Chapter Five

2414 Words
CHAREASE is the most happiest girl. Hindi niya akalain na ang simpleng pagdala niya ng cream puff para sa binata ay mauuwi sa magandang tagpo. Sa wakas ay naiparamdam niya dito na mahal pa rin niya ito. Hindi man nila sinabi ang mga katagang iyon. Tama na siguro ang maiparamdam nila iyon sa isa't isa. Matapos ang madamdamin nilang pag-uusap nito sa pantry. Hindi na siya pinauwi nito. She stayed with him at the office hanggang sa matapos ito sa trabaho. Nang matapos ang opisina nito. They went out on a dinner. Sa isang restaurant na pag-aari ni Vanni siya dinala nito. At daig pa nila ang lahat ng teenager na in love sa sobrang pagka-sweet. Tila binawi nila ang mga panahon na nagkalayo sila sa isa't isa at nasayang. Charease glanced at her wristwatch. Alas-nuwebe na ng gabi. Dapat sa mga oras na ito ay inaantok na siya. Pero hindi na naman siya dalawin ng antok. Pero this time, hindi dahil sa kung ano pa man ang rason. Hindi siya makatulog sa sobrang saya. Mayamaya pa ay tumunog ang message alert tone ng cellphone niya. Galing kay Dingdong ang mensahe. And2 ako sa hrap ng bhay mo. Pwd kb lumabas? Ok. Be ryt der. Agad siyang tumayo sa kinahihigaang kama. Bago siya bumaba ay saglit siyang nagsuklay. Tinitigan muna niya ang sarili sa salamin. Naka-shorts naman siya at simpleng sleeveless. Okay na siguro ang suot niya. Pagbukas niya ng pinto ay naroon nga ang binata. Kagaya niya ay naka-pambahay na lang ito. "Anong ginagawa mo dito? Dapat natutulog ka na. May pasok ka pa bukas." Sabi niya. Lumapit ito sa kanya. Agad nitong kinuha ang mga kamay niya at kinulong iyon sa mga palad nito. "Hindi ako makatulog eh." Sagot nito. "Bakit naman?" "Na-miss kasi kita eh." Natawa siya. Pabiro niya itong tinulak palayo. "Bolero, kanina lang ay magkasama na tayo ah." "Hindi kita binobola. I really missed you." sabi nito. "Hindi lang dahil kanina. Na-missed kita nang nakaraan na isang taon mahigit na nawala ka." Anito. "Ako rin naman eh," usal niya. "Balikan na lang kasi!" napalingon sila sa biglang nagsalitang iyon. Si Humphrey habang sakay ng bisikleta. Napailing sila pareho habang tinatanaw ito. Angkas nito sa likod si Vanni. "Sige na, umuwi ka na. Matulog ka na at may trabaho ka pa bukas." Aniya kay Dingdong. "Hay... anu ba yan? Pinapaalis mo na agad ako?" "Archie, you're too old para magtampo." He smiled. Tapos ay niyakap siya nito. "Huwag ka nang mawawala pa ulit." "Hindi na. Pangako. Dito na lang ako sa tabi mo." Sagot niya. "Ayun oh!" Paglingon nila ay dumaan ulit sila Vanni. Ang naka-angkas naman sa likod nito ay si Ken. Sakay pa rin ito ng bisikleta. Natawa na lang siya. "Walang nagbago sa nararamdaman ko para sa'yo, Archie." Aniya. Hinintay niyang tumugon ito. Ngunit nanatili itong tahimik at nakayakap sa kanya. Bahagya siya nitong nilayo. Akma siya nitong hahalikan nang dumaan ulit ang bisikletang sinasakyan ni Vanni kanina. Ngayon naman ay si Jared ang sakay nito at nasa likod si Justin. "Halikan mo na kasi!" sigaw ng dalawa. "Ewan! Istorbo talaga kayo!" ganting sigaw nito. Narinig niyang nagtawanan ang mga ito. At isa-isang lumabas sa kung saan man nagtatago ang mga ito. Nagtatalunan at parang mga bata na nag-aapir pa. Pati siya ay natawa. "Sige na, umuwi ka na. Hindi ka titigilan ng mga 'yan." Wika niya. "Sige na nga." Napilitang sagot nito. "But I'll see you tomorrow." "Definitely," usal niya. Ngumiti ito sa kanya. At bago ito umalis ay muli siya nitong niyakap at kinintalan siya ng halik sa ulo. "Bye. Goodnight." Wika nito saka naglakad palayo. KUNOT-NOONG tiningnan niya isa-isa ang mga kaibigan niya. Naroon sila sa bagong bukas niyang boutique. Tatlong araw na simula nang mag-grand opening iyon. At base sa benta niya nitong mga nakaraang araw. Maganda ang tinatakbo ng negosyo niya. Sana lang ay magtuloy-tuloy iyon. Nabaling muli ang atensiyon niya sa mga kaibigan niyang nakapalibot sa kanya at ngayon at mataman siyang tinititigan. "Uhm... Can anybody tell me what's going on?" nagtatakang tanong niya. "Ah... wala naman. Pero mukhang may dapat ka yatang sabihin sa amin eh." Sagot ni Panyang. "Tama!" sang-ayon ni Madi. "Ano bang pinagsasabi n'yo?" inosenteng tanong niya ulit. "Ay sus! Kunyari walang alam." Ani naman ni Allie. "Wala talaga akong idea sa sinasabi n'yo. Ano ba 'yun?" Humalukipkip si Panyang sa harap niya. Saka dumukwang palapit sa kanya at tinitigan siyang mabuti. "Magsabi ka nga ng totoo sa akin, Best." "Anong totoo?" "Nagkabalikan na ba kayo ni Dingdong?" diretsong tanong ni Olay. Napipilan siya. Bigla ay hindi niya alam ang isasagot. Ngayon lang din rumehistro sa utak niya ang lahat. Ano nga ba sila ng binata matapos ang madamdaming tagpong iyon sa opisina nito? Matapos ang araw na iyon ay palagi na siyang niyayaya nitong lumabas. She can still remember. Sinabi niya dito na walang nagbabago sa nararamdaman niya para dito. Hinintay niya itong sumagot ngunit nanatili itong tahimik. At dahil nakayakap sa kanya ito ng mga panahong iyon. Hindi niya nakita ang naging reaksiyon ng mukha nito. "Oh? Bakit hindi ka na nakasagot?" tanong ni Allie. Umiling lang siya. "Ang ibig bang sabihin n'on ay wala kayong pormal na usapan na nagkabalikan na kayo?" hula ni Olay. Tumango naman siya. "Hay naku... Malabong usapan nga 'yon." Buntong-hininga ni Panyang. "Nagtanong ka ba?" tanong nito. "Hindi." "Bakla, dapat pa ba talaga itanong ni Chacha 'yun? Automatic na kay Dingdong dapat manggaling 'yun." Ani naman ni Olay kay Panyang. "Advice lang, Best. Kahit na pinsan ko 'yun. Mag-iingat ka pa rin. Natatandaan mo ba 'yung sinabi ko sa'yo noon? Sa kanya na mismo nanggaling na may dine-date na siyang iba." Seryosong paliwanag ni Panyang. "Oo nga. And pati 'yung babaeng biglang sumulpot sa kung saan doon sa mall. 'Di ba tinawag pa nga siyang 'honey' n'ong girl?" dagdag ni Madi. Isa-isa ay naalala niyang lahat ng sinabi ng mga ito. Oo nga pala. Nakalimutan niyang lahat iyon. Masyado siyang nadala sa presensiya ni Dingdong. Bigla ay nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso. May katwiran ang mga ito. Hindi dapat siya nagpadalusdalos sa mga kilos at sa mga desisyon niya. Namuo unti-unti ang mga luha niya sa mga mata. Kumurap-kurap siya para hindi tuluyang tumulo ang mga iyon. "Basta, guard your heart. Pag-aralan mo ring mabuti ang nararamdaman mo." Payo ni Allie sa kanya. "Yeah, Allie is right. Linawin mo na rin sa kanya kung ano ba talaga kayo at kung meron pa ba siyang dine-date na iba. Kaysa parang nangangapa ka sa dilim." Ani Madi. "Ako nang bahala sa pinsan ko. Mamatyagan ko 'yun." "Huwag ninyo akong alalahanin. Hindi rin naman ako umaasang kami na talaga. Hinayaan ko na lang ang sarili kong maging masaya kahit sandali lang." sagot niya. "Nandito lang kami, Charease." Nakangiting wika ni Panyang. "Lalo na ako. Kapag masyado ka nang nasasaktan. You know very well that you can approach me anytime." "Salamat," "Hay naku...Huwag na nga natin pag-usapan ang mga sad stories na 'yan. Ang mabuti pa paghandaan na natin ang Piyesta. Sa susunod na linggo na 'yun. Dapat may happenings tayo dito sa Tanangco." Pag-iiba ni Olay sa usapan. "Street Party kaya." Suhestiyon ni Madi. "Puwede. Tapos isarado natin ang Tanangco. Magpaalam lang tayo kay Kapitan." Sagot naman ni Allie. Nabaling na sa pagpaplano sa paparating na kapistahan ang usapan nila. Samantalang siya, kahit na panaka-naka ay nagsu-suhestiyon. Ang isip naman niya ay nanatili sa naging pag-uusap nila tungkol kay Dingdong. Hangga't kaya pa niya. Iiwas na muna siya sa binata habang hindi pa rin malinaw ang totoong nararamdaman nito para sa kanya. TATLONG ARAW bago ang kapistahan. Kabi-kabila na ang mga events sa lugar nila. Hindi lang sa Tanangco St., kung hindi maging sa buong Brgy. Buting. Siyempre, hindi puwedeng hindi sila maki-join. Kagaya ngayon, naroon silang lahat sa tapat ng Paraiso ni Olay Sari-Sari Store at inaabangan ang pagdaan ng isang mahabang parada bilang pag-celebrate ng Iwasiwas Festival. Kasama ito bilang paghahanda sa nalalapit na kapistahan ng patron ng Brgy. Buting na si San Guillermo. Nag-participate ang bawat kalye sa Barangay nila. Of course, hindi nagpahuli ang mga taga-Tanangco. Isang grupo ng mga kabataan ang lumapit sa kanila at nagpatulong. Nais ng mga ito na sumali sa Iwasiwas Festival, pero kulang daw sila ng budget para sa costumes. At dahil medyo nakakaangat naman sila sa buhay kahit na paano. Tinulungan nila ang mga ito. Galing sa henyong utak ni Olay. Ito ang nag-design ng mga sinuot ito. Damit na tahi sa panaling straw. At ang design sa labas ay mga straw din na ginawang maliliit na star. Pagkatapos ay tinahi iyon sa mga damit nito. Sinigurado ni Chacha na dala niya ang digicam niya para makuhanan ang mga magagandang kasuotan na kasali sa parada. Mabuti na lamang at naging abala siya nitong mga nakaraang araw. Kahit paano'y hindi niya masyadong naisip si Dingdong. Dahil iniwasan talaga niya ito nitong mga nakaraang araw. Ang kaso'y ngayon ay mukhang hindi niya maiiwasan ito. Dahil sa mga sandaling iyon, narito ang binata sa tabi niya. "Ang tagal naman," reklamo ni Panyang. Mayamaya pa ay narinig na nila ang isang putok ng kwitis sa itaas. Hudyat na nariyan na ang parada. Ilang saglit pa nga ay dumating na hinihintay nila. Ni-ready na ni Chacha ang digicam. Masayang-masaya silang lahat habang pinapanood ang kahabaan ng makulay na parada. Sumisigaw pa ang mga ito habang nagsasayaw sa gitna ng kalye. Lahat nang iyon ay nakuha niyang lahat sa digicam niya. Nang makalagpas na ang parada ay nagkanya-kanya silang punas ng pawis. At dahil tanghaling tapat, tumagtak ang pawis nilang pare-pareho. "Teka nga," biglang sabi ni Olay. "Bakit ba narito kayong mga Tanangco Boys. Hindi ba't ordinaryong araw ngayon? Dapat nasa opisina kayo ah." Sita nito sa mga kalalakihan. "Eh ano naman," sagot ni Darrel. "We owned our company. Puwede kaming hindi pumasok kung gusto namin." Depensa ni Justin. "Tama. And besides, ngayon lang kami hindi pumasok dahil we don't want to miss this event." Dagdag pa ni Dingdong. "Iyon lang! konti sinabi ko. Ang dami n'yong sinagot. Kalokah!" Sabi ni Olay. "Chacha, bakit namumula ka? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Jared. Sasagot na sana siya nang ang katabi niya ang sumagot para sa kanya. "Ganyan talaga 'yan, namumula ang balat kapag sobrang init ng panahon." Anito. "Nice naman. Talagang alam na alam mo pa rin, Pare." Tukso dito ni Vanni. "First love never dies," dagdag ni Ken. "Please stop, Archie." Saway niya dito. Maang siyang tiningnan nito. "What do you mean?" tanong nito. "Stop saying things about me na para bang kilala mo pa rin ako." Hinawakan siya nito sa braso saka pinihit para paharap dito. "What's this? Anong kinagagalit mo?" sunod-sunod na tanong ni Dingdong. Hindi siya kumibo. Pati ang mga kasama nila ay biglang natahimik. "Speak up, Charease. Ano ba talaga ang ibig mong sabihin? Napapansin ko nitong mga nakaraang araw na iniiwasan mo ako. I thought we're okay now." "Ano ba talaga ako sa'yo?" garalgal ang tinig na tanong niya. Hindi ito sumagot. Sa halip ay tinitigan lang siya. "What do you mean?" naguguluhang ni Dingdong. "I also thought we're okay." Tanging sagot niya. "Look, hindi ako manghuhula. Linawin mo nga ang lahat ng sinasabi mo." Napipikong wika nito. Sasagot pa lang siya nang biglang may pumaradang isang red na kotse sa tapat nila. Bumaba doon ang babaeng nakita nila sa mall noon. "Hi honey!" bati nito kay Dingdong pagkatapos ay niyakap pa ito ng babae. "There! Iyan mismo ang sinasabi ko sa'yo!" asik niya dito. "Wait, I can explain this." Ani Dingdong na pilit kumakawala sa pagkakayakap ng babae. "Huwag na, don't bother please. Maglolokohan lang tayo eh. Let's just both move on." Wika niya habang unti-unting namumuo ang mga luha niya. "Who is she?" maarteng tanong ng babae habang parang unggoy pa rin itong nakalambitin sa leeg ni Dingdong. Hindi niya inintindi ang tanong ng babae. Sa halip ay tumalikod na siya at naglakad pabalik ng Boutique niya. "Honey, sino ba ang babaeng 'yon?" tanong ulit nito. Hinintay niyang sumagot si Dingdong. Ngunit wala siyang narinig. "Best, hintayin mo ako!" habol ni Panyang sa kanya. "Hi cousin!" narinig niyang bati ng babae kay Panyang. "Hey! You! You go home and eat bahaw!" sigaw ng kaibigan. "Nanggugulo ka eh!" Narinig pa niyang nagtawanan ang ibang kaibigan niya. Hindi siya sa boutique tumuloy. Bagkus ay sa Hardin ni Panyang Flower Shop na pag-aari ng huli siya tumuloy. Pagdating doon ay saka niya binuhos ang lahat ng sama ng loob. Umiyak siya sa balikat ni Panyang. Tama pala ang mga kaibigan niya. May girlfriend na ito. Pakiramdam ni Charease ay pinaglaruan lang siya ni Dingdong. Ang akala niya ay sasaya na siyang muli. Ngunit nagkamali siya. Hindi na maaaring maging sila. Dahil may iba nang nagma-may ari ng puso nito. At inakala niyang siya iyon. Hindi niya lubusang masisi ang binata sa lahat. Dahil kung mayroon man may kasalanan ng lahat. Wala ng iba iyon kung hindi siya. Kung naging matatag lang sana siya noon. Hindi sana nagiging mahirap ang lahat ng ito. "DAMN IT!!!" galit na galit na wika ni Dingdong. Sa sobrang galit ay naibato niya ang hawak na canned beer. Pagkatapos nang komprontasyon nila ni Chacha kanina ay doon sila dumiretso ng barkada niya sa bahay nila. At si Laurie, pilit niyang pinauwi. Ngayon ay nasa hardin sila at nag-iinuman. "Relax, Pare." Awat sa kanya ni Roy. "How can I relax? Kung galit si Charease sa akin." Umakbay sa kanya si Roy saka siya pinaupo sa isang bakanteng silya. "Hayaan mo na lang muna siya. Masakit pa rin sa kanya ang mga nangyari." Ani naman ni Darrel. "Alam mo naman ang mga babae kapag nasasaktan." Dagdag ni Humphrey. "Bakit ba naman kasi pinagsabay mo 'yung dalawa?" tanong ni Ken. "Ang akala namin umiwas ka na kay Laurie." Si Jared. 6 "I did. Iniwasan ko na siya. I even talked to her and said, na wala akong nararamdaman sa kanya." paliwanag niya. "She's too clingy," ani ni Leo. "Palipasin mo muna ang sama ng loob ni Chacha, Pare." Payo ni Justin. "Yeah, then try to talk to her and explain." Si Vanni. "But she wouldn't listen to me." Sagot niya. "She will. Alam mo kung gaano siya ka-understanding. But for the meantime, hayaan mo na siya." Ani Roy. "And don't forget to get rid of that b***h," paalala ni Leo na ang tinutukoy ay si Laurie. "Tama na nga ang ganitong usapan." Wika ni Humphrey. "Uminom na lang tayo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD