CHAPTER #4

1769 Words
Naalimpungatan ako na parang may kaluskos akong naririnig. Hindi ko alam kung saan nanggagaling at kung anong klaseng ingay ang naririnig ko. Pero ng dahan-dahanin ko ang pagmulat ng mga mata ko. Isang lalake at babae ang nakita kong nag-uusap. Papikit-pikit pa ang mata ko, ayaw pang magmulat ng diretso. Kangina, isang babae ang nakausap ko ng magising ako matapos ang mahabang pagtulog. Pakiramdam ko na mahaba ang tulog ko. Subalit ang ipinagtataka ko ay kung bakit ako naririto sa puting kwarto. Nagulat pa ako, tinanong ko yung babae kangina. Pero wala siyang sinabi kung hindi ang magpahinga muna raw ako. Gusto kong lumabas. Pero ayaw niya akong payagan. Nagwala ako, nagalit sa kanya ng ayaw niya akong payagan kahit ang humanap ng landline upang tumawag man lang. Umiiyak ako, dahil sa ilang mga nakaputing uniporme ang nakita kong pumasok. Nagulat nalang ako ng makaramdam na may tumusok sa aking braso at hindi ko alam kung ano ang itinurok nila sa akin gamit ang injection. Bigla nalang ako nanghihina at pumipikit na ang aking mga mata. Bigla nalang namigat ang talukap ng mata ko. Unti-unting pumipikit na hindi ko na mapigilan pa, tuluyan na ako nakatulog at ngayon naman nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. May pinag-uusapan sila, pero hindi ko gaano naintindihan. Hindi ko gaano napakinggan ang mga napag-usapan nila habang napansin niya ang pagmulat ng mata ko. “Sino ka?" agad kong tanong sa kanya. Dun sa lalakeng ngayon ay nagulat sa pagkakita na gising na ako at dilat ang mga mata. “Anong nangyari sa akin?" sabi ko. Pinipilit na bumangon. Napahawak muli ako sa may bahagi ng katawan ko ang naramdaman ko na may pagkirot. “Bakit ako nandito?" naitanong ko pa sa kanya. Hindi siya sumagot at pinagpapahinga niya ako. Matulog raw muna ako at magpahinga dahil sa mahina pa ang aking katawan. Naisip ko rin yon, nakaramdam ako ng pagkahilo ng pilitin kong bumangon. Nakinig ako muna sa kanya at hindi na muna pinagpipilitan ang mga tanong ko na ayaw naman din niya sagutin. Inalalayan ako nito na makabalik sa aking pagkakahiga sa kama. Inayos niya rin ang unan kung saan ay inilapat niya ng maayos ang ulo ko. “Matulog ka muna." sabi niya seryoso ito na naramdaman ko pa ang pagkakahugot niya ng malalim niyang hininga. “Magpahinga ka, hanggang maging okay ka at manumbalik ang lahat ng lakas mo. Saka ko ipapaliwanag sayo lahat. Pag tuluyan ka ng magaling." sabi nito sa akin, matapos na kinumutan ako. Ipinikit ko na ang aking mata, dahil utos niya. Ilang sandali pa, nararamdaman kung namimigat ang mata ko, tuluyan na rin ako dinala ng antok. ********* “Rafael, kumusta si Sabrina?" Nakasalubong ko pa si Leo ng naglalakad ako papalabas ng kwarto. “Ayos lang! Nakatulog na rin siya sa wakas. Sinabihan ko na magpahinga muna siya." sagot ko kay Leo na napahinto sa paglalakad. “Narinig ko nga sa mga nurse na nagising na rin siya sa wakas." masayang bulas ni Leo. “Kaya lang ang sabi ng mga nurse kangina. Nagpupumiglas raw lumabas. Kaya binigyan nila ng pampakalma para makapagpahinga muli si Sabrina. Sakto naman raw ng tumalab na yung gamot sa kanya at kumalma. After raw nun, nakatulog na rin si Sabrina." Nakatingin lang ako kay Leo habang sinasabi nito at tinatalakay ang mga nangyari kanina habang wala kaming dalawa. “Saan ba ang punta mo?" nagtanong muli si Leo. “Bibili lang ako ng kape dun sa may Starbucks sa kanto." sagot ko. “Gusto mo ba?" inalok ko pa siya at tinanong. “Sige, kung libre mo. Bilan mo rin ako." sagot niya ng nakatawa. Kinatawa ko rin ang sagot ni Leo. “Sige, dadalhin ko na lang sayo sa pagbabalik ko." “Okay, alam mo naman saan ako makikita!" anito na sabi ni Leo, nagpaalam na rin ako. Lumakad na muli ako papalayo. Malapit na rin ako sa entrance kung saan ang labasan ng mga tao. Nang bigla nalang may bumangga sa akin ng hindi ko napansin agad. Nagulat pa ako ng mapagsino. Kung sino ang nakabangga sa akin. Kinagulat ko ng makakilala ko. Si Robert… “Anong ginagawa mo rito?" gulat na naitanong ko sa kanya. Nagulat rin siya, nabigla ng magkita kaming dalawa dito pa sa ospital. “I-ikaw!" turan sa pagkabigla. “A-anong ginagawa mo rito?" tanong niya rin sa akin ng may pagkataka. Natawa ako, tumawa siya. Nagtuturuan pa kaming dalawa ng sabay kaming magulat. Nagkatawanan dahil sa matagal na nga kaming mga hindi nagkikita. Dito pa talaga sa ospital? napangiti na naman ako, napahinto sa pagtawa at sumeryoso muna. Tinanong ko ulit siya. “Ano bang ginagawa mo rito? Balita ko ikinasal ka na raw kay Angela ba yon?" ani ko, hinulaan lang ang pangalan na pumasok agad sa isip ko. Naalala ko kasi na magpapakasal siya, kaya nga umalis na siya sa grupo. Pinagtataka ko lang kung bakit siya bumalik rito? nasa Manila na siya sa pagkakaalam ko. Napatingin ako sa kanya ng diretso. Sa mata niya, pero bigla nalang siya bumulalas ng tawa. “Hanggang ngayon ba, ganyan ka pa rin sa tuwing makikita mo ako?" natatawa nitong sabi, sinimangutan ko siya. Binabaan ng nguso, tinitigan ko ng seryoso, binabasa ang tunay na dahilan kung bakit siya bumalik sa aming lugar. “May dinala lang ako rito." sagot niya. “Hindi ba, nasa Manila ka na? Anong ginagawa mo pa rito?" turan na ipinag takako. “Asan asawa mo? Kasama mo ba?" tanong ko pa ulit sa kanya. “Si Angela?" natawa pa siya. “Natawa ka pa? Hindi ba natuloy ang kasal mo sa kanya?" ani ko, tinanong siya ng seryoso. “Actually, wala na si Angela. Hindi ko alam, nakarating sa akin. Sa mismong kasal namin. Inatake kami ng mga sindikato na karelasyon niya." “Bakit? Hindi mo ba alam?" bulalas ko. “Ano ang hindi ko alam?" nagtataka niyang tanong. “Hindi mo alam na takas siya sa mga sindikato? G-gosh!" ani na natawa ako. Nabigla ata si Robert mula sa nasambit ko. “What do you mean sa mga nasabi mo?" “Akala ko naman alam mong hawak siya ng mga sindikato? Hindi pala?" nadagdag ko pa ng tanungin ko rin siya. Bulalas kong sinabi lahat ng mga nalaman ko sa kasintahan niya bago pa siya magpakasal rito. Hindi ko na lang sinabi sa kanya, dahil buong akala ko ay alam niya lahat ang kwento sa babaeng pakakasalan niya. “Pre, bakit ngayon mo lang sinabi sa akin lahat?" gilalas niya, turan habang kinatawa. “Naturingan pa naman ikaw ang bestfriend ko sa grupo. Ikaw ang pinakamalapit sa akin sa lahat ng mga kasamahan natin. T-tapos…" “Pre, malay ko bang hindi mo alam? Nung umalis ka sa grupo, at sinabi mong magpapakasal ka sa babaeng nito mo lang din nakilala. Sa bar di ba?" aniya ko tanong sa kanya. “Oo, sa bar." sagot niya. Sabi na nga, una pa lang tama na nga lahat ng reports na natanggap ko. Lahat ng balita tungkol sa babaeng yon. Lahat mga pawang totoo. Hindi nga ako nagkamali. “Late ko na rin nalaman. Kaya lang, ayaw ko naman masira ang pagpapakasal mo sa babaeng yon." Sabi ko ulit sa kanya. “Dapat nga pupunta ako sa kasal nyo. Kaya lang nagka-emergency ako. Hindi na ako nakarating sa kasal mo, at hindi ko na nasabi ang tungkol kay Angela." pagpapaliwanag ko pa sa kanya ng ilan sa mga nalalaman ko pa. Bakit ba ako nagpapaliwanag sa kanya? natawa nalang ako. Napansin ko nalang na panay sagot ko at pagpapaliwanag kay Robert, kahit tapos na naman. Nangyari na lahat at hindi na maibabalik pa. Kahit ipaliwanag ko pa sa kanya lahat ngayon, sabihin lahat ng nalalaman ko. Kung nangyari na nga lahat ng nakarating sa akin bago pa man maganap ang kasal nila, hindi ko na maibabalik ang oras kung saan nangyari ang lahat. “Pre, ang daya mo." sabi ni Robert. “Bakit?" tanong ko naman dito. “Dapat una pa lang, sinabi mo na sa akin. Bakit ngayon na tapos na, saka ka lang nagsasalita ng mga nalalaman mo sa babaeng papakasalan ko?" “Pre, sabi ko nga sayo. Buong akala ko alam mo ang lahat ng tungkol sa kanya." sinagot ko lang naman lahat ng kanyang tanong sa nalalaman ko sa babaeng pakakasalan niya raw. “Saka, hindi naman natuloy di ba?" aniya ko na nakatawa. “Baliw ka!" gilalas niya. “Ang mahalaga, ligtas ka. Pero ano nga bang nangyari sa kasal mo?" bigla na lang nagbago ang mukha nito. “Bakit?" nagtataka ako. Tinanong ko siya. “Huwag mo nang tanungin. Mahalaga, tama ka, ligtas ako." bulalas na sabi nito. “Pero bakit ganyan ang itsura mo?" “Wala naman, wag mo na lang pansinin." tugon na sinabi nito. “Parang may nangyari? Pero sige, wag mo na lang muna sabihin. Saka na lang pag ready ka na, ikwento mo sa akin." sabi ko. “Eh, ikaw? anong ginagawa mo rin dito?" tanong nito na kinatuwa ko, mali, dahil nagbago rin ang itsura ng mukha ko. “Bakit kangina, malapad pa pagkakangiti mo? Ngayon bigla na lang nagbago, para bang mas may pinagdadaanan ka pa sa akin na mas mabigat?" ani na sabi ni Robert. Napasinghap ako, hindi ko pa alam saan ako mag start ng pagkukwento sa kanya. Nalulungkot pa rin ako sa nangyari kay Sabby. Habang ang kakambal nito, ayos na rin. Nagising na rin si Sabrina, pero kailangan pa rin niya ang magpahinga. Habang nagpapagaling siya rito. Kailangan ko pa siyang bantayan ng husto. Bumuga ako, napabuntong hininga. Habang iniisip ko ang lahat ng mga nangyari mula ng mapulot namin ang babaeng kakambal pala ni Sabby. Kung hindi pa kay Sabby nagmula. Hindi ko rin mapapansin ang pagkakaparehas nilang dalawa. Muli na naman ako humugot ng malalalim na hininga. Iniisip ko ang mga gagawin ko, ang mga sasabihin ko sa oras na magising at makuhang magtanong ni Sabrina. Tiyak na hindi siya titigil sa pagtatanong. Tiyak na aalalamin niya kung ano talaga ang nangyari sa kanya. Lahat tiyak na aalamin nito. Lahat itatanong niya, maging ang tungkol sa operasyon na isinagawa sa kanya. Tiyak na oras malaman niya, magtatanong na rin siya. Kaya lang, ayaw ko muna siya biglain sa mga nangyari sa kanya. Lalo na ang pagdating sa pagkamatay ni Sabby. Ayaw ko muna sana maibahagi sa kanya ang katotohanan na nakaligtas siya, nabuhay. Dahil sa pagsasakripisyo ng kanyang kambal. Sa susunod ko nalang lahat sasabihin. Pag maayos na siya, maliwanag na ang isip niya, at kaya na niyang tanggapin ang nangyari sa kanyang kambal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD