Ralph's POV
"Tsk tsk tsk, kita mo na yan. Kunwari pa kasing kayang kaya ang sarili eh pwede naman kasing magpahinga"
Agad ko syang inalukbungan ng jacket ko. Buti na lang at ako ang nakakita sa kanya dito.
Palabas na sana ako nang mapansin ko ang subject na inaaral nya, yun yung subject kung saan ako magaling. Inisip ko, kung ayaw nyang tanggapin ang tulong ko, dahil nga magka away kami lagi eh isusulat ko na lang sa papel nya
Kaya naman kumuha ako ng blankong papel at doon isinulat ang step by step na pagkakaintindi ko sa kung paano gawin yung formula.
"Oh ayan, paggising mo basahin mo yan ah, di mo naman kelangan na lamangan ako. Ang kailangan mo lang eh yung taong tutulong sa'yo."
Iniwan ko na sya doon at nagpunta na sa school gymnasium.
"Clyde, approve na yung excuse letter natin ngayon diba?"
"Yes Ralph, si captain nga pala absent ngayon. Ikaw muna mag sub sa kanya."
"Okay sige, wag kayong magrereklamo sa reps natin today ah"
Siguro ay magtataka ang ibang tao kung paano ko napagsasabay ang pagiging engineering student at athlete, para kasi sa'kin ay hindi ko kayang bitawan ang kahit na isa sa mga bagay na to. Ito lang ang bagay na nakakapagpa buhay sa dugo ko. It always lights something in me, yung motivation and yung gana sa pag aaral dito ko na lang nakukuha. Yung pang aasar ko naman kay Maureen, coping mechanism ko lang yun. Minsan kasi eh ang OA nya na sa pagdidisiplina sa klase namin, eh mga college students na kami hindi na kami highschool pa na kailangan ng matinding pagdidisiplina.
Nagsimula na kaming mag training, iniisip ko pa din kung nagising na ba si Maureen sa pagkaka tulog nya sa library. Hindi ba kaya sya nagugutom? Kahit anong gawin ko naman ay sya pa din ang naiisip ko kaya naman inutos ko na lang sa isa kong kaibigan ang dapat na gawin.
"Jazz, punta ka ngang canteen, bili ka ng lemon square na bilog tapos ng dutchmill, tapos bigay mo kay Maureen, huling kita ko sa kanya sa library pa eh"
"Luh? Akala ko magka away kayo? Ikaw pre ah!"
"Eh kung ikaw kaya awayin ko? Sige na, nagugutom na yung tao eh"
"Sige ba sabi mo eh hahaha"
Hindi ko kayang ako mismo ang magbibigay sakanya noon dahil malamang ay pagkakantyawan lang kami ng mga kaklase ko. Ilang minuto pa ay bumalik na si Jazz.
"Oh ano? Naibigay mo ba?"
"Tibay naman ng Presi nyo, nag aaral pa din, nung binigay ko yung pagkain pinalapag nya lang sa table nya, tapos di pa naman ginalaw, ewan ko nung pagka alis ko kung ginalaw nya nga"
"Sige bro, salamat ah."
Hindi ko na talaga alam ang gagawin kaya naman pumunta na lang ako agad sa library para ako ang tumuklas mismo. Kasalukuyan naman syang mag isa pero talagang tutok na tutok sya sa mga inaaral nya.
Kung aasarin ko sya, malamang na hindi nya naman malalaman na ako ang nag bigay sa kanya noon.
"Uy Presi! Parang gusto mo na din ma perfect pati exams natin ah, kanina ka pa dyan"
"Pwede ba Ralph? Mag practice ka na lang sa gym kesa sa'kin mo pa tinutuon ang oras mo."
"Ah sayang oras mo na kasi ngayon eh. At saka tapos na kong magbigay ng oras sa kanila, sa'yo naman"
Ramdam ko na ang inis sa mukha nya kaya naman ay mas lalo ko pang ininis.
"Pwede ba? Nag aaral ako dito, ikaw hindi mo naman na kailangan yun kaya pabayaan mo ako pwede?"
"Eh ginalaw mo na ba yung pagkain dyan? Ikaw nga tong napaka kulit eh, di mo naman na kaya pinipilit mo pa, at saka hoy nag aral na kasi ako ng advance kaya ko na perfect yung quiz kanina"
"Edi good for you, ikaw ba yung nagbigay nun? Pag ako nalason non ah"
"Sus, as if naman malalason ka, kapag masamang d**o, matagal mamatay yan"
"Aba!!"
Tumayo na sya at hinabol habol ako
"HEY! YOU TWO STUDENTS THERE GET OUT! WALA KAYO SA PLAYGROUND HA! NASA LIBRARY KAYO! BE QUIET! LABAS!"
"Sorry Miss"
Agad naman kaming lumabas dahil baka mapunta pa kami sa office dahil sa kalokohan namin.
"Ayan kasi eh! Nang dahil sa'yo napalabas tayo ng library, imbis na tahimik lang akong nag aaral don"
"At least magkakaroon ka na ng break, sige una na ko"
Pero bago ko pa makalimutan ay agad ko sakanyang binigay ang Google drive account ko
"Ayan oh, visit mo kapag may time ka"
"Ano na namang gagawin ko dito? Baka mamaya puro to p**n ah"
"Siraulo, mga notes yan sa mga subjects natin, dyan kana tumingin pina simple ko na yan para madali mo ng maintindihan"
"Bakit mo ba to ginagawa? Magkaaway tayo Ralph"
"Eh? Kasi okay lang naman sakin na magbigay ng notes sa isang kaklase, kaaway ko man yan o hindi"
There I left her with blank head and blank face. Until now hindi nya pa nare realize na ginagawa ko to hindi lang dahil doon.
Maureen's POV
What is up with him ba? Kanina paggising ko may jacket na ako, and then maya maya naman may dala ng foods yung isa sa mga friends nya. I bet sya din nagpa bigay nun, and now giving his notes to me? Di ba mahalaga sakanya ang competition na pinagdadaanan namin ngayon?
Nakakainis naman kasi, bakit ba sumabay sabay pa ang lahat ng to ngayon? May period ako, tapos finals pa namin. Mag stay na lang siguro ako ng late sa library.
Agad akong nagpunta sa room namin para sa last subject namin. As usual wala pa sya don dahil nasa training pa sila ng teammates nya.
"Hey Mau, we brought you food. Kain ka na muna wala pa naman professor natin"
"Thank you girls! Pero kasi may nagbigay na sa'kin ng lunch kanina. Nakakain yata ng masarap kaya nabigyan at naawa sa'kin"
"Mukhang alam na namin kung sino yan ah. Talagang ginagawa nya pa yan ngayon?"
"Alam nyo kasi Colet, talagang nasi sense ko na yan. Ayaw lang ipahalata nyang si Ralph"
"SSSHHHH!!"
"Ano ka ba! No name dropping tayo dito oh!"
"Ay sorry naman, anyways, kung ayaw mong kainin yan Mau, akin na lang, nagutom ako eh"
"Wow nagutom ka pa talaga, eh kinain mo nga yung boyfriend mo kanina sa CR eh, dinig na dinig mga ungol nyo para kayong tanga"
"Omg girl? Nag make out kayo sa campus CR? wow napaka galing nyo haha ang tatapang nyo ah"
"Hay tama na nga yang ganyang usapan, wala ako sa mood para makinig sa mga ganyan"
"Eto naman si walang dilig eh, oo na eto na mananahimik na kami"
Di din nagtagal ay dumating na ang professor namin. Mas gusto ko pa ang klase ni sir Ivor eh. Nang matapos ay agad na akong dumiretso sa library para mag aral ulit, sigurado namang wala na doon si Ralph.
Pero bago ako makapunta sa library ay dumaan muna ako sa faculty office para sana kausapin si Sir Ivor.
"Good afternoon po sir, I would like to ask lang po sana kung saan pa po ako kailangan mag improve, especially po sa past lessons po natin. I can't just move on kanina"
"Oh? Ms. Anderson, uhm I think focus on memorizing and familiarizing the formulas, and you are good to go"
"Okay sir thank you so much. Goodbye po"
Nang tumalikod ako ay bigla na lang akong hinablot ni sir Ivor.