MASAKIT na masakit ang ulo ni Anje. Napaungol siya nang marinig niya ang katok sa pinto ng kuwarto niya. Pinilit niyang dumilat kahit na pakiramdam niya ay namamaga ang mga mata niya. Hindi pa rin tumitigil ang katok. Bumangon siya at wala sa sariling binuksan ang pinto kahit na napapapikit pa siya. Wala siyang ibang gustong gawin kundi ang pahintuin ang pagkatok na iyon na nagpapasakit sa ulo niya para makatulog uli siya. “Anje, it’s already—” Bigla siyang nagising sa boses na iyon ni Ted. Tuluyan siyang napadilat at napatingala sa gulat na mukha nito. Nakaawang pa ang mga labi nito at napansin niyang hindi sa mukha niya ito nakatingin. Pagkatapos ay nakita niyang namula ang mukha nito. Nagtatakang niyuko niya ang sarili. Isang malakas na tili ang pinawalan niya nang mapagtanto niyan