Chapter 4: Bumble Invitation

1530 Words
Maureen's POV It's been over a week nang mangyari ang insidenteng yun. Napaka unserious ng araw na yun at para bang pinaglaruan talaga ako ng tadhana. Natapos ang nakaka takot takot na hell week namin at finally pwede na ulit kaming gumala. "Hi girl! Ano, kamusta naman exams?" "Okay naman, feeling ko naman naipasa ko lahat. Ikaw Maureen?" "Feeling ko babagsak ako. May nakalimutan ako kanina eh" "Ito talaga oh! Palagi mo naman yang sinasabi pero pasado ka naman everytime! Wag mo na i-ovethink yan!!" "Oo nga, tama si Colet, Mau. Alam nyo tara na lang kasi doon sa isang kainan na kakabukas lang. May tinda silang mga ramyeon tapos pwedeng tayo na ang magluto nun at saka may mga drinks din" "Ako go lang! Alam nyo naman ako, kahit saan at kailan basta kainan go ako dyan" "Wow rhyme ah, ikaw Mau? Tara na Mau oh! Tapos na din naman ang finals, for sure naman na papasa ka! Ikaw na yan oh!" "Oo nga Mau, please? Tara naaa" Wala na akong nagawa nang hilahin nila ako para kumain sa sinasabi nilang kainan. Hay ito talagang mga 'to, siguro naman ay hindi masamang mag liwaliw muna pa minsan minsan, I sure know that I did my best out there, it was a tough exam pero nakayanan ko naman and I trust my self. Nag aral ako day and night para sa examination na to na para bang dito na lang nakasalalay ang buhay ko kaya di ako papayag na hindi ko maipasa kahit ito na lang. Mga 15 minutes din siguro kaming nag drive papunta sa sinasabi nilang Ramen House. Hindi ako mahilig masyado sa mga ganito pero wala naman masamang subukan dahil I am up for something new naman "Okay Mau, we know na first time mo itong masusubukan kaya upo ka na lang dyan. Kami na lang ang bahala na mag order sa'yo, okay lang ba?" "Okay, basta i-ayon nyo na lang sa prefer type ko ah" "Yes mæm, kami na ang bahala sa'yo. Just sit back and relax" Tahimik lamang akong naka upo at naghihintay sa mga kaibigan ko nang biglang may nag pop up sa notification. ng phone ko. "Bumble? Dating App? What the hell am I gonna do with this thing?" "Oh ops! Ano yung narinig ko? May Bumble ka na sa phone mo?" "Uy si Maureen! Sabi ko na nga ba eh. Try mo na kasi yan! Wala namang mawawala kung susubukan mo at saka di ka naman makikilala dyan, pwede kang gumamit ng ibang identity" "Cat phishing you say?" "No, but you can hide your identity, pwedeng blurred pics mo, o kaya naman basta kahit anong picture mo na never mo pang na upload at hindi kita ang buong mukha mo, you know what we mean naman diba?" "Yeah, pero all in all wala naman talaga akong interest dito eh. Kayo lang naman itong pilit nang pilit kasi" "Kasi it's fun! Saka ngayon lang naman oh. Just try it, malay mo makahanap ka ng boyfriend dyan!" "Busy na nga ako sa pagiging class president, sa academics ko and sa family ko tapos dadagdag pa ang boyfriend na yan? No way" "Yes way! Akin na nga yang phone mo at ako na ang mag set up ng profile mo" "Hey! Give me my phone back!" Hindi ko na naabot iyon kay Colet, na talaga namang napaka kulit, binalik nya ito sa akin na hindi na pwedeng ma uninstall pa. "Oh ayan, just swipe right kapag type mo yung guy and swipe left naman kapag di mo sya type okay?" "I don't want this, bahala kayo. Hindi ko naman gagalawin ang app na yan eh" "Tignan natin kung ma resist mo yan Maureen, alam namin na you are up for something new lagi kaya di na kami magugulat kung kakainin mo ng buo yang mga sinasabi mo ngayon" I hate that they are telling the truth right now. Wala man lang sa mga sinabi nila ang hindi totoo. Hindi ko na lang muna papansinin na may account ako sa Bumble, I will let it rot there at magpapaka busy na lang ulit ako. So much burden from my parents and siblings. Hindi na kaya ng isa pang burden. Maya maya lang ay merong pumasok na mga maiingay sa loob ng Ramen House, nakatalikod ako sa kanila kaya hindi ko nakita kung sino man ang pumasok. "Oh? Dito din kayo kakain?" Tanong naman ni Mikha sa mga pumasok na kalalakihan. "Yes babe, di namin alam na ito din pala yung kininkwento mong Ramen House, gusto din namin mag try to eh" "Masarap ang Ramen nila dito. Hanap na kayo ng upuan, o kaya naman dito na kayo sa table namin, pag dikit dikitin na lang ang mga upuan para mas malawak" Ahh, yung mga boyfriend pala nila ang nandito. Andito din si Ralph na himala ay hindi ako kinukulit o inaasar man lang. Kaya nanahimik na lang din ako sa gilid katabi ni Colet. "Oh? Maureen? Kamusta exams mo?" Bigla naman ako sa biglaan na tanong ni Ralph, parang kanina lang ay halos di nya ako makita tapos ngayon magugulat syang nandito pala ako. "Okay naman, I think I will beat you this time" "You think? Di ka sigurado? Sayang naman. Edi ibig sabihin di ka confident sa mga sagot mo?" "Oh ayan na naman kayong dalawa eh! Tama na nga yan. Kami nga di naman namomroblema sa grades namin eh. Basta pasado okay na yan" Pang aawat naman ng isa sa mga kaibigan ni Ralph. "Let's see kapag nilapag na nila ang scores Ralph, let's see kung sino ba talaga ang better sating dalawa" "Okay, you bet" Natapos ang kainan na punong puno ng kwentuhan at asaran galing samin ni Ralph. "Ano may magdadrive na ba sainyo pauwi?" "Sama sama naman kaming pumunta dito eh" "Uy Ralph,ikaw na mag hatid kay Maureen, ikaw lang naman walang ihahatid dito. Maghihiwalay na din kami ng way eh" "Kung okay lang kay Maureen yun. Okay nga lang ba?" "Okay lang. Sige na mauna na kayo. Thank you girls for this day, see you on Monday" "Nga pala remind ko kayo ah. Sabi ni Sir Ivor, yung mga magkakatabi daw sa upuan ang partners, diba kayo ni Ralph ang magkatabi sa upuan? Oh sakto discuss nyo na din yung kailangan nyong gawin for presentation on Monday, sige mauna na kami. Ingatan mo yang si Maureen ah, update us girl if naiuwi ka nya ng maayos" "Wag kayong mag alala, di ko naman ibabangga purposely tong sasakyan" "Well that is the most likely thing na pwede mong gawin kaya pwede ba, wag kang magsasabi ng ganyan, kinakabahan kami eh" Nagtawanan naman ang lahat. "Tara na miss ma'am?" "Let's go" He showed me the way papunta kung saan sya nag park ng sasakyan nya. "Ang layo mo naman mag park, halos nasa dulo na yan ah" "Sige hintayin mo na lang ako dito, ako na kukuha ng sasakyan" "But, what if iwan mo ko dito? Malalagot ka talaga kila Colet and their boyfriends" "Baliw, di ko gagawin yan, mamaya ipakulong pa ko ng mga magulang mo eh" "I bet" Di naman nga ako iniwan at bumalik naman. Akala ko ay iiwan nya talaga ako dahil naka lock ang pinto nung papasok na sana ako. Ibinaba nya naman ang car window "Wait lang, ako na magbubukas ng pinto para sa'yo" and he did. "What is wrong with you ba? Kapag kasama natin mga kaibigan natin di ka naman ganyan sa akin? You're always teasing me pa nga" "Sa harap lang nila yun, di naman kailangan kapag tayong dalawa. At saka hoy asaran lang natin yun. Wag mo sanang seryosohin masyado" "Really? Haha I thought you're dead serious with competing sa'kin. it's just a shame" "So gusto mo? Well I am up for anything you want Maureen" "Ikaw bahala, kasi tulad mo di din naman ako magpapatalo" Nang nasa tapat na kami ng bahay ko ay bumaba sya at pinag buksan ako ng pinto, hinayaan ko lang syang gawin kung ano man ang acting na ginagawa nya ngayon. "It was a great bonding, sana maulit pa" "I hope so din. Ingat ka sa pag drive, salamat sa paghatid" "Wait Mau, ahm ano yung project natin for Monday, okay ka ba sa Sunday? Saan mo prefer gumawa if ever?" "Okay ako with Sunday, free time ko na din naman yan. Kung okay lang sana na dito na lang sa bahay, baka di ako payagan ni Mom kapag sa labas eh" "Sure, sure no problem. So punta na lang ako dito on Sunday?" "Yeah, dala ka na lang din ng materials. Yung ibang available na dito wag na. Sige na it's getting late na, thank you and take care" He went to his car na and lit up the back light three times. "Oh? Bakit late ka na naman ng uwi? Nag commute ka ba?" "Bless po, Mommy, Daddy. I was out with my friends, kumain lang po kami sa labas to celebrate the accomplishment of our exams week" "Okay, let me know kapag may grades na kayo. Same thing again Maureen" "Okay Mommy" I headed up upstairs at saka nag prepare na para matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD