“WOW, this is incredible! And to think that you've made all of my favorite recipes, Nadja, is just too much. I can't believe you went through all this trouble for me. Thank you so much, this means a lot to me," namanghang wika ni Londyn nang makita ang mga pagkaing nakahain sa hapag.
Napangiti ang dalaga. Kasalukuyan siyang gumagawa ng pineapple juice sa kusina. Habang nasa dining area ang magkasintahang Rigo at Londyn.
“As might be expected. Hindi ko dapat kaligtaan ang mga paborito mong pagkain. Lalo na ang paella at dessert na ginipa na paborito mo.”
Ang ‘ginipa o ginipang’ na tinutukoy niya ay isa sa mga native delicacy ng mga northernmost Zambales. It is made of dried rice grains flavored with a sweet concoction taste. Bagay na bagay iyon gawing panghimagas o’ merienda.
“Naku, alam na alam mo talaga ang happy pill ko. Baka masira ang diet ko nito before pictorial.”
She smiled sweetly. Nagtapos si Nadja ng kursong ‘Culinary Arts’ kaya hindi maikakaila na marunong siyang magluto. It was just also her passion. Mula pa pagkabata ay laman na siya ng kusina nila. Namana ang angking galing sa pagluluto ng kanyang ama na isang chef.
Nang ganap na matimpla ang juice ay saka niya tinungo ang dining area. Inilapag ang dala sa mesa, bago tahimik na naupo kaharap ang magkasintahan. Hindi pinansin ang kakaibang tingin ng lalaking kasama nila sa hapag, na bawat paggalaw niya’y nakasunod ang tingin sa kanya. She wanted to be formal as much as she could.
Bago sila magsimulang kumain. Pinangunahan ni Londyn ang pagdarasal. Nasasabik na pumikit ang lahat. But seconds later, nakaramdaman si Nadja nang pagkailang sa kanyang paligid. Nararamdamang may mga matang nakatitig sa kanya.
Marahang iminulat niya ang mga mata at doon ay hindi siya nagkamali. Nasalubong niya ang itim na mga mata ni Rigo na nakatitig sa kanya.
She gasped in annoyance. Kaagad ang pagtahip ng dibdib sa pagkabigla. Kakaiba at nakakatunaw ang paraan ng pagtingin nito sa kanya.
What is he doing and staring at her like that?
Muli niyang ipinikit ang mga mata. And she was freaking trying to focus on Londyn’s prayers. Ayaw niyang magkasala sa diyos. But if she could and caught him again. Isinusumpa niya, mas gugustuhin na lang niya na kainin siya ng lupa sa kinalalagyan niya ngayon.
Nang matapos ang pagdarasal ay sabay silang nagsabing “Amen . . .”
Ngumiti siya at pinilit pairalin ang katinuan. Pagkatapos ay inanyayahan ang mga itong kumuha ng pagkain.
Inuna ni Londyn ang paboritong ginipa. “Wow, This is so flavorful! How can you cook all of this, my dear?” Londyn asked deliberately. Hindi pinansin ang pagiging masaganang pagkain nito.
Natawa si Nadja sa reaksyon ng pinsan. Exaggerated man pero natutuwa siya’t nagustuhan nito ang hinanda niya.
“Kahapon pa lang ay bumili na ‘ko ng mga ingredients na lulutuin. Gumising ng maaga para paghandaan kayo ng masasarap na pagkain. Nais kong mapaganda ang isang linggong pamimirmihan ninyo rito sa isla.” she humbly said as she shyly bends her head down when she saw that Rigo looked at her with interest. “By the way, how old are you?" he asked with a glint in his eyes, as she was about to meet his eyes.
“T-twenty-six,” she replied. Pagkatapos ay muling ibinalik ang atensiyon sa pagkain. Hindi gustong magtagal ang mga tingin ng binata sa kanya. Tila tinutunaw muli siya nito na parang yelo.
“Kung gayon, sa edad mong iyan ay maaari ka ng mag-asawa,” patay malisyang sagot nito at may idinagdag. “Ngunit, may napupusuan ka na ba o nobyo?”
Sa tanong na iyon ay parang nawala sa focus si Nadja. Ang pagkain niya sa pinggan ay natigil. She looked up straight into his eyes, and tightness came into her throat. Ang mga tingin nito’y siyang higit nagpapabilis nang kabog sa dibdib niya.
His eyes were very direct, cool, and hard as if he could see straight through her soul.
May ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa kanila. Nag-iisip kung ano ang maaaring isagot sa lalaki. Bakit ba pati personal na buhay tungkol sa kanya’y ganoon na lamang nito nais malaman? At pati pag-aasawa ay pinakikialaman pa nito? Kung tutuusin ay wala itong karapatan na tanungin at sabihan siya ng ganoon. Nakaramdam man ng inis ay pinigilan ng dalaga ang sariling mag-salita.
Ang katahimikan na bumalot sa dalawa ay binasag ni Londyn.
“Actually, she graduated culinary, Babe. Namana niya ang angking husay ng Dad niya sa pagluluto. And you're right, she's now at a point where she can get married if she wants. After all, she's the kind of woman that many men looking to settle down hope to find. But she was aloof and aggressive, kaya walang masiyadong suitor ang umaaligid.” wika nito na ikinatawa ng nobyo. Na naging dahilan upang mapanting ang kanyang tenga.
She cleared her throat. Pilit ang mukhang ngumiti.
“Mukhang nagkakamali ka yata sa mga sinasabi mo sa ’yong nobyo, Londyn. Sa katunayan niyan ay may napupusuan na akong lalaki.” she confidently said. Muntik nang mapangiwi sa huling sinabi sa kaalamang kabaliktaran naman niyon ang ibig niyang sabihin.
Londyn look surprised. “At sino naman ang masuwerteng lalaking ‘yan, couz?” she asked tentatively. Ngunit tunog ng dial tone ng cellphone ang pumutol sa babae.
Kinuha ni Londyn ang cellphone sa katabing bag at nagpaalam sa kanila upang sagutin ang tawag.
Naiwan si Nadja at Rigo sa hapag. Katahimikan ang namagitan sa kanila. Ni hindi gustong mag-angat ng tingin ng dalaga sa huli at baka isang pagkakamali ang magawa niya. Whether she admits it or not, the man in front of her is really intimidates her. May kung ano itong binubuhay sa kanya na hindi niya mabigyan ng pangalan.
“Masarap ang luto mo,”
“Masarap ba ang mga pagkain?”
Sabay nilang wika.
Nagsalubong ang kanilang mga tingin. Biglang napayuko sa hiya si Nadja. Si Rigo nama’y tahimik na natawa. Nasilip niya iyon kung kaya’t hindi niya na rin napigilang mapangiti.
“Ako na ang mauuna,” simula nito.
“Genuinely, nagugustuhan ko ang mga pagkaing nasa hapag. So far so good. Masasabi kong you’re a good cook, Nadja.” puri nito sa kanya.
Her cheeks turned red. Hindi maiwasang mapatulala sa mukha ng lalaki.
She secretly bit her lower lip. Hindi nais bigyan ng kahulugan ang sinabi nito. Ngumiti na lang siya at umusal ng pasasalamat.
“Isa kayo ni Londyn sa mga importanteng guest rito sa resort, kung kaya’t nais kong mapaganda ang bakasyon ninyo habang naririto kayo.”
“Mabuti naman kung ganoon. Well, I’ll assure you as well na magiging maganda at enjoyable ang pamimirmihan namin dito.”
Bahagyang napatango si Nadja at sinubukang ibaling ang atensiyon sa pagkain. Hindi gaanong pinansin ang ibig ipakahulugan ng lalaki.
At ano ba talaga ang nangyayari sa kanya? Hindi naman siya ganoon. Yung tipong bigla na lang bumibilis ang tíbok ng puso niya at lahat ng sabihin nito’y may ibig sabihin para sa kanya. Kung hindi naman ay nauutal siya kapag kausap ito na kailanma’y hindi niya pa nararanasan sa ibang tao.
She sighed, hindi niya kilala ang sarili sa mga oras na iyon. Tila siya dahon ng makahiya na kay bilis tumiklop.
Marahang iginilid ni Rigo ang plato. Isinandal ang dalawang matipunong braso sa lamesa at bahagyang yumukod sa dalaga.
“You’re giving me chills, Nadja. I wanna know more about you. Maraming nai-kwento sa akin si Londyn tungkol sa ‘yo,” pagtatapat nito.
Mula sa pagkain ay tumaas ang tingin niya sa lalaki. And she realize how close their face was.
Sa pagkakatuod nh dalaga ay dahan-dahang bumaba ang tingin ni Rigo sa mapulang labi niya. Akma itong yuyukod sa kanya upang hagkan siya sa labi nang bigla napatayo si Nadja sa kinauupuan. Ganoon rin ang ginawa ng binata.
“W-what are you doing?” sindak niyang tanong sa lalaki.
“No, what are you doing? I must be the one who’s asking you that,” he said in an amused tone.
“What are you talking about?”
“I am not being preceding this to you, but I know how to look at people. Lalo na kung may gusto ang isang babae sa ‘kin, Nadja.”
Napaawang ang bibig ng dalaga sa mga sinabi nito bagaman nawala at napalitan din ng pinatigas na mukha.
“How ironic! To tell you frankly, Mr. Sariego. Kailanma’y hindi ako nagkakagusto sa mga guest ko rito sa resort at lalong-lalo na sa isang aroganteng tulad mo! Wala sa bokabularyo ko ang maging bastos sa harap ng guest kaya hangga’t sa maaari ay huwag na huwag mo akong pag-isipan ng kakaiba. Hindi ako ganyan klaseng tao!” anas niya. Hindi mapigilang makadama ng inis sa lalaki. Her emotions are overflowing
Rigo smirked.
“Really?” tanong nito sa amused na tinig nang lapitan siya.
Ang mga tingin nila’y nanatiling magkahugpong. At nang wala na siyang mapag-atrasan ay na-corner siya ng lalaki sa pasimano.
She felt his hard body to hers. Tila siya napaso ng mainit na tubig nang mga oras na iyon. Naniningkit ang mga mata ni Rigo na tumitig sa kanya na tila binabasa siya.
“Malayong-malayo ang naikuwento sa akin ni Londyn na isang balyente at gracious raw ang pinsan niya. Hindi ko iyon nakikita sa ngayon sa ’yo, Nadja. I could see the soft and fragile Nadja Pastrana . . .” he whispered huskily. Then he devoured her face.
Sapat iyon para mailang at iiwas ng dalaga ang mukha rito. Lalo na’t nararamdaman niya ang mainit na hininga nitong dumadaiti sa pisngi at leeg niya—enough for her not to breathe properly.
Mula sa pasilyo ay narinig nila ang pabalik ba yabag ng mga paa ni Londyn sa kusina.
Sa sindak ni Nadja na maabutan sila ng ganoon ni Rigo ay buong lakas niyang tinulak ang binata palayo. Kasabay niyon ang pagpasok ng masayang babaeng si Londyn na biglang nawala nang madatnan sila sa ganoong sitwasyon.
Nagtataka ang mukhang tumingin ito sa kanila. “What’s going on here? Why are you two standing?"
Ang tingin ni Nadja kay Rigo ay ibinaling niya kay Londyn. Labis ang kabang naramdaman ng mga oras na iyon.
“A-ano, may insekto lang na nang istorbo sa pagkain namin ni Rigo kaya hinahanap namin at ayun pumasok dito sa ilalaim ng kabinet. Siguro, hahanapin ko na lang iyon mamaya para hulihin ang insekto para hindi nakakahiya.” palusot niya at nagpatuloy.
“But there’s nothing to worry about, Londyn. A-ako na ang bahala sa lahat. Mabuti at nagbalik ka na rin, dahil balak ko rin muna sanang iwan itong iyong nobyo. Aayusin ko pa kasi ang mga silid ninyo sa kabilang kuwarto. A-at siyempre ayaw ko rin naman maka-istorbo pa sa inyong dalawa.” mahabang pagpapaliwanag niya. Hindi alam kung kapani-paniwala ba ang kanyang mga pinagsasabi.
Ang mahalaga, hindi sila nadatnan ni Rigo sa tagpong hindi nito magugustuhan. At bago pa humaba ang pag-uusap ay wala ni anong salitang umalis ng kusina ang dalaga.
Naiwan ang magkasintahan sa hapag. Si Londyn ay naguguluhan na minuwestra ang kamay sa ere.
“What are she talking about, the insect?” harap nito sa nobyo.
Rigo sneered and shrugged his shoulders. Ang mga kamay ay ipinailalim sa suot na khaki short.
“Well, you heard what she said, right?”
Londyn made a face. Then she waved her hand to clear the topic.
“Ugh, whatever!” pagkatapos ay sumilay ang ngiti sa labi.
“But she’s really a wife material right, babe? Napaka-sipag niya at maalaga.” nakangiting baling ni Londyn sa kasintahan. Lumapit ito sa nobyo at hinila na bumalik sa hapag.
“Babe, you should try this escabeche. Isa ito sa mga pinaka the best na luto ni Nadja na ulam,” natutuwang litaniya ni Londyn. Kumuha ito ng pagkain at sinubo iyon sa guwapong nobyo.
“How was it?”
“Masarap.”
Lumapad ang ngiti sa mga labi ni Londyn.
“Hindi ko inaasahan na magugustuhan mo kaagad ang pinsan ko, Babe. Well, siguro mas mabuti na ang ganoon para walang problema at ma-enjoy pa natin ang seven days na pananatili rito.” natutuwang wika nito nang isandig ang ulo sa balikat ng nobyo.