MICHELLE's POV
Nanginginig pa rin ang buong sistema ko rahil sa nangyari kanina. Muntik na akong mabangga ng malaking delivery truck kung hindi agad nakapagpreno ang driver nito at kung hindi ako nailigtas ni Renz.
Si Renz.
Siya ang kauna-unahang lalaking gumawa ng bagay na iyon para sa akin. Sa buong buhay ko, sa sarili ko lang ako umaasa rahil maagang namayapa ang mga magulang ko. Kalaunan ay sumunod na nawala ang Lola Fely ko at naiwan akong mag-isa. Wala akong ibang inasahan kundi ang sarili ko. Kumayod ako para makapag-aral. At kahit High School lang ang natapos ko ay hindi ko hinayaang makahadlang iyon sa pag-asenso ko. Sa pagiging madiskarte ko ay na-hire akong secretary sa company na pagmamay-ari ng pamilya ng pinsan kong si Rannicia.
Lahat ng iyon ay sariling sikap ko. Walang tumulong sa akin para pagandahin at ayusin ang buhay ko. Kaya naman parang medyo gumaan ang pakiramdam ko kanina nang malaman at makita kong iniligtas ako ni Renz mula sa kapamahakan. Parang naramdaman kong special pa rin ako kahit papaano at may totoo pa ring nagmamalasakit para sa akin. Kahit sa previous boyfriends ko ay hindi ko naranasan iyon.
Malinaw pa rin sa isip ko ang nag-aalalang mukha ni Renz nang imulat ko ang aking mga mata. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang concern.
Renz: O-okay ka lang ba?
Na-realize kong nasa ibabaw pala ako ng katawan ni Renz. Isinanggalang niya ang kanyang katawan para hindi ako tumama sa semento ng pavement sa kalsadang iyon ng subdivision. Tumango ako kay Renz at unti-unting kumawala mula sa pagkakayakap niya at sabay kaming mabagal na tumayo. Pinagpagan namin ang aming mga damit.
Nilingon ko ang driver ng delivery truck na bumaba at lumapit sa amin. Itinanong nito kung kumusta kami ni Renz o kung may masakit ba sa amin. Pinakiramdaman namin ni Renz ang aming mga sarili. Wala namang masakit sa amin at tingin namin ay hindi naman kami nabalian ng buto. Nagalusan lang ng maliit ang siko ni Renz. Sinabi namin sa driver na wala itong dapat alalahanin. Kung tutuusin ay kasalanan ko rahil bigla akong tumawid ng kalsada nang hindi tumitingin kung may paparating na sasakyan. Nag-iwan ito ng contact number in case magkaroon ng problema sa mga susunod na araw.
Nang makaalis ang driver ng delivery truck ay mahigpit kong niyakap si Renz. Saka pa lang nagsi-sink in sa akin na muntik na akong mapahamak or worse, mamatay. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako sa balikat ni Renz at hinahaplos niya lang ang aking likod. Para akong hinihele ng yakap na iyon ni Renz.
Mga ilang sandali pa ay tumigil na ako sa pag-iyak. Naramdaman ko ang presensiya nina Ian, Rannicia, at baby Levi sa likuran ko. Saglit ko silang nakalimutan dahil sa nangyari. Bigla kong naalala na pangalan ni Ian ang tinawag ko bago ako mailigtas ni Renz kanina. Tiningnan ko si Ian. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito. Hinanap ko ang pag-aalala sa mukha nito, pero wala akong nakita.
Rannicia: Are you okay, Michelle?
Nilingon ko si Rannicia. Karga-karga nito si baby Levi. Bigla ay umahon ang galit sa dibdib ko. Kung binantayan nitong mabuti ang anak ay hindi siguro mabibitiwan ni baby Levi ang bola at hindi ko ito hahabulin. Hindi sana nanganib ang buhay ko.
Tama. Si Rannicia ang may kasalanan ng muntik kong pagkakaaksidente. Wala ng iba.
Bigla kong naalala ang disappointment na naramdaman ko nang mabungaran ang mukha ni Renz pagkamulat ko ng aking mga mata kanina. Si Ian ang tinawag ko, pero hindi ako nito iniligtas. Ang ibig sabihin ay wala akong halaga rito. Sa lahat ng mga ginawa kong pang-aakit dito at sa lahat ng mga pinagsaluhan naming bawal na sandali ay hindi pa rin ako nagiging mahalaga sa asawa ng pinsan ko. Ang ibig sabihin ay wala pang napapatunguhan ang paghihiganti ko.
Dahil mabagal ka, Michelle.
Gusto kong sabunutan ang sarili ko rahil sa inis at disappointment ko sa aking sarili, pero hindi ko gagawin iyon sa harap nina Ian, Renz, at Rannicia. Hindi iyon maganda sa mga plano ko.
Mabagal akong tumango kay Rannicia.
Michelle: O-okay lang ako, Rannicia. Sige na. Umalis na kayo ni Ian. Mag-enjoy kayo ni baby Levi.
Pigil na pigil ko ang aking sariling masampal ang nakakainis na pagmumukha ni Rannicia. Dahil dito ay muntik na akong mapahamak.
Hanggang sa nawala na sa paningin ko ang sasakyan ni Ian ay nanginginig pa rin ang sistema ko. Halo-halo ang dahilan. Ang muntik kong pagkaaksidente. Ang galit ko kay Rannicia. Ang disappointment ko sa aking sarili rahil mukhang walang pinapatunguhan ang ginagawa kong plano.
Pero parang may damdaming umuusbong sa puso ko na hindi ko mapangalanan. Isang damdaming hindi ko kailanman naramdaman sa mga rati kong nakarelasyon. Isang damdaming ang dahilan ay ang lalaking katabi ko ngayon.
Si Renz.
Bago ang damdaming ito sa akin at kahit may ideya na ako kung ano ito ay hindi ko ito rapat i-entertain. Sa isinasagawa kong plano, magiging kahinaan ko ito. At hindi ako pwedeng maging mahina ngayon.
Kailangan ko pang magantihan si Tita Melba.
Naramdaman ko ang paghawak ni Renz sa aking kamay. Parang may mga boltahe ng kuryente na kumalat sa buong sistema ko. Hindi ko napaghandaan iyon kaya binawi ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya. Napansin ko ang galos sa kanyang siko. Napagdesisyunan naming ipagpaliban muna ang date namin at in-offer kong gamutin ang galos niya sa siko sa loob ng kanyang bahay.
At ngayon nga ay kababalik ko lang dito sa bahay nina Ian at Rannicia mula sa bahay ni Renz. Nanginginig pa rin ang aking sistema rahil sa halo-halong emosyon. Pero isa lang ang mahalaga sa ngayon. Ang makapaghiganti. Saka ko na iisipin ang nararamdaman ko para kay Renz.
Kailangan kong baguhin ang ginagawa kong pang-aakit kay Ian. Siguro ay masyado akong agresibo. Hindi marahil comfortable sa akin si Ian dahil iniisip nitong hindi ako marunong mag-ingat. Na agresibo kong inaakit ang asawa ng pinsan ko sa mismong pamamahay pa nito. Kaya naman kahit may isang beses nang muntik na may mangyari sa amin ay nagagawa pa rin nito akong tanggihan sa aking advances ay dahil iniisip nitong reckless ako. Dagdag pa roon, ang panggagamit ko kay Renz para ipa-realize kay Ian na mahalaga na ako rito ay nag-backfire sa akin. Marahil ang iniisip nito ay pinaglalaruan ko silang dalawa ni Renz. Marahil ay iniisip nito na wala akong pakialam sa nararamdaman nito kaya rapat wala rin itong maging pakialam sa akin.
Tama. Iba rapat ang gawin kong pamamaraan. Kailangan ay maramdaman ni Ian na kung magkakagusto ako rito ay naroon pa rin ang pagpapahalaga ko sa marriage nito, lalo na at pinsan ko ang misis nito.
Isa lang ang paraan para mangyari iyon.
Sasabihin ko kay Ian na mahal ko na ito.
----------
THIRD PERSON POV
Lumipas ang limang araw na hindi nilapitan ni Michelle si Ian para akitin. Naninibago si Ian, pero nagpapasalamat ito rahil hindi nito alam kung kakayanin pang tumanggi kung sakaling akiting muli ng pinsan ng asawa. Pigil na pigil itong yakapin at halikan si Michelle sa tuwing nakikita sa loob ng kanilang bahay ni Rannicia. Hindi na rin masyadong nagsusuot ng mga eskandalosong kasuotan si Michelle.
Pero hindi maikakaila kay Ian na sa loob ng limang araw na lumipas ay ilang beses na nahuhuli nitong sumusulyap sa direksyon nito si Michelle. Kung dati ay sinasamantala ni Michelle ang bawat pagkakataong akitin si Ian, ngayon ay naroon ang hiya sa tuwing nahuhuli ni Ian ang mga matang nakasulyap dito.
At ngayon ay ang gabing sisimulan ni Michelle ang bagong taktika ng kanyang pang-aakit kay Ian.
Hindi na binuksan ni Ian ang ilaw sa kusina nang magising ito at maisipang uminom. Sanay na ito sa bawat kanto ng bahay. Umiinom ito nang may naramdamang yumakap na dalawang bisig sa baywang nito. Nagulat si Ian at mabilis na ibinaba sa ibabaw ng kitchen counter ang basong may laman pang tubig.
Ian: Michelle?
Tinanggal ni Ian ang pagkakayakap ng mga bisig ni Michelle sa baywang nito at hinarap ang babae.
Michelle: I-I'm sorry. Akala ko kaya ko.
Sa madilim na kusina ay hindi makita ni Ian ang mukha ni Michelle.
Ian: A-ano ang ibig mong sabihin, Michelle?
Ikinulong ni Michelle sa dalawang palad ang mukha ni Ian na ikinagulat ng lalaki.
Michelle: Ma-mahal na kita, Ian.
Damang-dama ni Ian ang init ng hininga ni Michelle sa mukha nito. Sa gulat sa ginawa at sinabi ni Michelle ay hindi agad nakagalaw si Ian.
Michelle: Si-sinubukan ko.
Malapit ang bibig ni Michelle sa bibig ni Ian habang nagsasalita siya, pero hindi naglalapat. Nagtatama ang mga hanging nagmumula sa kani-kanilang sistema. Nararamdaman na naman ni Ian na nagiging mahina ito pagdating kay Michelle. Pero wala namang ginagawa ang babae. Magkalapit lang ang kanilang mga labi, pero hindi naghahalikan.
Michelle: Si-sinubukan kong ibaling kay Renz, pero sa tuwing kasama ko siya, ikaw ang nasa isip ko. Sa tuwing hinahalikan ko siya, itong mga labi mo ang iniisip ko. Napakahirap, Ian. Asawa ka ng pinsan ko.
Damang-dama ni Ian na gusto nang tawirin ni Michelle ang pagitan ng mga labi nila. Halos dumidiretso na ang hangin na nagmumula kay Michelle sa loob ng bibig ni Ian at ang hininga ni Ian ay pumapaloob na sa bibig ni Michelle. Sa sobrang sensasyon ng halos pagdidikit ng mga labi ng dalawa ay napakapit na si Ian sa baywang ni Michelle na naging dahilan ng pag-ungol ni Michelle.
Darang na darang na sa isa't isa sina Michelle at Ian sa loob ng madilim na kusinang iyon habang walang kamalay-malay ang mahimbing na natutulog na si Rannicia sa nangyayaring tensyon sa pagitan ng asawa at pinsan nito.
----------
to be continued...