"Grabe naman ang boring! Guys bigyan nyo nga ako ng makakausap!"
"Ito talagang si Ms. President! Kunwari pa kasing independent woman kapag nasa labas pero ang totoo naman talaga nyan gusto na magpa baby! Naku samin mo lang yan nalalabas ganyang side mo"
"Syempre naman kasi mga kaibigan ko kayo saka di ko kayo mga kaklase kaya di nyo naman mapagkakalat sa buong klase"
"Hoy Diane! Hindi ba meron kang dating app dyan? Ayan turuan mo to si Maureen nang manahimik na yan"
"Ohh, oo nga meron ako dito, sure ka ba sa papasukin mo Eunice?"
"Eh ano ba yan? Baka naman mamaya mga bastos ang makuha ko dyan ah"
"Okay lang yan, sa angas mong yan para makakuha ka naman ng katapat mo"
"Hoy wag nga kayong ganyan! Napaka ano nyo eh, Lika nga muna Colet, tabi ka muna dito sa'kin. Help mo akong maka buo ng profile, dapat yung maganda para maraming mag like sa'kin"
Nag tinginan ng tatlong magkakaibigan na para bang may masama sa sinabi ni Eunice, napansin naman ito ni Ms. President kaya nag tanong sya kung bakit sila nagka tinginan
"Hoy ano yang mga tingin nyo? May nasabi ba akong mali?"
"HAHAHAHAHA eh kasi naman, yang pinapasok mo Maureen hindi naman ikaw dyan ang ila like ng mga lalaki, ikaw ang magla like sa kanila at ikaw din ang unang kakausap sa kanila"
"Eh?? Bakit ganun? Nag iba na pala?"
"Oo ganyan sa Bumble eh, ano try mo pa din ba?"
Para akong kinikiliti sa tanong ni Colet, para bang may kung ano sa akin na naguudyok na ituloy pa din ang pag gawa ng profile, sa bandang huli ay bumigay lang din ako, hindi na lang ako gumamit ng totoong pangalan at totoong mukha, pagkatapos akong tulungan at turuan ni Colet ay saka ako nag explore kung ano ba ang mga nandito. Sabi ng mga kaibigan ko ay halos lahat ng nandito ay mga playboy, naalala ko tuloy ang isa kong kaklase, ubod ng pasaway at kulit.
Swipe, swipe, swipe
"Ano ba yan, wala man lang akong makitang matino dito"
"Wala ka bang natitipuhan? Lika dito tulungan kita!"
Agad naman akong tinulungan ni Mikha sa paghahanap, dahil medyo kabisado nya ang mga tipo ko sa lalaki ay sya na ang nag swipe.
"Ayan, naka sampung swipe na ako ah! Balitaan mo ako kapag nakapag message ka na sa kanila"
Medyo masakit man sa pride ko pero ako na ang unang kumausap at nag start ng conversation, ang iba ay walang reply pero may isang nakakuha ng atensyon ko, sya ang unang unang nag reply sa kanya at pogi typings pa!
"ETO NA YUN MGA BEEEH!! MAGKAKA LABLAYP NA ANG PRESI NYOOO"