CHAPTER 5

2727 Words
FLAME MORJIANA LAVISTRE Nag punta ako sa mall dahil gusto ko muna mag gala gala kahit saglit. Habang nag lalakad ako papasok nakita kong may tumigil na dalawang van sa bandang gilid ng mall. Nag hinala agad ako, kaya nilabas ko agad ang dalawang b*ril sa tagiliran ko. "Dapa!" sigaw ko at sinalubong ng bala ang kalaban. Pagka bukas ng pagka bukas ng pinto ng van. Agad silang nakipag palitan din ng bala. "D*mn it!" ines na mura ko agad akong nag tago sa mataas na pader at nakipag palitan ng bala. Kinuha ko ang earpiece ko at nilagay sa teinga ko. "Mika alamin mo sino ang mga gung-gong na ito." kalmado kong utos. "Yes boss!" sagot ni Mika sa'kin. Natahimik bigla ang paligid kaya naman sumilip ako ng biglang may sumakal sa'kin. Hindi ko agad nakita kung sino. Kaya naman halos maiangat niya ako sa ere. Doon ko lang nakita na isa itong lalaki. Na napaka laki ng katawan. "Magiging masaya si Mr. Dylan Montelivano kung mapapat*y ko ang Big Boss.." sabi ng higanting ito. Muli naman ito ulit nag salita. "Habang mahina pa siya yun ang utos." rinig ko pang sabi nito. Mukhang adik ata ito. Hindi ako maka pag salita dahil ang hirap kumawala sa kamay nito. Narinig ko ang mga bulungan ng tao. Naka ramdam ako ng kakaiba sa katawan ko. Biglang nanlamig ang buong katawan ko. "Mali ka.." bulong ko na kina tingin ng higanting lalaki na ito sa akin. Agad kong sinuntok ang ilong nito nang dahilan para hawakan niya ang ilong niyang sinipak ko. Ito na rin naging dahilan para mabitawan niya ako. Hindi na ako nag bagal pa tinutok ko ang b*ril sa ulo nito at sunod sunod nag paputok. Malalakas na tili ang narinig ko, na siyang kina tigil ko. Walang lingon lingon akong tumalikod patungo sa motor ko. "Mika clean my mess." malamig kong utos kay Mika. Narinig kong bumuntong hininga ito bago sumagot. "Yes boss." sagot nito. Dumeretso ako sa parking kung nasaan ang motor ko at umuwi na lang.. BLAKE SHIN DELA VEGA Ilang araw ko nang hindi nakikita si Flame pero kahit malayo kaming mag pipinsan. Umabot parin dito sa Laguna ang balita. Tungkol sa pag kaka roon ng gulo sa isang mall. Hanggang ngayon hinahanap parin ni Kurt kung na saan na sila Jin. Napa balik ako sa reyalidad ng pumasok si Hanz ng walang katok katok. "Hindi ba uso sa'yo ang kumatok?" tanong ko dito at sumandal sa swivel chair ko. "Hindi ko na naisip yun. Ito pirmahan mo ito." sagot nito at nilapag ang isang folder. Salubong ang kilay ko ng tinanggap ko ito at binasa ko agad. "Nababaliw na si Kurt." bulong nito. Inangat ko ang tingin ko. "Huh? Bakit?" takang tanong ko dito at binasa ulit ito ng maayos. "Dapat kasi sa kanya ko papa-pirmahan yan. Kaso sabi niya sa'yo na lang kasi wala siya sa mood. Tapos nakita ko daming alak sa lapag. Tingin ko broken hearted si Manong dahil sa pag kawala nila Jin." Kwento nito. "Chismoso ka din ano? malamang mahal niya yun eh." inabot ko na sa kanya ang folder na tapos ko ng pirmahan. "Tsk pero sana trabaho muna bago iyak." sagot nito sabay alis. Hindi na lang ako sumagot at nanahimik na lang. Matagal na silang mag on ni Jin at Kurt. Kaya hindi na ako nag tataka na ganun ngayon si Kurt. Greatest love niya ito at first sa lahat. We know, i know dahil bata pa kami mag kakasama na kami. Napa iling na lang ako at tumayo upang mag timpla ng sarili kong kape. THUNDER LAVISTRE Muntik ko na undayan ng suntok itong pinsan kong si Damon. Matapos nito patay*n yung tauhan ng Dark Organization. Ngayon nag banta na sila sa'min. "Bakit ba sila nagagalit? Laban yun alam nila ang rules!" sigaw na tanong ni Damon. Sa totoo lang tama siya. Bago pumasok sa loob ng arena ang mga lalaban, alam nila ang rules. Walang lalabas doon na parehong buhay. May isa talagang mawawalan ng buhay doon. Kaso ibang usapan kapag Dark Organization na ang lumaban. Daig pa ng mga ito ang batang naagawan ng candy. Dahil hindi sila papayag ng hindi sila makaka ganti. Mag sasalita pa lang ako ng bumukas ang pinto ng bahay na siyang pag pasok ni Flame. "Saan ka galing?" tanong ko dito. Naupo muna ito bago sumagot. "D'yan lang. May problema?" tanong naman nito. "Hindi papayag ang Dark Organization na hindi balikan si Damon sa pag pat*y nito sa tauhan nila." pag amin ko. Napa lingon ito kay Damon na nag tatanong ang mga mata. "Nag ka roon ng laban sa Arena ko. Napat*y ko tauhan ng D.O (Dark Organization). Rules yun tapos magagalit sila?" si Damon na ang sumagot. Nanahimik lang ako. Wala dito sila Storm at iba pa. "Hayaan niyo na lang sila sa gusto nilang gawin," putol ni flame sa sasabihin niya. Napa tingin ako sa kanya ng nag tataka. "Flame?" tawag ko sa pangalan ng kapatid ko. "Saka natin ipamukha katangahan nila." dagdag nito at tumayo na. Mabilis itong nawala sa paningin ko dahil umakyat na ito sa kwarto niya. Hindi ko inaasahan ang sagot niyang iyon. All this time ganyan ginagawa niya lagi niya itong hinahayaan na lumapit mismo ang kalaban niya sa kanya o sa'min. Tiningnan ko si Damon na naka ngiti naman ngayon. "She's back. The real Flame!" kinindatan pa ako nito. Bago nag lakad na palabas ng bahay. I know she's back. Kahit halos ngayon pa lang ito bumabawi ng lakas. Parang hindi niya iyon alintana. THIRD PERSON POV SAMANTALA nag hahanda na ang mga Montelivano sa pag sugod nila sa mga Lavistre at Valencia. Pina-ngungunahan ito ng binatang si Dylan at Drake Montelivano. Gaganti sila sa paraan na paano tinapos ni Damon Valencia Lavistre ang tauhan nila. "Handa kana ba?" tanong ng binatang si Dylan sa bunsong kapatid na si Drake. "Yes.." tipid nitong sagot. Itataon nila ang pag sugod sa mga Lavistre kung saan hindi ng mga ito inaasahan. Balak nila unahin sa party na gaganapin ng binatang si Lucas Ricafort. Naka usap na nila ito sa plano nila. Ngunit ayaw ng binata na galawin nila ang dalagang si Flame. Pero nangako ang mga mag kapatid na hindi nila gagalawin ang kinababaliwan nitong babae. Pero hindi iyon totoo. Damay damay na nga ika nila. FLAME MORJIANA LAVISTRE Pag pasok ko sa kwarto agad akong naka tanggap ng message mula kay Onze. Nang buksan ko ito. Ito na ang hinihingi kong information about sa Lucas na iyon. Naupo ako sa gilid ng kama ko at binasa ng maayos ang information na galing kay Onze. Habang binabasa ko iyon pumukaw sa'kin ang huling pahina. "50 woman found dead in His old mansion located in palawan. Ni isa walang nakitang pag kaka kilanlan ng mukha." basa ko dito. Isa itong news report. So serial killer siya? Pero bakit? Binasa ko pa ang iba. "Ayon sa mga otoridad lahat ng mga ito ay nakitaan na ginalaw ng maka ilang ulit bago patay*n. Ngunit nakawala din ito sa batas, dahil sa Ama nitong isang ma impluwensyang politiko na walang gustong bumangga." Muling basa ko. "Mukhang may bago na naman akong tatapusin." bulong ko at pinatay na ang cellphone ko. "Lucas Andrei Sagrado Ricafort.. " bulong ko sa buong pangalan nito. Ngumisi ako at tumayo na. Makikipag laro muna ako sa kanya, mas okay na baliwin muna pero pag naines ako pasensyahan na lang kami. Nag hubad ako ng damit upang mag palit. Bigla kong naalala yung Secretary nito. Kung alam ng babaeng iyong ang tungkol sa amo niya bakit pa siya pumapayag? Alam ko sa ganung pananamit may nang-yayari sa kanila. Kung tutuusin wala akong pakialam don pero masyadong palaisipan. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ulit si Onze. "Yes boss?" sagot nito sa tawag ko. "Kumuha ka ulit ng information about sa Secretary ng Lucas Ricafort na 'yun. I need ASAP." utos ko at binaba na ang tawag ko. Agad akong nag send sa bank account niya dalawang milyong piso, bilang bayad ko sa dalawang information na pinagawa ko. ONZE TRINIDAD SHORT POV Napa kamot na lang ako ng ulo sa utos ni Boss Flame. Bumuntong hininga na lang ako. At agad na kumilos patungo sa kumpanya ulit ng Lucas na yun. Doon ako kumuha ng information. Pero hindi naman lahat. "Gagawin mo utos ulit ni Miss. Flame?" tanong ni Gavin sa'kin. Nilingon ko ito habang inaayos ko ang suot kong jacket. "Oo need niya ASAP daw." sagot ko at sumakay na sa motor ko. Inayos ko muna helmet ko. "Sige ingat ka!" kumaway ito sa'kin at umatras ng konti. Tumango ako at umalis na lang. FLAME MORJIANA LAVISTRE Bumaba ako ng kwarto ko at nag tungo sa likod ng bahay kung nasaan andun silang lahat. Dumistansya lang ako kina Kuya Thunder at Mrs. Aliyah Dela Vega. Naka tanaw lang ako sa kanila na ngayon ay nag tatawanan. Naramdaman ko na may humawak sa laylayan ng short ko. Nang tingnan ko ito, si Cloud ang anak ko. Kaya agad kong binuhat ito na kina hagikhik nito. "How are you?" tanong ko dito at pinuno ng halik buong mukha nito. Agad itong yumakap sa leeg ko at hinilig ang ulo sa balikat ko. "Mama. . . I'm sleepy." bulong nito. Sunod non narinig ko ang pag hikab nito. Napa ngiti naman ako at nag desisyon na pumasok sa loob. "Go ahead you can sleep." sagot ko habang nag lalakad kami. Naramdaman ko ang pag hinga nito ng malalim. Alam ko any time makaka tulog na ito. Ilang minuto pa at naramdaman ko na ang unti unti nitong pag luwag ng yakap niya. Hudyat nito na tulog na. Umakyat ako sa kwarto namin upang ibaba ito sa kama namin. Inayos ko muna kama gamit ang isang kamay kong libre. Ibinaba ko na siya at inayos ang anak ko matapos naupo lang ako sa single sofa na naka harap lang din sa kama ko. Tahimik lang akong nag babasa ng libro ng may kumatok. "Sssh..." tinapat ko ang hintuturo ko sa labi ko upang hindi mag ingay si Winter. "Ate. Andyan po si ate Francine.." bulong nito. Kaya tumayo ako ng tahimik. "Dito ka lang bantayan mo muna si Cloud." mahinang bulong ko na kina tango nito. Lumabas na ako at agad bumaba. Nakita ko agad si Francine. "Andito na yung damit mo. Personal ko nang hinatid sa'yo para sukatin mo ulit." bungad nito. Tumango ako at inaya siyang umakyat. May kasama itong isang lalaki kung saan ito ang nag bubuhat. "Huwag ka lang masyadong maingay. Tulog si Cloud doon tayo sa walk in closet namin." aya ko kay Francine at sa kasama nito. Nag lakad pa ng konti. " Ah.. kaya pala wala akong maingay na narinig sa pinto ng kwarto mo ng lumabas ka. Maliban nung binuksan ito ni Winter kanina." sagot nito. Tumango lang ako dito. Nang makarating kami agad akong pumasok. Yung lalaki agad din umalis ng maihatid niya ito sa loob. "Yeah. Hindi naka taas ang sound proof ng bahay kapag araw." sagot ko. Nilock ko ang pinto baka kasi may pumasok bigla na naman. "Sukatin mo na. Dahil kailangan ko din bumalik agad." utos nito na kina irap ko lang. Tahimik ko na lang ginawa. Kung sa pagkain? tulad ng sabi niya saglit lang siya so no need. Nag hubad ako sa harap niya pero naka talikod ako. Kinuha ko ang gown na siyang nag labas mismo. "Ito oh." sabay abot sa'kin ng emerald green long slit dress. Agad kong sinuot ito. Halos saktong sakto sa katawan ko ni hindi masikip, hindi rin maluwag. "Grabe parang hinulma talaga itong gown sa katawan ko." manghang usal ko. At pinag masdan ang sarili ko sa malaking salamin. "Because of you. I have this beautiful creation. Ikaw ang dahilan kaya ako naka gawa ng mga ganitong damit." hindi maalis sa mukha nito ang ngiti. "Bata ka pa lang mangha na ako sa ganda mo. Kaya pilit akong nag tapos as a fashion designer. And syempre business administration din." inayos nito ang laylayan ng gown at tiningnan na ako ng maayos. "Perfect!" sabi nito at pumalakpak pa. "Thank you! For making me more gorgeous.." nginitian ko ito. "Sus wala iyon. So hubarin mo yan hindi naman sa'yo masikip so alis na ako need na talaga." paalam ni Francine.. "Okay thanks ingat.." pasasalamat ko ulit at ako na ang bukas ng pinto. Lumabas na ito ako naman ay nag palit na ng damit. Inayos ko naman ang gown na ito para hindi ito masira. Dahil alam ko kung paano ito pinag paguran ni Francine gawin. Hindi man halata sa'kin pero sobra kong na appreciate ang ginagawa n'yang damit para sa'kin. Kung tutuusin pwede naman ako bumili sa iba kesa pagurin pa siya. Lumabas na ako at agad dumeretso sa kwarto ko. Naabutan ko si Winter na inaantok na rin kaya agad kong nilapitan. "Hey matulog kana sa tabi ni Cloud." kinalabit ko ito na agad naman kina laki ng mata nito. "No ate may tatapusin pa po akong thesis." nguso nitong sagot. "Tapusin mo mamaya importante na may pahinga ang utak kesa wala." paalala ko dito. Agad itong tumango at tumayo na din. "Bye ate, Bye Baby!" kumiss ito sa cheek ko at ganun din kay Cloud. "Bye take a little rest.." muling paalala ko. Nag thumbs up ito at lumabas na. Naupo naman ako at binalik ang attention ko sa pag babasa. Nakita kong umilaw ang cellphone ko na agad ko naman din tiningnan. Nabasa ko na isang message ito sa mula sa unregistered number. "Be prepare." Basa ko dito. Napa iling na lang ako, bukod kay tanda wala na akong ibang naiisip na makakalaban ko ngayon o bukas. Alam ko ang Dark Organization lang ito Napa buntong hininga na lang ako at nag pa tuloy sa pag babasa. Naiisip ko din magiging kahihinatnan ng party bukas? Kung maganda ba o isang trap lang? Well wala din naman nakakaalam wala din makapag handa. Ang kailangan mo lang gawin eh ang maging handa sa magiging laban Yun lang ang pwede mo maging lamang sa kalaban. LUCAS ANDREI RICAFORT Napa ngiti ako ng maisip ko na bukas na ang party. Makikita at malalapitan ko na rin siya, hindi ko iyon nagawa noong welcome party niya dahil narin mabilis silang umalis. Nangako din ang Dark Organization na hindi nila sasaktan si Flame bukas. Kaya pumayag ako sa gusto nilang gantihan ang mga Lavistre. Mag sisimula iyon sa party bukas. Matapos ang buong araw ng trabaho umuwi na ako sa bahay ng magulang ko dahil gusto nila ako maka sama ngayon. Hindi naman din nag tagal nakarating ako agad. Pinag buksan ako ng gate ng Guard namin. "Good Evening Sir. Lucas." masayang bati sa'kin ng Guard. Ngumiti ako at tumango. Pinadara ko ang kotse ko sa harap mismo ng main door at bumaba ako. Binigay ko ang susi sa driver nila Mom at pumasok na ako sa loob ng bahay. This is a modern asian design na bahay. Ang Mommy ko mismo ang nag disenyo nito. "Mom, Dad." tawag ko sa magulang ko na kapwa nakaupo sa salas. "Oh my son. You here na. Yaya paki handa na ang dining andito na si Lucas." utos ni mom kay yaya. "So kamusta ang business?" tanong ni dad na kinasama ng mukha ni mom. "Pwede ba? Erick saka niyo na pag usapan yan. Ang pag usapan natin about doon sa girl na gusto ng anak mo." suway ni mom kay dad. Natawa naman ako dahil doon. "Fine." suko ni Dad. Nag lakad naman kami patungo sa dining. Mamaya na lang ako mag bibihis. "Well mom. Pupunta siya bukas sa party kaya need niyo siyang makita din." sagot ko na kina liwanag ng mukha ni mommy. "Official mo ba siyang ipapakilala?" tanong ni dad. Umiling ako agad. "No dad ituturo ko lang sainyo. Gusto ko kung pupormahan ko siya yung private lang para hindi masyadong magulo." sagot ko na kinatango nilang dalawa. "Okay fine. Kung ano man desisyon mo support kami okay? Now let's eat." aya ni mom Naging masaya ang hapunan ko with them. Lumaki ako sa masayang pamilya kaso hindi nawawala ang pagiging spoiled ko gusto ko makuha ko kung anong ang gusto ko. . . At isa si Flame doon. - love obssession makes you cry and makes you a PSYCHO.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD