THUNDER LAVISTRE
Nang makarating kami sa bahay agad naman nilang tinawagan si Dra. Madrid. Na sabi ko bukas na lang. Pero pati si nanay Fely ay nag aalala din.
"Anong eksaktong nangyari?" tanong ni Cindy.
"Basta nag kakainitan sa party kanina tapos nung hinawakan ko siya. Doon siya nawalan ng malay." kwento ko dito.
Tiningnan nila ang mata ni Flame bihis na ito ng pambahay. Sila Cindy din ang nag bihis sa kapatid namin.
"Ano sa tingin niyo nangyari?" tanong ko naman din pabalik kina Madrid.
"Hindi ko din matukoy. Dahil tingin ko ito pa ang unang beses na nangyari." pag amin ni Madrid. Napa buntong hininga na lang ako.
Kinumutan si Flame ni Madrid at inayos ang gamit niya.
"Kapag naulit ito agad niyong sabihin sa'kin." utos nito na agad kong kina tango.
"Okay sige ako bahala." sagot ko.
"Okay mauna na kami." paalam nito. Tinapik ko si Storm sa balikat na agad naman tumango.
Hinatid ko sila sa labas ng bahay at nag pasalamat. Nang tuluyan na silang makaalis agad akong umakyat sa taas.
STORM LAVISTRE
Hinawakan ko ang pisngi ng kapatid ko at tiningnan ito ng maayos.
"Kung ano man nangyayari sa'yo aalamin namin. Alam kong hindi iyon normal." bulong ko dito at dinampian ko ito ng isang halik sa noo.
Narinig ko ang bukas ng pinto ng lumingon ako si kuya Thunder ito.
"Bro. Mag pahinga na tayo. " aya ni kuya Thunder sakin. Tumango naman ako at nag lakad ng tahimik palabas ng kwarto.
"Sila Vlad?" tanong ni kuya Thunder. Nag kibit balikat na lang ako.
"Humiwalay sila kanina hindi ko na alam saan sila pupunta." sagot ko at nag lakad na patungo sa kwarto ko.
VLADIMIR LAVISTRE
"Guys ano talaga bang ngayon tayo susugod?" tanong ni Damon.
"Gag*! Hindi natin babalikan ang mga Montelivano! Sa atin pinapa trabaho nila Mika ang bagong bentahan ng drog* at babae!" sigaw naman ni Azi. Napa iling na lang ako.
"Tumigil na kayo gawin na lang natin 'to." awat ko sa dalawa. Na kulang na lang mag banggaan na lang ng sasakyan.
"Earl sasali ka ba?" tanong ko dito.
Kaya ko siya tinatanong dahil simula ng nangyari noon kay Flame. Malimit na ito sa amin dumistansya.
"Yes." tipid nitong sagot. Napa iling na lang ako, nag uusap din kami sa earpiece lahat.
"Mika isend mo na sa amin." utos ko.
"Yes boss!" sagot nito. Agad kong binasa ang location na sinend sa'kin o sa'min.
Mabilis kong pina takbo ang sasakyan ko. Nag si sunuran naman silang lahat sa akin. Hindi ko na tinawagan sila Thunder at Storm dahil na rin Kay Flame.
Palaisipan din sakin ang nangyari. Sabi nga ni Earl nang hihina pa ito pinipilit lang nito mag pakatatag.
"Okay andito na tayo. Teka si Ken ba yan?" rinig kong tanong ni Damon. Nakita ko ang isang black and yellow Camaro.
"Wala ng iba. Wala naman ibang gumagamit ng ganyang kulay sa'tin kundi siya lang." sagot naman ng kapatid kong si Demitri.
Agad akong kumanan at tumigil sa harap ng high-end na bar.
Dito ibebenta ang mga babae at mga ilegal na drog*. Isa din ito sa nakikita kong dahilan bakit kami hindi sinali ni Flame sa laban nung nakaraang tatlong buwan. Para maka kilos kami ng ganito ka lawak.
Pag labas ko ng sasakyan tinanguan ko mga kasama ko at nag lakad papasok.
"Good day sir." bati ng bouncer sa'min. tinanguan ko lang din sila at nag lakad na papasok.
"Make sure na kahit mapa laking tao o hindi makuha natin." bulong ko sa kanila.
"Sure." si Earl. Nag kanya kanya na kaming pwesto.
Ako pumuwesto ako sa bar counter. Hindi pa nag iinet pwetan ko nang may lumapit sa'kin babae na may half mask na tanging labi lang nito ang nakikita.
"Sir. Tulungan niyo po kami.." bulong nito sabay himas sa balikat mo at nilapagan ako ng alak.
"Huwag tayo dito." nginitian ko ito at hinapit ang maliit nitong balakang.
Pasimple kong siyang hinila sa madilim na parte. Maya maya narinig kong umiiyak na ito.
" Kamusta kayo guys?" tanong ko sa kabilang linya
"Nakita ko na ang target natin." rinig kong sabi ni Damon.
"Good. . Demitri kailangan kita dito. May kasama akong babae humingi ito ng tulong.." pag bibigay ko ng information.
"Samahan mo ako sa iba mong kasama." baling ko sa babae na agad tumango.
"Papunta na ako." rinig kong sagot ni Demitri.
Sumunod ako sa babae. Dumaan kami sa isang maliit na pasilyo na pula at itim ang tanging makikita.
Napa tigil ako ng maka ramdam ako ng kakaiba..
"Sir?" tanong nito. Nakita ko ang mukha nitong nawala na ang nakakaawa sa boses nito. Na palitan iyon ng ngisi.
"Ayoko sa lahat ng niloloko ako.." usal ko sa pinaka malamig na paraan. Kinuha ko ang b*ril ko at tinutok sa kanya.
"Lalaki nga naman napaka daling utu---" hindi ko na siya pinatapos at pinaputukan ko ang ulo niya at tiningnan siya na dahan dahan bumabagsak.
"And i hate the b*tchy act.. Sayang pwede sana kita gamitin pa pero mag kaka problema ako sa tulad mo." bulong ko at nag lakad na paalis doon.
Naka salubong ko si Demitri at Azi. Nag tataka ang mga mukha ng mga ito.
"Ilabas na ang mga babae na ibebenta nila tapos tumawag na kayo ng parak. Pero may gagawin muna ako." utos ko na agad nilang kina tango.
"Kuya ano gagawin mo?" tanong sa'kin ng nakaka bata kong kapatid na si Demitri.
"Tatapusin ko si Cardinal.." sagot ko habang nag lalakad kami.
"Okay andun siya mamaya sa bentahan. Parating na yun at tingin ko mag sisimula na sila." sagot ni Demitri.
"Tara!" si Damon iyon at sabay sabay kami nag punta sa lugar na iyon. Dito lang din iyon.
EARL LOYD LAVISTRE
Naka upo ako sa counter dito mismo sa loob ng underground ng bar na ito. Kung saan nasa harapan ko ang mga babaeng walang suot na kahit ano. Kasama na nila ang ilang gramo ng dr*ga.
"Kanina ka pa dito?" tanong ni Damon. Tumango ako bilang sagot.
Maya maya nag start na ang bidding. Tiningnan ko sila at tinanguan.
"Ayun si Cardinal." turo ni Ezekiel. Sinundan namin ito ng tingin. Tama si Ezekiel andito nga itong ulupong na 'to.
"Anong plano?" tanong ko kay Vlad. Na ngayon naka tayo sa harapan ko at naka harap din sa maliit na stage.
"Tapusin si Cardinal." bulong na sagot nito.
"May naisip akong magandang plano." pagmumungkahi ko. Nilingon naman nila ako agad.
"Bakit hindi natin siya kunin at tapusin separately? tapos isabit natin sa pole sa Luneta?" tanong ko sa kanila. Natawa naman si Damon.
"I like that idea bro." natatawa nitong pag sang ayon.
"Okay pwede yan. Change plan kidnapin siya at tapusin. Kapag mag isa na siya saka natin gawin ang plano." walang emosyon na utos ni Vlad sa'min.
Halos tatlong buwan na namin tinitiktikan 'yan si Cardinal na yan. Sa dami niyang ipinasok na ilegal dito sa bansa dapat lang sa kanya mawala.
Nang makita namin na nag lakad na ito palayo agad kaming kumilos. Si Damon at Demitri ang sumunod sa kanya at kami naman sa iba.
Yung mga babae. Bahala na d'yan ang mga parak para may ambag sila.
Kinuha ko ang b*ril ko at pinutukan ang mga ulo ng guard nito. Nag sisigawan na ang lahat ng tao kaya napa ngiti na ako.
"Mas maganda maabutan ito ng mga parak na ubos na." malamig kong wika na kina tawa lang ni Ezekiel.
"Sang-ayon ako dyan." sagot nito. Na kina tawa din ni Azi..
"TULONG!!!!" sigaw ng mga babae sa stage pero hindi ko sila pinansin.
Nang makita ko ang ginawa namin. Naliligo na ang mga pat*y na ito sa sarili nilang dugo. Para ba itong m*ssacre, ni isa walang iniwang buhay.
"Damon nakuha niyo?" rinig kong tanong ni Vlad.
"Nasa van na." magka sabay na sagot ni Demitri at Damon.
"Okay let's go! Azi tumawag kana ng police." utos ni Vlad kaya dali dali kaming lumabas.
Kung may naiwan mang bakas namin wala na rin kaming pakialam. Ang babagal nila kumilos. Sa loob ng tatlong buwan na ang bibigay kami ng information tungkol dito wala naman silang galaw.
Bukas na bukas puputok ito sa mga balita sa tv. Dahil na rin sa pagkakasangkot ni Cardinal sa mga ilegal na dr*ga at pag bebenta sa mga babae.
Nang maka labas. Kanya kanya kaming sakay sa sasakyan namin. Hindi kami pumapat*y ng brutal ngayon dahil sa ngayon huwag muna.
"Mga boss. Tumawag na ako ng police papunta na sila doon." sabi ni Mika si Vlad na ang sumagot dito..
FLAME MORJIANA LAVISTRE
Nang magising ako ng alas kwarto ng madaling araw. Naisipan kong bumaba upang uminom kahit mainit na tsokolate. Napa buntong hininga ako ng maalala ko ang nangyari. Alam ko sa katawan ko na may mali o hindi ako maintindihan.
Pakiramdam ko ng oras na yun nag iibang tao ako. Pakiramdam ko hindi ako si Flame. Gusto ko kahapon tapusin ang mga Montelivano sa brutal na paraan pero pinipigilan ko. Laging may bumubulong sa utak ko na gawin 'yun pero hindi ko hinahayaan na kainin ako ng sinasabi ng isip ko.
Iniisip ko na nababaliw na ako. Naupo ako sa sala at nag hanap ng mapapanood. Hanggang kinuha ko ang cellphone ko at nag search about sa nararamdaman ko.
"Multiple personality disorder?" pag tatanong ko sa hangin..
Imposible. Bakit ako mag kaka roon ng ganun, wala naman akong history sa ganito. Nag search din ako paano ito mawawala o kung may cure ba?
Meron under ng ilang gamot ang iba naman kailangan mo lang maging open sa ibang tao. Mas lalo sa mga usapin ng tungkol sa mental health example. Tinigil ko na ang pagbasa dahil sumasakit ulo ko.
Hanggang mag umaga andun lang ako naka upo. Hanggang matapat na sa balita ang pinapanood ko. Ito pa ang bumungad sa aking balita.
UNANG BALITA PARA SA ARAW NG SABADO!
" Isang high-end bar sa Manila ang pinuntahan ng mga kapulisan. Ngunit nang maka makarating sila sa nasabing bar ay tumambad sa kanila ang magulong bar, basag basag ang mga gamit. At ayon pa sa mga Police na inatasan na pumunta dito ay nakatanggap sila ng tip na may bentahan ng mga babae doon at mga ilegal na dr*ga din kasama. Naka tutok si Lelet Rojas." mahabang sabi ng Babaeng Anchor sa tv.
"Ito nga ang nakita ng mga Police sa loob ng bar na ito sa Manila. Karumal Dumal na krimen ang nangyari. Hindi na lang natin ipapakita ang actual na kuha upang makaiwas sa mga nag uumagahan sa kanilang mga tahanan.." putol ng babaeng reporter.
"Dito sinasabi na naka tali ang mga babaeng sinasabi na balak sanang ibenta sa mataas na halaga. Upang gawing aliwan ng mga hayuk na mayayaman." patuloy nito.
"May lead ba ang mga Police. Kung sino ang may pakana ng brutal na pag p*tay na yan?" tanong ng anchor nasa sa studio.
"Ang sabi lang ng PO2. Santos kanina ay isang grupo lang ang maaring gumawa nito. Walang iba kundi ang Mafia na minsan nang nag ooperate na ilegal transaction na gawain." sagot ng babaeng reporter.
Napa irap na lang ako. Well hindi malayo baka nga sila Vlad ang may gawa niya. Bigla napunta ang segment sa isang interview sa Police na sinasabi ng babaeng reporter kanina.
"Sir. Maari po kayong mag bigay ng konting sagot tungkol sa nangyayari ngayon?" tanong ng taga kabilang network.
"Well. . . Totoo na ito ay isang malinaw na m*ssacre at alam din namin sino ang nasa likod ng mga ito. Walang iba kundi ang mga Mafia, maaring sa kanila din nanggaling ang mga tip na nakuha namin. Hindi kami magpapasalamat sa kanila dahil hanggat maari ipakulong natin ang katulad nila. Yun ang tama na'ting gawin.." sagot nito.
Nandilim naman paningin ko dito. Nang humarap ito sa mismong camera.
"Kaya kayong nasa likod ng patay*n na ito. Hindi kami natatakot sainyo. Dahil kahit kayo ay kailangan mag bayad sa batas. Hindi kayo makaka ligtas sa mga katulad namin taga patupad ng batas!" diin pa nitong sabi.
Ngumisi ako at umiling lang at nag tipa ng mensahe para kay Onze. Agad itong tumawag sa'kin matapos ko ito maisend sa kanya.
"Anong exactly na gusto niyong gawin boss?" tanong nito.
"Ipadala mo ang mensahe na yan sa kanila.." sagot ko dito.
"Sige boss. " sagot nito at binaba agad..
Agad naman din akong kumilos para personal na dalawin ang Chief nila. Tumayo na ako at nag tungo sa kwarto ko. Hinugasan ko muna ang ginamit kong baso. Matapos nag bihis agad ako at bumaba na.
Saktong hindi pa gising ang mga tao dito kaya naman walang haharang sa'kin.
Sumakay ako sa motor ko at agad umalis sa bahay. Binilisan ko ang pag papatakbo nang maka rinig ako sa Police Station. Wala man lang pumansin sa'kin habang papasok dahil busy silang makipag usap sa mga complaint nila.
"Miss. Lavistre?" tanong ng lalaki kaya naman napa tigil ako ng lingunin ko ito.
"Anong ginagawa mo dito? voluntarily surrender?" natatawa nitong tanong. Nanatili akong walang emosyon dito, lumabas naman ang habol kong Police si Santos.
"Men posasan niyo ito. Ikaw ang leader ng malaking Mafia sa bansang ito! Ikaw ang promotor ng lahat ng ilega---" i cut him..
"Surrender? voluntarily? Hindi iyon ang dahilan.." putol ko sa sasabihin ka. At tumayo ng maayos.
Muli akong nag salita. "Para lang sabihin ito.." dagdag ko.
"Lahat ng nang nakukuha niyong information tungkol sa mga ilegal na gawain sa bansa. Sa akin nanggagaling, sa amin ng grupo ko. Ano ako tanga matapos ko gumawa ng kagaguhan isusuko ko sarili ko dito? Sana nag iisip ka din." walang emosyon kong sabi dito. Nakita ko paano ito mapa lunok at nag pawis ang noo nito.
"Alam ko binibigyan din kayo ng mga kasama ko ng information tungkol sa mga dr*ga na yun at sa Cardinal na yun. Mas lalo na sa mga bentahan ng mga babae. " wika ko pa at tiningnan sila isa isa.
"Tapos wala kayong ginagawa sa loob ng tatlong buwan. Ngayong kumilos na sila sa sarili nilang paraan binabaliktad mo na? Eh kung ilabas ko din ang katotohanan kung bakit ayaw niyo mangialam dito?" tanong ko dito at nilapitan ito.
"Ngayon sino kaya ang mas mawawalan sa'tin? ako o ikaw?" tanong ko dito na kina lunok niya lalo.
"Paano maayos ang bansang 'to kung sa katulad mong bulok na Police pa lang tablado na? Shame on you. Kung maka turo kayo sa'min bakit? Ano ba ginagawa niyo? pappet ng gobyerno? Saka lang kikilos kapag may utos na o kaya naman may pampadulas?" pang iinsulto ko dito.
"Isa lang PO2. Santos. Gawin niyo trabaho niyo kung ayaw niyo kami ang gagawa ng paraan maubos sila." tumalikod na ako at nag lakad na.
Ang sama ng tingin sa'kin ng lahat pero binaliwala ko iyon.
Tumigil ako muling nag salita ng hindi sila hinaharap.
"The world cannot be change with pretty words alone.." wika ko at tumalikod na.
Alam ko din sa sarili ko na imposible na 'yun. Pero kailangan parin subukan hindi ako nag bago ng pananaw bilang Mafia para lang mauwi sa wala. Kahit ako pa mag bayad sa lahat ng kasalanan ng mga tao ko gagawin ko..
Kung yun ang tama. Sa ngayon mali man para sa iba ang paraan ko pero ito ang tamang paraan para sakin o sa'min.
-
There is beauty in everything EVEN IN THE SILENCE AND DARKNESS..