng mga rebelde. Bakit niya nagawa iyon? Nung mangyari ang insidente, bakit binuhay niya pa ako. Bakit kaya? Ano ang kanyang dahilan? Bakit nagawa niya yon? Bakit binuhay niya pa ako? Bakit? Sa kabila na alam kong katapusan ko na ng araw na yon. Katapusan ko na, dahil sa dami ng bala ng baril na nasalo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD