Anniversary and goals

2339 Words
"This is it pusit!" Ngiting-ngiting tiningnan ni Sheryll ang sarili sa salamin habang suot-suot ang binili niyang lingerie. Padapa-dapa pa siyang pumostura doon na kala mo ba ay nasa harapan niya ang nobyo. Hindi niya tuloy napigilan ang mapahagikgik nang bigla na lang siyang makadama ng kilig. Sa loob ng ilang taon nilang pagsasama ni Bobby ay ngayon na siya nagkaroon ng lakas ng loob na ibigay ang matagal ng inaasam nito 'ang bandila ng bataan', matagal niya rin pinag-isipan ang tungkol sa bagay na iyon lalo na at gusto niya sana na maikasal muna sila, pero dahil sigurado na siya sa nararamdaman para sa nobyo ay hahayaan niya ng mangyari ang naturang bagay idagdag pa na nasa edad na naman silang parehas. Matapos masiguradong maayos at masigurong ayos na ang pagkakahapit noon ay dali-dali na niyang isinuot ang damit na pinili pa ng kaibigang si Celina para sa kanya. Isang knee length dress na may floral design na palobo ang palda, bumagay ang pakasikip nito sa kanyang dibdib kaya naman hindi ito kabastos-bastos tingnan at nakadagdag sa kanyang taas ang two inch heels na sinuot. Kaunting pabango, pagkulot sa buhok, lipstick at powder sa mukha at muli niyang pinagmasdan ang sarili sa salamin. Napangiti na lang siya sa kakaibang hitsura niya ng araw na iyon, pakiramdam niya ay napakaganda niya dahil na rin sa ibang-iba sa normal niyang pananamit at ayos. Taas noo siyang lumabas ng kuwarto na dahan-dahan pa ang pag-apak sa bawat baitang ng hagdan, naglalakihan ang mata ng kanyang pamilya na napatigil pa sa pagkain nang mapalingon sa kanya ang mga ito nang makita siya habang pababa. "Aalis na ako," paalam niya. "Si ate talagang naghanda o, san date niyo?" turan ng kapatid na si Sherwin. "Hindi ko pa alam," taas kilay niyang sagot dahil batid niyang pagtritripan nanaman siya nito. "Umuwi ka ng maaga," saad ng ama na bumalik na sa pagbabasa ng diyaryo. "Tay naman!" napapapadyak na napasimangot na lang siya bigla. "Tigilan mo nga anak mo, malaki na yan," bara ng mama niya dito, tumayo ito at naglapag ng isa pang plato sa mesa. "Kumain ka na muna Sheryll," turan nito. "Hindi na Ma, doon na lang po kami kakain ni Bobby." Masayang halik niya sa pisngi nito bago umalis ng bahay. Napagdesisyunan nilang magkasintahan na magkita na lang sa isang sikat na mall dahil mayroon ding mga delivery si Bobby nang araw na iyon. Habang nasa biyahe ay para siyang tangang napapangiti na lang bigla dahil iniisip na gagawin nila. Maaga siya ng halos kalahating oras sa naturang lugar kaya naman tumingin-tingin na muna siya sa ilang mga tindahan doon. Tinext niya na ito nang makitang eksakto na ang oras ng pagkikita nila. To BubuBear message: Bhe nandito na ako saan tayo magkikita ? Matapos ang ilang minuto ay sumagot din ito. From BubuBear message: Bhe hintayin mo lang ako malalate ako ng kaunti kasi may ilan pa akong delivery pero malapit lang naman ako. Napakagat labi na lang si Sheryll nang madama ang kung anong kabog sa kanyang dibdib, natutuwa siya sa pagpoporisge nito dahil alam niya naman na para iyon sa kinabukasan nila. To BubuBear message: Sige hihintayin na lang kita dito, text mo ako pag malapit ka na love you <3. From BubuBear message: Salamat Bhe I love you din. Kinilig na lang tuloy siya bigla habang binabasa ang huli nitong mensahe kaya naman litaw na litaw na muli ang ngiti niya nang magpaikot-ikot doon. Namasyal na muna siya sa iba pang lugar upang malibang, marami rin naman ka siyang gustong puntahan doon. Habang nag-iikot ay may isang tao ang nakakuha ng kanyang atensyon, hindi niya napigilan ang mapakunot ng noo nang makita ito kaya naman dali-dali niya itong nilapitan upang komprontahin. "Celina?" maingat niya pang bungad sa nakatalikod na babae. "Uy, Sheryll!" bati nito pakaharap. "Anak mo?" pabiro niyang turo sa hawak-hawak na bata ng kaibigan. "Bunso ko," magiliw nitong sagot habang hinahaplos ang ulo ng bata at pinapaharap sa kanya. "Huwat!" Napahawak na lang siya bibig. "Hindi mo nabanggit sa akin na may anak ka na!" pabiro niyang tampo rito. Ganoon na lang ang pamimilog ng kanyang mata sa sinabi nito, hindi niya akalain na mayroon na pala itong anak. "Hindi ko ba nasabi? Sorry," natatawa nitong saad . "Wait, bunso, ilan na ba anak mo?" Napakusot na lang ang mukha ni Sheryll. Sa hitsura kasi ng kaibigan ay hindi ito mapagkakamalang ina lalo na at napakaganda at napakasexy pa rin nito. "Dalawa." Hagikgik ni Celina. Nakadama na lang siya ng inggit sa kaibigan. "Grabe ka! Bakit ang sexy mo pa rin," ngusong maktol niya dito na halata naman naging dahilan ng pamumula ng kaibigan. "Sana, kapag nagbuntis din ako eh tulad sa iyo, parang wala lang nangyari," biro niya pa dito na siya naman ikinatawa ng kaibigan. "May date ka ngayon no!" balik nitong usisa sa kanya. "Ay! Obvious ba?" hinawi-hawi niya pa ang kulot na buhok para ipakita na sinunod niya ang sinabi ng kaibigan nito na si Lucy. "Eh kayo?" Napangiti na lang siya habang pinagmamasdan ang pagtatago ng anak ng kaibigan sa likod nito. "Kakain lang, mataas kasi grade ng kuya nito sa school." Haplos nito sa ulo ng bata. "Mama!" alingawngaw ng isang mapaglarong boses. Napalingon na lang siya sa isang bata na hawak-hawak ng isang matandang babae. "Sheryll si ninang pala" pakilala ng kaibigan niya ng makalapit ang mga ito. "Hello po," masaya niyang bati. "Grabe friend, ang ganda ng lahi niyo ah!" pansin niya nang makita rin ang panganay ng kaibigan. Napangiti na lang ito sa sinabi niya. "Halika, meryenda muna tayo," aya ng kaibigan. "Ay hindi na, parating na rin si Bobby," agad niyang tanggi. Natatawang tumango na lang ito habang, muli na lang siyang napatingin sa dalawang bata, hindi niya mapigilan tingnan ang mga anak ng kaibigan dahil sa kung anong tuwa sa mga ito. Tila napunta na lamang siya sa isang panaginip nang maisip ang pagkakaroon rin ng mga anak na kasing cucute ng mga ito. Nakikinita niya kung paano rin magsisiksikan ang mga paslit sa kanya kapag ipinapakilala sa ibang tao. "Sige, mauna na kami, kanina pa kasi nagugutom itong mga bata," paalam ng kaibigan niya. "Bye friend, bye babies!" kaway niya na lang sa mga ito, ganoon na lamang ang pagbungisngis niya nang ngiting-ngiting kumaway naman ang mga bata sa kanya. Tulad kanina ay nanaginip nanaman siya ng gising, doon mayroon din siyang cute na anak at masaya rin siyang tinatawag na mommy, sa tabi naman nito ay ang nakangiting si Bobby hawak-hawak naman ang kamay ng mumunti nilang supling habang namamasyal roon. Napabuntong hininga na lang siya ng malalim habang nakangiting nangangarap, pinagmamasdang lumayo ang kaibigan kasama ng mumunti nitong mga supling. Sa sobrang abala niya sa masayang pangangarap ay hindi niya na namalayan ang oras, napatingin na lang siya sa relos nang madama ang pangangalam ng kanyang sikmura dahil sa gutom. Napasimangot na lang siya nang makitang halos mag-dadalawa’t kalahating oras na pala ang nakakalipas ay hindi pa rin dumadating si Bobby, kaya naman agad niya na itong tinext, hindi siya sanay na walang pasabi ng ganoon ang kasintahan, nakadama tuloy siya ng kaba na maaring may nangyari ng masama dito lalo na at may dala itong pera mula sa nabenta. To BubuBear message: Bhe nasaan ka na? Ayos ka lang ba? Mas lalo lang siyang nag-alala nang mag iilang minuto na ay hindi pa rin ito nagrereply, kaya naman sinubukan niya itong tawagan, nakahinga siya ng maluwag matapos itong sumagot. "Bubu, nasaan ka na ba, bakit ang tagal mo?" Nakanguso siya habang nagsasalita, nadinig niya naman ang buntong hininga nito mula sa kabilang linya. "Sorry Bhe, natagalan kasi akong magdeposit sa bangko, tapos traffic pa dito, nakakainis nga eh," halos nanghihina nitong sambit. Kahit papaano ay nawala ang alalahanin niya sa sinabi ng lalake. "Bakit hindi ka nagrereply?" nag-alala tuloy ako sa iyo," tampong lambing ni Sheryll. "Nawalan kasi ako ng load, nakasakay na kasi ako dito sa bus kaya hind ako makabili" malumanay nitong paliwanag. Napatango na lang siya sa sinabi nito. "Nasaan ka na ba?" "Sa Cubao na ako, ilang minutes na lang nandiyan na ako," masaya nitong turan kaya naman napangiti na siya. "Bilisan mo, nagugutom na ako," parang bata niyang sabi. "Mauna ka na lang para hindi sumakit tiyan mo, kita na lang tayo sa kakainan mo," sambit nito. "Malapit ka na rin naman hihintayin na lang kita," agad niyang sagot. Sa tantya niya ay mga lima o sampung minuto na lang ang tagal bago makarating si Bobby sa kinaroonan niya. "Sige Bhe, mamaya na lang tayo mag-usap, baka madukutan ako dito," pabulong nitong sambit. Nakadama nanaman siya ng pag aalala dahil nakasakay nga pala ito sa bus. "Okay Bhe, ingat," agad niyang paalam. "Bye Bhe," sagot nito bago siya babaan. Tumungo na lang muna siya sa C.R. para makapag ayos ng kaunti, pakiramdam niya kasi ay mukha na siyang gusgusin sa tagal ng paghihintay doon. Pinakatitigan niyang muli ang sarili sa salamin, medyo wala na nga ang nilagay niyang powder kanina at halos wala na rin ang kulot niya, halos tanggal na rin ang lipstick niya, kaya itinali niya na lang ang kanyang buhok ng ponytail sabay lagay ulit ng lipstick, powder at kaunting pabango. Pakatapos mag-ayos ay tumungo na muna siya sa isang kilalang bookstore para magpalipas ng oras habang naghihintay. From BubuBear Message: Bhe nasaan ka na? To BubuBear Message: Nandito ako sa bookstore sa secondfloor From BubuBear Message: Okay malapit na ako, hintayin mo na lang ako diyan. Matapos ang halos kalahating oras ay naaninag niya na ang kasintahan mula sa kinatatayuan, medyo humahangos ito pakapasok roon, palinga-linga sa paghahanap sa kanya, mabilis siyang kumaway rito ng magawi sa kanya ang tingin nito. Napangiti naman ito nang makita siya, kaya tumayo na siya upang salubungin ito para hindi na rin mag aksaya pa ng oras. Napangiti na lang siya sa hitsura ng lalake, basang-basa ang suot nitong polo shirt dahil sa pawis at walang patid pa ang pagpupunas nito ng sarili. "Sorry Bhe, ang traffic kasi tapos siksikan pa," paghingi nito ng paumanhin habang kumakamot pa sa batok habang napapapungay ang mata sa kanya. Napakagat labi na lang siya sa nakakatuwang hitsura nito, hindi niya talaga mapigilan ang tuwa sa pagpapacute ng kasintahan sa kanya. "Saan tayo kakain?" agad niyang kapit sa braso nito, gusto niyang ipakita na hindi siya galit at naiintindihan niya ang nangyari . Ganoon naman ang paglapad ng ngiti ni Bobby dahil sa paglalambing niya, kaya agad siya nitong hinalikan sa noo. "Ikaw na bahala kung saan mo gusto kumain!" Iniangat pa nito ang dibdib at noo sa kanya. "Gusto ko doon sa Japanese restaurant!" napapalakpak na lang siya ng tumango ito ng pag-sang ayon. Matapos kumain ay naglibot pa sila sa mall, binilhan siya nito ng isang teddy bear at isang pares ng hikaw na silver sa isang sikat na tindahan, kaya ganoon na lang ang galak niya sa mga natanggap. "Bhe, saan na tayo?" mapanghalina niyang sambit sa binata habang nilalaro ang daliri sa dibdib nito. Handa na kasi siya para sa araw na iyon, sinigurado niya kanina sa CR bago sila umalis ng restaurant na maayos pa rin ang kanyang suot na lingerie at nagdampi na rin siya ng dagdag na pabango. Napangiti ito sa kanya bago tumingin sa relong nasa kaliwang kamay nito. "Pwede pa tayo humabol sa last full show nang gusto mong sine." Ganoon na lang ang pagningning ng mga mata ni Sheryll sa narinig. Nawala bigla sa kanyang isipan ang mga pinaghandaan at napalitan ng matinding pagkasabik at tuwa dahil naalala nito ang gusto niyang palabas. Nagtatawanan pa lang silang dalawa habang papatakbong tinungo ang sinehan. Binilhan pa siya nito ng popcorn at softdrinks bago sila tumungo sa loob, hindi niya mapigilan ang sobrang galak habang nakaupo at naghihintay sa pagsisimula ng sine, halos manginig pa siya sa tuwa nang mag-umpisa na ito, sobra niya kasing iniidolo ang mga artistang gumaganap doon, masasabing damang-dama niya ang panonood nito lalo na at madalang niyang magawa iyon. "Bhe, nakakaiyak no!" bulong niya sa kasintahan habang sumisinghot pa. Nilingon niya ito ng walang makuhang tugon at napanguso na lang nang makitang natutulog na pala ito, bigla siyang nakadama ng tampo dahil hindi pala ito nanonood. Hindi niya na lang ito inabala at pinilit na lang na mag enjoy sa panonood muli, ginising niya na lang ang lalake nang tapos na ang palabas. Niyugyog niya na lang ito kaagad nang wala ng masyadong tao sa naturang sinehan. "Huh?" pupungay-pungay pa si Bobby dala ng pagkagising, palinga-linga sa paligid, isang tipid na ngiti lang ang ibinaling nito sa kanya nang makitang nakasimangot siya. "Bhe sorry, pagod kasi ako at sumama rin ang pakiramdam ko," lambing nito sa kanya. Inirapan niya na lang ito bago tumayo. "Bhe sorry na!" muli nitong sambit, dali-dali itong humabol sa kanya at agad siya nitong inakbayan. Hindi niya ito nilingon pero hinayaan niya lang na nakapatong ang kamay nito sa kanyang balikat, may kung anong kilig pa rin naman siyang nararamdaman dahil sa ginagawa ng binata, kaya ayaw niyang magpakipot dito dahil na rin sa hindi pa natatapos ang araw nila. "Tara na!" Hatak ni Bobby. Walang angal naman siyang sumunod dito hanggang sa makalabas na sila ng mall, wala ng masyadong tao at kaunti na lang rin ang bukas na tindahan. Mabilisan ang naging pagkabgo ng kanyang dibdib nang pumara na ito ng taxi. Nakadama na siya ng kakaibang panlalamig sa pagkakataong iyon. Alam niya na ang susunod na mangyayari dahil na rin sa katotohanan na fx na ang pinakamahal nilang sinasakyan kapag umuuwi, kaya nakasisiguro siyang iyon na ang dahilan. Huminga siya ng malalim para pahinahunin ang sarili, kahit na pinaghandaan niya na iyon ay hindi niya akalain na ganoon ang madarama niya, halos nadidinig niya na ang matinding kabog ng dibdib niya lalo pa nang sumakay na sila, ngiting-ngiti si Bobby nang tumabi sa kanya, kaya parang gusto nang kumawala ng puso niya ng mga oras na iyon, pero dahil na rin sa naghanda na siya para dito ay lakas loob na lang siyang nanahimik sa pwesto. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD