Dreams and Affection KATATAPOS lamang ng piano lesson nina Ted at Eve at kasalukuyan itong kinakausap ng tutor nila. Nauhaw si Ted kaya lumabas siya ng music room upang magtungo sa kusina. Nang makarating siya roon ay nakita niyang may sinisilip sa backdoor si Nanay Ida at ang cook. Napakunot-noo siya. “What’s going on?” nagtatakang tanong niya sa mga ito. Agad na lumingon ang mga ito sa kanya. Lalo siyang nagtaka nang makita ang concern sa mukha ng mga ito. “Ted, mabuti at nandito ka,” bulong ni Nanay Ida. Sinenyasan siya nitong lumapit. Tahimik na lumapit siya sa mga ito. Nang malapit na siya sa backdoor ay nanlaki ang mga mata niya sa narinig niyang mahinang tunog mula sa labas. May umiiyak. “Si Anje `yon, ah,” agad na sabi niya. Labin-dalawang taong gulang na si Anje. K