PASADO alas-diyes nang gabi ay nagtungo sa itaas ng cottage ang dalaga. Dalawang gabi na siyang hindi makatulog ng maayos dahil bumabagabag pa rin sa isip niya ang nangyari kamakailan sa pagitan nila ni Rigo.
She despises seeing the man or talking with him. Lalo na kapag napag-iisa silang dalawa nito, habang si Londyn ay lumalayo sa tuwing may kausap ito sa kabilang linya. Since then, she has been keeping her distance from him.
But what on earth happened to her? Niyanig ng isang Rigo Sariego ang nanahimik niyang mundo. Sa sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib tuwing nakikita ang lalaki ay naiinis na rin siya pati sa kanyang sarili. Getting to know him was a huge astonishment and ungracious for her. Lingid sa kaalaman na saksakan ng pagka-antipatiko at arogante ang pag-uugali nito.
She let out a deep breath to dispel her thoughts.
Hawak ang tasa na naglalaman ng mainit na gatas ay itinukod ni Nadja ang dalawang braso sa railing ng barandilya. Tanaw niya ang malawak at madilim na karagatan, habang tanglaw ang liwanag ng buwan sa kalangitan. Naroon siya upang humagilap ng sariwang hangin. Kalakip sa suot na manipis na roba ay hindi niya alintana ang lamig.
Humigop siya ng gatas sa tasa at naipikit ang mga mata. Nanuot ang mainit na likidong dumaloy sa kanyang lalamunan pababa, habang naririnig ang paghampas ng alon sa dalampasigan at ang huni ng mga insekto sa gabi.
“It’s cold and dark here, Nadja,”
The baritone voice on her back startled her. Kung hindi niya natutop ang bibig ay napasigaw siya sa gulat, at tiyak na mabibitawan niya ang tasa na hawak. Hindi inaasahang may gising pa sa mga oras na iyon.
“I didn’t mean to startled you,” hingi nitong paumanhin. Bagaman may dumaang kislap sa mga mata ng lalaki.
“What are you doing here? You might catch up a pneumonia. Manipis na damit lang ang suot mo,” Lumapit ito sa tabi niya at tinanaw din ang madilim na karagatan. Naamoy niya ang mabangong halimuyak na nagmumula sa lalaki. Bagong ligo ito kaya amoy niya ang fresh body wash sa katawan nito. Nakasuot ito ng itim na sando at sweatpants. Samantalang ang buhok ay magulo at basa.
Nadja felt a sudden warmth spread through her. Pakiramdam niya’y uminit bigla ang paligid kahit na malamig ang simoy ng hangin. Kung maaari lang hilingin sa bituin na nais niyang maglaho sa mga oras na iyon ay gagawin niya.
“A-ano’ng ginagawa mo rito?”
“Working,” he answered. His raven-black eyes flashed in the darkness as he looked at her deeply. “And please, don’t look at me like that as if you had seen a ghost.” he continued, trying to sound stern. “You’re giving me a hard time, you know?”
“A hard time?” she asked innocently. Bumakas sa mukha ang pag-alala na baka may kung anong masamang nararamdaman ito sa katawan.
“Never mind. I’m expecting some important calls from investors overseas. I’m hoping they’ll have some good news to share,” he replied, trying to sound optimistic.
Her forehead furrowed. “Nasa bakasyon ka habang nagtatrabaho? You supposed to be on leave.”
Natawa ang lalaki sa paiba-ibang reaksyon ng babae. He leaned his hands on the railing. “Nadja, I can always mix business with leisure. I’m a businessman, after all. Ang bawat oras na lumilipas ay mahalaga sa akin at sa aking malawak na negosyo. But I also understand the importance of building relationships and connections, which is why I am here with your cousin and you,” sagot nito at bumaling sa kanya. “How ’bout you? You never answered my question kung bakit gising ka pa ng mga ganitong oras?” his voice was deep and husky.
She shrugged. Hindi niya maaaring sabihin dito na hindi siya makatulog dahil naalala niya ang nangyari sa pagitan nila ng nagdaang araw. Dapat ay inis siya rito ngayon, pero bakit napakasimpleng mawala ang pakiramdam na iyon kapag kausap na niya ito?
“Hindi lang makatulog,”
“Insomnia?”
Umiling siya, kaagad ibinaling ang tingin sa mug na hawak. She didn’t want to look at him for long. Para itong laser na tinutunaw ang pagkatao niya sa klase ng titig nito.
“May mga oras lang na nais kong mag-reminisce ng masasayang alaala na nangyari sa buhay ko,”
“And what are those? Care to share?” he was intrigued. Bahagyang ikiniling ang ulo tungo sa kanya.
Hindi naiwasang salubungin niya ang mga mata ng guwapong lalaki, pagkuway inalis rin at itinutok sa ibayo ang paningin. Nararamdaman ang pag-init ng magkabilang pisngi niya.
“You know what, you don’t have to care about my life. Hindi tayo close ano,” pagtataray niya. She really didn’t want to just get close to him. Kailangang mayroong pader pa rin siyang inilalagay sa sarili at sa mga lalaking nais na lumapit sa kanya. Kung hindi niya iyon gagawin ay malayang mapaglalaruan nito ang damdamin niya. Kung iyon man ginagawa ng lalaki? Then she will not let him to do that to herself.
Rigo smirked. “So kailangan pa lang maging close muna tayo bago mo sabihin?” Nabigla siya nang umusog ito palapit sa kanya. “Now we’re close.” mahina nitong saad. Ramdam niya ang mainit nitong hininga na dumampi sa kanyang tainga.
She shivered. Anong nararamdaman niya at bakit pati hininga ng lalaki ay kakaiba ang epekto sa kanya?
She turned to him and gave him a bitter smile. “Kung inaasahan mong sasabihin ko sa ‘yo ang mga naiisip ko? Pasensiya ka na ha. Sadyang may mga bagay dito sa mundo na hindi pwedeng ibahagi sa iba.” aniya at dumistansya rito. “At sige, maiwan na kita. Babalik na ‘ko sa silid ko, sumumpong na ang antok sa akin eh.” pagpapaalam niya. Pagkatapos ay pekeng humikab sa harapan nito at talikuran ang lalaki nang pigilan siya nito sa braso.
Napapikit ng mariin si Nadja. Gusto na niyang umiwas rito kaysa hayaan ang sariling mapalapit sa binata. Ano man ang nararamdaman niya’y hindi na mahalaga pa.
“Sandali,” bahagyang hinarap siya ng lalaki. Ngunit nang tangkang hilahin niya ang kamay mula rito ay hinigpitan nito ang hawak sa kanya.
“Bitiwan mo ako.” utos niya subalit hindi siya sinunod ng lalaki bagkus tinanong siya kung may problema ba sa kanya.
“Walang problema sa pagitan natin. Nais ko ng bumalik sa aking silid.”
“If you aren’t truly dodging me then say that right in front of me. Don’t be such a boorish, Nadja.” anas nito.
Like a slow motion, she turned calmly to meet his gaze. He was like a pirate. Sa bahagyang liwanag sa poste ay nakita niya ang anyo nito. His eyes were more black than usual, as sensual and mysterious as a midnight sea. Isang hakbang ang ginawa ni Rigo at halos nadikit na siya dito. Sa pagkabigla ay nakulong siya roon.
Itinukod niya ang mga kamay sa dibdib ng binata. Tinulak ito upang bigyan ang sarili ng kaunting distansiya mula rito. Subalit para siyang nagpipilit na itulak ang isang gravel truck na naglalaman ng mga semento at grava.
“Hindi kita iniiwasan. At hindi ko nanaisin na ginaganito mo ako.”
“Ano ba ang ikina-aalala mo? I just wanted to make friends with you. Is there a problem with that?”
“Nothing,” she answered sparingly.
“Then what?”
Sinalubong niya ang mata ng lalaki. “Hindi mo na kailangan pang malaman, Mister.”
“But I need to know. At saka, diyan na naman ba tayo sa kaka-Mister mo sa ‘kin?”
“Bakit? Hindi naman siguro kabawasan sa pagkalalakí mo ang pagtawag ko sa huling pangalan mo hindi ba?” she said in a little bit sarcastic upang alisin ang seksuwal na tensiyon sa pagitan nila ng binata.
“Yeah, you’re absolutely right. But somehow, I adore it in some ways.” he said with amusement in his lips. Ang akmang pagyuko ni Rigo upang angkinin ang mga labi niya’y natigil. His eyes surveyed her face. For the first time in his life, sandali itong nalito mula sa sinabi ng isang babae.
“Don’t play hard to get Nadja. Pare-pareho lang ang mga babae. Nagmamatigas sa labas ng katauhan nila hiding their true desires behind a mask of strength and independence. But the truth is,” Nilapit pa nito ang katawan sa kanya. His voice was low and intense, “They crave to be approached, to be desired, to be cherished in bed.”
Agad ang pagsalimbayan ng inis sa mukha ng dalaga. Buong lakas niyang itinulak ang binata at sinampal sa pisngi. “Bastos! Ano’ng tingin mo sa mga babae? Isang laruan at parausan? Kung ang ibang babae at ang pinsan ko ay nadadala mo diyan sa pagiging gwapo at matatamis mong mga salita. Puwes, hindi ako! Hinding-hindi ako magkakagusto sa isang katulad mong bastos at isang aroganteng halimaw na nagkatawang tao!” aniya sa matapang na mukha. Pagkatapos sabihin iyon ay tinalikuran na niya ang lalaki. Mabilis siyang umalis sa kinaroroonan nito. Hindi na lang sana niya ito kinausap kung lalo lamang siya maiinis sa lalaki.
Mag-isang naiwan si Rigo. Hinawakan ang pisnging sinampal ng babae at natawa na lamang sa sarili habang may paghangang sinusundan ng tingin ang dalaga sa ipinakitang katapangan nito.