CHAPTER 3

1910 Words
Paikot-ikot ako! Wala akong malang gawing at hindi mapakali. Maging ang dalawang paa ko, hindi na alam kung saang gawi magsisitungo sa sobrang lakas ng kaba ko na sana maayos at walang naging problema sa heart transplant operation ng kambal ni Sab. Nauna ng mailabas si Sab kangina at dinala muna sa morgue upang ilagak ang bangkay ni Sab. Pero ang kanyang kakambal wala pa akong balita kung naging maayos ba ang operation nito. Labing dalawang oras na ang lumipas pero hanggang ngayon wala pa rin si Leo at hindi pa nalabas. Ang sabi ng isang staff kangina na nagmamadaling lumabas. Nagkaroon ng problema sa loob ng operating room habang sinasagawa ang opersayon. Kaya lahat nagpanic at ilang mga doctor pa ang tumakbo papasok sa loob ng operating room. Hindi ko pa naayos ang burol ni Sab sa kakaintay sa paglabas ni Leo. Buo kong nabasa ang huling sulat ni Sab na kanyang ginawa para sa akin. Sinasabi sa sulat na bantayan at alagaan ko ang kanyang kambal. Hanapin ko ang ilan pa sa mga kapatid niya na hindi niya man lang nakita. Sabby napakabuti mo talaga. Hindi ka nawawalan ng determination na matagpuan ang lahat ng iyong nawalay na mga kapatid. Kahit sa iyong pagpanaw sila pa rin ang nasa isip mo. Mahal na Mahal kita. muli ay naibulong ko habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa silya na aking kinauupuan ng maupo ako. Apat na oras pa ang lumipas at sa wakas natanawan ko ng lumabas na si Leo. Nabunutan na ako ng tinik at napalis ang aking kaba ng ihatid niya ang mabuting balita. “Successful Raf, Salamat. Naging successful ang operation. Nahirapan kami nung una, nagkaproblema sa loob ng operating room. Pero huwag ka ng mag-alala dahil naging successful lahat at dahil sayo iyon at kay Sab. Labis akong nagpapasalamat sa inyong dalawa ng dahil isang buhay ang ating nailigtas." Nakangiti at masaya nitong sinabi. Pero may halong lungkot ng dahil sa pagpanaw ni Sabby na itinuring na ring kaibigan ni Leo. “Nakalulungkot isipin na wala na si Sab. Pero sa isang banda. Alam kong masaya siya ngayon saan man siya. Kasi nailigtas sa panganib ang kanyang kapatid." Tinapik niya ako sa braso ng kanyang winika ito. Alam kong pagod na siya sa ilang oras na operation. Bago pa siya tuluyan lumakad paalis akin siyang tinanong. “Kamusta pala siya?" “Sa ngayon stable na siya. Nasa ICU. Pero mga ilang oras pa maaari na siyang mailipat sa kanyang kwarto matapos na maobserbahan at kung walang problema. Ihahatid na rin siya sa kwarto niya." Ngumiti si Leo ng lingunin niya ako. Napagod talaga si Leo pero kailangan pa rin raw niya umikit sa ilang pasyente kaya iniwanan na niya ako. Lumipas ang mga araw at natapos ang libing ni Sab. Madalas rin si Leo na tumungo sa burol ni Sabby at tinutulungan ako. Madalas rin siyang dumalaw sa kapatid ni Sabby na hindi pa rin nagigising. “Sir Raf! Nakuha ko po ito nuon sa mga damit niya ng labhan ko. Nakita na rin po ito ni Ma'am Sabby ng mapasok siya rito sa ospital. Pero sinabi niya itabi ko muna. Ngayon po wala na si Ma'am Sabby, dapat ko po siguro na ibigay na ito sa inyo." Wikang sinabi ng aming kasambahay na kasama ni Sabby sa bahay. Napatingin ako sa wallet na ibinigay ni Manang. Nung matagpuan namin siya ni Sab, inisip ko na baka isa lang siya sa maraming rebelde rito sa aming lugar. Lalo ng makita ko kung gaano napuruhan ang kanyang katawan ng maraming bala na tinamo ng kanyang katawan. Halos wala na siyang buhay nuon at maswerte nalang at mabilis namin siyang nadala rito sa ospital. Subalit malaki ang naging pinsala niya dulot ng kanyang mga sugat upang mas lalong malagay sa panganib ang kanyang buhay. Agad kami tinapat ni Leo sa posibleng mangyari sa babaeng aming natagpuan. Kung hindi maisasagawa agad ang heart transplant maaari ring tuluyang bumigay ang katawan nito at mamatay. Pero nawala sa isip ko ang tungkol sa gamit nito ng biglaan rin akong ipatawag nuon sa kampo. Sinubukan ko ring ipaverify sa aming tao kung may napabalita bang engkwentro sa pagitan ng groupo ng mga rebelde at nang aming groupo. Wala naman at wala ring ibang naghahanap sa kanya o kahit report ng nawawalang sugatang babae. Wala rin akong natanggap. Binuklat ko ang kanyang pitaka. Nagulat pa ako sa aking nakita, isang litraro ang unang bumungad sa aking mga mata. Litraro ng tatlong babae at isang lalake na nakasuot ng uniporme ng police. Kung gnun pala? Biglang napaisip ako at napatingin sa kanya. Isa pala siyang police? naiusal ko habang napapaisip. Sa itsura niya pa lang alam kong hindi siya taga rito sa aming lugar. Halos kilala ko na at mumukhaan ang mga tao rito sa liit ng aming bayan. Pero sa liit man nito. Dito ang madalas na taguan at tapunan ng mga rebelde at nang kanilang mga biktima. Ito kaya ang ilan sa mga kapatid ni Sabby? napangiti ako ng pagkatitigan ko ang hawak kong litraro. Medyo nahahawig pa kay Sabby yung itsura ng lalake at ang katabi nitong isa pang babae. Ito na nga siguro ang ilan pa sa kanyang mga kapatid. Sayang at hindi man lang nakilala ni Sabby. Matutuwa tiyak iyon ng dahil sa tagal ng kanyang paghahanap. Sa paglalakbay ng isip ko. Hindi ko na napansin ang pagpasok ni Leo sa loob ng kwarto. “Kamusta? Wala ka bang trabaho ngayon?" Agad na bungad nito ng makapasok at tinanong ako. Lumapit agad siya sa kapatid ni Sabby at tiningnan ito. Nakatingin lang ako habang kanyang sinusuri si Sabrina. Pangalan ng kakambal ni Sab. Magkahawig talaga sila sa tuwing matititigan ko ang kanyang mukha. Sa una hindi mo agad mapagtatanto ang mga pagkakahalintulad nila. Oras na matitigan mo ng matagal duon mo mapapansin ang kanilang pagkakahawig ng kanilang mga itsura. “Okay, lang! Day off ko ngayon. Ikaw?Mukhang hindi ka na natigil sa pagtatrabaho sa pagbisita sa mga pasyente mo. Sa itsura mo mukhang wala ka pang itinulog?" Puna at sinabi ko sa kanya. Hindi niya ako nilingon dahil nakaharap pa siya sa kambal ni Sabby. Kaya naman tinanong ko siya ulit. “Kamusta siya? possible na bang magkamalay siya?" Itinanong ko matapos niya masuri ang pasyente niya. Nag-angat siya ng kanyang katawan mula sa kanyang pagkakayuko ng kunan ng temperature at tingnan ang status ni Sabrina. “Okay naman na siya. Sa palagay ko talagang naging maayos ang operation sa kanya. Wala akong nakikita na ibang naging problema maliban nung unang maikabit sa kanya yung heart ni Sabby. Natakot ako nung una. Pero sa ngayon tingin ko talagang tinanggap na ng kanyang katawan ang puso ni Sabby. Sa tingin ko rin darating ang isa sa mga araw na ito. Magigising din siya. Normal ang kanyang vitals, ngunit kailangan namin ng higit pang mga obserbasyon upang matiyak na siya ay ganap na makarerecover sa kanyang naging operasyon." Mahabang paliwanag ni Leo sa akin ng magawa akong balingan. “Nakuha mo na ba yung iniwanan ni Sabby?" Nabigla ako. Wala akong alam sa binanggit ni Leo. “Ano ba yon? Wala akong natatanggap." Sinagot ko, pero nagtanong rin ako. “Hindi mo papala nakita." Iniabot niya sa'kin muli ang isang sulat at ang cellphone na gamit ni Sabby ng nabubuhay pa ito. “Iniwan ni Sabby yan rito dahil sabi niya. Oras na magising na ang kanyang kapatid nais niyang makita yan nito. Gusto niyang kahit sa pamamagitan ng ginawa niyang video. Makita siya at makilala siya ni Sabrina kahit wala na siya." Banggit niya sa pangalan ng kambal ni Sab. “Alam ko mayroon rin siyang ginawa riyan para sayo. At yang sulat isa para sayo. At isa para sa kanyang kakambal. Huwag mong kalimutan na ibigay yan sa kanya. Oras na magising na siya." Binilinan pa ako nito matapos ay nagpaalam na. “Mauna na ako sayo. Magpapahinga muna ako at medyo sumakit ulo ko ng dahil sa haba ng duty ko ngayon. Huwag ka ng malungkot. Sundin mo nalang yung bilin ni Sabby. Isipin mo na rin na parang nasa tabi mo lang siya habang kasama mo pa ang kanyang kambal." Pabiro na iwinika ni Leo at tinapik ako. “Pinatatawa lang kita. Sa nakikita ko sayo. Mukhang hanggang ngayon hindi ka makalimot sa mga nangyari. Tanggapin nalang natin. Raf, masaya na ngayon si Sabby saan man naroroon. Tuloy lang ang buhay at tiyak na higit ka pang makakakilala ng tulad pa niya." Muli ay iniusal nito sa akin at tuluyan ng umalis. May ilan pa siyang sinabi bago tuluyan tumalikod. Pero hindi ko na binigyan ng pansin at humarap ulit sa kambal ni Sabby. Maswerte ka! Dahil hindi man kayo nagkakilala ni Sabby at nagkausap ng personal. Sa ibang paraan man kayo pinagtagpo. Alam ko na darating ang araw na magkikita rin kayo. Mahalaga lagi mo pa rin siya makakasama dahil sa ibinigay na pangalawang buhay sayo ni Sabby. Kaya sana huwag mong aksayahin. Mabuhay ka ng matagal. Naibulong ko habang binalikan ang wallet nito. Nakita ko ang isang picture na nakaipit sa isang gilid. Boyfriend o asawa? Naisambit kong muli ng mapansin ko ang lalakeng kasama sa litraro. Habang nag-iisip akin ng naibalik ang pitaka niya at ang iniwanan ni Sabby para sa kanya. ******** Lumipas pa ang mga araw. Sa tuwing walang ganap sa kampo. Tumutungo ako ng ospital para bisitahin ang kakambal ni Sabby. Hanggang ngayon ay hindi pa ito nagigising. Hindi ko alam kung bakit pero sabi ni Leo maayos na lahat at wala na siyang nakikita na problema. Buti na nga lang at walang masyado na ganap mula sa campo. Magkaiba kami ng Campo ng AFP dahil sa kami ang mga secret agent na siyang gumagalaw ng palihim sa tuwing may utos mula sa nakatataas. Walang nakakakilala sa amin maliban sa ilan sa pinakamataas sa head quarters. Kaya madalas nakakasingit ako ng pagbisita sa kambal ni Sabby. Oras na walang utos mula sa taas dito naman ako sa ospital tumutungo upang bumisita. “Sir, dumating na pala kayo. Nagising na pala siya kangina pero nakatulog rin muli ng turukan siya ng gamot. Nagpupumiglas kasi siyang lumabas ng hospital kangina ng may binabanggit siyang pangalan." Pagrereport ni Manang sa akin ng makapasok ako sa loob. Buti naman at nagising na siya. Bulong ko at saka tiningnan ito. “Sino ka?" nagulat pa ako ng bigla itong magising at magmulat ng kanyang mata. “Sorry, pero magpahinga ka muna. Saka na tayo mag-usap na dalawa." Sinabi ko sa kanya. Pero matigas si Sabrina at nagpumilit na bumangon sa kanyang pagkakahiga. Napangiwi ito siguro sa sakit ng hindi pa masyadong gumagaling na sugat mula sa ginawang operasyon. “Anong nangyari sa akin? Bakit ako nandito?" Tanong pa muli nito at nakatingin sa akin. “Hindi ka pa masyadong magaling. Hayaan mo munang makapagpahinga ka. Pag okay ka na. Saka ko ipaliwanag sayo lahat." Sinabi ko sa kanya. Saka inaalalayan siyang makahiga muli. “Magpahinga ka muna. Pag okay ka na. Mag-usap tayong dalawa." Sinabi ko pa ulit sa kanya. Iintayin ko muna na maging okay siya saka ko ipaliliwanag ang lahat sa kanya at ang tungkol kay Sabby ang namatay nitong kambal. Habang andito pa siya at nagpapagaling. Kailangan ko muna siyang bantayan at pag okay na siya. Hahanapin ko naman ang ilan pa sa kanyang mga kapatid. Pero sa ngayon importante ang gumaling siya at manumbalik sa dati. Pinatulog ko muna siya ulit at nakinig naman ito sa akin. Nang makatulog siya lumabas muna ako para bumili ng aking kape.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD