LUMAWAK ang ngiti sa labi ni Nadja nang makita ang ferry boat na padaong sa pangpang ng dagat.
Dumating ang pinsan niyang si Londyn na isang International fashion model na lumaki sa Australia. Magbabakasyon ito sa resort nila ng isang linggo. Kalakip niyon ang pagpili nito ng lokasyon para sa isasagawang pictorial magazine launch ng management nito.
Mula sa cottage ay tinakbo ni Nadja ang pangpang upang salubungin ang mga ito.
Ang maliliit na butil ng white sand na dumidikit sa talampakan niya’y sumasabay sa agos ng kanyang mga yapak. Gayundin ang maalon-alon na mahabang buhok at laylayan ng puting bestida na magaang nililipad ng sariwang hangin.
“Nadja!” tiling banggit ni Londyn sa pangalan niya. Nang makababa ito sa ferry boat ay agad nilang sinalubong ang isa’t isa ng mahigpit na yakap. Nagtagal sila sa ganoong posisyon. Ninamnam ang pagka-miss ng bawat isa. Mahigit isang buwan din na hindi sila nito nagkita, matapos ang libing ng kanyang ama.
“I miss you so much!”
“Ako rin,” she sweetly replied as they happily let go of each other.
“Kumusta ka na?”
Nagkibit-balikat siya. “Well, I was getting better and better at the times past.”
Simpatyang hinawakan ni Londyn ang balikat niya. “Natutuwa akong marinig yan sa ’yo, Couz.”
She smiled drily. Walang nais na gustong sabihin. Masakit sa simula na wala na pareho ang magulang niya, pero kailangan niya tanggapin ang reyalidad.
“I hope na makatulong ang pamimirmihan namin dito sa resort para kahit papaano ay maibsan ’yang nararamdaman mong lungkot.”
Her forehead suddenly furrowed.
“Namin? Akala ko ba sa susunod pang mga araw ang dating ng team mo at ikaw lang muna sa ngayon?”
“Yeah, they’ll arrive here after three days pa naman eh. Kaya may isinama na ‘ko papunta rito.”
“Who?” intriga niyang tanong. At bago pa nito nasagot ang tanong niya’y sinundan niya ang tingin nito.
The wind drift her away nang makita ang isang matangkad na bulto ng lalaki na pababa sa ferry boat. Ang ngiti niya sa labi ay unti-unting naglaho. Gayundin ang pagbagal ng pag-inog ng kanyang mundo habang sinusundan ng tingin ang lalaking papalapit sa kanila. Higit na nang dahan-dahang tinanggal nito ang nakaharang na sunglasses sa mga mata.
Oh god! He’s drop-dead gorgeous. A godly look indeed!
Lihim niyang sinuyod ng tingin ang lalaki. He was wearing khaki shorts and a Hawaiian shirt, na tatlong butones ang hindi naka-button. Yet, for all that, his lean athletic frame seemed to show no trace of superfluous flesh. And she thought, his clothes fitting him as well as they had ever done.
“Babe!” tawag ni Londyn sa lalaki na umagaw sa atensiyon niya.
Nawala ang pagdi-day dream ni Nadja nang makitang sinalubong ng pinsan ng yakap sa bewang ang lalaki, upang igiya para ipakilala sila sa isa't isa.
Naunang bumati ang guwapong binata sa kanya.
“Hi, my name is Rigo Sariego,” pormal na pagpapakilala nito kasabay ang muling pagsilay ng nakamamatay na ngiti.
Ang mga titig nito sa kanya ay tila tinutunaw siya sa iceberg. Malalim at nakakalusaw. Dahilan para makaramdam siya ng matinding bugso ng damdamin.
“Precious to meet you,” Inilahad ni Rigo ang kamay sa kanya.
Kaagad na parang sinusian ang dalaga sa likod at mabilis na tinanggap ang kamay ng lalaki.
“A-ako naman si Nadja, pinsan ni Londyn. Ikinagagalak ko rin na makilala ka, Mr. Sariego.” she stuttered. Nais pagalitan ang sarili sa pagiging pautal-utal. Ang mahalatang nawawala siya sa konsentrasyon ng pagsasalita ay sobrang nakakahiya sa parte niya.
Nang magdaop ang mga palad nila ay nabigla siya nang dinala nito iyon sa labi upang gawaran ng halik. Habang ang mga tingin ay hindi maalis-alis sa kanya.
Umawang ang labi niya. Her heart beats fast. His lips seem like a flame of fire sticking to her skin. Mahirap man paniwalaan pero nadadala siya nito sa ibang dimensyon sa tingin pa lang.
Nang maalalang nasa paligid si Londyn ay napasong tinanggal ni Nadja ang sariling kamay sa lalaki. Nang tapunan ito ng tingin ay amusement na ang nakita niya sa mata nito.
“It's Rigo, Nadja. Don’t call me by my last name. It’s very too odd and formal para sa isang tulad mong pinsan ng girlfriend ko. I feel like I was going to meet a business partner for that,” biro nito.
Natawa si Londyn.
Si Nadja ay pilit na natawa sa biro ng lalaki. “Pasensiya ka na, nasanay na kasi ako sa pagtawag ng ganoon sa mga guess rito.” aniya. Pagkatapos ay nahihiyang inaalis ang paningin dito. Naramdaman niya kaagad ang malakas na hangin na nagmumula sa lalaki. Kaagad siyang na-turn off.
“You have a very beautiful and timid cousin, Londyn,” si Rigo sa kasintahan habang ang mga mata ay hindi maalis sa kanya. Tila siya hinihigop niyon papunta rito.
Londyn’s face looked surprised. Hindi inaasahan na papupurihan ng nobyo ang pinsang si Nadja.
“Actually Babe, our mothers are both identical twins. Kaya hindi kataka-takang magandang dugo ang nanalaytay sa amin. It’s like Nadja and I are more sisters than cousins.” Ang kamay nito’y pumulupot sa braso ng nobyo at inihilig ang ulo doon habang kalmado sa nangyayari.
Tumikhim siya upang agawin ang atensiyon ng magkasintahan.
“Uhm, Halina na kayo sa loob. Marami akong inihandang pagkain sa pagdating ninyo,”
Umaliwalas ang mukha ni Londyn. “Oh really?”
She smiled and nodded. Nang tingnan niya ang lalaking si Rigo ay sinalubong nito ang mata niya.
Ngunit kagyat lamang at kaagad na iniwas ang paningin rito at piniling ibaling ang tingin sa ferry boat.
“S-si Manong Edgar na ang bahala sa pag-aayos ng bagahe niyo. Tayo na sa loob,” aya niya. Pagkatapos ay parang robot na nagpatiunang naglakad pabalik sa cottage.
Doon lang napakawalan ni Nadja ang kanina pang pinipigil na hininga nang makalayo sa magkasintahan. Gayunpaman, lumingon man siya sa likuran niya o’ hindi ay nararamdaman niya na may dalawang pares ng mga mata ang lihim na nakasunod sa kanya. At hangga’t sa maaari’y hindi niya gustong lingunin ito kung ayaw niyang pagsisihan ang mangyayari..
Napabuntonghininga na lang siya at nagtuloy-tuloy papasok sa loob ng kabahayan.