Ivor POV
There she is. Ms. Anderson, my overthinker student, malamang ay magtatanong na naman yan sa akin kung saan ba sya dapat na mag excel, hay naku sa tutuusin naman ay napaka galing nya na, kaya nga din ata sya napiling maging class president ng klase nila.
"Teka Ms. Anderson"
Paalis na sya nang hatakin ko ang braso nya papalapit sa akin dahil nakita ko ang blood stain sa likod nya.
"Ms. Anderson I need you to stand still, meron ka ba ngayon?"
"Omg sir, tagos na po ba ako?"
"Yeah, but don't panic okay. Uhm I have pads here, don't think weirdly of me please. And I also have a spare jacket, yan na lang gamitin mo"
We headed sa female's comfort room para mag palit na sya ng kanyang panloob. Randam na randam ko ang hiya nya sa akin lalo na at lalaki ako at ang mas nakakahiya pa siguro sa parte nya ay professor nya ako.
"Okay ka na ba? I am so sorry di ko naman pwedeng pabayaan kang lumabas ng ganyan, mas lalo kang mapapahiya. Hayaan mo di ko naman ikakalat to"
"Sir sorry talaga, kayo pa talaga nakakita nyan, nawala na po kasi sa utak ko eh"
"Saan ka pa ba sana pupunta? pauwi ka na ba?"
"Plan ko po talaga na mag stay ng late sa library ngayon, para mag aral kaso mukhang di na po ako makakapunta kung ganito"
"Do you have any sundo?"
"My driver is out for the day, and it is my commute day po eh"
"Oh is that so? Sige ako na lang maghahatid sainyo, kesa kung ano pa mangyari sa'yo dyan. Delikado na din, medyo madilim na"
"Sir I owe you big time na po, I am so sorry sa abala"
"It's okay, student naman kita and para ko na din kayong mga kaibigan kapag nasa klase tayo eh. Sige you wait me sa may gate, kukunin ko lang things and car sa parking lot, okay?"
"Okay sir! Thank you so much po"
I immediately went to the office at kinuha ang mga gamit na kailangan ko, good thing talaga na ako ang nakakita sa kanya dito ngayon, baka kung ano pang mangyari sa kanya kung pabayaan ko.
Nang makasakay na sya ay nabalot na ng katahimikan ang kotse. Hindi ako nagsalita dahil ayaw ko naman na basagin ang katahimikan lalo na kung ayaw nya naman.
I just played the radio at saktong add pa ng napkin ang naka play kaya na next ko kaagad yun.
"So sorry for that, didn't mean to"
"Okay lang naman sir, medyo nasasaktohan naman ata kasi totoo naman"
"Saan nga pala ang address mo?"
"Turn left na lang po and sa pinaka dulo na street turn right and yung pangatlong bahay na po yung bahay namin"
I followed what she said at ng makahinto na kami sa tapat ng bahay nila ay nabigla ako kung gaano kaganda at kalaki ang bahay nila. Her mom and dad are surely billionaires napaka gara at halatang pinag isipan ang design ng bahay nila.
"Sir, ayaw ko naman po maging rude kaya please dito na kayo mag dinner, it's kinda late na din po and hassle pa po sainyo kung di pa kayo makaka kain eh"
"Nakakahiya sa parents mo. I will go now Ms. Anderson"
"Pero sir please! I insist po"
Wala naman na akong nagawa kung hindi bumaba ng kotse at sundan sya sa loob. Sa loob ay may dalawang Yaya na na naghahanda ng mga pagkain sa lapag.
"Mom, Dad, si Sir Ivor po. Teacher ko, he was the one who drove me here because natagusan po ako ng period ko eh"
"Oh my goodness, Sir Ivor pleasure to meet you, I am so sorry na ikaw pa po ang naghatid sa anak ko. It's her commute day today, pero salamat pa din po sa paghatid sa kanya"
"No worries Mr. and Mrs. Anderson, I insisted to drove her home lalo at anong oras na din naman po. Her class finished late today kaya ako na po nag drive dito at saka po natagusan nga po sya, hassle po mag commute"
"Ganun ba, have a seat Sir?"
"Ivor po."
"Okay Sir Ivor take a seat, Yaya pahanda ng isa pang set ng plate. Kuha lang po kayo dyan ng pagkain."
"Thank you Mr. and Mrs. Anderson"
Basically they asked about how hard teaching my students are, bagay na ayaw ko na sanang pag usapan kaya nga ako nag separate ng tirahan sa mga relatives and family ko because that is all they ask to me kapag nandun ako sa bahay, mas nakakadagdag lang sa exhaustion. Napansin ko din na madaming medals ang nakasabit sa mga pictures ng graduates na nakasabit sa wall ng sala nila. It must be her sisters and brothers na nakapag tapos na. Nasambit dati ni Maureen na bunso na lang sya, base sa mga nakikita kong action nya habang kumakain, Academic Pressure ng kanyang mga magulang ang nakaka trigger sa kanya. It's heartbreaking because students must go to school not too burdened pero mas determined lalo na matuto.
Tapos na kaming kumain lahat at napag desisyunan ko na din na umuwi dahil wala na din naman akong gagawin pa.
"Mr. and Mrs. Anderson, thank you so much for the meal, I am very full. Thank you for having me"
"You are welcome sir. We owe you big time. Pasensya na po sa hassle na na cause ng anak namin"
"No big deal ma'am. That happens naman po and mas mabuti nang ako ang nakakita sa kanya kesa na disgrasya pa sya sa pag commute"
As I go ahead sa kotse, muli kong tinignan si Maureen. Halata sa mukha nya ang kaba dahil baka pagalitan sya ng kanyang mga magulang.
"Mr. and Mrs. Anderson, one last thing. Maureen is doing great academically, she is a great student" I smiled at them to reassure them that I am telling the truth which I truly am. Hindi ibig sabihin na hindi na perfect ng isang bata ang quiz eh hindi na sya magaling sa klase. Hindi naman nasusukat ang galing sa mga matataas na scores sa quizzes o kaya naman exams.
Maureen's POV
"Nakakahiya ka, Maureen. Inulit ulit ko na sa'yo na magdala ka ng extra pads mo diba? And extra clothes para naman kahit walang tumulong sa'yo eh kaya mo ang sarili mo!"
"I am so sorry Mom, Dad. Hindi na po mauulit"
"Samantha, hayaan mo na ang anak mo. At saka sabi naman ng teacher nya she is doing great sa academics nya, let her slide this time, hmm?"
"Whatever, ikaw Emilio wag na wag mong laging kinakampihan yan si Maureen ah. Lahat ng mga anak natin overachievers kaya dapat ganyan din sya. It is not something we should be thankful about, it is something we should already have. Understood, Maureen?"
"Y-yes M-mom"
"Don't stutter! You sound stupid, wala pa nga akong hina hampas sa'yo ganyan ka na!"
There she walked out of the room at nakahinga naman na ako ng maluwag. Strict talaga si Daddy pero mas strict si Mommy. Lahat ng galaw ko eh sinusundan nya pati na ang mga achievements ko sa school recorded nya. Kaya naman ang pakiramdam ko ay hindi nya ako anak, dahil hindi nya naman ako ganoon kung ituring.
"Hush now darling. Ipahinga mo na yan, you did a great job today. Hayaan mo na yang Mommy mo, ganyan naman talaga yan over perfectionist eh"
Hindi lang alam ni Daddy kung gaano ako kasaya nang sabihin nyang proud sya sa'kin. Hindi ko pa narinig yan Kay Mommy dahil palagi nya lang sinasabi na I should keep it up kahit yun naman na ang pinaka mataas.
I rested in my room na lang para sana maka relax at makapag aral na ulit. Pero bigla naman nag chat ang mga kaibigan ko.
"Grabe ano? Nalaman nyo na ba yung bagong issue with the campus crush daw? haha nag cheat sa girlfriend nga withouth knowing na yun pala ang mismong girlfriend nya. Kung baga iisang tao lang naman ang kachat nya sa Bumble at saka iyong girlfriend nya sa totoong buhay"
"HAHAHAHA oo tawang tawa ako sa mga pinaggagagawa nung lalaki, di nya man lang alam na parehas lang naman na tao yun, kaso ang ending eh parehas hindi naging sa kanya hahahaha"
I just ignored their chats, wala naman akong alam kung ano ba ang bumble na sinasabi nila, ang gusto ko lang ngayon ay maka get over sa kung ano man na trauma ang naranasan ko kanina. Hindi ko na nga kinikwento sa iba dahil alam naman nila ang problema ko, ay wala silang magagawa doon.
Ralph's POV
"Okay everyone, good job! Napaka galing ninyo ah. We will end it here magsi uwi na kayong lahat dahil maaga ulit tayo bukas okay, iwasan na muna ang date pwede nyong gawin yan kapag nanalo na tayo"
"YES COACH!"
Hay buti na lang ay tapos na ang training. Nagliligpit na ako ng mga gamit ko nang maalala ko si Maureen, baka nasa library pa sya ngayon kawawa naman, inisin ko nga muna. Pero nakita kong wala ng tao sa library kaya naman di na din ako pumasok pa
"Sir, Guard. Wala na po bang studyante sa loob?"
"Iho, sa tingin mo ba magsasarado ako ng library na may tao pa sa loob"
Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil obvious naman nga na wala ng tao sa loob. Sayang lang dahil isasabay ko na sana sa pag uwi si Maureen.