Third Person's POV
Welcome! Sa College of St. Jude sa bayan ng San Isidro kung saan napaparoon ang mga bida sa storyang ito. Abala na ang lahat dahil syempre ay unang araw na naman sa klase. May mga late, mayroon namang maagang-maaga sa pag pasok at meron ding absent naku! unang araw pa lang eh bagsak agad. Ang klase ng kursong Engineering ay agad na nag simula ng kanilang klase, excited pa ang mga ito at tila ba ay puno ng gana sa pag aaral. Isa na dito si Maureen, pangarap nya talaga ang maging isang Engineer kaya naman ito agad ang kinuha nyang kurso. Abala sya ngayon sa pag review dahil magpapa quiz daw agad ang kanilang professor na si Ivor, ang pinaka pogi at pinaka kilalang magaling sa kanyang klase lalo na sa thermodynamics. Hinahangaan ng mga studyante at ng mga kapwa nito guro. Habang ang iba naman ay pilit na naghahabol ng kanilang mga kailangang gawin, si Ralph ay chill lang sa kanyang upuan at hinihintay na lang ang kanyang mga kaibigan para sabay sabay silang mag bangayan. Iyon naman din ang pinaka ayaw ng kanilang Class President.
Maureen's POV
"Okay Class, please remove any unnecessary things on your chair we will now start the quiz. Who is the class president?"
"Sir ako po!" Taas ko naman ng kamay para makilala agad ni Sir, magpapa impress lang sana ako dahil balita ko ay napaka sikat ni Sir sa Campus at sya ang hinahangaan ng lahat ng tao, mapa studyante o kaya naman ay kapwa nya mga guro.
"Okay, Ms.?"
"Ms. Anderson po"
"Ms. Anderson please give me the master list of the class, need ko yun for the record of your first quiz sa akin, remember na recorded ito. Iba na sa college kaya nga dapat ay mas masipag na kayong mag aral na ngayon okay?"
"Okay po Sir"
Nang matapos na ang quiz ay hindi na ako nag expect na makakakuha ako ng mataas na score dahil iilan lang ang na review ko sa mga materials na na post ni sir sa class namin.
"Ms. Anderson, napaka impressing nito. Isa lang ang mistake mo, sayang at nagkamali ka lang ng isa pero still good job on your first ever quiz"
Nagulat naman ako nang ako ang unang banggitin ni Sir na nakakuha ng mataas na marka.
"Galing mo naman pala bestie eh! High score yarn?"
"Eh tsamba lang naman yun! Saka pustahan may iba pa dyan na mas mataas kesa sa'kin"
"Di na lang kasi pangalangan na Ralph yan eh hahahaha"
"Uy kayo talaga! Si Mau na naman ang pulutan nyo! Mau okay lang yan, alalahanin mo na lang na boyfriend namin ang mga kaibigan nya para lalo kang mainis"
"Isa ka pa eh, magsi tahimik nga muna kayo, pakinggan natin yung iba"
"Okay class, looks like some genius in the class dethroned Ms. Anderson real quick"
"Student reveal na po sir" Sigawan naman ng mga kaklase ko. Syempre naman alam na ng lahat kung sino ang nakakuha ng perfect score, eh pano ba naman eh kahit di yan mag aral lagi nyang aced ang exams at quizzes namin. Ewan ko ba dyan naturally inborn with smartness. Pero take note, magka ribal at magkaaway kami nyan madalas kaya hindi ko gaanong pinapansin yan. Kung may achievement man sya ay sa kanya na lang yun.
"It is none other than, Mr. Makisig! Congratulations for hitting the perfect score"
Nagsi palakpakan naman ang lahat dahil hindi na nga sya nakapag review masyado ay nakuha nya pa din ang mataas na marka. Nang matapos na ang klase ay agad naman nagsi puntahan ang mga kaibigan ko sa mga boyfriend nila.
"Mau, sama ka ba?"
"Saan?"
"Punta kami kila Clyde, sa canteen"
"ah sige, kayo na lang muna. mag aaral lang ako baka kasi may pa biglang quiz na naman eh"
"Take a break muna? Like may vacant naman tayo hanggang mamaya?"
"Nope, at saka busog pa naman ako"
" okay sabi mo yan ah, dalahan ka na lang namin ng favorite mong ensaymada ah"
" okay sige na"
Agad naman silang nagsi alisan. Habang nag aaral ako ay pinapatugtog ko lang ang mga paborito kong kanta nang biglang may umupo sa harap ko, paharap syang nakaupo pero hindi nya hinarap sa akin ang upuan nya.
"Maureen, pano ba yan perfect na naman ako"
"Pwede ba? Huwag mo akong aasarin ngayon Ralph, wala ako sa mood"
"Chill, di naman kita ina ano eh"
"Pwede ba kung wala ka namang sasabihin na maganda, manahimik ka na lang dyan"
"Gusto mo bang tulungan kita? Magaling ako sa subject ni Sir"
"Sus wag na 'no, mamaya kapag natalo kita umiyak ka pa"
"Ano ako, ikaw? Hahaha saka bakit di ka na sumasama sa mga kaibigan mong kumain? Oras na ng recess oh?"
"Ang daldal mo masyado ano? At saka wala kang pake, di ka naman kasali sa friendship namin eh"
"Ouch sige sabi mo yan ah, magutom ka sana dyan"
Pagkatapos nya akong aasari ay agad naman na syang umalis
Nakakainis talaga ang lalaking yun! Wala na syang ginawang tama sa buhay ko eh!
Nangigigil pa din ako pero hinayaan ko na lang dahil wala naman akong magagawa sa baliktad nyang utak.
Nang matapos akong magbasa ng mga aaralin ay para bang bumibigat na ang tulikap ng mga mata ko, nung una ay pinipigilan ko lang pero nung tuluyan na itong pumikit ay wala na din akong nagawa, nakatulog na ako nang naka upo sa library at naka patong ang ulo sa desk.
Ralph's POV
"Oh pre! San ka pa ba galing? Kanina pa kami naghihintay"
"Wala, may dinaanan lang. Ano bang kinuha nyo para sa'kin?"
"Edi yung paborito mong siomai rice, dalawa pa!"
"Sakto dalawa gutom na gutom na ako eh, sige bayaran na lang kita pre ah"
"Tukmol okay lang naman! At saka minsan lang naman eh. Hayaan mo na kaming libre ka"
"Sige sabi nyo eh!"
"Nga pala Ralph, nakita mo ba kaibigan namin? Nasa room pa din ba sya? Inaaya namin yun dito kaso ayaw nyang malihis sa pag aaral, ikaw ba naman kasi eh ,chill lang pero nakapag perfect pa ng score sa quiz, sa pinaka mahirap na subject? Na pressure yun sa'yo"
"Eh hindi ko naman na yan kasalanan ano, eh sa ganun naman talaga ako eh. Kailangan lang talagang mag aral nang mabuti para naman di ka mapag hulihan sa klase"
"Hayaan mo na, babalik din yun sa dati nyang sigla"
"Nga pala babalik na din ako sa room ah, salamat sa siomai rice"
Busog na busog ako, pero naalala kong uminom ng vitamins para sa pagiging athlete pero naiwan ko iyon sa classroom kaya bumalik muna ako para kumuha nun. Nang pagdating ko sa loob ay wala ng tao. Wala din ang bag ni Presi kaya naman tumakbo agad ako sa Library dahil baka sakaling nandun na sya ngayon.
Tama nga ang hinala ko pero imbis na makita syang mag aral kagaya ng madalas kong makita ay ngayon naka patong lang ang ulo nya sa ibabaw ng desk at natutulog.
Lumapit naman ako sa kanya agad at tulog nga. Sakto ay may varsity jacket akong suot kaya naman hinubad ko iyon para ipang ibabaw sa kanya dahil medyo malamig sa loob ng library.
"Tsk tsk, uso din naman kasing mag pahinga, di mo naman kelangan na kalabanin ako oh"