ALAS-SAIS y medya ng umaga ay kasalukuyang nagkakape si Nadja sa balkonahe, habang tinatanaw ang pagsikat ng haring araw sa silangan. Nang biglang dumating ang isang panauhin. Bumaba siya’t sinalubong ito.
“Isang magandang pinagpalang araw sa ‘yo, Mujer! Naku, na-miss kita ng sobra!” tiling sambit ng kaibigang si Diego nang makita siya sa wakas. Nadja smiled sweetly. Sinalubong niya ito ng yakap.
“Magandang umaga rin, Diego,” nakipag-beso siya ng ilang beses sa pisngi nito. Na normal at malimit nilang gawin ng kaibigan sa tuwing nagkikita sila nito.
Halos magkasing-edad lamang sila ni Diego. Buwan lang ang tanda nito sa kanya na edad bente-sais. Bukod sa guwapo at malakas ang karisma sa mga kababaihan ay hindi ito ang mga tipo ng matalik na kaibigan. He was always attractive in men. Miyembro ito ng kapederasyon or L.G.B.T.Q
Naging kaibigan niya si Diego sa loob ng anim na taon dahil sa pareho sila ng kinuhang kurso noong kolehiyo. Maliban sa nakatutuwa itong kasama ay isa rin si Diego sa mga taong mapagkakatiwalaan niyang tao. Ito ang madalas na pumoprotekta sa kanya sa tuwing may mga lalaking umaaligid-aligid sa kanya sa loob o’ sa labas man ng universidad. Si Diego lagi ang nakakaharap ng mga taong nanliligaw sa kanya. Knowing na siya lang rin ang tao na nakakaalam sa tunay na pagkatao nito. Well, they share secrets and everything.
Nang pakawalan nila ang isa’t isa’y ipinagdikit nito ang bisig sa dibdib. He raised an eyebrow to her. “Anyway, stress ang bangs ko sa ’yo kagabi, bruha ka. Dahil sa hindi ka nga makausap ng matino at paputol-putol ang signal rito sa isla!” mataray na reklamo nito. Bagaman napalitan ng pagka-intiriga at maarteng iminuwestra ang abanikong pamaypay tungo kanya. “So, ano na ba ang chika?”
“Uhm, heto na nga, may malaki akong problemang kinakaharap.”
“What? Problema? as in problem?”
Hindi alam ni Nadja kung matatawa sa sinabi ng kaibigan o’ maiinis. Tila’y hindi na bago sa kanya ang bawat reaksyon nito. Ngunit wala siyang balak makipag-biruan.
Frustrated siyang napakamot sa ulo. “Mismo, at may hihingin sana akong pabor sa ’yo, Diego.”
“At ano na naman iyon, ha aber?” tanong nito nang lalo siyang tinaasan ng kilay at ngayo’y nakapamuwewang na.
Ang kulay pink na headband na suot ng kaibigan ay walang paalam na tinanggal ni Nadja sa ulo nito.
“Hey, that’s my chanel headband! Ibalik mo ’yan sa ’kin. Masisira ang beauty ko, ’day! Kung hindi sasabunutan kitang merlat ka!” tiling saway nito sa ginawa niya.
Hinarap niya ito. Isinuot ang headband sa ulo. “Sa ngayon, ako muna ang magsusuot nito. Dahil may bago ka muling misyon. Mag-transform ka na muna sa pagiging barako mo, please. Talagang kailangan ko lang sa ngayon ang tulong mo, Diego.” sumamong wika niya rito. She looked at him with a puffy eyes and pouted her lips. Begging him to give in.
“Wit! Hay naku Nadja. Retired na ako para diyan. At saka iyan na nga ba ang sinasabi ko eh. Bakit kasi hindi ka na lang mag nobyo o ’di kaya’y magpalit na lang tayo ng mukha nang sa gayon ay wala ng umaaligid na Fafa sa ‘yo. At sa akin na lahat ang atensiyon nila.” malanding wika nito.
“Hindi naman tayo magtatagal. At tsaka, alam ko naman na gusto mo rin ang ginagawa mo. Doon ka lang kaya nakakapag-chansing. Kaya sige na please. Isang linggo lang ang pananatili ng pinsan ko at ng nobyo niya rito sa resort.” sukat sa sinabi niyang iyon ay biglang napabaling ng tingin sa kanya si Diego.
“Ano’ng sabi mo? You mean si Londyn ay narito at kasama niya ang hunky boyfriend niya? Ang guwapo at kilalang bachelor businessman sa business world?” kumpirmang tanong nito. Diego’s eyes twinkled in surprise.
Naguguluhan man si Nadja sa pinagsasabi ng kaibigan ay tumango na lang siya bilang tugon dito. At hindi napigilan ni Diego na tumili ng malakas na siyang ikinabahala niya. “Shh! Shh! ano ba Diego!” anas niya sa kaibigan. Ngunit tila wala itong narinig at masaya ito sa mga nalaman.
“Oh my gosh! I wanna see him right now, Nadja. Nasaan na ang Fafa Rigo ko! Alam mo bang lagi ko siyang nakikita sa mga business magazines at interviews sa mga balita!” anito. At kasunod niyon ang walang katapusang tili. Ang hawak na pamaypay nito ay mabilis nito iyong ipinaypay sa sarili. Dahil doon, sinubukan na niyang takpan ang bibig ng kaibigan gamit ang mga palad. Para silang magkasintahang naghaharutan sa mata ng mga taong nakakakita sa kanila.
Mula sa pababang hagdan ay nadatnan sila sa ganoong sitwasyon ng magkasintahang Rigo at Londyn.
“Nadja?” singhap ni Londyn nang mapagsino ang dalawang taong sa tingin nito’y naghaharutan ng umagang iyon.
Natigil si Nadja sa pagtatakip niya sa bibig ni Diego. Sa ganoong kalagayan ay gulat silang napabaling ng kaibigan sa dalawang taong nasa harapan nila. Mula sa pagkakalapit nila ni Diego ay nabigyan ng malisya ang ginagawa nila sa mga matang nakatingin sa kanila ngayon.
Kaagad siyang kumuwala kay Diego. Inayos ang sarili. Si Diego nama’y nahihiyang napahagod sa batok.
Nauna at nahihiyang binati ni Nadja ang pinsang si Londyn at Rigo. “M-magandang umaga. Gising na pala kayo.” Hindi maitago ang pagkailang sa boses.
“That was. . .intimate, my dear cousin. Uhm, I mean, ang sweet niyong tingnang gayong napakaa-aga pa.” si Londyn na noon lang natauhan.
“Ah, eh. . .m-mali ang iniisip ninyo. At nakakahiya naman kung iisipin niyo na may ginagawa kaming hindi maganda. . .”
“No, normal lang yan sa magkasinthan na tulad niyo.” Nahimigan ni Nadja ang sarkasmo sa tinig ng lalaki. And she knew, he was looking at her when he said those word. And as much as possible she didn’t want to meet his gaze. Hindi niya alam subalit nahihiya siya na madatnan sila nito ng ganoon ni Diego.
Nonchalantly, he winced as she automatically tilted her head downward.
Lumipas ang sandaling katahimikan ay bruskong nagsalita si Diego. “Ehem, I agree. Normal lang talaga iyon sa magkasintahan tulad namin ng baby ko.” anito ng inakbayan siya.
“Baby?” ulit ni Rigo.
Tumango si Diego. “Yes, my darling baby, Nadja.” esplika nito. Pagkatapos ay lumapit ito sa binatang si Rigo upang makipag-kamay. “Anyway, ako nga pala si Diego Hidalgo, Pare. Boyfriend ni Nadja,” pagmamalaking wika nito. At dahil malandi ang bakla, pasimpleng dalawang palad ang ginamit na pakikipagdaop-palad sa binatang si Rigo. Pagkatapos ay isang beso naman ang binigay sa pisngi kay Londyn.
Nang pumihit ito'y kinikilig at napapakagat labi itong lumapit sa kanyang tabi.
Lihim niya itong pinanlisikan ng mga mata. Pagkatapos ay tila walang nangyaring ngumiti sa harap ni Londyn at Rigo.