TULOY-TULOY ang dalaga sa loob ng kabahayan ay ni hindi niya inabalang buksan ang switch ng ilaw hanggang makapasok siya sa loob ng kuwarto. Doon ay agad niyang ibinagsak ang sarili sa malambot na kama.
Marahas siya nagpakawala ng buntonghininga. Dis oras na siya ng gabi nakauwi. Dala ang nararamdamang pagod at panlulumo sa nabalitaan niya kanina sa condo ni Londyn, matapos ang paghaharap nila ni Rigo Sariego.
“Naku, Miss, hindi mo na sila naabutan. Kanina pang umaga umalis sina Ma’am Londyn,” sabi ng housekeeper na naglinis ng condo ni Londyn nang araw na iyon.
“Saan raw ho ang punta?” tanong niya sa ginang.
“Aba’y papuntang airport. Hindi ba sinabi sa iyo? Kahapon pa lang ay nag-iimpake na si Ma’am Londyn. At kaninang umaga ay nagmamadaling umalis dahil maiiwan na raw sila ng eroplano.”
Natigilan siya. Airport? Eroplano? Sila? Ang katawan niya’y nawalan ng lakas nang isa-isang mag-process iyon sa utak. Nang tanungin niya ang ginang kung sino ang kasama ng pinsan, nakatiyak siya na si Craig Davis ang tinutukoy nito, kahit na walang binanggit na anong pangalan at tanging mga katangian lang ng lalaki ang ilarawan.
Craig is a international fashion photography director. na gagawin nila ni Londyn. At tulad ng inaasahan niya noong una ay naging tutol din ito sa huli. He even warned them na maaaring magdulot iyon ng panganib sa kanilang magpinsan. Subalit, nang kontrahin iyon ni Londyn ay umiling lang ang lalaki at galit na umalis. At ewan niya ngayon kung bakit naiba ang ihip ng hangin at kasama pa ito ng pinsan niya sa pag-alis ng bansa.
“A-anong oras ho sila pumunta ng airport?”
“Kanina pang alas-nuebe. Tatlong oras na ang nakalilipas.”
Oh god no! Ang mukha niya’y higit nawalan ng kulay. Naliyo at muntik mawalan ng panimbang kung hindi kaagad umalalay sa kanya ang Ginang.
“Ayos ka lang ba, hija?”
Tumango siya at inayos ang sarili. “A-alam niyo ba ang dahilan kung bakit sila umalis ng Pilipinas?”
Sandaling may inaalala sa isip ang Ginang bago sumagot. “Hindi ko naman ugaling maging marites ano. Pero base sa pagkakarinig ko sa pinag-uusapan nila kanina bago umalis ay magpapakasal na si Ma’am Londyn at ang lalaking kasama niya sa Australia.” salaysay nito bago nagpaalaam buhat sa may trabaho pa itong gagawin. naiwang nagigimbal at nanghihina ang dalaga sa mahabang pasilyo ng condominium.
Confusion and betrayal were on her face. Bakit wala siyang alam sa binabalak ng pinsan? Higit pa rito, bakit magpapakasal si Londyn kay Craig? Lalong magiging komplikado ang lahat kapag nalaman ni Rigo ang pagpapakasal ng mga ito. Malaking eskandalo iyon.
Bumangon si Nadja mula sa pagkakahiga sa kama upang kunin ang cellphone sa bag sa ibabaw ng side table.
Nag-iwan siya ng voicemail sa pinsan. Batid niyang sinadyang pâtayin ni Londyn ang cellphone para hindi niya ito ma-contact. Na kahit maging si Craig ay ganoon din.
Humigpit ang hawak niya sa cellphone. Kung nagawang gawin ng pinsan niya ang panloloko kay Rigo ay hindi rin malabong gawin rin nito iyon sa kanya. Buhat sa kagustuhang makuha ang beach resort ay nagpasilaw siya sa pera.
Nanghihinang ibinagsak niya ang katawan sa kama. Frustrated na sinapo ang noo habang blangkong nakatitig sa kisame. May ilang sandaling ganoon siya, kung saan naroon ang maraming katanungan kay Londyn. Hindi niya mapapatawad ang ginawa ng dalawa sa kanya.
Napatingin siya sa orasan sa dingding. Alas diyes bente-otso na ng gabi. Bukod sa hindi pa nakakain ng hapunan at tanging cheeseburger at milk tea lang ang kinain sa biyahe ay nakadagdag pa iyon sa inis niya. Kahit gutom na at hindi pa nakakain ng hapunan, hindi siya naengganyo na kumain.
She sighed drastically. Unang araw pa lang niya sa pagpapanggap ay hindi na niya kaya ang mga nangyayari. Paano na lang sa susunod pang mga araw na ipagpapatuloy niya ang kanyang pagganap?
Madre mia! Maisip lang ang tungkol doon ay malaking parte na sa kanyang sistema ang pagbalot ng takot at kaba.
Napansin niya ang malaking pagbabago sa ugali ni Rigo mula noong huling pagkikita nila. He was blind but wasn’t a fool. Tiyak na kakagatin niya ang sariling siko kapag nalaman nito ang ginawang kahangalan nilang dalawa ni Londyn.
Bumalik tanaw siya sa nangyari kaninang umaga kasama si Rigo. Kung paano niya tinugon ang halik at haplos nito ay hindi niya alam.
Sa katunayan, dapat ay nahuli na siya ni Rigo at nagalit sa kanya. Pero sa halip ay parang natunaw siya sa mga bisig nito sa paghalik.
She hardly shook her head at the thought. Hindi dapat siya nag-iisip ng ganoon! At higit sa lahat, she must not be fantasized him! Pero hindi mapigilan na tumaas ang traydor niyang kamay tungo sa kanyang labi. Ang mainit at mapusok na halik ni Rigo kanina ay tila sumiklab muli sa kanyang isipan. Para bang kahit ngayon ay maaari pa rin niyang maramdaman ang lambot ng kanyang mga labi. Sa pakiramdam na iyon, para siyang nakalutang sa alapaap.
She closed her eyes and her hand slowly went down to the hollow of her neck. Napalunok sa kaalamang maaaring mawala siya sa kaisipan sa mga halik ni Rigo kung hindi pa ito mismo ang humiwalay sa kanya. Ang bawat dampi ng labi nito ay nagpapahina sa kanya upang magparaya. At hindi niya lubos isipin na kakaiba ang naidudulot niyon sa kanyang kaibuturan.
Natigil ang pagpapantasya ni Nadja nang imulat niya ang mga mata. Pagkatapos ay matagal na tumitig sa kisame. Inaalala ang lalaking si Rigo noong mga unang beses niya itong nakilala.