First Love, First Heartbreak LABINTATLONG taon si Anje nang unang beses na may lalaking nagkalakas ng loob na sabihin sa kanya na may gusto ito sa kanya at gusto siya nitong ligawan. Sa mismong araw rin na iyon niya napagtanto na ang dahilan kung bakit palagi siyang naiinis kay Ted ay dahil may gusto siya rito. Ipinamukha iyon ng kaparehong lalaking nagsabi sa kanya na may gusto ito sa kanya. Naglalakad siya noon sa school grounds patungo sa building ng ate niya at ni Ted. Magkaklase ang mga ito.Wala silang extracurricular activities sa school nila kapag exam week kaya sabay-sabay silang uuwi nang araw na iyon. Palagi niyang pinupuntahan ang mga ito kaya kabisado na niya ang daan papunta sa classroom ng mga ito. Pero nang makarating siya sa classroom ng mga ito ay wala roon si Ted