Chapter Four

2634 Words
HINDI mawala ang mga ngiti niya sa labi simula pa kaninang hapon. Paano nga ba siyang hindi sasaya? Kanina nang nasa mall siya ay narinig niya ang pamilyar na kanta. At ang mas nakakagulat, ang mismong babaeng laman ng isip niya ang nakita niyang tumutugtog. At aaminin niya sa kanyang sarili na kakaibang saya ang naramdaman niya. Tama ang komento ng isang nakapanood kay Chacha. Animo ito isang anghel habang nasa harap ng piano. Kaya't hindi niya napigilan ang sarili na lumapit dito at umupo sa tabi nito. At tila nagbukas ang pinto ng langit nang idilat nito ang mga mata at salubungin ang mga tingin niya. Nakita niya ang saya dito. Kung puwede lang na yakapin niya ito sa mga oras na iyon. Pero hindi na maaari. Hindi na sa kanya si Charease. "Naks!" Napapitlag pa siya nang bigla siyang tinapik ni Justin sa balikat ng malakas. "Pangiti-ngiti ka pa ngayon ha? Ano bang nangyari sa'yo at mukhang ang saya-saya mo?" tanong ni Ken. Umiling siya tapos ay ngumiti ulit. "Ano nga?" pangungulit pa ni Humphrey. "Have you seen an angel?" tila hibang niyang tanong. "Ano?" naguguluhang tanong ng mga ito ng sabay-sabay. "Ah... alam ko na ang sinasabi mo." Natatawang sabi ni Darrel. "Allie told me." "Yeah, I remember. Pamela told me as well. She also told me both of you still looked so in love." Sagot naman ni Roy. Napailing si Vanni. "Kung bakit ba naman kasi hindi mo na lang siya ligawan ulit." "Oo nga. Pinapahirapan n'yo lang ang mga sarili n'yo." Dagdag ni Jared. "Charease is a very beautiful woman, Pare. Kung talagang may nararamdaman ka pa sa kanya. Huwag ka nang mag-inarte diyan. Maraming manliligaw sa kanya." ani pa ni Leo. "Leo's right. Ayaw mo naman sigurong mawala siya ulit for the second time around." Sabi ni Darrel. "I can't," sagot niya. "What do you mean you can't?" tanong naman ni Justin. "Basta!" naguguluhang wika niya. "Ang gulo mong kausap, 'dong. Don't tell me you're dating somebody else?" panghuhula ni Vanni. Tumango siya. "'yun lang!" tila dismayadong sabi ni Ken. "Si Laurie ba ang sinasabi mo?" tanong ni Jared. Tumango siya ulit. "Pare, ano bang nagustuhan mo sa kanya? She's every man's woman. Lahat na lang yata kapag nagustuhan n'ya ay dine-date." Komento ni Roy. "I don't know," kibit-balikat lang siya. Hindi pa man siya nakakaisip ng matino nang biglang dumating doon sa Rio's ang main topic nila. Gusto yatang malaglag ng puso niya nang muli ay masilayan niya ang magandang ngiti nito. Kasama nito ang mga kaibigan nito. Hindi niya maiwasang pagmasdan ito. Nakasuot ito ng dilaw at hanggang tuhod na dress. Habang ang buhok nito ay sumusunod sa galaw ng ulo nito. "Look at her, Pare. She's has a face of an angel." Bulong sa kanya ni Humphrey. "Yeah. And a woman like her, hindi na dapat pang pinakakawalan." Bulong naman ni Jared sa kabilang tenga niya. "Lapitan mo na, dude." Ani Justin. "Oo nga," sang-ayon ni Ken habang bahagya siyang tinutulak. Huminga siya ng malalim bago tumayo at naglakad palapit sa dalaga. Hindi pa siya tuluyang nakakalapit nang bigla itong lumingon. Agad na ngumiti ito sa kanya. Wala sa loob na natutop niya ang kaliwang dibdib. Baka malaglag kasi ng tuluyan ang puso niya. "Hi," anito. "Kumusta?" tanong niya. "Okay lang," mahinhing sagot nito. "I heard malapit nang mag-bukas ang boutique mo. Congrats!" anito. "Thanks," wika nito. "Maganda siya." Dagdag nito. "Maganda? Ang alin? Sino?" naguguluhang sunod-sunod na tanong niya. "The girl with you at the mall, she's beautiful." Paglilinaw nito. Biglang sumulpot si Panyang sa likuran nito. "Excuse me, best. With all honesty, pasintabi lang sa'yo pinsan. Pero mas magandang 'di hamak ka naman doon." Anito. "Yeah, that's true." Napangiti ito. "You don't have to say that dahil lang kaharap mo ako." She said in polite way. "No. It's not that. Totoo lang ang sinabi ko." Sagot niya. Nakita niya nang mamula ang mga pisngi nito. Hindi niya napigilan ang sariling itaas ang isang kamay at dalhin iyon sa pisngi nito. Bahagya pa itong napapitlag nang hawakan niya at haplusin ito. "Hanggang ngayon pala ay nagba-blush ka pa rin." Bulong niya dito. "Lalo ka lang gumaganda." Mas lalo itong namula sa sinabi niya. "Thanks Archie," halos pabulong din na sagot nito. "Uy!!! Ang sweet nila!!!" sabay-sabay na tukso ng mga kaibigan nila. Nakalapit na pala ang mga ito nang hindi nila namamalayan. They were too engaged staring at each other. Napatungo siya at napailing. Hindi niya maiwasan na makaramdam ng hiya dahil para silang mga teenagers na animo'y nagliligawan. Habang hindi magkandatuto ang mga ito sa kakatukso sa kanila. Naagaw ang atensiyon nilang lahat nang malakas na tunog nang nagda-drums. Nang tingnan nila kung ano iyon ay isang grupo pala ng Ati-atihan. Pumasok ang isang bading sa loob at inabutan sila ng isang puting sobre. "Mga Papa, konting donation naman diyan. Sasayawan namin kayo," sabi nito. "May fire dance kayo?" narinig niyang tanong ni Chacha. "Oo naman, ate. Promise, mag-eenjoy kayo." Sagot nito habang umiindak sa tunog ng malaking drums. "Sige nga, impress us." Sagot niya. Tumili ang bading at tumakbo palabas. Nang magsimulang sumayaw ang mga ito ay lumabas sila ng Rio's at pinanood ang mga ito. Pati na ang mga dumadaan ay napahinto sa paglalakad at nanood. Si Panyang at Olay ay nakisayaw sa mga ito. TUWANG-TUWA si Charease habang nanonood ng Ati-atihan. Hindi niya napigilan ang sariling sumabay sa indak ng mga nagsasayaw. Nang hilahin siya ni Panyang at Olay para makisayaw ay nagpaunlak siya. Nakita niya nang lumapit si Dingdong sa nagda-drums at kinuha ang dalawang malaking pangpalo sa tambol. Ito ang tumugtog noon. Sa tuwina ay nakakatinginan sila. At bawat sulyap sa isa't isa ay isang maganda at magaan na ngiti ang ibinibigay nito sa kanya. Hindi niya makakalimutan nang bigla nitong hawakan ang pisngi niya kanina. Muli ay naalala niya ang mga panahong sila pa. Lagi nitong ginagawa iyon. Ang hawakan at haplusin ang mga pisngi niya kapag namumula iyon. And then he'll tell her how beautiful she was. Naramdaman niyang may humila sa kanya palayo sa mga nagsasayaw. Nang lumingon siya ay nakita niya ang mukha ng lalaking kani-kanina lang ay nasa isip niya. "Tumabi muna tayo. Magpa-fire dance na yata sila." Anito. Napa-wow siya nang magsimula ang fire dance ng mga ati-atihan. Nanghinayang siya dahil wala siyang dalang videocam. Masaya na siya sa mga ganitong bagay. Simpleng tao lang siya at inaamin niyang mababaw ang kaligayahan niya. At kahit lumaki siyang maalwan ang buhay. Hindi siya materyosang tao. Sabi nga ng ibang tao, sa Lolo daw niya siya nagmana. Hindi materyoso. Malayo sa mga magulang niya, lalo na sa Mommy niya. Ilang sandali pang nag-fire dance ang mga ito hanggang sa matapos. Nilagayan nila nang tig-iisang daang piso ang puting sobre na kanina'y inabot nito. Tuwang-tuwa ang mga bading nang makita ang halaga ng binigay nila. "Ang saya naman n'on." Komento ni Panyang. "Oo nga, napasayaw tuloy si Chacha ng wala sa oras." Ani Allie. "Kasi itong si Olay, hinila ako. Nakakahiya nga." Sabi niya. "Sus, umiral na naman ang pagiging mahiyain nito." Ani Olay. "Mabuti pa, kumain na lang tayo ng dinner. Alas-otso na pala." Ani naman ni Dingdong. "Tama, at nagugutom na rin ako. Dito na lang kayo kumain sa Rio's." si Vanni. "May discount, pare?" tanong ni Jared. "Wala," "Kuripot!" pang-aasar ni Humphrey. "Hihingi pa kayo ng discount eh, mga milyonaryo naman kayo," depensa nito. "Milyonaryo ka rin kaya." Singit naman ng isa. Napuno ang buong gabi nila ng masayang kuwentuhan at tawanan habang kumakain. Nakangiting pinagmasdan niya ang mga kaibigan. Hinding-hindi niya ipagpapalit ang masayang samahan nila sa kahit na ano pa man. Lihim niyang tinitigan ang lalaking nasa tabi niya. Si Dingdong. Hindi kailan man na siguro pa magbabago ang damdamin niya para dito. Mananatili na ito sa puso niya at wala nang makakapagpabago pa niyon. "AYOKO NA! Ayoko nang tigilan!" ani Panyang. "Best, baka gusto mong magtira?" sabi niya. Kagaya ng ipinangako niya kay Dingdong. Ipinag-bake niya ito ng paborito nitong cream puff. At nang ipinatikim niya ito kay Panyang, hayun na nga. Hindi na nito tinigilan. Naka-limang piraso na yata ito. Mabuti na lang at marami siyang binake. "Ang sarap talaga, hindi ko alam na may talento ka pala sa kusina. Akala ko, pagtugtog ng piano at paper works lang ang talent mo." Sabi pa nito. "Hmm... nambola ka pa." sagot niya. "Masarap nga. Ang kulit talaga nito. Teka nga, bakit ka nga ba nag-bake ng ganito kadami? Kanino mo ba ibibigay 'to?" nagtatakang tanong nito. Nakagat niya ang ibabang labi. Sigurado siyang tutuksuhin siya nito ng katakut-takot kapag nalaman nito na sa pinsan nito iyon ibibigay. Pero hindi pa siya nakakabuwelo ng sagot nang tila mahulaan na nito kung para kanino iyon. "Aha! Alam ko na! Ikaw ha..." tukso nito. "Shhh! Huwag kang maingay," saway niya dito. "Kayo na ba ulit?" usisa nito. "Hindi." "Weh? Maniwala ako sa'yo." "Promise! Hindi nga." Sagot niya, itinaas pa niya ang kanang kamay bilang patunay na nagsasabi siya ng totoo. "Eh bakit nag-bake ka ng ganito kadami para sa kanya?" Bumuntong-hininga siya saka isa-isang nilagay sa isang kahon na medium size ang cream puff. "Nangako ako sa kanya." simpleng niyang sagot. "And besides, favorite niya ito. Ipagpapalit niya ang kahit na anong pagkain. Basta may cream puff lang." "Naks naman oh. Alam na alam pa rin niya ang mga paborito ni pinsan." Ngiti lang ang sinagot niya dito. "Nasa office ba siya ngayon?" tanong niya. Tumango ito. "Doon pa rin ba sa dati?" Tumango ulit ito. "Okay lang kaya kung dadalhin ko sa kanya ito?" tanong na naman niya. "Oo naman. Sige na alis na." sagot naman ni Panyang. PARANG may mga dagang nagsisipagtakbuhan sa dibdib niya habang papalapit siya sa pinakamataas na palapag nang building na iyon. Hindi na nga mabilang kung ilang beses siya huminga ng malalim. Dati na siyang nagpupunta doon. Iyon ay noong sila pa ni Dingdong. Pero iba na ngayon. Wala na silang koneksiyon pa sa isa't isa. Ang totoo'y hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para kayanin niyang pumunta doon. Basta ang tanging alam niya ay nais niyang makita ito. Pagdating niya sa last floor ay agad na bumukas ang pinto ng elevator. Bumungad sa kanya ang malaking pangalan ng kumpanya nito. Ang DigiCom International. Ito ang nangungunang cellphone company sa bansa ngayon. Ang kumpanya nito ang number one developer ng mga latest cellphone models. Kung dati'y dito lang sa bansa naibebenta ang mga cellphone na gawa nito. Now, they are conquering the American market. Nakikipagsabayan na ito sa mga malalaki at sikat na cellphone brands sa ibang bansa. Malaki na rin ang ipinagbago ng DigiCom International simula nang huli niyang makita ito. Mas umunlad na iyon. Ginala niya ang mga mata sa buong palapag. Sinalubong siya ng magaan na ngiti ng sekretarya nito. "Good Morning Ma'am." Bati nito. "Hi, good morning." Ganting-bati din niya dito. "I'd like to ask if Mr. Santos is available today?" "Yes ma'am." Mabilis nitong sagot. "He's inside the office. May I know your name please?" tanong naman ng sekretarya nito. "It's Charease." Mahinhin niyang sagot. "Okay, do you mind if you'll wait for a second?" "Yes, go ahead." Agad na dinampot nito ang intercom at saglit na may kinausap doon. Ilang sandali pa nang muli siyang harapin nito. "Sige ma'am, pasok na po kayo." Anang sekretarya nito. "Thanks," Muli siyang huminga ng malalim bago hawakan ang seradura ng pinto ng pribadong opisina. Nang mabuksan niya ito ay nakangiting mukha ni Dingdong ang bumungad sa kanya. Bigla ay nawala ang lahat ng kaba niya sa dibdib. He looks so dashing on his office suit. Lihim na umarangkada ang t***k ng puso niya. "Akala ko nagbibiro ang sekretarya ko nang sinabi niya na nandito ka daw." Anito. Ngumiti siya. "I hope I didn't disturb you." sagot niya. "No. Not at all." Sinalubong siya nito sa gitna nang malawak na opisina nito. "So, anong maipaglilingkod ko sa'yo?" tanong nito. Umiling siya. "Wala naman. I just came for this." Sagot niya saka inabot ang paper bag na dala niya. Kunot-noong kinuha nito ang inabot niya. "Ano 'to?" "Iyong ipinangako ko sa'yo." "Dito tayo," iginaya siya nito sa isang sofa sa kanang bahagi ng opisina nito. Doon sila naupo. Agad naman nitong kinuha ang kahon sa loob ng paper bag. Nagliwanag ang mukha nito ng makita ang laman niyon. "Wow," usal nito. "Sana magustuhan mo." Aniya. "Did you really bake this?" tanong nito. "Yeah." Kumuha ito ng isa saka kinagat nito halos kalahati niyon. Tila ninamnam muna nito ng maigi ang nasa bibig. Bago sinubo ulit ang natirang hawak nitong cream puff. "Hmmm... ang sarap." Komento nito. "Salamat." "You should bake more often." Anito. Natawa siya dahil halos mapuno ang bibig nito habang nagsasalita. "Baka mabulunan ka," aniya. "Teka, kukuha ako ng tubig." Tumayo siya at dumiretso sa isang maliit na isa pang pinto sa tabi lang ng sofang inupuan nila. Iyon ang nagsisilbing maliit na pantry ng opisina nito. She knew dahil doon sila noon kumakain ng lunch. Binuksan niya ang personal ref nito. Tanging mga bottled water ang mga naroon at mga canned softdrinks. Wala halos pagkain o prutas man lang. Kumuha siya ng isang bottled water. Pagharap niya ay nagulat pa siya ng makitang nasa likuran na pala niya ito. "You never change, magugulatin ka pa rin." Anito. Napangiti siya. "Hindi ko namalayan na sumunod ka pala sa akin." Sabi niya. "Thank you for coming over," "You're Welcome." Lihim niyang nahigit ang hininga nang humakbang pa ito palapit sa kanya. Napaatras siya ng wala sa oras. Pero na-corner na siya nang mapasandal na siya sa pader. "Charease..." "Yes?" "Stop doing this," "What? Huwag na kitang dalhan ng cream puff?" "Hindi iyon." Sagot nito sa tila nahihirapang tinig. Itinukod nito ang dalawang kamay sa pader. Ngayon ay nasa gitna siya ng mga bisig nito. At anumang oras na kumilos siya ng mali ay magtatama sigurado ang mga labi nila. Halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha nila sa isa't isa. "What do you mean?" tanong ulit niya. "Stop this. Don't make me fall for you again." Pabulong na sagot nito. "Archie... I..." Lalo pang nilapit ng binata ang mukha nito sa kanya. He held her face gently at ipinagdikit nito ang mga noo nila. "Dahil kapag nahulog ako sa'yong muli. Baka hindi na kita pakawalan pa. At kahit na anong pagmamakaawa mo. Hinding-hindi na kita bibitawan pa. I'd already lose you once, and I can't afford to lose you again. Kaya hangga't may oras pa. Please... Huwag na natin pang pahirapan ang mga sarili natin. Layuan mo ako." Napapikit siya. Does it mean that he still loves her? Hinayaan niya ang sariling hawakan ang mukha nito. Just for once. Gusto niyang muli ay maramdaman na narito sa harap niya at halos yakap siya ng lalaking pinakamamahal niya. "No. Let's stay this way just for a moment, Archie." Naluluhang wika niya. "God! I missed you..." narinig niyang bulong nito. "I missed you too," sagot niya. Sa isang iglap ay nakulong siya sa mga bisig nito. Gumanti siya ng yakap. Bigla ay nakaramdam siya ng kapanatagan ng loob. Then, she felt secured. And happy. And contented. She felt like she's finally home. In the arms of the man that she loves. Kulang na lang ay sabihin nito na mahal pa rin siya nito. Bahagya pa siya nitong inilayo. Tinitigan siya nito. Hanggang sa unti-unting nilapit nito ang mukha sa kanya. Alam na niya ang susunod na mangyayari kaya inihanda na niya ang sarili. Daig pa niya ang lumutang sa hangin nang maglapat ang mga labi nila. Sa tagpong iyon tuluyan nang tumulo ang mga luha niya. Hindi niya akalain na muli niyang matitikman ang mga halik nito. Mararamdaman ang mga yakap nito. Then again, Charease fell in love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD