CHAPTER #5

2040 Words
“Anong nangyari at tahimik ka?" napalingon ako kay Robert. Hindi ko na napansin na may kausap na pala ako at si Robert yon. Napabuga ako, napasinghap dahil sa kakaisip ko sa kambal ni Sabby na ngayon ay nagpapahinga at natutulog sa kwarto niya. “May problema ba?" bulas na tanong ni Robert. “Kangina ko pa napapansin sayo na parang kay bigat ng bawat paghinga mo? May problema ka ba?" muli ay kanya naitanong habang napabuntong hininga. Ako rin, may problema na dala-dala tulad niya sa babaeng dapat ay pakakasalan niya sana. “Bakit nga ba naririto ka?" ako naman ang tinanong nito." “Hindi ba ako ang nagtatanong 'nyan sayo kangina?" sabi ko at kinatawa niya. Paikot-ikot ang usapan naming dalawa at hindi natapos ng hindi nasasabi ang mga dahilan kung bakit nga ba kami naririto at nagkita. Saka ko lang naalala ng mawala ako sa sarili ko at napag-isip sa mga bagay-bagay na gumugulo sa akin. Naalala ko na ayaw nga pala magsalita ni Robert ng tanungin ko siya. Kaya naman ang sabi ko saka na ako magtatanong o saka na siya magkwento oras na ready na siya na mapag-usapan namin ang kanyang dinadalang problema. Nakakaawa din siya kung gaya ng nangyari kay Sabby ang nangyari sa kanyang girlfriend na dapat na pakakasalan nito. “Ikaw, nakalimutan mo na ang sabi mo kanina pag ready na ako mapag-usapan ang problema ko. Saka na natin ito bubuksan? Adik ka, nawala ka na sa sarili mo sa lalim ng iniisip mo." gilalas nito na kinatawa niya pa habang isa-isa niyang pinaalala ang mga nasabi ko kangina. “Pero maiba tayo!" sabi nito. “Saan ba punta mo?" tanong niya sa akin. “Sa labas, bibili ako kape sa Starbucks. Gusto mo?" nang alukin ko pa siya. Ngumiti ito, kinatawa ko. Syempre, kape yon. Hindi siya tatanggi basta kape ang pag-uusapan. “Libre mo?" anito na sambit niyang tumawa pa. “Kung ikaw nga itong mayaman sa ating dalawa? Tapos, ikaw pang mahilig sa libre…" turan ko tumawa na rin ng dahil sa kanya. “Wala naman problema, sige ako na taya. Ikaw mag bayad at babayaran ko naman sayo." pabiro na sinabi ng nagtatawanan pa kaming dalawa. Mautak talaga ito kung minsan. Hindi man lang malamangan. Lalong hindi siya mauuto ng basta-basta na lang ng kahit sino. Kahit ako pa! Walang lusot sa tindi nito. “Halika na nga, magkape muna tayo sa Starbucks. Samahan mo na ako ng makapag kwento ka rin sa nangyari sayo." Aya ko sa kanya at nagpatiuna na ako sa aking paglalakad. “Hehehe!" natawa pa ako. “Hindi naman kita pipilitin, pero kung kaya mo na magkwento. Sige lang makikinig ako na parang dati lang." aniya ko sinabi ulit sa kanya. Ayaw ko naman siya pilitin kung ayaw niya. Nagawa ko pa tumawa sa kabila ng bigat na aking dala. Pero nagagawa ko lang yon, dahil sa ayaw ko naman malungkot si Sabby. Ayaw kong sabihin niya na hanggang ngayon, naiisip ko pa rin lahat ng sakit ng iwan niya ako ng ganun na lang matapos ang ilang taon naming pagsasama. Dapat nga ay ikakasal na kami. Kung bakit nangyari pa ang mga hindi magandang pangyayari na hindi namin din inaasahan. Ang mga pangyayari na sumira at pumutol sa mga pangarap naming dalawa ni Sabby. Ngayon na wala na siya, mag-isa ko na nga haharapin lahat? Naluluha na naman ako habang nalulungkot kakaisip sa mga problema ko sa masakit na pagkawala ni Sabby. “Pre, anong nangyari at naluluha ka na? Hindi pa nga tayo nakararating sa Starbucks. Ganyan na agad ang itsura mo?" tanong ni Robert na nahalata pala nito ang naging pangingilid ng aking luha sa mata. “Wala, Pre!" sagot ko na pinunasan ang luha sa aking mata. Malapit na kami sa Starbucks. Nang makapasok naman. Agad kami umorder ng kape na tig-isa kaming dalawa. Hindi muna ako kumuha ng kape na para kay Leo. Mamaya nalang pag-oras na maghiwalay na kami nitong si Robert. “Oo nga pala, pag-usapan na nga natin ang problema mo? Bakit ka ba umiiyak? Si Sabby kamusta na siya?" duon sa tinanong niya natulo ng tuloy-tuloy ang luha ko. Bumagsak ito ng kahit pigilan ko ay hindi na napigilan dahil kusa na itong bumagsak. Ang bigat na pinipigilan kong lumabas, kusa na natibag ang pader na pilit kong inihaharang para lang wag yon bumagsak. Pero dahil sa nasambit ni Robert. Sa pagbanggit niya kay Sabby. Siya na ang kusang tumi bag at nagpabagsak. “Grabe, Pre, hindi ko akalain na ganyan ka pala karupok?" anito na sabi niya ng biniro ako. “Hindi naman sa ganun, Pre. Hindi ko lang talaga mapigilan hanggang ngayon. Ikaw kasi ang may kasalanan nito." paninisi kong itinuran sa kanya. Sinisi ko pa siya sa pagpapaalala kay Sabby na kung tutuusin ay kanina ko pa nga naaalala. Pero pinipigilan ko, dahil sa ginagawa ko pang kontrolin ang sarili ko mula sa pagiging marupok at mahina. Kaya naman ng si Robert na ng nagpaalala, at nagawa pa nitong itanong. Ayun na nga, tuluyan na bumagsak ang pinapalakas kong sarili. Pero bigla na lang naging mahina at bumigay, yon ay dahil sa babaeng hanggang ngayon. Mananatili lang sa puso ko at hindi kaylanman mawawala. Siya lang ang mamahalin ko, habang nabubuhay ako. “Hay naku! Kung nakikita ni Sabby 'yang ganyang itsura mo. Malamang na tinawanan ka na niya. Aba, hindi pa naman mahal na araw ngayon. Malayo pa, para maging ganyan ang mukha mo." pabiro pang sambit ni Robert habang nakatawa siya. Mas naging malungkot lang ang itsura ko sa panay panunukso niya at pag sambit sa pangalan ni Sabby. "Ano ba?" anito na turan sa pagkaka bigkas, naitanong na naman nito kung ano bang problema ko. “Huwag mo na kasi banggitin si Sabby!" sabi ko sa kanya. “At bakit? Huwag mong sabihin na hiwalay na kayo?" gulat na bulalas na sabi niya. “Sino nagloko?" bulas niyang itinanong ng mabigla ito at magtaka. “Ikaw o siya?" may pangungulit na niyang turan at napabuntong hininga. Napasinghap pa siyang muli at sinabi. “Huwag mong sabihin na isa sa inyo ang may problema?" ani nito ng maraming beses niya pang itinanong. Makailang ulit pa siyang nagtanong ng may pangungulit. Kinakalkula nito kung saan sa mga tinanong niya, siya ay tama. Kung tama ba ang kanyang hula sa ilang naitanong niya sa akin ng may ilang beses niya pa 'ngang inulit. “Pre, wala sa lahat ng nabanggit mo!" sagot ko. “Walang may problema sa amin, at lalong walang nagloko." turan kong sagot habang yung dibdib ko, kumirot. Para bang kinukurot yung dibdib ko sa sakit pa rin ng pagkawala ni Sabby. Mabigat pa rin sa akin ang ginawa kong pagpapalaya sa kanya habang iniligtas naman niya ang kanyang kambal na hindi man lang niya nakita o nakasama. Kahit makilala nga, hindi sila nagkakilala. Siya oo, nakilala niya ang kakambal niya. Pero si Sabrina, nawalan na siya ng oras na makita, makilala at makausap man lang si Sabby na matagal na silang hinahanap. “Pre, magkita ulit tayo mamaya, tatawagan kita. Pag-usapan natin ang problema mo. May kailangan lang akong puntahan. Nakakatakot pa naman itong magalit parang dragon!" aniya na natatawa na sabi nito. “Sino ba yan?" tanong ko pa pero hindi na niya nasagot. Nagmamadali na itong lumabas ng coffee shop. Seryoso na nga ang usapan naming dalawa ng bigla na lang itong magpaalam. Sabagay, nakahinga naman ako kahit saglit. Salamat kay Robert, dahil kahit sa konting oras nasamahan niya ako. Pero ang hindi ko alam, nagtataka ako. Kung sino ang sinabi nitong nakakatakot na dragon? Napangiti nalang ako habang nitatanawan siya rito mula sa loob. Nagmamadali na siyang tumatakbo pabalik sa hospital. Kangina, nasita niya pa ako tungkol sa hindi ko pagsabi ng tungkol sa babaeng pakakasalan niya sana. Ang babaeng nakilala niya sa isang bar nuon ng minsan mapunta siya at mailigtas ito. Pero ngayon? Anong nangyari at bigla nalang siyang tumakbo, mukhang kabado at takot pa siyang kumaripas pabalik ng hospital. Hindi mawala ang ngiti sa mukha ko. Habang tinatanaw nalang si Robert. Haist! Napabuntong hininga ako habang balik sa dating mood. Ang masayang buhay ko na nababalot ngayon ng kalungkutan. Tumayo na ulit ako upang bumili ng kape ni Leo, idadaan ko pa sa kanya bago ako bumalik sa kwarto ni Sabrina. I'm not sure kung gising na ba siya? Baka naman natutulog pa, tulad ng sinabi ni Leo na may itinurok sa kanyang gamot para makalma siya at makapagpahinga. “Miss, isa nga 'nun!" turo ko sa kape na madalas na bilhin ni Leo. Isang saglit lang nakuha ko na 'yong kape ni Leo. Lumabas na rin ako sa coffee shop at bumalik sa hospital. Pinuntahan ko agad si Leo para idaan ang kape nito. “Ang tagal mo naman magkape sa Starbucks?" biro na sabi nito ng maabot ko yung kape niya. “May nakita kasi akong isang kakilala." sagot ko naman sa kanya. “Kaya naman pala nagtagal ka!" anito na turan at natawa pa siya. Ngumiti nalang ako. “Nang galing ako sa kwarto ni Sabrina, gising na siya at nagtatanong na nga." sabi ni Leo sa akin, kinabahan na agad ako. Tiyak na magtatanong na nga rin yon sa akin sa pagbabalik ko. Napalunok ako, napaisip, at napatigil saglit ng napa buntong hininga ako ng isang malalim. “Expected ko na nga 'yan." sagot ko kay Leo. Inaasahan ko naman na, magtatanong na ito sa oras na magising siya. At hindi nga ako nagkamali, dahil sa nag-uumpisa na siyang magtaka, magtanong at panigurado. Maging ang isip nito gulong-gulo sa ngayon. “Huwag mo siyang masyado na bibiglalain. Dahan-dahan lang sa pagsasabi sa kanya, at pagkukwento ng mga pangyayari sa kanya." bilin pang sabi ni Leo, habang ako napa tahimik na nga at nag-iisip. “Hayaan mo muna na maipahinga niya ang isip niya at tuluyang gumaling." anito ni Leo muli na napasinghap pa ito matapos na maging siya lumilitaw na may pag-aalala sa kakambal ni Sabby. “Okay, sige, gagawin ko ang bilin mo." sagot ko ng huminga muli. “Salamat sayo Leo, napakalaking tulong Ang nagawa mo kila Sabby, at sa kakambal niya." huminga na naman ako habang usal na binigkas ang pasasalamat ko sa mga taong na nakasama namin siya ni Sabby habang nag gamot ito mula sa sakit na aming nadiskubre. Tapos ngayon, sa kambal naman ni Sabby na siyang naging napakalaki na naging bahagi mula sa unang operation nito, nang matagpuan namin siya, hanggang sa naging operasyon muli nito ng mailipat na ang puso ni Sabby sa kanya. “Walang anuman! Sige na, puntahan mo muna siya, tiyak na hinahanap ka na 'non kangina pa." sabi pang muli ni Leo, habang nakaupo na ulit ito sa mesa niya. Lumabas na ako sa kwarto niya ng nakapag paalam na ako na babalik sa kwarto ni Sabrina. Habang naglalakad, lumalakas na naman ang aking kaba na baka madulas ako agad, at hindi mapigilan ang sarili. Masabi ko sa kanya lahat. Nasa hapapan na ako ng pintuan ng kwarto nito. Kumatok ako bago ko pa man buksan ang pinto. Nakita ko siyang nakaupo na nakasandal sa kama niya. Iniangat na pala ni Manang ang kama nito upang makaupo ng maayos. “Kamusta ka?" tanong ko muna habang nag dahan-dahan sa paglalakad. “Kamusta pagtulog mo?" tanong ko ulit rito ng makalapit ako. Nakatitig lang siya sa akin habang naglalakad ako ng pumasok sa pinto. Hanggang sa makalapit ako, nakatingin lang muna ito. Kumain siya ng mansanas na tiyak na pinagbalat at pinaghiwa siya ni Manang. Nakatingin si Manang sa amin na nakaupo sa may sofa sa tapat ng higaan ni Sabrina. “Ayos lang! Nakatulog naman ako." sagot niya ng mag-umpisa na siyang ibuka ang bibig niya. “Mabuti naman, nakatulog ka at nakapag pahinga." aniya ko sa kanya, naupo na ako sa tabi nito. Nakatitig na naman siya sa akin at hindi mawala ang mga tingin. Palagay ko may nais na siya itanong. Subalit nangangapa pa ito, kaya naman hindi pa siya nag-uumpisa na mag-ungkat ng ilang mga impormasyon tungkol sa mga nangyari sa kanya. Baka humahanap pa siya ng magandang pagkakataon, gaya ko. Nag-iintay ng tamang pagkakataon na masabi sa kanya lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD