CHAPTER 6

2882 Words
FLAME MORJIANA LAVISTRE Ngayon na ang oras para sa party. Nakabihis na rin sila Kuya pero eto ako at inaayusan pa. "Okay.. We're done!" sabi ni Angel. Isa siyang transwoman. Nginitian ko ito. "Thank you Angel." pasasalamat ko at tumayo na. "You're always welcome Miss. Flame! Okay go! Na gurl bihis kana." sabi nito. Kaya natawa ako ng mahina. Ginawa ko na lang sinabi niya. Nag bihis ako sa kabilang closet at nang maayos ko agad din akong lumabas. "Ahmm. . . Angel. Pwede ba paki taas yung zipper sa likod I can't eh." sabi ko habang nag lalakad palabas. "Oh my G!! ay sorry okay okay sweetie." tili nitong reaksyon. Nag mamadali naman itong nag lakad patungo sa likuran ko. "Okay lang yun." sabi ko. At naramdaman kong tapos na siya. "Grabe ang ganda ng katawan mo! Ang firm ng skin mo sobrang flawless. Bagay na bagay sa'yo yung gown.." hindi mapigilan nitong papuri sa'kin. "Hahaha bilisan na natin." sabi ko. Para makaiwas na sa mga papuri niya. "Ay oo nga pala sige sige! Ano ba yan nakaka panigil ng kilos ang ganda ng isang Flame Lavistre. Ito isuot natin." nag mamadali nitong sabi. Agad nitong sinuot ang isang diamond necklace sa'kin pair nito ang diamond earrings din and bracelet. "Okay done na." anunsyo nito. Tiningnan ko ang sarili ko. Masasabi kong maganda ang ginawa niya. "Maraming salamat!"nginitian ko ito. Habang naka tingin ako sa salamin. Nag thumbs up naman ito habang naka ngiti. Hindi nag tagal bumaba na ako at ang sumalunong sa'kin si Kuya Thunder. "Sa'yo na ako sasabay Kuya." sabi ko dito na agad naman itong tumango. "Okay sure." sagot nito. Wala na sila kuya Storm. Pag pasok ko sa kotse akala ko si kuya thunder ang nagmamaneho hindi pala, si kuya Danny pala. Agad umandar ang sasakyan. Hindi pa kami halos nakaka layo nakatanggap ako ng mensahe mula kay Onze. "Venice Santallian 27 years old, manila Philippines." Basa ko gamit lang ang isip ko. Binasa ko pa ang ibang information. Nakapukaw sa mata ko na isa itong s*x worker pero walang sinabi kung saan. Pero ang kinagulat ko eh isa siyang f*ck buddy ni Lucas. So totoo nga ang sabi ni Francine? "I know that woman. Minsan ko na siyang nakita sa opisina ng mga Ricafort at sa mansion ni Lolo. Wala ka pa non i mean nasa coma ka pa." rinig kong sabi ni kuya Thunder. Nang lingunin ko nakita kong naka tingin ito sa screen ng cellphone ko. "Kuya.." tawag ko dito. "At tama yang information na yan. Nahuli ko din yan na nakikipagtalik kay lucas. Noong una hindi ko matandaan ang pangalan pero nung nakita ko ang pangalan at mukha niya nung andun kami sa UG doon ko natandaan kung sino yan." mahabang paliwanag nito. "Mag Ingat ka sa lalaking yan. Kapag nahawakan kana niya hindi kana niya bibitawan pa." paalala ni kuya Thunder sa akin. Napa tango na lang ako ng tahimik. "Okay kuya tatandaan ko yan. Thank you." sagot ko na lang at tumingin na ako sa labas ng bintana. Napa buntong hininga na lang ako at umiling. Flame just accept it maraming baliw sa ginagalawan mong mundo. Pag kausap ko sa sarili ko. Hindi nag tagal nakarating na kami sa isang hotel kung saan gaganapin ang Birthday ng Lucas na yun. Agad akong inalalayan ni kuya Thunder. Hinawakan ako nito agad pakiramdam ko kailangan niya ako higit na protektahan kesa sa sarili ko. "Kailangan ko gawin ito dahil wala akong tiwala sa mga tao dito." bulong nito sa itaas ng teinga ko. Napa tango na lang ako at hindi na kumibo pa. Nang makapasok kami halos pumalibot sa'kin ang mga Kuya ko at Pinsan. Alam ko kung para saan yan Ayaw nilang hayaan ako na maka lapit sa'kin ang lalaking yun. Hindi ko din hahayaan yun. Nang maka pasok pumuwesto kami sa bandang gitna at doon umupo. Tanaw ko sa pwesto ko si Tanda o ang lolo Alfonso namin na naka pwesto sa harapan. May kasama itong magandang babae. Kakaiba din ang hawak nito sa babae. "Alam ko ang gagawin ko sa babae." rinig kong wika ni Earl. "Okay." sagot ko. Tumayo ito at prenteng nag lakad patungo kina Tanda. Maya maya nagulat ako ng may kung ano itong dinukot sa bulsa niya. Kuminang iyon sa ilaw pero hindi ko makita ko kung ano ito. Nang naka layo siya papunta sa likod ng stage narinig ko ang tilian ng mga tao sa gawi nila lolo. At ang pag sirit ng napakaraming dug*. "Anong ginawa niya?" tanong ko sa kanila. Dahil bago sa'kin ang nakita ko. Hinarap ko sila kuya Thunder at ang iba naming pinsan. "Isang sinulid ang gamit niya. Hindi ito agad agad nakikita, ngunit makikita din kapag natapunan ng liwanag," paliwanag ni Vlad. "Pero nakikita pa rin iyon." halos pabulong kong sagot. "No. Dahil kilala mo si Earl napaka bilis ng kamay." sagot nito habang umiiling. Muli akong lumingon nakita kong nag kakagulo parin sila habang si Earl pabalik na. Nakita kong walang emosyon na dumaan lang si Earl, na parang walang nangyari. LUCAS ANDREI RICAFORT "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa secretary ko. Na ngayon ay nag report sa akin tungkol sa nangyari kanina. "Wala pong nakaka alam sinong may gawa. Sir lucas" yuko nitong sabi. "Okay sige. Let's go." sagot ko na lang at nauna nang mag lakad. Wala na ako magagawa sa nangyari napapalibutan kami ng Mafia's ngayon. "Sir. Andito na rin po ang mga Lavistre." wika nito habang nasa loob ng elevator. Napa ngiti naman ako at hindi na lang sumagot. Hindi nag tagal nakarating agad kami sa floor kung saan gaganapin ang kaarawan ko. "Sir!" wika ng personal bodyguard ko. At agad nitong binuksan ang double door. Pumasok naman ako nang may ngiti sa labi. Kasunod ko ang secretary ko na agad din umalis sa likod ko. Agad lumapit sakin ang ilang reporter. "Sir. Totoo ba ang kumakalat na may relasyon kayo ng inyong sekretarya?" tanong ng isang babaeng reporter. Kahit nagulat ako itinago ko iyon. "Hindi yan totoo. Alam mo naman maraming gustong sumira sa akin. Excuse me." sagot ko at nag lakad na ako ng deretso. Gusto ko murahin ang babaeng iyon pero hindi ko na lang ginawa. Nang matanaw ko ang grupo ng mga Lavistre napa ngiti ako ng makita ko ang babaeng gustong gusto ko mahawakan. Agad akong lumapit dito. Halos wala akong pakialam sa mga bumabati sa'kin. "Good evening Ladies and Gentlemen! I'm Lucas Ricafort." masayang pakilala ko. "Thunder Lavistre." nilahad ko ang kamay na tinanggap naman nito. "Storm Lavistre. Sila naman ay sina Earl, Damon, Azi, Vlad and Demitri mag kapatid yan. And then si Ezekiel." pakilala sakin ng nakaka batang lalaki. Pinakilala din ni Storm sa'kin ang pinsan nila. "Well and that girl?" tanong ko habang naka tingin sa babaeng walang ka emosyon emosyon sa mukha. "Is none of your business.." diin nitong sagot na kina singhap ko. "Pfft siya si Flame." nakakatawang sagot ni Storm sa'kin. Lumapit naman ako dito at nilahad ang kamay ko. Hawakan mo ang kamay ko please my lady.. Bulong ng isip ko "No need." tanggi nito kaya isinara ko ang palad ko at nag tiim bagang pero ngumiti parin ako. FLAME MORJIANA LAVISTRE "No need." malamig kong tanggi. Ramdam ko ang titig nito. "Ahmm. . Anyway excuse me. Oh don't forget to enjoy the night." ngiti nito sabi at mabilis na umalis. He still remain his smile kahit nabasag ko na ang pride nito. Lalaki nga naman ego ang pinaka mahalaga. "Napa hiya yun.." naka ngusong asar ni kuya Storm at bumulong pa sakin. "Ikaw ba naman tangihan ng maganda nating kapatid eh." kuya Thunder kaya naman inirapan ko ito. Na kina tawa nilang lahat. "By the way the Dark Organization is here." seryosong sabi ni kuya Thunder. Napansin ko iyon kanina alam kong may plano mga ito. "Just be prepared.." mahinang sabi ko na agad naman nilang kina tango. "Anyway i need go to the restroom." paalam ko. "Samahan na kita." kuya Storm. Umiling ako at tinapik ang balikat nito. "Kaya ko na.." sagot ko at tumalikod na. Nag lakad ako nakita kong naka sunod ang tingin sakin ng Lucas na yun pati ng mga Montelivano. Palihim akong napangisi sa isip ko. Nag lakad na ako papunta sa restroom. Hindi naman ako nabigong hanapin agad yun. Pag pasok ko nakita ko ang secretary ni Lucas. Dumeretso ako sa isang saradong cubicle, nang mag salita ito. "Talaga pa lang maganda ka sa personal ano? Kaya hindi na ako nag tataka na nagustuhan ka ng sobra ni Sir. Lucas. Pero alam mo..." putol nito sasabihin niya. "I satisfied him mas lalo sa kama kahit pangalan mo ang sinisigaw niya Alam kong babalik balikan niya pa rin ako, kahit maging kayo pa." sigurado nitong sabi. Lumabas naman ako at dumeretso sa sink. "Pero ito lang sigurado ko sayo Miss. Venice Santillan. Wala akong pakialam sa'yo at sa lalaking yun." tiningnan ko ito ng malamig na kina gulat niya. "Sa'yo na lang siya isaksak mo pa sa pantog mo wala akong paki. " dagdag ko at tumalikod na bago ako mag lakad nag salita pa ako ulit. "Hindi ko hahayaan na babuyin ako ng ibang tao tulad ng ginagawa mo sa sarili mo. Babae ka pero daig mo pa ang bayaran. Sabagay hindi ko na papakiialamanan yan, buhay mo yan." huling sabi ko at tuluyan ng umalis. Nag lalakad ako hanggang may napansin akong dalawang lalaki sa may dulo daan na ito. Wala sila kanina ng dumaan ako doon. Pasimpleng kinapa ko ang b*ril ko sa hita ko at ilang dagger. Prente lang akong nag lakad at pasimple ko din tiningnan ang mga CCTV. "Mika alam mo na gagawin sa cctv?" tanong ko sa kabilang linya. Mabuti at lagi kong suot ang earpiece ko. "Yes boss." sagot nito. Nag lakad lang ako hanggang maka lagpas ako sa kanila. Naririnig ko na rin ang pag sasalita ng emcee at ang pag tawag nito sa celebrant. Naka ramdam ako ng pag sunod nila sa'kin. Kaya napangisi ako at nag patuloy lang sa pag lalakad. Hanggang makarating ako sa malapit na sa dulo. Saka ako nakarinig ng pagkasa ng b*ril. Agad kong dinukot ang isang 45 caliber ko na may kasamang silencer. At pinaputukan ang mukha ng isang lalaki. Naramdaman ko ang pag sugod ng isa at agad kong iniwasan ang balisong nito. "You!!" sigaw nito nakipag agawan pa ako sa kanya ng balisong. Hanggang.. Nakita ko ang huling nangyaring laban 3 months ago. Tiningnan ko ang mukha ng kaharap ko nagulat ako ng si Dithard ito. Pero imposible patay na siya.. Sa galit ko at sa hindi ko malamang dahilan biglang nag iba ang pakiramdam ko at tingin ko sa taong 'to. Buong lakas ko kinuha sa kanya ang balisong niya at tinarak sa mata niya na kina luhod nito sa harap ko. Hindi ko siya hinayaan sumigaw, agad kong sinuntok ng malakas ang leeg niya para ika walang tinig nito. Kinuha ko ang b*ril ng kasama nito at inubos ang lahat ng laman nitong bala. Hangang hindi na ito gumagalaw. Matapos iyon bigla na lang bumalik ako sa reyalidad at tiningnan ang ginawa ko. Habol hininga akong naka titig doon. Hindi pwede anong nangyayari sa'kin? bakit bigla na lang nag ba-blangko isip ko? Yun ang naitanong ko sa sarili ko. Imbes na isipin ko pa nilisin ko ang sarili ko at bumalik na sa baba. Paano ang kalat ko? Wala akong paki dahil alam na rin ng mga tao na maaring Mafia ang may gawa niyan. Saka ayaw nila nun? birthday gift ko? "Ang tagal mo.." may ines sa tono ni kuya Thunder nang maka balik ako. "May nangyari lang." sagot ko at naupo na lang sa tabi nila kuya Storm at Thunder. Kumain lang ako ng hinanda sa'kin nila kuya at nang nasa kalagitnaan na ako bigla na lang namatay ang ilaw na kinaines ko. "Seryoso? Kung kailan kumakain ako?!" hindi ko napigilan ang ines ko. Narinig kong tumawa si kuya Storm. Agad akong naka ramdam ng may humawak sa braso ko. "Ano ba!?" pag pupumiglas ko pero lalong humigpit lang. "Kuya!" tawag ko sa mga kapatid ko. "Sh*t! Flame andito lang kami wala din kami makita!" angil ni kuya Storm. "This is a trapped!" galit na sabi ni Earl. Naramdaman ko ang pag hila sa'kin at pag bitaw din sa'kin. Nang umilaw ang paligid. Doon ko na pag tanto na nasa gitna pala ako daanan. At nang lingunin ko ang paligid ko puno na nang tauhan ng D.O ( dark organization ) Nilingon ko lang din sila kuya at nginitian ko ang mga ito. "Ano ibig sabihin nito? Usapan natin hindi niyo gagalawin si Flame!" gulat na wika ni Lucas. "Okay lang sanay na ako." bulong ko. "Pasensya na kailangan mag bayad ng mga ito eh." ngising wika ni Dylan Montelivano. Nakita ko ang kapatid nito na alam kong bago sa pamilya nila. Ito yung nawawala sa pag kaka tanda ko. "Babaw niyo!" inirapan ko lang ito at nag lakad ako papunta sa gitna at tiningnan ang itaas ng stage. THIRD PERSON POV Isang malakas na sigaw ang umalingaw-ngaw sa paligid ng sumigaw ang secretary ng binatang si Lucas. "Ano yun?" tanong ng binata. Habang ang dalagang si Morjiana at walang emosyong naka tingin sa taas. Nag takhuhan naman ang security ng hotel. Tumambad sa kanila ang dalawang katawan ng lalaking wala ng buhay. "Lavistre!" sigaw ni Dylan sa dalaga na naging dahilan na nang pag lingon nito. "Kinuha niyo ang dapat sa'min!" sigaw nito. Kitang kita ng binata ang pag irap ng dalaga. "Si Damon ang may atraso sa inyo bakit ako ang hinahabol niyo?" pag tatanong ng dalaga. Sasagot pa sana ang binata ng biglang sumigaw ang isa sa mga security. "Tumawag na tayo ng mga police! May dalawang lalaking wala ng buhay!" sigaw ng lalaki. "What the hell?" gulat na wika ng binatang si Lucas. Lumingon ito sa dalaga. "Hay*p ka ikaw ang pumat*y sa tao ko! Barilin siya!" sigaw ni Dylan. Agad tinutukan ng dalaga ang ulo ni Dylan at tiningnan ito ng malamig. "Gawin mo kung ayaw mong sumunod sa mga lalaking yun." malamig na banta ng dalaga. Dumating ang ibang tauhan ng dalagang si Flame. Kaya walang nagawa ang grupo ng Dark Organization sa dami nito. Triple ang dami sa tauhan niya. "Apo tam---" napa tigil sa pag sasalita ang matandang Lavistre. Nang mag pakawala ng dalawang putok si Flame sa ere na kina sigaw at tili ng mga tao. "Kung gusto mo pa mabuhay ng mahaba. Huwag ka mangialam." malamig na wika ng apong dalaga ni Don. Alfonso Lavistre. TULUYAN ng bumaliktad ang sitwasyon. Kung kanina ay sigurado na ang mga Montelivano na hawak nila ang mangyayari ngayong gabi. Ngayon naman ay hindi nila inaasahan ang nangyari. THUNDER LAVISTRE Napa ngisi ako ng makita ko ang sitwasyon. Kahit konti hindi ko inaasahan na ang kapatid ko na sobra ang mainitin ang ulo sa mga ganitong bagay. Ay mas mahinahon ngayon. "Ibaba niyo ang armas niyo o dadanak ang dugo dito?" tanong ko na kinalingon sa'kin ng lahat. "Insan paligiran niyo ang mga bisita ng maka kilos tayo ng maayos." pakiusap ko sa pinsan ko. Bahala na kung sino ang tutugon sa'kin. "Sige." sagot ni Damon sakin. "Ikaw! hay*p ka Damon Lavistre! Mag babayad ka!" sigaw ni Dylan Montelivano kay Damon. Napalingon naman ako kay Damon at hinintay ang sagot nito. "Mag kano ba? Name your price.." pang aasar pa nito na kina halagpak ng tawa ni Storm. "Bakit tayo matatakot sa mga Lavistre? pwede naman natin sila tapus---" malalakas na putok ng b*ril ang kumawala sa ere. Nang lingunin ko kung sino ang may gawa. Walang iba kundi si Flame. Nang sundan ko kung sino ang tinitingnan niya. Napa singhap ako ng b*rilin nito ang nakaka batang Montelivano malapit sa dibdib nito. "Kung hindi pa kayo titigil. . . uubusin ko ang bala ko sainyo." malamig na banta ng kapatid kong si Flame. Nag ka tinginan kami nila Earl. Naka nga-nga naman si Damon at Storm.. Hindi siya si Flame. Hindi ganito si Flame. "Isa, " pag bibilang ng kapatid ko. "Dalawa..." bilang ulit nito. Kita ko sa mga mata nito na malabo itong maawat. "Flame tam---" naiwan ang sasabihin ko ng tingnan ako ng masama nito "Okay let's go! Pero eto ang tatandaan niyo mga Lavistre pag babayaran niyo 'to!" sigaw ni Dylan at mabilis silang umalis. Lumapit ako sa kapatid ko saktong pag hawak ko ang pag kawala ng malay nito. "Sh*t Flame!" sigaw ko tinapik ko pa ang pisngi nito. Ngunit wala itong response, kaya agad kong binuhat ito. "Let's go home!" aya ko sa mga pinsan ko. - Hindi nag tagal nasa kotse na kami ni Flame si Storm na ang umalalay kay Flame sa back seat. "Kuya anong nangyari sa kanya?" tanong sa'kin ni Storm. "Hindi ko din alam. Wala akong idea." pag amin ko dahil kahit ako napapa isip din. Mahina pa ba siya? hindi pa ba niya kaya o may iba pang dahilan?. "Kailangan natin tawagan si Dra. Madrid." rinig kong sabi ni Storm. "Okay tatawagan na lang natin bukas." pag sang ayon ko. Kung ano man ito kailangan alam na namin. Para magawan agad ng paraan.. - Every eyes has its own secret and it's own memory.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD